Tayo ba ay Nag-iisa? (bahagi 2 ng 3): Sino si Shaytan?
Paglalarawanˇ: Si Satanas (Shaytan) ang dahilan ng pinaka naunang kasalanang nagawa at hanggang ngayon ay nag-uudyok sa mga tao upang magtambal, mang-api at lumabag.
- Ni Aisha Stacey (© 2011 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 10 Nov 2013
- Nag-print: 4
- Tumingin: 5,530 (araw-araw na pamantayan: 4)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Si Satanas (Shaytan) ba ay isa sa mga jinn (espiritu)?[1] Si Satanas, Shaytan, ang diyablo, Iblees, na kumakatawan sa kasamaan, ay kilala sa maraming katawagan. Ang mga Kristiyano ay karaniwang tinatawag siyang Satanas; sa mga Muslim siya ay kilala bilang Shaytan. Siya ay unang ipinakilala sa atin sa mga kuwentong paglikha kina Adan at Eba at kahit na marami sa mga tradisyon ng Kristiyano at Islam ay magkatulad mayroong ilang kapuna-punang pagkakaiba.
Ang kuwento tungkol kina Adan at Eba ay kilalang kilala at sa malalim na salaysay ng bersyon ng Islam na matatagpuan sa website na ito.[2] Ang Quran at ang mga tradisyon ng Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at mga pagpapala ng Diyos, ay parehong hindi nagpapahiwatig na dumating si Satanas kina Adan at Eba sa anyo ng ahas o serpiyente. Ni hindi nila ipinahihiwatig na si Eba ang mahina sa kanilang dalawa na siyang tumukso kay Adan upang suwayin ang Diyos. Ang katotohanan ay wala pang karanasan sina Adan at Eba sa mga pagbubulong at mga taktika ni Satanas at ang pakikipag-ugnayan nila sa kanya ay isang mahalagang aral para sa buong sangkatauhan.
Si Satanas ay nakaramdam ng inggit kay Adan at tumangging sundin ang utos ng Diyos na siya ay magpatirapa sa kanya. Sinabi ito sa atin ng Diyos sa Quran:
“Ang mga Anghel ay nagsipagpatirapa - silang lahat. Maliban kay Satanas, siya ay tumangging makibilang sa mga nagsipagpatirapa. Ang Diyos ay nagsabi: ‘O Satanas! Ano ang dahilan ng hindi mo pagpapatirapa kasama ng mga nagsipagpatirapa? ‘Si Satanas ay nagsabi: ‘Hindi ako kailanman magpapatirapa sa isang tao na nilikha Mo lamang mula sa tumutunog na luwad na nagbabagong anyong itim na putik.’ Ang Diyos ay nagsabi: ‘Kung gayon ikaw ay lumayas mula Rito (Paraiso) sapagka't katotohanan ikaw ay isinumpa. Katiyakan sumaiyo ang sumpa hanggang sa Araw ng Pagbangong muli.’” (Quran 15:30-35)
Si Satanas ay mapagmataas mula noon at siya ay mapagmataas hanggang ngayon. Ang kanyang pangako mula sa sandaling iyon ay ang maling gabay at linlangin si Adan, Eba at ang kanilang mga angkan. Nang siya ay pinaalis sa Paraiso, nangako si Satanas sa Diyos na kung siya ay pananatilihing buhay hanggang sa Araw ng Paghuhukom ay gagawin niya ang kanyang buong makakaya upang iligaw ang sangkatauhan. Si Satanas ay manlilinlang at tuso, subalit lubos niyang nauunawaan ang mga kahinaan ng mga tao; inaalam niya ang kanilang mga minamahal at mga hangarin at ginagamit ang lahat ng uri ng mga panglalansi at panlilinlang upang ilayo sila sa landas ng kabutihan. Sinimulan niyang gawing kaakit-akit ang kasalanan sa sangkatauhan at tinukso sila sa masasamang bagay at imoral na mga gawain.
“Ngayon, ay katiyakang napatunayan na ni Iblees (Satanas) ang kanyang inaakala laban sa kanila [nang anyayahan niya sila]; sila ay sumunod sa kanya maliban sa isang [matatag na] pangkat mula sa mga naniniwala.” (Quran 34:20)
Sa Arabe, ang salitang shaytan ay maaaring tumukoy sa anumang mapagmataas o walang galang na nilalang at ito ay iniaangkop sa partikular na nilalang dahil sa kanyang kawalang-hiyaan at paghihimagsik laban sa Diyos. Si Satanas (Shaytan) ay isang jinn, isang nilalang na kayang mag-isip, magdahilan at may kalayaang magpasiya. Siya ay puno ng kapighatian dahil nauunawaan niya ang buong kahulugan na pagkaitan sa awa ng Diyos. Si Satanas ay sumumpa hindi upang tumira sa kailaliman ng Impiyerno lamang; hangad niya na makasama ang maraming tao hanggang sa kanyang makakayanan.
“Si Satanas ay nagsabi: “Nakikita Mo ba ang isang ito na Iyong pinarangalan nang higit sa akin? Kung Iyong ipagpapaliban [ang aking kamatayan] hanggang sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, katiyakan na gagawin ko hanggang sa kanyang mga inapo-lahat liban sa ilan-na parang bulag na susunod sa akin." (Quran17:62)
Binalaan tayo ng Diyos laban sa poot ni Satanas sa buong Quran. Kaya niyang linlangin, iligaw at dayain ang mga tao nang may kagaanan. Kaya niyang gawin ang kasalanan na mukhang pintuang-daan patungo sa Paraiso at maliban na kung ang bawat tao ay hindi mag-iingat sila ay madaling malilinlang. Ang Diyos, na Makapangyarihan, ay nagsabi:
“O mga angkan ni Adan. Huwag ninyong hayaan na malinlang ni Satanas.” (Quran 7:27)
“Katiyakan, si Satanas ay isang kaaway para sa inyo, kaya siya ay inyong ituring bilang kaaway.” (Quran 35:6)
“At sinumang magturing kay Satanas bilang tagapangalaga o katulong sa halip na kay Allah, katiyakan na siya ay nakaranas ng hayag ng kawalan.” (Quran4:119)
Gaya ng tinalakay, ang pangunahing hangarin ni Satanas ay ang akayin ang mga tao palayo sa Paraiso, ngunit siya ay mayroon ding mga panandaliang mithiin. Sinisikap niyang akayin ang mga tao sa pagsamba sa diyus-diyosan at politeyismo. Hinihimok niya sila upang gumawa ng mga kasalanan at ng pagsuway. Tamang sabihin na ang bawat pagkilos nang pagsuway na kinamumuhian ng Diyos ay ikinalulugod ni Satanas, ikinalulugod niya ang imoralidad at kasalanan. Bumubulong siya sa mga tainga ng mga nagsisisampalataya, ginugulo niya ang panalangin at pag-alaala sa Diyos at pinupuno ang ating mga isipan sa mga bagay na walang halaga. Sinabi ni Ibn ul Qayyim, "Isa sa kaniyang mga pakana ay ang paggayuma sa isip ng mga tao hanggang sila ay malinlang, ginagawa niyang kaakit-akit sa isipan na kung saan ito ay makapipinsala".
Kung ginagamit ninyo ang inyong kayamanan sa pagkakawang-gawa, kaniyang sasambitin na kayo ay magiging mahirap, ang pangingibang-bayan alang-alang sa Diyos ay hahantong lamang sa kalumbayan, bulong niya. Naghahasik si Satanas ng kapootan sa pagitan ng mga tao, nagtatanim ng pagdududa sa isipan ng mga tao at nagiging sanhi ng hidwaan sa pagitan ng mag-asawa. Mayroon siyang malawak na karanasan sa larangan ng panlilinlang. Siya ay may mga bitag at mga tukso, ang kaniyang mga salita ay mahusay at kaakit-akit at siya ay may mga kawal na tumutulong sa sangkatauhan at jinn. Bagama't, tulad ng ating tinalakay sa nagdaang artikulo, may mga mananampalataya mula sa mga jinn, ngunit ang nakararami ay mga gumagawa ng kalokohan o gumagawa ng masasamang gawain. Sila'y may kusang-loob at maligaya na makasama si Satanas sa pananakot, panlilinlang at higit sa lahat ay upang wasakin ang mga tunay na naniniwala sa Diyos.
Sa susunod na artikulo tatalakayin natin kung saan nagtitipun-tipon ang mga jinn, paano malalaman ang kanilang mga tanda at kung paano mapoprotektahan ang ating mga sarili at ang ating mga pamilya mula sa kanilang kasamaan.
Magdagdag ng komento