Tayo ba ay Nag-iisa? (bahagi 3 ng 3 ): Ang Jinn ay umiiral kasama natin subalit nakabukod sa atin
Paglalarawanˇ: Kung saan naninirahan ang mga jinn at kung paano natin maprotektahan ang ating mga sarili mula sa kanila.
- Ni Aisha Stacey (© 2011 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 10 Nov 2013
- Nag-print: 5
- Tumingin: 5,448 (araw-araw na pamantayan: 4)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Hindi tayo nag-iisa! Ang pahayag na ito ay parang isang anunsyo sa isang pelikulang kathang-isip ng siyensya. Maaaring gayon lamang, subalit hindi. Tayo ay talagang hindi nag-iisa sa mundong ito. Tayo ay tiyak na mga nilalang ng Diyos subalit hindi lamang tayo ang nilalang Niya. Sa nakaraang dalawang artikulo natutunan natin ang napakalaking bagay na patungkol sa jinn. Ating natuklasan na sila ay nilikha ng Diyos, bago ang paglikha ng sangkatauhan, mula sa walang usok na ningas ng apoy. Atin ding natuklasan na ang jinn ay may lalaki at babae, mabuti at masama mananampalataya at di-mananampalataya.
Ang Jinn ay naninirahan sa ating mundo gayon pa man ay hiwalay sila rito. Ang Shaytan ay mula sa jinn at ang kanyang mga alagad ay kapwa mula sa mga jinn at sa sangkatauhan. Ngayon na nauunawaan natin na hindi tayo nag-iisa, kailangan nating alamin ang mga palatandaan na nagsasaad ng presensya ng mga jinn at malaman kung paano mapoprotektahan ang ating mga sarili mula sa kanilang panlilinlang at kasamaan.
“At katiyakan, Aming nilikha ang tao mula sa luwad na nagbabagong anyo na isang maitim na putik. At ang jinn, siya ay Aming nilikha noong una [bago pa likhain si Adan] mula sa walang usok na ningas ng Apoy.” (Quran 15:26-27)
“At hindi Ko nilikha ang jinn at tao maliban upang sila ay sumamba sa Akin [tanging sa Akin lamang].” (Quran 51:56)
Dahil ang mga jinn ay kabahagi nitong ating mundong, dapat nating malaman ang kanilang mga tirahan. Ang mga jinn ay mahilig magtipon-tipon ng maramihan, sa mga guho at mga lugar na may pagkasira at walang nakatira. Sila ay mahilig na magtipon sa mga lugar na marumi, tapunan ng basura at mga libingan. Ang mga jinn kung minsan ay nagtitipon-tipon sa mga lugar kung saan ito ay madali para sa kanila upang mag sanhi ng kasamaan at labanan, gaya ng lugar pamilihan.
Sa mga tradisyon ng Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at mga pagpapala ng Diyos, nalaman natin na ang ilan sa mga kasamahan ng Propeta Muhammad ay pinayuhan ang mga tao na huwag maunang pumasok o huling umalis sa palengke dahil ito ang lugar ng labanan ng mga diyablo at mapaggawa ng kasamaan.[1]
Kung ang Shaytan ay pinili ang tirahan ng isang tao bilang sarili nitong lugar ng pananatilihan, ibinigay sa atin ang "mga sandata" kung saan maaari nating paalisin ang mga ito mula sa mga tahanan. Kabilang dito ang pagsasabi ng Bismillah (magsisimula ako sa pangalan ng Diyos), palagiang pag-alala sa Diyos at pagbigkas ng anumang salita mula sa Quran lalo na ang ikalawa at ikatlong kabanata. Ang jinn ay lumalayo din tuwing maririnig nila ang adan (panawagan sa pagdarasal).
Ipinaliwanag ng Propeta Muhammad na ang mga jinn ay maramihan kung magtipon-tipon at nagsisikalat sa tuwing pagpatak ng dilim. Iniutos niya sa atin na panatilihing nasa loob ng tahanan ang ating mga anak sa dapit-hapon para sa kadahilanang ito. [2] Sinabi rin niya sa atin na ang mga jinn ay may mga hayop at ang pagkain para sa kanilang mga hayop ay ang dumi ng ating mga hayop.
Kung minsan, ang mga hayop na kabilang sa sangkatauhan ay may kaugnayan sa jinn. Halimbawa, marami sa mga jinn ang kayang magpalit anyo na ahas at ang Propeta Muhammad ay tinawag ang mga itim na aso bilang mga demonyo. Sinabi rin niya, "Huwag kang manalangin sa kulungan ng mga kamelyo dahil ang mga demonyo na nananahan doon.”[3] Iniuugnay niya ang mga kamelyo sa jinn dahil sa kanilang agresibong likas na katangian.
Maraming paraan para maprotektahan natin ang ating sarili at ang ating pamilya mula sa pinsalang dulot ng mga jinn. Ang pinakamahalaga ay bumaling sa Diyos at hangarin ang Kanyang proteksyon; ginagawa natin ito sa pagsunod sa mga salita ng Quran at mga turo ng Propeta Muhammad. Ang paghahanap ng kanlungan sa Diyos ay poprotekta sa atin mula sa mga jinn at demonyo. Dapat tayong magpakupkop sa Kanyang proteksyon kapag pumasok tayo sa banyo[4], kapag tayo ay nagagalit[5], bago ang pagtatalik[6], at pagpapahinga sa isang paglalakbay o naglalakbay sa isang lambak[7]. Mahalaga ring magpakupkop sa Diyos kapag nagbabasa ng Quran.
“Kaya kung nais mong bigkasin ang anumang talata sa Quran, ay humingi ka ng paglingap sa Diyos laban sa Shaytan (Satanas), ang isinumpa (o pinagkaitan ng Kanyang habag). Katotohanan! Siya ay walang kapangyarihan laban sa mga naniniwala at nagtitiwala sa kanilang Panginoon.” (Quran 16:98-99)
Ang pag-unawa sa katangian ng jinn ay ginagawang posible na maunawaan ang ilan sa kakaibang kababalaghan na nagaganap sa ating mundo ngayon. Ang mga tao ay nagiging mga manghuhula at espiritista upang makita ang hinaharap o ang hindi nalalaman. Ang mga lalaki at babae sa telebisyon at internet ay nag-aangkin na sila'y may kakayahang makipag-usap sa mga patay na tao at mga lihim at mahiwagang impormasyon. Itinuturo sa atin ng Islam na hindi ito posible. Ang mga manghuhula at mga astrologo ay nagsabi na maaari nilang mahulaan ang hinaharap at basahin ang personalidad sa pamamagitan ng pagkakahanay ng mga bituin at iba pang mga nasa langit. Itinuturo sa atin ng Islam na ito man ay hindi posible.
Gayunman, noong unang panahon ang mga jinn ay nagagawang umakyat sa kalangitan. Nang panahong iyon ay may kakayahan silang makinig ng usapan at malaman ang tungkol sa mga kaganapan bago ito mangyari. Noong panahon ng Propeta Muhammad ang proteksyon sa langit ay nadagdagan at nananatiling ganoon pa rin. Ang jinn ay wala nang kakayahan upang makinig sa mga usapan sa kaharian ng kalangitan.
“At katiyakan, aming tinangka [na abutin] ang kalangitan; nguni't ito ay aming natagpuang napaliligiran ng mga mababagsik na tagapagbantay at ng nagliliyab na apoy. At katotohanan, kami [noon] ay lagi nangakaupo roon na handa para sa pakikinig, nguni't sinumang makikinig ngayon ay makakikita ng isang nagliliyab na apoy na naghihintay sa kanya [upang tugisin]. At katotohanan, hindi namin nauunawaan kung kasamaan ang nilalayon nito para sa mga nasa mundo [kalupaan] o ang kanilang Panginoon ay naglalayon para sa kanila ng isang matuwid na landasin.” (Quran 72:8-10)
Ipinaliwanag ng Propeta Muhammad ang kahulugan ng mga talatang ito. "Pag nagtatalaga ang Diyos ng ilang bagay sa Langit, ang mga anghel ay ipinapagaspas ang kanilang mga pakpak sa pagsunod sa Kanyang pahayag, na katunog ng isang kadena na hinihila sa ibabaw ng bato. Sila (mga anghel) ay nagsasabi, ' Ano ang sinabi ng inyong Panginoon? Sila ay magsasabi, ‘Ang Katotohanan, At Siya ang Kataas-taasan, ang Dakila.’ (Quran 34.23) Pagkatapos yaong may narinig sa pamamagitan ng panakaw na pakikinig (i.e. ang mga diyablo o jinn) na magkakapatong ng kanyang mga kasamahan. Maaaring tamaan ng apoy at masunog ang nakarinig sa usapan bago niya maiparating ang balita sa sinumang nasa ibaba niya, o maaaring hindi siya abutan hanggang sa masabi niya ito sa isa na nasa ibaba niya, na babaling at magsasabi sa nasa baba niya, at magpapararating naman ito sa isang nasa ilalim niya, at magpapatuloy hanggang sa maiparating nila ang balita sa lupa.[8]
Ang mga jinn ay kayang kumuha ng isang butil ng katotohanan at haluan ito ng mga kasinungalingan upang guluhin at lituhin ang mga tao. Ang kakaibang kababalaghan bagama't nakakataranta at kung minsa'y nakakatakot ay hindi higit pa kaysa sa kasamaan na ginawa upang sirain ang mga tao palayo mula sa Diyos. Kung minsan ang mga jinn at may sademonyong tao ay nagtutulungan upang linlangin ang mga mananampalataya sa paggawa ng kasalanan ng shirk – pagtatambal sa Diyos.
Kung minsan dito sa kakaiba at kagila-gilalas na mundong ito tayo ay nahaharap sa mga pagsubok at paghihirap na kadalasan ay humihila sa atin pababa. Ang pagharap sa mga masasamang gawain at masamang hangarin ng jinn ay tila mas malaking pagsubok. Gayunpaman nakakapanatag na malaman na ang Diyos ay ang pinagmumulan ng lahat ng lakas at kapangyarihan at walang mangyayari kung wala ang Kanyang kapahintulutan.
Sinabi sa atin ng Propeta Muhammad na ang pinakamagandang mga salita kung saan tayo ay magpapakupkop sa proteksyon ng Diyos mula sa kasamaan ng sangkatauhan at sa jinn ay ang huling tatlong kabanata ng Quran. Maaaring may mga panahon na ating haharapin ang kasamaang ginagawa ng jinn ngunit ang Diyos ang ating ligtas na kanlungan, na ang pagbaling sa Kanya ang ating kaligtasan. Walang proteksyon maliban sa proteksyon ng Diyos, Siya lamang ang ating sasambahin at sa Kanya lamang tayo humihingi ng tulong.
Magdagdag ng komento