Paniniwala sa mga Banal na Kasulatan
Paglalarawanˇ: Kung bakit inihayag ng Diyos ang Kanyang mensahe sa anyo ng mga banal na kasulatan, at maikling paglalarawan sa dalawang Banal na Kasulatan ng Diyos: ang Quran, at ang Bibliya.
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 25 Jun 2019
- Nag-print: 2
- Tumingin: 13,912 (araw-araw na pamantayan: 9)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang paniniwala sa mga banal na kasulatan na kung saan ay inihayag ng Diyos ay ang ikatlong artikulo ng pananampalatayang Islam.
Maaari nating matukoy ang apat na pangunahing dahilan sa pagpapahayag ng mga banal na kasulatan:
(1) Ang banal na kasulatan na inihayag sa propeta ay isang punto ng batayan upang matutunan ang relihiyon at mga obligasyon sa Diyos at sa kapwa tao. Inihahayag ng Diyos ang Kanyang sarili at ipinaliliwanag ang layunin ng paglikha sa tao sa pamamagitan ng mga inihayag na kasulatan.
(2) Sa pamamagitan nang pagbabatay dito, ang mga hindi pagkakaunawaan at pagkakaiba sa pagitan ng mga tagasunod nito sa mga bagay na patungkol sa relihiyosong mga paniniwala at kagawian nito, o sa mga bagay patungkol sa kagawiang panlipunan ay maaaring maisaayos.
(3) Ang mga banal na kasulatan ay nilayon upang panatilihing ligtas ang relihiyon mula sa katiwalian at pagkasira, sa mga ilang sandali matapos mamatay ng mga propeta. Sa kasalukuyang panahon, ang Quran na inihayag sa ating Propeta na si Muhammad, nawa’y ang habag at biyaya ng Panginoon ay mapasakanya, ang yaong banal na kasulatan na lamang ang natitirang ligtas mula sa katiwalian.
(4) Ito ay katibayan ng Diyos laban sa sangkatauhan. Hindi sila pinahihintulutang sumalungat o lumabag dito.
Ang isang Muslim ay matibay niyang pinaniniwalaan na ang mga sagradong inihayag na mga Aklat ay sa katunayan inihayag nang Pinaka Mahabaging Diyos sa Kanyang mga propeta upang gabayan ang mga tao. Ang Quran ay hindi lamang ang tanging bigkas na Salita ng Diyos, subali’t ang Diyos ay nakipag-usap din sa mga propeta bago pa kay Propeta Muhammad.
"…at si Allah ay nakipag-usap ng tuwiran kay Moses." (Quran 4:164)
Inilalarawan ng Diyos ang mga tunay na naniniwala na sila yaong:
"…yaong mga naniniwala sa anumang ipinahayag sa iyo (Muhammad), at sa anumang ipinahayag sa mga sugong nauna sa iyo…" (Quran 2:4)
Ang pinaka importante at pangunahing mensahe ng lahat nang banal na kasulatan ay sumamba sa Diyos at ang Diyos lamang.
"At Kami ay hindi nagpadala ng alinmang sugo na una sa iyo malibang Kami ay nagpahayag sa kaniya na: ‘Walang Diyos maliban sa Akin, kaya Ako ay inyong sambahin.’" (Quran 21:25)
Ang Islam ay may higit na pagpapahalaga sa mga banal na kapahayagan na nagpapatibay ng katotohanan kaysa sa ibang makalangit na relihiyon sa kasalukuyang anyo nito.
Ang mga Muslim ay nagtataguyod at iginagalang ang mga sumusunod na banal na kasulatan:
(i) Ang Quran mismo, na ipinahayag kay Propeta Muhammad.
(ii) Ang Torah (Tawrah sa Arabe) ipinahayag kay Propeta Moises (kaiba mula sa Lumang Tipan na nababasa ngayon).
(iii) Ang Ebanghelyo (Injeel sa Arabe) ipinahayag kay Propeta Hesus (kaiba mula sa Bagong Tipan na nababasa sa mga simbahan ngayon).
(iv) Ang Salmo/mga Awit (Zaboor sa Arabe) ni David.
(v) Ang Kalatas (Suhuf sa Arabe) ni Abraham at Moises.
Pangatlo, ang mga Muslim ay naniniwala sa kung anumang totoo sa kanila at alinmang hindi nabago o sinadyang ipakahulugan nang mali.
Pang-apat, ang Islam ay nagpapatunay na ang Diyos ay ipinahayag ang Quran bilang saksi sa mga nakalipas na banal na kasulatan at pagpapatotoo ng mga ito, sapagka’t Kanyang sinabi dito:
"At Aming ibinaba sa iyo (O Muhammad) ang Aklat (ang Quran) sa katotohanan, [ito ay] nagpapatunay sa sinundan nitong Kasulatan at mapagkakatiwalaan at saksi sa mga iba pa (ang kalipunan ng mga lumang Banal na Kasulatan)..."(Quran 5:48)
Nangangahulugan na ang Quran ay kinukumpirma ang anumang totoo sa mga nakaraang banal na kasulatan at itinatanggi kung anuman ang mga pagbabago at mga binago nang mga kamay ng tao.
Mga Orihinal na Banal na Kasulatan at ang Bibliya
Nararapat na ating linawin ang pagkakaiba ng dalawang bagay na ito: ang orihinal na Torah, Ebanghelyo, at Salmo at kasalukuyang Bibliya. Ang mga Orihinal ay kapahayagan ng Diyos, subali’t ang kasalukuyang Bibliya ay walang eksaktong orihinal na banal na kasulatan.
Walang sagradong kasulatan na umiiral ngayon sa orihinal nitong lengguahe kung saan ito’y naipahayag, maliban sa Quran. Ang Bibliya ay hindi ipinahayag sa Ingles. Ang iba’t ibang mga libro ng Bibliya ngayon ay nasa mataas na antas na mga salin at iba’t ibang bersiyon ang umiiral. Itong iba’t ibang salin ay ginawa ng mga tao na ang kaalaman, kagalingan, o katapatan ay hindi kilala. Dahil dito, ang ilang Biblya ay mas makapal kaysa sa iba at mayroong mga pagkakasalungatan at may mga pabagu-bago! Walang mga katotohanan ang umiiral. Ang Quran, sa kabilang dako, ay ang natatanging banal na kasulatan sa panahon ngayon sa orihinal nitong lengguahe at mga salita. Walang kahit isang letra ng Quran ang nabago simula pa ng ito’y ipahayag. Sa loob nito’y naaalinsunod ng walang salungatan. Ito sa ngayon ay katulad noong ipinahayag 1400 taon ang nakararaan, na naihatid sa solidong tradisyon ng pagsasaulo at pagsusulat. Di-tulad ng ibang sagradong teksto, na ang buong Quran ay naisaulo na ng halos bawa’t pantas ng Islam at daan-daang libo ng mga ordinaryong mga Muslim, sa lahat ng saling-lahi!
Ang mga naunang banal na kasulatan ay kadalasang binubuo ng:
(i) Mga kwento ng pagkalikha sa tao at mga naunang nasyon, mga propesiya sa kung ano ang darating tulad ng mga senyales bago ang Araw ng Paghuhukom, ang paglitaw ng mga bagong propeta, at iba pang mga balita.
Ang mga kwento, mga propesiya, at mga balita sa Bibliya na nababasa sa mga simbahan at mga sinagoga sa panahon ngayon ay may bahaging totoo at may bahaging mali. Ang mga libro ay binubuo ng ilan sa mga sinaling piraso ng orihinal na banal na kasulatan na isiniwalat sa pamamagitan ng Diyos, mga salita ng ilang propeta, halo-halong mga paliwanag ng mga iskolar, mga mali ng tagasulat, at tahasang mapaminsalang pagsingit at pagtanggal. Ang Quran, ang huli at mapagkakatiwalaang banal na kasulatan, na tumutulong sa atin upang pagbukurin ang katotohanan mula sa katha. Para sa mga Muslim, ito ay saligan upang matukoy ang katotohanan mula sa kasinungalingan ng mga kwentong ito. Halimbawa, ang Bibliya ay naglalaman pa rin ng ilan sa mga malinaw na mga sipi na tumutukoy sa Ka-Isahan ng Diyos. [1] Gayundin, ang ilan sa mga propesiya tungkol kay Propeta Muhammad na matatagpuan din sa Bibliya. [2] Gayun pa man, may mga sipi, kahit na ang buong mga aklat, ay halos ganap na kinikilala bilang mga huwad at kagagawan ng mga tao. [3]
(ii) Batas at mga patakaran, ang pinahihintulutan at ipinagbabawal, tulad ng mga Batas ni Moises.
Kapag ating inisip ang batas, na ito ay makatarungan at ang mga ipinagbabawal, na nakapaloob sa mga naunang aklat na hindi dumanas ng katiwalian, ang Quran pa rin ang magpapawalang-bisa ng mga patakarang iyon, inalis nito ang lumang batas na kung saan ay angkop sa panahon nito at ito ay hindi na naaangkop sa panahon ngayon. Halimbawa, ang lumang batas na ukol sa pagpapapayat, ritwal na panalangin, pag-aayuno, mana, pag-aasawa at diborsiyo ay inialis (o, sa marami pang kaso, nagpatibay muli) sa pamamagitan ng Islamikong Batas.
Ang Banal na Quran
Ang Quran ay kaiba mula sa ibang banal na kasulatan sa mga sumusunod na aspeto:
(1) Ang Quran ay kahima-himala at natatangi. Walang katulad nito na maaaring gawin ng tao.
(2) Pagkatapos ng Quran, wala ng mga banal na kasulatan ang ihahayag ng Diyos. Tulad ng Propeta Muhammad na kahuli-hulihang propeta, ang Quran ay ang huling banal na kasulatan.
(3) Pinagpasyahan ng Diyos sa Kanyang sarili na ingatan ang Quran mula sa mga pagbabago, upang mapangalagaan ito mula sa katiwalian, at upang mapanatili ito mula sa kabaluktutan. Sa kabilang dako, ang mga nakalipas na mga banal na kasulatan ay dumanas ng pagbabago at pagkabaluktot at hindi na nanatili sa orihinal nilang anyo sa kung paano sila ipinahayag.
(4) Ang Quran, ay una, pagkumpirma sa mga naunang banal na kasulatan, ikalawa, ay mapagkakatiwalaang saksi sa mga iyon.
(5) Sila’y pinawawalang-bisa ng Quran, nangangahulugan na kinakansela nito ang mga alituntunin ng mga naunang banal na kasulatan at ginagawa ang mga ito na hindi na nababagay gamitin. Ang mga batas ng mga makalumang banal na kasulatan ay hindi na maaaring gamitin; ang mga naunang alituntunin ay pinawalang-bisa na ng bagong batas ng Islam.
Mga talababa:
[1] Halimbawa ang kapahayagan ni Moises: "Dinggin mo, O Israel Ang Panginoon nating Diyos ay iisang Diyos" (Deuteronomio 6:4) at ang anunsyo ni Hesus: "...Ang Una sa lahat ng mga kautusan ay, Dinggin mo, O Israel; Ang Panginoon nating Diyos ay iisang Diyos." (Mark 12:29).
[2] Isangguni sa (Deuteronomio 18:18), (Deuteronomio 33:1-2), (Isaias 28:11), (Isaias 42:1-13), (Habakkuk 3:3), (Juan 16:13), (Juan 1:19-21), (Mateo 21:42-43), at marami pang iba.
[3] Halimbawa, isangguni sa mga aklat ng Apocrypha.
Magdagdag ng komento