Si Malcolm X, Estados Unidos (bahagi 1 ng 2)
Paglalarawanˇ: Ang kwento ng pagkakadiskubre ng tunay na Islam ng isa sa pinaka prominenteng Aprikanong- Amerikano na rebolusyonaryong pigura, at kung paano nito nalutas ang problema ng rasismo: Bahagi 1: Ang Bansa ng Islam at ang Hajj.
- Ni Yusuf Siddiqui
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 27 Jan 2014
- Nag-print: 3
- Tumingin: 4,680 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
“Ako ay isang ay mananatiling Muslim magpakailanman. Ang aking relihiyon ay Islam.”
-Malcolm X
Buhay Kabataan
Si Malcolm X ay ipinanganak bilang si Malcolm Little noong Mayo 19, 1925 sa Omaha, Nebraska. Ang kanyang ina, si Louise Norton Little, ay isang maybahay na abala sa kanyang walong anak. Ang kanyang ama na si Earl Little, ay isang prangkang ministro ng mga Baptist at masugid na tagasuporta ng pinuno ng Black Nationalist na si Marcus Garvey.Ang aktibismo sa karapatang sibil ni Earl ay nagdulot ng mga banta sa kamatayan mula sa naghaharing puti na organisasyon na Black Legion, kaya napilitan ang pamilya na lumipat ng dalawang beses bago ang ika-apat na kaarawan ni Malcolm.Anuman ang mga pagsisikap ni Little upang maiwasan ang Legion, noong 1929 ang kanilang bahay sa Lansing, Michigan ay sinunog, at makalipas ang dalawang taon ay natagpuan na nakahiga ang kanyang bangkay sa isang trolley track ng lungsod nang anim pa lamang si Malcolm.Si Louise ay nagkaroon ng emosyonal na breakdown ng ilang taon pagkatapos ng pagkamatay ng kanyang asawa at ipinasok sa isang institusyong pang-kaisipan.Ang kanyang mga anak ay nagkahiwahiwalay sa iba't ibang mga bahay ampunan at tahanan ng mga naulila.
Si Malcolm ay matalino, pokus na estudyante at nagtapos mula sa juniour high school na nangunguna sa kanyang klase. Gayunpaman, noong sinabi ng isang paboritong guro kay Malcolm na ang kanyang pangarap na maging isang abogado ay walang makatotohanang layunin para sa isang negro, nawalan ng interes si Malcolm sa paaralan at kalaunan ay huminto sa edad na labinlima.Natutunan niya ang mga paraan ng mga lansangan, naging pamilyar si Malcolm sa mga mambubutang, magnanakaw, nagtutulak ng droga, at bugaw.Nahatulan ng pagnanakaw sa edad na dalawampu, siya ay nanatili sa bilangguan hanggang sa edad na dalawampu't pito.Sa panahon ng kanyang pagkabilanggo ay tinangka niyang turuan ang kanyang sarili.Bilang karagdagan, sa kanyang panahon sa bilangguan, nalaman niya ang tungkol sa Nation of Islam at sumali, na pinag-aralan ang mga turo ni Elijah Muhammed. Pinalaya siya, isang bagong tao, noong 1952.
Ang ‘Nation of Islam’
Sa kanyang paglaya, si Malcolm ay nagtungo sa Detroit, sumali sa pang-araw-araw na gawain ng sekta, at binigyan ng tagubilin ni Elijah Muhammad mismo. Ang pangako ni Malcolm ay nakatulong sa pagbuo ng samahan sa buong bansa, habang ginagawa siyang isang pang internasyonal na pigura. Siya ay kapanayam sa mga pangunahing programa sa telebisyon at ng mga magasin, at nagsalita sa buong bansa sa iba't ibang mga unibersidad at iba pang mga pagtitipon. Ang kanyang kapangyarihan ay nasa kanyang mga salita, na malinaw na inilarawan ang kalagayan ng mga itim at karahasan ng mga puti. Kapag tinukoy ng isang puting tao ang katotohanan na ang ilang pamantasan sa Timog ay nagpatala ng mga bagong itim na walang mga bayoneta, ang reaksiyon ni Malcolm ay nang-iinis:
Kapag nadulas ako, ang host ng programa ay tatalon sa pain: Ahhh! Sa katunayan, G. Malcolm X - hindi mo maitatanggi iyan ay isang pag-unlad para sa iyong lahi!
Iyon ang oras na aalugin ko ang poste. Hindi ako maaaring lumingon nang hindi naririnig ang tungkol sa ilang mga 'nagsusulong ng sibil na karapatang'! Ang mga puting tao ay tila iniisip na ang itim na tao ay nararapat na sumigaw ng 'hallelujah'! Apat na daang taon ang puting lalaki ay may kutsilyong kasing haba ng paa sa likod ng itim na lalaki - at ngayon nagsisimula ang puting lalaki na pakiskisan ang kutsilyo palabas, marahil anim na pulgada! Dapat bang magpasalamat ang itim na lalaki? Aba, kung ang puting lalaki ay kinalas ang kutsilyo, mag-iiwan parin ito ng isang peklat!
Bagaman ang mga salita ni Malcolm ay madalas na humahantong sa mga kawalang-katarungan laban sa mga itim sa Amerika, ang pantay na rasistang pananaw ng Nation of Islam ang nagpipigil sa kanya na tanggapin ang anumang mga puti bilang taos-puso o may kakayahang tumulong sa sitwasyon. Sa loob ng labindalawang taon, ipinangaral niya na ang puting tao ay ang diyablo at ang Kagalang-galang na si Elijah Muhammad ay sugo ng Diyos. Sa kasamaang palad, ang karamihan sa mga imahe ni Malcolm ngayon ay nakatuon sa panahong ito ng kanyang buhay, bagaman ang pagbabagong-anyo na malapit na niyang maranasan ay magbibigay sa kanya ng isang ganap na naiiba, at mas mahalagang, mensahe para sa mga Amerikano.
Ang Pagbabago Para sa Tunay na Islam
Noong Marso 12, 1964, naudyokan ng panloob na paninibugho sa loob ng Nation of Islam at ng mga pagkakahayag ng sekswal na imoralidad ni Elias Muhammad, iniwan ni Malcolm ang Nation of Islam na may balak na simulan ang kanyang sariling samahan:
Para akong isang tao na natutulog at nasa ilalim ng kontrol ng ibang tao. Nararamdaman ko ang iniisip at sinasabi ko ngayon ay para sa aking sarili. Dati, ito ay para at sa gabay ng iba, ngayon nag-iisip ako para sa aking sarili.
Si Malcolm ay tatlumpu't walong taong gulang nang iwan niya ang Nation of Islam ni Elijah Muhammad. Nagninilay-nilay sa nangyari bago umalis, sinabi niya:
Sa isa o ibang kolehiyo o unibersidad, kadalasan sa mga impormal na pagtitipon pagkatapos kong magsalita, marahil isang dosena na halos lahat mga taong mapuputi at makinis ang lumapit sa akin, na nagpakilala sa kanilang mga sarili bilang mga Arabo, taga-Gitnang Silangan o taga-North Africa na mga Muslim na nangyari na bumibisita, nag-aaral , o naninirahan sa Estados Unidos. Sinabi nila sa akin na, ang aking mga pagpapahayag nang panunuligasa sa mga puti at bagama't, sa palagay nila ay taos-puso kong isinasaalang-alang ang aking sarili na isang Muslim - at nadarama nila kung malantad ako sa kung ano ang lagi nilang tinatawag na tunay na Islam, maiintindihan ko ito, at yayakapin ito.Awtomatiko, bilang isang tagasunod ni Elijah, nagpipigil ako tuwing sinasabi ito. Ngunit sa aking sariling mga saloobin pagkatapos ng maraming mga karanasan na ito, tinanong ko ang aking sarili: kung ang isa ay taos-puso sa pag-amin ng isang relihiyon, bakit dapat niyang pigilan ang pagpapalawak ng kanyang kaalaman tungkol sa relihiyon na iyon?
Ang mga orthodox na Muslim na nakilala ko, paisa-isa, ay hinikayat ako na makipagkita at makipag-usap kay Dr. Mahmoud Youssef Shawarbi. . . . Pagkatapos isang araw, si Dr. Shawarbi at ako ay ipinakilala ng isang mamamahayag. Siya ay magiliw. Sinabi niya na sinusundan niya ako sa press; Sinabi ko na sinabihan ako tungkol sa kanya, at nagkwentuhan kami ng labing lima o dalawampung minuto. Pareho kaming umalis upang puntahan ang mga lakad na mayroon kami, nang ibagsak niya sa akin ang isang bagay na ang lohika ay hindi kailanman mawawala sa aking ulo. Sinabi niya, Walang sinumang naniniwala ng perpekto hanggang sa naisin niya para sa kanyang kapatid ang ninanais niya para sa kanyang sarili. (isang kasabihan ni Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan).
Ang Epekto ng Paglalakbay sa Banal na Lugar
Nagpatuloy si Malcolm patungo sa Hajj:
Ang paglalakbay sa banal na lugar sa Mecca, na kilala bilang Hajj, ay isang obligasyong pang-relihiyon na tinutupad ng bawat orthodox na Muslim, kung kaya, kahit isang beses sa kanyang buhay.
Sinasabi ito ng Banal na Quran:
“..Hajj sa bahay-dalanginan (ng Diyos na itinayo ni propeta Abraham) sa sinumang may kakayahang maglakbay para rito…” (Quran 3:97)
“Sinabi ng DIyos: ‘At ipanawagan mo sa sangkatauhan ang hajj sila ay darating sayong nakayapak at nakasakay sa bawat kamelyo, at sila ay magsisirating mula sa bawat malalayong daan.’” (Quran 22:27)
Ang bawat isa sa libu-libo sa paliparan, na paalis para sa Jeddah, ay nakabihis sa ganitong paraan. Maaaring isa kang hari o isang magsasaka at walang makakaalam. Ang mga makapangyarihang tao, na itinuro sa akin ng palihim, ay parehong nakasuot ng kung ano ang suot ko. Sa sandaling nakabihis na nito, lahat kami ay nagsimula nang paulit-ulit sa pagsasabi ng Labbayka! (Allahumma) Labbayka! (Ako ay darating, O Panginoon!) Sakay ng eroplano ay puti, itim, kayumanggi, pula, at dilaw na mga tao, asul na mga mata at blond na buhok, at ang aking kulot na pulang buhok - lahat magkakasama, mga kapatid! Lahat ng nagpaparangal para sa iisang Diyos, lahat din ay nagbibigay ng pantay na karangalan sa bawat isa…
Iyon ang unang beses kong sinimulang magustuhan ang puting lalaki. Ito ay ang unang beses kong napagtanto na ang puting lalaki; gaya ng karaniwang tawag ay pangalawang pagpapakahulugan ng kulay lamang; pangunahing inilalarawan nito ang mga ugali at kilos. Sa Amerika, ang puting tao ay nangangahulugang mga partikular na saloobin at kilos para sa itim na tao, at sa lahat ng iba pang mga hindi puting tao.Ngunit sa mundo ng Muslim, nakita ko na ang mga taong may puting balat ay mas tunay na kapatid kaysa sa sinuman . Sa umagang iyon ay ang pagsisimula ng isang radikal na pagbabago sa aking buong pananaw tungkol sa mga puting kalalakihan.
May sampu-sampung libong mga peregrino, mula sa buong mundo. Ang mga ito ay mula sa lahat ng mga kulay, mula sa mga blond na asul na mga mata hanggang sa mga may kulay itim na mga Aprikano. Ngunit lahat kami ay nakikilahok sa parehong ritwal na nagpapakita ng isang diwa ng pagkakaisa at kapatiran na ang aking mga karanasan sa Amerika ay humantong sa akin na maniwala na hindi maaaring umiral sa pagitan ng mga puti at ng hindi puti... Kailangang maunawaan ng Amerika ang Islam, sapagkat ito ang isang relihiyon na nagtanggal mula sa kanyang lipunan ng problema sa lahi. Sa lahat ng paglalakbay ko sa mundo ng Muslim, nakilala ko, nakipag-usap, at kumain kahit na kasama ng mga tao na sa Amerika ay maituturing na puti - ngunit ang puting saloobin ay tinanggal sa kanilang mga isip ng relihiyon ng Islam. Hindi pa ako nakakita ng taos-puso at tunay na kapatiran na isinasagawa ng lahat ng mga kulay nang magkakasama, ng hindi alintana ang kanilang kulay.
Ang Bagong Pangitain ni Malcolm ng Amerika
Nagpatuloy si Malcolm:
Bawat oras dito sa Banal na Lupa ay nagbibigay-daan sa akin na magkaroon ng higit na espirituwal na pananaw sa nangyayari sa Amerika sa pagitan ng itim at puti. Ang Negrong Amerikano ay hindi kailanman masisisi para sa poot ng kanyang lahi - siya ay tumutugon lamang sa apat na daang taon ng may kamalayan na rasismo ng mga Amerikanong puti. Ngunit habang hinihila ng rasismo ang Amerika sa landas ng pagpapakamatay, naniniwala ako, mula sa mga karanasan na mayroon ako sa kanila, na ang mga puti sa mga susunod na henerasyon, sa mga kolehiyo at unibersidad, ay makikita ang sulat-kamay sa dingding, at marami sa kanila ay magbabalik sa espiritwal na landas ng katotohanan - ang tanging paraan na naiwan ng Amerika upang maiwasan ang sakuna na dulot ng rasismo na di maiwasang kasadlakan.
Naniniwala ako na binibigyan ngayon ng Diyos ang tinatawag na Kristiyanong puting lipunan ng huling pagkakataon na magsisi at magbayad para sa mga krimen ng pagsasamantala at pang-aalipin ng mga taong hindi puti sa mundo. Ito ay tulad ng kapag binigyan ng Diyos si Paraon ng pagkakataon na magsisi. Ngunit nagpumilit si Paraon sa kanyang pagtanggi na ibigay ang hustisya sa mga inaapi niya. At, alam natin, na sa wakas sinira ng Diyos si Paraon.
Hindi ko malilimutan ang hapunan sa bahay ng mga Azzam kasama si Dr. Azzam. Kapag mas matagal kaming nag-uusap, mas lalong lumalawak ang imbakan ng kanyang kaalaman at iba iba na tila walang limitasyon. Nakwento niya ang angkan ng lahi ng mga inapo ni Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan), ang Propeta, at ipinakita niya kung paano silang kapwa itim at puti. Itinuro din niya kung paano ang kulay, at ang mga problema ng kulay na umiiral sa mundo ng Muslim, umiiral lamang kung saan, at hanggang sa kung saan, ang lugar na iyon ng mundo ng Muslim ay naiimpluwensyahan ng Kanluran (Amerika).Sinabi niya na kung ang isang tao ay nakatagpo ng anumang pagkakaiba-iba batay sa saloobin patungkol sa kulay, ito ay direktang sumasalamin sa antas ng impluwensya ng Kanluranin.
Magdagdag ng komento