O artigo / vídeo que você requisitou não existe ainda.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

L'articolo / video che hai richiesto non esiste ancora.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

요청한 문서 / 비디오는 아직 존재하지 않습니다.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

המאמר / הסרטון שביקשת אינו קיים עדיין.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

O artigo / vídeo que você requisitou não existe ainda.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

L'articolo / video che hai richiesto non esiste ancora.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

요청한 문서 / 비디오는 아직 존재하지 않습니다.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

המאמר / הסרטון שביקשת אינו קיים עדיין.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

Ateismo (bahagi 1 ng 2): Pagtanggi sa Hindi Maitatangi

Marka:
Sukat ng Font:

Paglalarawan: Bagaman maaaring ikaila ng isang tao ang pag-iral ng Diyos, sa kailaliman ng kanilang mga puso, ito ay isang katotohanan na hindi nila maitatanggi.

  • Ni  Laurence B. Brown, MD
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong  01 Apr 2012
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 377 (karaniwan sa araw-araw: 4)
  • Marka: Hindi pa na markahan
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0

“Ang pinakamalaking trahedya sa buhay ay ang mawalan ng Diyos at hindi mangulila sa Kanya.”

--F.W. Norwood

Maaaring igiit ng mga Ateista na hindi nila kinikilala ang pag-iral ng Diyos, subalit ang pananaw ng ilang mga Kristiyano at lahat ng mga Muslim na kahit na ang mga kumpirmadong Ateista ay nagpapatotoo sa presensya ng Diyos. Ang likas ngunit napapabayaang kamalayan sa Diyos ay karaniwang lumilitaw lamang sa kamalayan ng Ateista sa mga oras ng matinding presyon, tulad ng ipinakitang-halimbawa sa sipi ng pangalawang Digmaang Pandaigdig “Walang mga Ateyista sa lungga ng soro.”[1]

Hindi maikakaila na may mga pagkakataon -- maging sa panahon ng mga araw ng paghihirap sa matagal ng karamdaman, ang tila walang hanggang mga sandali ng bayolente at mapanghamak na karahasan, o ang isang kisap-matang paghihintay sa kahihinatnan ng isang paparating na aksidente -- na nakikilala ng sangkatauhan ang katotohanan sa kahinaan ng tao at ang kawalan ng kontrol ng tao sa kapalaran. Sino ang hinihingan ng tulong ng tao sa mga gayong pangyayari maliban sa Tagapaglikha? Ang ganitong mga sandali ng kawalan ng pag-asa ay dapat na magpaalala sa bawat tao, mula sa relihiyosong iskolar hanggang sa nag-aangking Atiesta, na ang pag-asa ng sangkatauhan sa katotohanan ay mas higit kaysa sa ating maliliit na mga katawan. Isang katotohanang higit na dakila sa kaalaman, kapangyarihan, kalooban, kamahalan at kaluwalhatian.

Sa ganitong mga sandali ng kagipitan, kapag ang lahat ng mga pagsisikap ng tao ay nabigo at walang bakas ng materyal na pag-iral na nakikini-kinita upang magbigay ginhawa o tulong, Sino pa ang likas na tatawagin ng tao? Sa ganitong mga sandali ng pagsubok, gaano karaming namimighating panawagan ang dinudulog sa Diyos? na kumpleto sa mga pangako ng panghabang buhay na katapatan? Gayunpaman, iilan lamang ang tumutupad?

Walang pag-aalinlangan, ang araw ng pinakamatinding pagdurusa ay sa Araw ng Paghuhukom, at ang isang tao ay magiging misirable na malagay sa posisyon ng pagkilala sa pag-iral ng Diyos sa unang pagkakataon sa araw na iyon. Ang makatang Ingles, na si Elizabeth Barrett Browning, ay nagsalita tungkol sa kabalintunaan ng namimighating panawagan ng tao sa The Cry of the Human:

“At ang mga labi ay magsasabi "Diyos ko maawa ka,”

Yaong hindi kailan man nagsabi, “Purihin ang Diyos.”

Ang nag-iisip na Atiesta, na puno ng pag-aalinlangan subalit natatakot sa posibilidad ng pagkakaroon ng Diyos at Araw ng Paghuhukom, ay maaaring nais na isaalang-alang ang ‘panalangin ng mga nag-aalinlangan,’ tulad ng sumusunod:

“O Panginoon--kung mayroon mang isang Panginoon,

Iligtas mo ang aking kaluluwa--kung mayroon man akong kaluluwa.”[2]

Sa harap ng pag-aalinlangan na humahadlang sa paniniwala, paano magkakamali ang isang tao sa nabanggit na panalangin? Kung mananatili ang Ateista sa hindi paniniwala, sila ay mas magiging masahol pa kaysa sa dati; kung susundan ng isang taos-pusong paniniwala ang panawagan, si Thomas Jefferson ay may sumusunod na sinabi:

“Kung makakahanap ka ng dahilan upang maniwala na mayroong isang Diyos, isang kamalayan na ikaw ay kumikilos sa ilalim ng Kanyang paningin, at ikaw ay pinahihintulatan Niya, ito ay magiging isang labis na karagdagang pag-uudyok; na kung mayroong isang panghinaharap na estado, ang pag-asa sa isang masayang pag-iral ay nakadadagdag ng paghahangad na maging karapat-dapat dito…"[3]

Maaaring magbigay ng mungkahi na kung ang isang indibiduwal ay hindi nakikita ang katibayan ng Diyos sa kadakilaan ng Kanyang mga nilikha, sila ay pinapayuhan na muling magmasid. Tulad ng nabanggit sa komento ni Francis Bacon, “Mas pipiliin kong maniwala sa lahat ng mga pabula sa mga aIamat, at sa Talmud, at sa alcoran (ibig sabihin ang Quran), kaysa na itong pangkalahatang balangkas ng sansinukob ay walang nasa likod na utak na Tagapaglikha."[4] Siya ay patuloy na nagkomento, “Ang Diyos ay hindi kailanman gumawa ng himala upang kumbinsihin ang atiesmo, dahil ang Kanyang mga ordinaryong gawa ay kapani-paniwala.”[5] Karapat-dapat pag-isipan ang katotohanan na kahit ang pinakamababang elemento ng nilikha ng Diyos, bagaman marahil ay ordinaryong gawa sa Kanyang termino, ay mga himala para sa atin. Ipagpalagay ang halimbawa ng napakaliit na hayop tulad ng gagamba. May tunay bang naniniwala na ang ganoon kasalimuot na pambihirang nilalang ay nabuo mula sa primordial soup? (isang solusyong matatagpuan sa kailaliman ng sinaunang karagatan na sinasabing pinagmulan ng lahat ng buhay) Isa lamang mula sa maliit na milagrong ito ay maaaring makagawa ng hanggang sa pitong magkakaibang uri ng sutla, ang ilan ay manipis na kasing nipis ng alonghaba ng nakikitang liwanag, subalit mas matibay pa kaysa sa bakal. Ang mga sutla ay iba-iba mula sa nababanat, malagkit na mga hibla para sa panghuhuli hanggang sa mga hindi malagkit na mga panghila at ang binalangkas na mga hibla, ang sutla na para sa pambalot sa biktima, ang materyal sa paggawa ng egg sac (lagayan ng mga itlog ng gagamba), atbp. Ang gagamba ay maaaring makagawa, kung kinakailangan, hindi lamang ng pinili nito sa pitong mga sutla, kundi sa muling pagsipsip, pagsira at muling pagbuo -- sariling paggamit muli mula sa sangkap ng mga elemento. At ito ay isa lamang maliit na aspeto ng himala ng gagamba.

Gayunpaman, itinataas ng sangkatauhan ang kanyang sarili sa tugatog ng kayabangan. Ang pagninilay-nilay sandali ay nararapat na magtulak sa puso ng tao patungo sa pagpapakumbaba. Tumingin sa isang gusali at ang maiisip ng tao ay ang arkitekto, sa isang iskultura at agad na mauunawaan ng tao ang pintor. Subalit suriin ang mga elaganteng detalye ng paglikha, mula sa pagiging kumplikado at balanse ng nuclear particle physics hanggang sa hindi maitagong laki ng kalawakan, at ang tao ay walang…nauunawaan? Napapalibutan ng mundo ng komplikadong magkakaparehong mga pangyayari o umiiral, tayo bilang mga tao ay walang kakayahan kahit na sa pagbuo ng pakpak ng isang langaw o lamok. Subalit ang buong Mundo at ang lahat ng Sansinukob ay umiiral sa isang estado na perpektong pinangangasiwaan bilang produkto ng nagkataong mga aksidente na humubog sa magulong kosmiko patungo sa balanseng kasakdalan o kaperpektuhan? Ang ilan ay bumoto sa nagkataon, ang iba, paglikha.


Mga talababa:

[1] N.Y. Times.  13 Apr 1944.  Cummings: Sermon on Bataan, The Philippines.

[2] Renan, Joseph E.  Prayer of a Skeptic.

[3] Parke, David B.  p. 67.

[4] Bacon, Francis.  Atheism.  p. 16.

[5] Bacon, Francis.  Atheism.  p. 16.

 

 

Ateismo (bahagi 2 ng 2): Isang Katanungan sa Pag-unawa

Marka:
Sukat ng Font:

Paglalarawan: Ang kawalan ng kakayahang maunawaan ang ilan sa mga ginawa ng Diyos ay hindi katwiran upang ikaila ang Kanyang pag-iral.

  • Ni  Laurence B. Brown, MD
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong  22 Feb 2009
  • Nag-print: 1
  • Tumingin: 317 (karaniwan sa araw-araw: 3)
  • Marka: Hindi pa na markahan
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0

Karamihan sa mga argumento ng Ateista ay naghahamon sa pagiging tugma ng isang mapagmahal na Diyos sa nararamdamang kawalang-katarungan sa buhay. Kinikilala ng relihiyoso ang ganitong paghahamon na nagpapakita ng isang mapagmataas na katalinuhan-- ang pag-aakalang tayo bilang sangkatauhan, ay isang elemento ng paglikha ng ating sarili, na higit na maalam kaysa sa Diyos sa kung paano dapat ang pagkakasunod-sunod ng Kanyang mga nilikha -- kalakip ng kabiguang kilalanin ang isang mas malaking disenyo.

Ang katotohanan na marami sa sangkatauhan ang nabigong mabigyan ng kabuluhan ang ilang aspeto ng buhay na ito, hindi ito dapat na maging dahilan upang panghinaan ng loob sa paniniwala sa Diyos. Ang tungkulin ng tao ay hindi upang tanungin o itanggi ang mga katangian o presensya ng Diyos, at huwag piliing magmamataas sa pamamagitan ng paghahayag na makakagawa ng isang mas mahusay na gawain, sa halip ay tanggapin ang katayuan ng tao sa buhay na ito at gawin ang pinakamainam na magagawa sa kung ano ang itinakda sa atin. Sa paghahalintulad, ang katotohanan na hindi gusto ng isang tao ang kaparaanan ng amo sa paggawa ng mga bagay sa trabaho, at bigong maunawaan ang mga kapasyahang kanyang ginawa, ay hindi nagkakaila ng kanyang pag-iral. Sa halip, ang tungkulin ng bawat tao ay gampanan ang trabaho na naka-atang sa kanya para masahuran at tumaas ang posisyon. Kagaya din, na ang pagkabigo na maunawaan o sang-ayunan ang mga kaparaanan ng pag-uutos ng Diyos sa nilikha ay hindi nagkakaila sa Kanyang pag-iral. Sa halip ay dapat kilalanin ng may kababaang loob na, di tulad ng amo sa trabaho, na maaring mali, Ang Diyos sa pagpapakahulugan ay ganap na perpekto, laging tama at hindi kailanman nagkakamali. Ang sangkatauhan ay dapat na yumuko sa Kanya sa kusang pagsuko at sa pagtanggap na ang kabiguang maunawaan ang Kanyang plano para sa atin ay hindi nagpapakita ng kamalian sa Kanyang bahagi. Sa halip, Siya ang Panginoon at Dalubhasa sa Paglikha at hindi tayo, Alam Niya ang lahat at tayo ay hindi, Ipinag-utos Niya ang lahat ng mga pangyayari ayon sa Kanyang perpektong katangian, at tayo ay nananatiling Kanyang mga tauhan, kasama para sa biyahe ng ating buhay.

Ang nalilito at sensitibong mga kaluluwa na nahihirapang pagtugmain ang pag-iral ng Diyos sa isang malupit at mahirap na buhay ay karapat-dapat sa pakikiramay at pagpapaliwanag. Kung tinatanggap ng isang tao ang katotohanan na alam ng Diyos kung ano ang ginagawa Niya at tayo'y hindi, dapat siyang maging komportable nang may pag-unawa na ang magulong mga bagay ay maaaring hindi ganun sa kung ano sila sa unang tingin. Marahil ang kapus-palad mula sa mga tao ay karapat-dapat sa kanila ang kanilang kapalaran sa buhay sa mga kadahilanang hindi natin alam, at marahil ay nagdurusa lamang sila sa dagliang makamundong pag-iral upang makatamo ng walang hanggang gantimpala sa susunod na buhay. Baka nakakalimutan ng isang tao na, ipinagkaloob ng Diyos sa kanyang mga pinakamamahal na mga nilalang (i.e. ang mga Propeta) ang pinakadakilang makamundong handog na katiyakan, patnubay at rebelasyon; gayunpaman, sila ay labis na nagdusa sa mga makamundong kundisyon. Sa katunayan, ang mga pagsubok at pagdurusa ng karamihan sa mga tao ay walang-wala kung ihahambing sa yaong sa mga Propeta. Kaya't kahit na maraming tao ang lubhang nagdurusa, ang mensahe ng pag-asa ay ang halimbawa ng mga pinakapaborito ng Diyos, ang mga Propeta, sila ay pinagkaitan ng mga kasiyahan dito sa mundo bilang kapalit para sa mga gantimpala ng kabilang-buhay. Maaaring umasa din ang tao ng kaparehong gantimpala para sa mga nagtitiis sa mga pagsubok at mga kahirapan sa buhay na ito, habang nananatiling matatag sa tunay na paniniwala.

Kagaya, na ang isang tao ay hindi masisisi kung umaasang ang mga hindi naniniwala na mga maniniil at mga mapang-api ay makatatamo ng lahat ng kasiyahan sa mundong ito, subali't wala na sa kabilang-buhay. Ang ilan sa mga kilalang mga bilanggo ng Impiyerno ay isaisip, Si Paraon, halimbawa, namuhay sa isang buhay na may karangyaan hanggang sa punto na ipinahayag niya ang kanyang sarili na siya ang kataas-taasang Diyos. Marahil ang mga opinyon ay nagbago noong nagpalabas siya ng hangin (napagtantong tao lang siya na may kapintasan). Gayunpaman, ang isang tao ay makatuwirang umasa na siya ay medyo hindi nasisiyahan sa kanyang mainit na tirahan sa kasalukuyan, at ang mga alaala ng kanyang mga magagarang mga karpet, mga masasarap na pagkain at ang mga mababangong lingkod na kababaihan na nawalan ng halina sa pang-aaliw sa mga oras ng kasalukuyang pangyayari.

Karamihan sa mga tao ay nakaranas ng pagtatapos ng isang magandang araw sa isang masamang kalagayan dahil sa ilang masasamang kaganapan sa pagtatapos ng mga pangyayari. Walang sinuman ang nagpapahalaga sa isang masarap na pagkain na ang hantungan ay sa hiwalayan, sa isang romantikong libangan na ginantimpalaan ng AIDS, o isang gabi ng kasiyahan na nauwi sa kulungan dahil sa isang brutal na atake at pagnanakaw o matinding aksidente. Naging gaano kabuti kaya ito? Gayunpaman, walang kagalakan sa buhay na ito, kahit gaano man kalaki ang labis na kasiyahan o gaano man katagal ang panahong itinagal, na hindi kaagad nabubura sa isipan ng isang 100% na pagkasunog ng buong katawan. Ang isang bahagi ng isang kamay ay kumakatawan sa 1% ng kabuuang ibabaw na bahagi ng katawan ng isang tao o ng balat, na ang paso sa kusina sa bahagi ng daliri ay mas mababa sa bilang na isang libo sa kabuuang ibabaw na bahagi ng katawan o ng balat. Gayunpaman, sino ang ganap na hindi makakalimot sa bawat maliit, bawat malaki, lahat ng bagay sa mga oras na iyon ng masakit na pagdurusa sa apoy? Ang paghihirap ng isang sunog na buong katawan, lalo na kung tuloy-tuloy o walang kaginhawaan -- walang pagtalikod, walang paghila palayo -- ito ay lampas sa kapasidad ng imahinasyon ng tao. Ang ilang mga nakaligtas sa naturang pagkasunog ay sumasang-ayon. Hindi lamang matinding sakit ng lubos na pagkasunog ang lumampas sa hangganan ng imahinasyon ng tao, subalit ang hirap ng karanasan ay nalalampasan ang limitasyon ng salita (di na alam kung ano ang itatawag sa mga kahirapan na nararanasan dahil sa ganitong karanasan). Ang takot ay hindi maaaring sapat na maiparating sa pamamagitan ng nakalulungkot na karanasan, ni lubos na maunawaan ng mga mapalad na nakatakas sa pagsisimula nito. Katiyakan na ang isang mahabaaaaaaang, walang hanggang, buong katawang pagkalublub sa apoy ay maaasahang makakabura sa anumang nakalulugod na mga alaala ng nakaraan, naaalinsunod sa konklusyon na

“…ang buhay sa mundo kung ihahambing sa kabilang buhay ay isa lamang maikling kasiyahan.” (Quran 13:26)

Kaugnay sa paksa ng kasalukuyang apendiks o karugtong[1], ang dalawang elemento ng naggagabay na kamalayan ay nararapat isaalang-alang, ang una ay ang pagiging makatotohanan na ang lahat ng tao ay may isang likas na kaalaman sa pagkakaroon ng Tagapaglikha. Maaaring ipagkaila ng sangkatauhan sa isipan ang kamalayan na ito dahil sa paghahanap ng mga kaginhawaan at kasiyahan sa mundong ito, ngunit sa katotohanan, alam ng lahat ng sangkatauhan ang katotohanan. Ang higit pa, alam ng Diyos na alam natin, at Siya lamang ang makatutukoy sa antas ng bawat paghihimagsik at/o pagsuko ng bawat indibiduwal sa Kanya.

Ang pangalawang elemento ng pagkakaroon ng espirituwal na kamalayan ay mauunawaan na bihira lamang ang isang libreng tanghalian. Bihira ang sinumang makakuha ng isang bagay na walang kapalit. Kung nagtatrabaho ang isang tao para sa among hindi niya naiintindihan o hindi sila magkasundo, sa huli kailangan pa rin niyang gawin ang kanyang trabaho upang mabigyan ng sweldo. Walang sinumang nagtatrabaho (nang matagal, sa ano't ano man) at walang ginawa maliban sa pagsasabi na, “Ako ay nasa trabaho,” na umaasa sa suweldong kasunod ng walang ginagawa o di nagtatrabaho. Katulad din, na ang sangkatauhan ay dapat na kalugud-lugod ang paglilingkod at pagsamba sa Diyos kung umaasang makatanggap ng Kanyang gantimpala. Pagkatapos ng lahat, hindi lamang iyon ang layunin ng buhay, ito ang paglalarawan sa ating tungkulin. Dahil sa bagay na iyon, pinapahayag ng mga Muslim na ang gayon ay ang paglalarawan sa tungkulin para sa parehong tao at Jinn (pangmaramihan para sa mga ‘espiritu;’ pang isahan ‘Jinn’ee,’ kung saan nagmula ang kanluraning salita na ‘genie’), dahil sa ang Diyos ay nagparating sa Banal na Quran:

“At hindi Ko nilikha ang Jinn at tao maliban upang sila ay sumamba sa Akin.” (Quran 51:56)

Maraming tao ang nagtatanong sa layunin ng buhay, subalit ang paninindigan ng matapat mula sa maraming relihiyon ay tumpak sa nakasaad sa itaas – ang sangkatauhan ay umiiral nang walang ibang dahilan maliban sa paglilingkod at pagsamba sa Diyos. Ang panukala ay ang bawat elemento ng paglikha ay umiiral upang tumulong o subukin ang sangkatauhan sa pagsasakatuparan ng tungkulin na iyon. Hindi tulad ng makamundong tungkulin, ang tao ay maaaring iwasan ang kanyang responsibilidad sa Diyos at mabibigyang palugit. Gayunpaman, sa pagtatapos ng panahon ng pagsubok na ito na tinatawag na buhay, ang mga pananagutan ay nararapat bayaran, at ang gayon ay tiyak na hindi pinakamainam na panahon na makita ang listahan ng isang tao ‘sa pula (o bagsak na kalagayan).’

Nagbigay si Francis Bacon ng isang kahanga-hangang pagwawakas sa paksa ng apendiks (karugtong) na ito, na nagsasabi, “Sila na tumatanggi sa isang Diyos ay sumisira sa kadakilaan ng tao; sapagkat katiyakan na ang tao ay kamag-anak ng hayop ayon sa kanyang katawan; at, kung hindi siya magiging kaugnay sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang espiritu, siya ay isang mababa at walang dangal na nilalang.”[2] Kung maniniwala ang tao na pagkatapos ng ilang milyong taon ay may isang bagay na karapat-dapat na ihawin ang susulpot mula sa bula na siyang teorya (ang pinagmulan ng buhay) nina Stanley Miller at Harold Urey sa sinaunang bouillabaisse, kailangan paring isaisip ng sangkatauhan kung ano ang nararamdaman na nasa loob natin — ang kaluluwa o espiritu. Na ang bawat elemento ng sangkatauhan ay mayroon nito, at ito ang metapisikong pananalig na naghihiwalay sa tao mula sa hayop.

Muli, ang mga nag-aalinlangan na kung saan hindi direktang nararanasan ay maaaring makahanap ng katwiran para sa pagtanggi ng kaluluwa, subalit marahil ay matutuklasan nila ang kanilang mga sarili na mayroong kakaunting mga kasamahan. Bukod dito, ang talakayan pagkatapos ay nalilipat patungo sa isa sa likas na katangian ng katotohanan, kaalaman, at katibayan, na kung saan makatuwirang pampasigla patungo sa kasunod na bahagi, sa agnostisismo.



Mga talababa:

[1] Ang artikulong ito sa una ay ang karugtong ng librong “The First and Final Commandment” ng parehong may-akda.

[2] Bacon, FrancisAtheism.  p. 16.

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

Lista ng mga Artikulo

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong history ay walang laman.

View Desktop Version