Ateismo (bahagi 2 ng 2): Isang Katanungan sa Pag-unawa
Paglalarawanˇ: Ang kawalan ng kakayahang maunawaan ang ilan sa mga ginawa ng Diyos ay hindi katwiran upang ikaila ang Kanyang pag-iral.
- Ni Laurence B. Brown, MD
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 22 Feb 2009
- Nag-print: 4
- Tumingin: 4,612 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Karamihan sa mga argumento ng Ateista ay naghahamon sa pagiging tugma ng isang mapagmahal na Diyos sa nararamdamang kawalang-katarungan sa buhay. Kinikilala ng relihiyoso ang ganitong paghahamon na nagpapakita ng isang mapagmataas na katalinuhan-- ang pag-aakalang tayo bilang sangkatauhan, ay isang elemento ng paglikha ng ating sarili, na higit na maalam kaysa sa Diyos sa kung paano dapat ang pagkakasunod-sunod ng Kanyang mga nilikha -- kalakip ng kabiguang kilalanin ang isang mas malaking disenyo.
Ang katotohanan na marami sa sangkatauhan ang nabigong mabigyan ng kabuluhan ang ilang aspeto ng buhay na ito, hindi ito dapat na maging dahilan upang panghinaan ng loob sa paniniwala sa Diyos. Ang tungkulin ng tao ay hindi upang tanungin o itanggi ang mga katangian o presensya ng Diyos, at huwag piliing magmamataas sa pamamagitan ng paghahayag na makakagawa ng isang mas mahusay na gawain, sa halip ay tanggapin ang katayuan ng tao sa buhay na ito at gawin ang pinakamainam na magagawa sa kung ano ang itinakda sa atin. Sa paghahalintulad, ang katotohanan na hindi gusto ng isang tao ang kaparaanan ng amo sa paggawa ng mga bagay sa trabaho, at bigong maunawaan ang mga kapasyahang kanyang ginawa, ay hindi nagkakaila ng kanyang pag-iral. Sa halip, ang tungkulin ng bawat tao ay gampanan ang trabaho na naka-atang sa kanya para masahuran at tumaas ang posisyon. Kagaya din, na ang pagkabigo na maunawaan o sang-ayunan ang mga kaparaanan ng pag-uutos ng Diyos sa nilikha ay hindi nagkakaila sa Kanyang pag-iral. Sa halip ay dapat kilalanin ng may kababaang loob na, di tulad ng amo sa trabaho, na maaring mali, Ang Diyos sa pagpapakahulugan ay ganap na perpekto, laging tama at hindi kailanman nagkakamali. Ang sangkatauhan ay dapat na yumuko sa Kanya sa kusang pagsuko at sa pagtanggap na ang kabiguang maunawaan ang Kanyang plano para sa atin ay hindi nagpapakita ng kamalian sa Kanyang bahagi. Sa halip, Siya ang Panginoon at Dalubhasa sa Paglikha at hindi tayo, Alam Niya ang lahat at tayo ay hindi, Ipinag-utos Niya ang lahat ng mga pangyayari ayon sa Kanyang perpektong katangian, at tayo ay nananatiling Kanyang mga tauhan, kasama para sa biyahe ng ating buhay.
Ang nalilito at sensitibong mga kaluluwa na nahihirapang pagtugmain ang pag-iral ng Diyos sa isang malupit at mahirap na buhay ay karapat-dapat sa pakikiramay at pagpapaliwanag. Kung tinatanggap ng isang tao ang katotohanan na alam ng Diyos kung ano ang ginagawa Niya at tayo'y hindi, dapat siyang maging komportable nang may pag-unawa na ang magulong mga bagay ay maaaring hindi ganun sa kung ano sila sa unang tingin. Marahil ang kapus-palad mula sa mga tao ay karapat-dapat sa kanila ang kanilang kapalaran sa buhay sa mga kadahilanang hindi natin alam, at marahil ay nagdurusa lamang sila sa dagliang makamundong pag-iral upang makatamo ng walang hanggang gantimpala sa susunod na buhay. Baka nakakalimutan ng isang tao na, ipinagkaloob ng Diyos sa kanyang mga pinakamamahal na mga nilalang (i.e. ang mga Propeta) ang pinakadakilang makamundong handog na katiyakan, patnubay at rebelasyon; gayunpaman, sila ay labis na nagdusa sa mga makamundong kundisyon. Sa katunayan, ang mga pagsubok at pagdurusa ng karamihan sa mga tao ay walang-wala kung ihahambing sa yaong sa mga Propeta. Kaya't kahit na maraming tao ang lubhang nagdurusa, ang mensahe ng pag-asa ay ang halimbawa ng mga pinakapaborito ng Diyos, ang mga Propeta, sila ay pinagkaitan ng mga kasiyahan dito sa mundo bilang kapalit para sa mga gantimpala ng kabilang-buhay. Maaaring umasa din ang tao ng kaparehong gantimpala para sa mga nagtitiis sa mga pagsubok at mga kahirapan sa buhay na ito, habang nananatiling matatag sa tunay na paniniwala.
Kagaya, na ang isang tao ay hindi masisisi kung umaasang ang mga hindi naniniwala na mga maniniil at mga mapang-api ay makatatamo ng lahat ng kasiyahan sa mundong ito, subali't wala na sa kabilang-buhay. Ang ilan sa mga kilalang mga bilanggo ng Impiyerno ay isaisip, Si Paraon, halimbawa, namuhay sa isang buhay na may karangyaan hanggang sa punto na ipinahayag niya ang kanyang sarili na siya ang kataas-taasang Diyos. Marahil ang mga opinyon ay nagbago noong nagpalabas siya ng hangin (napagtantong tao lang siya na may kapintasan). Gayunpaman, ang isang tao ay makatuwirang umasa na siya ay medyo hindi nasisiyahan sa kanyang mainit na tirahan sa kasalukuyan, at ang mga alaala ng kanyang mga magagarang mga karpet, mga masasarap na pagkain at ang mga mababangong lingkod na kababaihan na nawalan ng halina sa pang-aaliw sa mga oras ng kasalukuyang pangyayari.
Karamihan sa mga tao ay nakaranas ng pagtatapos ng isang magandang araw sa isang masamang kalagayan dahil sa ilang masasamang kaganapan sa pagtatapos ng mga pangyayari. Walang sinuman ang nagpapahalaga sa isang masarap na pagkain na ang hantungan ay sa hiwalayan, sa isang romantikong libangan na ginantimpalaan ng AIDS, o isang gabi ng kasiyahan na nauwi sa kulungan dahil sa isang brutal na atake at pagnanakaw o matinding aksidente. Naging gaano kabuti kaya ito? Gayunpaman, walang kagalakan sa buhay na ito, kahit gaano man kalaki ang labis na kasiyahan o gaano man katagal ang panahong itinagal, na hindi kaagad nabubura sa isipan ng isang 100% na pagkasunog ng buong katawan. Ang isang bahagi ng isang kamay ay kumakatawan sa 1% ng kabuuang ibabaw na bahagi ng katawan ng isang tao o ng balat, na ang paso sa kusina sa bahagi ng daliri ay mas mababa sa bilang na isang libo sa kabuuang ibabaw na bahagi ng katawan o ng balat. Gayunpaman, sino ang ganap na hindi makakalimot sa bawat maliit, bawat malaki, lahat ng bagay sa mga oras na iyon ng masakit na pagdurusa sa apoy? Ang paghihirap ng isang sunog na buong katawan, lalo na kung tuloy-tuloy o walang kaginhawaan -- walang pagtalikod, walang paghila palayo -- ito ay lampas sa kapasidad ng imahinasyon ng tao. Ang ilang mga nakaligtas sa naturang pagkasunog ay sumasang-ayon. Hindi lamang matinding sakit ng lubos na pagkasunog ang lumampas sa hangganan ng imahinasyon ng tao, subalit ang hirap ng karanasan ay nalalampasan ang limitasyon ng salita (di na alam kung ano ang itatawag sa mga kahirapan na nararanasan dahil sa ganitong karanasan). Ang takot ay hindi maaaring sapat na maiparating sa pamamagitan ng nakalulungkot na karanasan, ni lubos na maunawaan ng mga mapalad na nakatakas sa pagsisimula nito. Katiyakan na ang isang mahabaaaaaaang, walang hanggang, buong katawang pagkalublub sa apoy ay maaasahang makakabura sa anumang nakalulugod na mga alaala ng nakaraan, naaalinsunod sa konklusyon na
“…ang buhay sa mundo kung ihahambing sa kabilang buhay ay isa lamang maikling kasiyahan.” (Quran 13:26)
Kaugnay sa paksa ng kasalukuyang apendiks o karugtong[1], ang dalawang elemento ng naggagabay na kamalayan ay nararapat isaalang-alang, ang una ay ang pagiging makatotohanan na ang lahat ng tao ay may isang likas na kaalaman sa pagkakaroon ng Tagapaglikha. Maaaring ipagkaila ng sangkatauhan sa isipan ang kamalayan na ito dahil sa paghahanap ng mga kaginhawaan at kasiyahan sa mundong ito, ngunit sa katotohanan, alam ng lahat ng sangkatauhan ang katotohanan. Ang higit pa, alam ng Diyos na alam natin, at Siya lamang ang makatutukoy sa antas ng bawat paghihimagsik at/o pagsuko ng bawat indibiduwal sa Kanya.
Ang pangalawang elemento ng pagkakaroon ng espirituwal na kamalayan ay mauunawaan na bihira lamang ang isang libreng tanghalian. Bihira ang sinumang makakuha ng isang bagay na walang kapalit. Kung nagtatrabaho ang isang tao para sa among hindi niya naiintindihan o hindi sila magkasundo, sa huli kailangan pa rin niyang gawin ang kanyang trabaho upang mabigyan ng sweldo. Walang sinumang nagtatrabaho (nang matagal, sa ano't ano man) at walang ginawa maliban sa pagsasabi na, “Ako ay nasa trabaho,” na umaasa sa suweldong kasunod ng walang ginagawa o di nagtatrabaho. Katulad din, na ang sangkatauhan ay dapat na kalugud-lugod ang paglilingkod at pagsamba sa Diyos kung umaasang makatanggap ng Kanyang gantimpala. Pagkatapos ng lahat, hindi lamang iyon ang layunin ng buhay, ito ang paglalarawan sa ating tungkulin. Dahil sa bagay na iyon, pinapahayag ng mga Muslim na ang gayon ay ang paglalarawan sa tungkulin para sa parehong tao at Jinn (pangmaramihan para sa mga ‘espiritu;’ pang isahan ‘Jinn’ee,’ kung saan nagmula ang kanluraning salita na ‘genie’), dahil sa ang Diyos ay nagparating sa Banal na Quran:
“At hindi Ko nilikha ang Jinn at tao maliban upang sila ay sumamba sa Akin.” (Quran 51:56)
Maraming tao ang nagtatanong sa layunin ng buhay, subalit ang paninindigan ng matapat mula sa maraming relihiyon ay tumpak sa nakasaad sa itaas – ang sangkatauhan ay umiiral nang walang ibang dahilan maliban sa paglilingkod at pagsamba sa Diyos. Ang panukala ay ang bawat elemento ng paglikha ay umiiral upang tumulong o subukin ang sangkatauhan sa pagsasakatuparan ng tungkulin na iyon. Hindi tulad ng makamundong tungkulin, ang tao ay maaaring iwasan ang kanyang responsibilidad sa Diyos at mabibigyang palugit. Gayunpaman, sa pagtatapos ng panahon ng pagsubok na ito na tinatawag na buhay, ang mga pananagutan ay nararapat bayaran, at ang gayon ay tiyak na hindi pinakamainam na panahon na makita ang listahan ng isang tao ‘sa pula (o bagsak na kalagayan).’
Nagbigay si Francis Bacon ng isang kahanga-hangang pagwawakas sa paksa ng apendiks (karugtong) na ito, na nagsasabi, “Sila na tumatanggi sa isang Diyos ay sumisira sa kadakilaan ng tao; sapagkat katiyakan na ang tao ay kamag-anak ng hayop ayon sa kanyang katawan; at, kung hindi siya magiging kaugnay sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang espiritu, siya ay isang mababa at walang dangal na nilalang.”[2] Kung maniniwala ang tao na pagkatapos ng ilang milyong taon ay may isang bagay na karapat-dapat na ihawin ang susulpot mula sa bula na siyang teorya (ang pinagmulan ng buhay) nina Stanley Miller at Harold Urey sa sinaunang bouillabaisse, kailangan paring isaisip ng sangkatauhan kung ano ang nararamdaman na nasa loob natin — ang kaluluwa o espiritu. Na ang bawat elemento ng sangkatauhan ay mayroon nito, at ito ang metapisikong pananalig na naghihiwalay sa tao mula sa hayop.
Muli, ang mga nag-aalinlangan na kung saan hindi direktang nararanasan ay maaaring makahanap ng katwiran para sa pagtanggi ng kaluluwa, subalit marahil ay matutuklasan nila ang kanilang mga sarili na mayroong kakaunting mga kasamahan. Bukod dito, ang talakayan pagkatapos ay nalilipat patungo sa isa sa likas na katangian ng katotohanan, kaalaman, at katibayan, na kung saan makatuwirang pampasigla patungo sa kasunod na bahagi, sa agnostisismo.
Magdagdag ng komento