Si Bruce Paterson, Dating Kristiyano, UK
Paglalarawanˇ: Pagod na sa mga hindi nasagot na mga katanungan sa kanyang pananampalataya, ang isang naghahanap ng katotohanan ay naghahanap ng paliwanag sa mga relihiyon ng Silangan, panliping relihiyon, at sa wakas ay nahanap ito sa Islam.
- Ni Bruce Paterson
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 06 Aug 2006
- Nag-print: 1
- Tumingin: 2,324 (araw-araw na pamantayan: 2)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Nais kong gamitin ang pagkakataon upang maibahagi sa inyo ang aking paglalakbay sa Islam at nararamdaman ko na sa pamamagitan ng pagbabahagi ng karanasang ito sa inyo ay makakatulong ako sa inyong paglalakbay sa buhay. Lahat tayo ay ipinanganak sa iba't ibang mga kultura, bansa at relihiyon na kung saan madalas tila isang nakalilito at magulong mundo. Sa totoo lang, kung susuriin natin ang mundo na nasa ating paligid, madali nating makita kung gaano nito napasok ang napakagulong estado nito: digmaan, kahirapan at krimen. Kailangan ko pa bang magpatuloy? Ngunit kung titingnan natin ang ating sariling pag-aalaga at pag-aaral, paano natin masisiguro na ang lahat ng mga bagay na sinabi sa atin, ay nasa katotohanan?
Sa kasamaang palad, ang karamihan sa mga tao sa mundo ay nagpasya na subukang magtago at tumakas mula sa mga problema sa mundo sa halip na tumayo at makitungo sa katotohanan. Ang pakikitungo sa katotohanan ay madalas na mas mahirap na abenida upang sundin. Ang tanong ay: Handa ka bang manindigan para sa katotohanan? Malakas ka na ba? O, Ikaw ay tatakas at magtatago tulad ng iba?
Sinimulan ko ang aking paghahanap para sa katotohanan maraming taon na ang nakalilipas. Gusto kong malaman ang katotohanan tungkol sa katotohanan ng ating pag-iral. Sigurado, ang maunawan nang tama ang buhay ay ang susi sa paglutas ng lahat ng mga makamundong problema na kinakaharap natin ngayon. Ipinanganak ako sa isang pamilyang Kristiyano at dito nagsimula ang aking paglalakbay. Sinimulan kong basahin ang bibliya at magtanong. Mabilis akong hindi nasiyahan. Sinabi sa akin ng pari, “Kailangan mo lamang magkaroon ng pananampalataya.” Mula sa pagbabasa ng bibliya natagpuan ko ang mga pagkakasalungatan at mga bagay na malinaw na mali. Sinasalungat ba ng Diyos ang Kanyang sarili? Nagsisinungaling ba ang Diyos? Syempre hindi!
Lumipat ako mula sa Kristiyanismo, iniisip ko na ang mga banal na kasulatan ng mga Hudyo at ng mga Kristiyano ay nadungisan kaya't walang paraan na mahanap ko ang katotohanan mula sa kahuwaran. Sinimulan kong alamin ang tungkol sa Mga Silangang Relihiyon at Pilosopiya, lalo na ang Budismo. Ako ay gumugol ng mahabang panahon sa pagninilay-nilay sa mga templo ng Budista at nakikipag-usap sa mga monghe ng Budista. Sa totoo lang, ang pagninilay-nilay ay nagbigay sa akin ng isang mabuti at malinis na pakiramdam. Ang problema ay hindi nito sinagot ang alinman sa aking mga katanungan tungkol sa katotohanan ng pag-iral. Sa halip ay maingat nitong iniwasan ang mga ito sa paraang tila kalokohan kahit na pag-usapan ang tungkol dito.
Naglakbay ako sa napakaraming panig ng mundo noong panahon ng aking paghahanap para sa katotohanan. Naging napaka interesado ko sa mga panliping relihiyon at sa espiritwal na paraan ng pag-iisip. Napag-alaman ko na marami sa sinasabi ng mga relihiyong ito ay may katotohanan sa kanila, ngunit hindi ko kailanman matatanggap ang buong relihiyon bilang katotohanan. Ito ay tulad ng kung saan ako nagsimula sa Kristiyanismo!
Sinimulan kong isipin na mayroong katotohanan sa lahat ng bagay at hindi talaga mahalaga kung ano ang pinaniniwalaan mo o kung ano ang sinusunod mo. Siguradong kahit na ito ay isang anyo ng pagtakas. Ibig kong sabihin, may kabuluhan ba ito: isang katotohanan para sa isang tao at ibang katotohanan para sa ibang tao? Maaari lamang magkaroon ng isang katotohanan!
Nakaramdam ako ng kalituhan, napaluhod ako sa sahig at nanalangin, “Oh, pakiusap aking Panginoon, litong lito na ako, pakiusap gabayan Niyo po ako sa katotohanan.” Ito ay nang natuklasan ko ang Islam.
Siyempre meron akong alam na mga bagay tungkol sa Islam, ngunit kung ano lamang ang aming simpleng naririnig sa Kanluran. Nagulat ako sa kung ano ang aking napag-alaman. Habang mas marami akong nababasa sa Quran at tinatanong tungkol sa kung ano ang itinuturo ng Islam, ganun din karami ang natatanggap kong katotohanan. Ang kapansin-pansin na pagkakaiba sa pagitan ng Islam at bawat iba pang relihiyon ay ang Islam ay ang tanging relihiyon na gumagawa ng isang mahigpit na pagkakaiba sa pagitan ng Tagapaglikha at ng nilikha. Sa Islam, sinasamba namin ang Tagapaglikha. Madaling unawain. Gayunpaman makikita mo rin, na sa bawat ibang relihiyon ay may ilang uri ng pagsamba na kinasasangkutan ng nilalang. Halimbawa, ang pagsamba sa mga kalalakihan bilang pagkakatawang-tao ng Diyos o mga bato, parang pamilyar. Sigurado na, kung sasambahin mo ang anumang bagay, dapat mong sambahin ang Siyang lumikha ng lahat. Ang Siyang nagbigay sa iyo ng iyong buhay at ang Siyang kukuha nito muli. Sa katunayan, sa Islam, ang tanging kasalanan na hindi mapapatawad ng Diyos ay ang pagsamba sa nilalang.
Gayunpaman, ang katotohanan ng Islam ay matatagpuan sa Quran. Ang Quran ay tulad ng isang aklat na gabay sa pamumuhay. Sa loob nito makikita mo ang mga sagot sa lahat ng mga katanungan. Para sa akin, lahat ng natutunan ko tungkol sa lahat ng iba't ibang mga relihiyon, lahat ng alam kong totoo, ay nagsama-sama tulad ng mga piraso ng isang jigsaw na palaisipan. Nasa akin ang lahat ng mga piraso ngunit hindi ko lang alam kung paano pagsama-samahin.
Nais kong hilingin sa inyo na isaalang-alang ang Islam ngayon. Ang totoong Islam tulad ng inilarawan sa Quran. Hindi ang Islam na itinuro sa atin sa kanluran. Maaari mong mapadali ang iyong paglalakbay sa paghahanap ng katotohanan tungkol sa buhay. Ipinagdarasal ko ang iyong tagumpay, kahit ano paman.
Magdagdag ng komento