Ang mga Propesiya ni Muhammad

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang mga propesiya ng Propeta Muhammad (pbuh) ay natupad sa kanyang panahon at pagkatapos ng kanyang kamatayan. Ang mga propesiyang ito ay malinaw na mga patunay ng pagkapropeta ni Muhammad nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya.

  • Ni Imam Mufti
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 24 Jun 2019
  • Nag-print: 1
  • Tumingin: 3,617 (araw-araw na pamantayan: 2)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

The_Prophecies_of_Muhammad_001.jpg Ang isa sa mga paraan kung saan ang isang tao ay mapapatunayan ang kanyang pagkapropeta ay ang pagiging matapat, alinman patungkol sa mga pangyayari sa nakaraan, sa kanilang pang-araw-araw na buhay, o mga bagay na darating sa hinaharap. Bilang karagdagan sa Quran, maraming mga salawikain ang Propeta Muhammad (pbuh) na naglalaman ng mga propesiya na ginawa niya sa kanyang panahon tungkol sa malapit at malayong hinaharap. Ang ilan sa mga ito ay nagkatotoo, ang iba ay naghihintay ng katuparan. Si Hudhaifah, na isang disipulo ng Propeta Muhammad (pbuh), ay nagsabi sa atin:

"Ang Propeta ay minsang nagbigay ng talumpati sa harap namin kung saan binanggit niya ang lahat [lahat ng mga palatandaan] na mangyayari hanggang sa Huling Oras na walang iniwan na anuman. Ang ilan sa amin ay naalala ito at ang ilan ay nakalimutan na ito. Pagkatapos ng talumpating iyon, nakakakita ako ng mga pangyayaring nagaganap na tinuran sa talumpating iyon, ngunit nakalimutan ko ang mga ito bago pa man mangyari ang mga ito. Pagkatapos ay makikilala ko ang mga kaganapang ito gaya ng pagkilala ng isang tao sa ibang tao na nawala at pagkatapos ay nakita at nakilala siya." (Saheeh Al-Bukhari)

Mayroong hindi bababa sa 160 na kilala at nakumpirmang mga propesiya ang Propeta Muhammad (pbuh) na nagkatotoo sa kanyang panahon at ang unang henerasyon na sumunod sa kanya.[1] Babanggitin natin ang ilan dito.

(1) Bago ang Labanan ng Badr, ang una at mahalagang paghaharap sa mga paganong taga-Makkah sa ikalawang taon ng paglikas mula sa Makkah noong 623 CE, ang Propeta Muhammad (pbuh) ay hinulaan ang eksaktong lugar ng bawat paganong sundalong taga-Makkah na mahuhulog. Ang mga nakasaksi sa labanan ay nakita ang propesiya na nagkatotoo sa harapan nila mismo.[2]

(2) Ang Propeta Muhammad (pbuh) ay hinulaan ang Labanan ng mga Konpederado (al-Ahzab) na huling pagsalakay ng tribo ng Quraish (ang mga paganong taga-Makkah) na ilulunsad laban sa mga Muslim. Naganap ang labanang ito noong ikalimang taon ng paglikas, 626 CE at ito ang huling labanang militar sa pagitan ng dalawang panig. Ang lahat ng mga taga-Makkah ay yumakap sa Islam makalipas ang ilang taon.[3]

(3) Ang Propeta ay ipinaalam sa kanyang anak na babae, na si Fatima, na siya ang unang miyembro ng kanyang pamilya na mamamatay pagkatapos niya. Mayroong dalawang mga propesiya sa isa: Si Fatima ay mabubuhay ng higit sa kanyang ama; Si Fatima ang magiging unang miyembro ng kanyang sambahayan na mamamatay pagkatapos niya. Kapwa itong natupad.[4]

(4) Ang Propeta Muhammad (pbuh) ay hinulaan ang Herusalem na masasakop pagkatapos ng kanyang kamatayan.[5] Ang propesiya ay natupad na, ayon sa Ensiklopedia na Btitanika: "Noong 638 ang Kalipang Muslim, na si Omar, ay nakapasok sa Herusalem."[6]

(5) Ang Propeta Muhammad (pbuh) ay hinulaan ang pagkasakop ng Persia.[7] Ito ay nasakop ng kumandante ni Omar, na si Sa’ad ibn Abi Waqqas. Sa mga salita ng Ensiklopedia na Britanika:

"... ang mga pagsalakay sa teritoryo ng Sasanian ay mabilis na naisagawa ng mga Kalipa ni Muhammad (pbuh), o mga representante, sa Madinah - sina Abu Bakr at Umar ibn al-Khattab ... isang tagumpay ng Arabo sa Al-Qadisiyyah noong 636/637 na sinundan ng pagsamsam ng Sasanian ang kabisera pag taglamig sa Ctesiphon sa Tigris. Ang Labanan ng Nahavand noong 642 ang nagkumpleto para masakop ang Sasanids."[8]

(6) Ang Propeta Muhammad (pbuh) ay hinulaan ang pagkasakop ng Ehipto.[9] Sa mga salita ng Ensiklopedia na Britanika:

"Si Amr... ang nangasiwa sa pagsalakay noong 639 kasama ang isang maliit na hukbo ng mga 4,000 na mga kalalakihan (kalaunan ay pinalakas). May kung anong tila nakakagulat na bilis na ang pwersa ng Byzantine ay nairuta at umatras mula sa Ehipto noong 642... Ang iba't ibang mga paliwanag ay naibigay para sa bilis na kung saan ang pagsakop ay nakamit."[10]

(7) Ang Propeta ay hinulaan ang pakikipagharap sa mga Turko.[11] Ang unang labanan ay naganap sa panahon ng pagiging-kalipa ni Omar noong 22 AH.[12]

(8) Ang Propeta ay hinulaan ang unang pangkaragatang labanan na isasagawa ng mga Muslim na masasaksihan ni Umm Haram, ang unang babaeng lumahok sa isang paglalayag sa dagat. Hinulaan din niya ang unang pagsalakay sa Constantinople.[13]

Ang unang pangkaragatang labanan sa kasaysayan ng Muslim ay noong 28 AH sa pamamahala ni Mu'awiya. Nasaksihan ito ni Umm Haram na hinulaan ng Propeta Muhammad (pbuh), at si Yazid ibn Mu'awiya ay pinangunahan ang unang pagsalakay sa Constantinople noong 52 AH.[14]

(9) Ang propesiya na ang Roma, Persia, at Yemen na masasakop ay ginawa habang nasa Labanan ng Konpederado noong 626 CE,[15] sa ilalim ng matinding mga pangyayari, gaya ng inilarawan sa Quran:

"[Alalahanin] nang sila ay nagsirating sa inyo mula sa itaas at mula sa inyong ibaba at nang ang mga mata ay nanlaki [sa takot] at ang mga puso ay umabot sa mga lalamunan, at kayo ay nag-akala tungkol sa Diyos [ng maling] pag-aakala. Sa pagkakataong iyon, ang mga naniniwala ay sinubukan at ginimbal nang isang matinding pagkagimbal. At [alalahanin] nang ang mga mapagkunwari at silang ang mga puso ay may sakit ay nagsabi, 'Ang Diyos at ang Kanyang Sugo ay walang ipinangako sa amin maliban sa nakalilinlang na guni-guni.'” (Quran 33:10-12)

(10) Ang Prophet Muhammad (pbuh) ay hinulaan ang isang huwad na nag-aangking nagsasalita sa ngalan ng Diyos ay mapapaslang sa mga kamay ng isang matuwid na tao sa panahon ng Propeta.[16] Si Al-Aswad al-Ansi, isang huwad na propeta sa Yemen, ay napaslang sa panahon ng Propeta ni Fayruz al-Daylami.[17]

Mayroong hindi bababa sa 20 na mga propesiya patungkol sa katapusan ng panahon na naghihintay ng katuparan.

Tunay na ang mga maayos na dinokumentong mga propesiyang ito ay malinaw na mga patunay ng Pagkapropeta ni Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya. Walang posibleng paraan na ang Propeta ay maaaring magkaroon ng kaalaman sa mga pangyayaring ito maliban kung ito ay kinasihan ng Diyos Mismo, lahat ay naisaayos upang higit pang patunayan ang awtentisidad ni Muhammad (pbuh), na siya ay hindi isang huwad, ngunit sa halip isang Propetang inatasan ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan mula sa Apoy ng Impiyerno.



Mga talababa:

[1] Ang mga ito ay tinipon ni Dr. Muhammad Wali-ullah al-Nadavi sa kanyang Punong tesis na pinamagatang, ‘Nubuwwat al-Rasul,’ mula sa Unibersidad ng al-Azhar, Cairo, Ehipto.

[2]Saheeh Muslim, Abu Ya’la.

[3] Saheeh Al-Bukhari, Bazzar, at Haithami.

[4]‘Sharh’ Saheeh Muslim,’ ni Imam al-Nawawi.

[5]Saheeh Al-Bukhari.

[6] "Herusalem." Encyclopædia Britannica mula sa Encyclopædia Britannica Premium Service. (http://www.britannica.com/eb/article-61909)

[7] Saheeh Muslim.

[8] "Iran." Encyclopædia Britannica mula sa Encyclopædia Britannica Premium Service. (http://www.britannica.com/eb/article-32160)

[9] Saheeh Muslim.

[10] "Ehipto." Encyclopædia Britannica mula sa Encyclopædia Britannica Premium Service. (http://www.britannica.com/eb/article-22358)

[11] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim.

[12] Ibn Kathir’s ‘al-Bidaya wal-Nihaya.’

[13] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim.

[14] Ibn Kathir’s ‘al-Bidaya wal-Nihaya.’

[15] Saheeh Al-Bukhari.

[16]Saheeh Al-Bukhari.

[17]Ensiklopedia ng Islam.

Mahina Pinakamagaling

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat