Ang Ating Munting Lugar sa Mga Nilikha ng Diyos
Paglalarawanˇ: Ang kamangha-manghang mga nilikha ng Diyos ay nagpapakumbaba sa atin at pinipilit tayong kilalanin Siya at Purihin Siya.
- Ni islamtoday.net
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 15 May 2019
- Nag-print: 1
- Tumingin: 2,592 (araw-araw na pamantayan: 2)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Minsan ang mga tao ay nahuhumaling sa kanilang sarili bilang sila ang pinakamahalaga, mapagmataas na tumitingin mula sa gilid hanggang sa kabilang gilid, habang nakataas ang kanilang ilong sa hangin. Ngunit kung titingnan lamang nila ang mga mahusay at kagila-gilalas na nilikha na ito sa kanilang paligid, magkakaroon sila ng isang pakiramdam ng pagpapakumbaba at sila ay magiging mapagpakumbaba sa harap ng kanilang Panginoon.
Mga Bagay na Dapat Isaalang-alang
1. Sa oras ng pagbubuntis, nasa pagitan ng lima at anim na daang milyong mga spermang selula ang dumaan sa lagusan ng babae, ang bawat isa sa kanila ay may kakayahang mag-abono ng itlog at maging isang tao. Ngunit ang Diyos sa Kanyang karunungan ay pumipili lamang ng isa sa lahat ng milyun-milyong iyon upang maging tao, at ang isang ito ay mabubuo bilang ganap na tao na pinili ng Diyos na likhain, isang pagkatao na sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos ay nagtataglay ng kakayahang mangatuwiran at ayusin ang mga gawain nito.
Ito ay kung paano tayo nilikha lahat, kaya dapat nating madama ang pagpapakumbaba sa pagkilala sa kadakilaan at kagalingan ng ating Panginoon. Dapat nating alalahanin ang ating mapagpakumbabang pagsisimula upang mapahalagahan natin ang malawak na pagkakaiba sa pagitan ng maliit na patak ng halong likido na kung saan tayo ay nabuo at naging ganap na tao ngayon. Ito ay mag-uudyok sa atin na luwalhatiin ang Diyos, manatiling may kamalayan sa Kanya sa lahat ng oras, at magpasalamat sa Kanya.
2. Mayroong higit sa isang daang trilyong mga selula sa katawan ng tao. Sa loob ng bawat isa sa mga cell na ito ay mga organelong, sistema, kumplikadong proseso, at malawak na imbakan ng impormasyon. Ang bawat detalye ng selula ay niluluwalhati ang Panginoon habang isinasagawa ang papel nito sa selula sa isang di mapantayang paraan.
Ang nukleus ng bawat selula ay naglalaman ng halos 31 bilyon na mga nucleotide – Ang apat na molekular na 'titik' sa molekula ng DNA na naglalabas ng mga genetic na katangian ng nabubuhay na organismo at nagsasaayos sa paggana nito. Ang impormasyong ito ay ang isang organismo na nakukuha sa kanyang ama at ina.
Ang napakaraming bilang ng mga 'titik' na molekular na bumubuo sa ating DNA ay nadoble sa bawat isa sa daan-daang mga selula ng ating mga katawan. Ang bawat isa sa mga titik na ito ay nagpapatotoo sa kadakilaan ng Diyos na lumikha sa kanila.
3. Kapag tumitingin tayo sa kalangitan ng gabi, tumitig tayo sa kalawakan ng lugar at ang bilyun-bilyong mga kalawakan na nasa ibabaw ng ating mga ulo. Ang bawat kalawakan ay koleksiyon ng bilyun-bilyong mga bituin, at ang mga bituin na ito ay nasa iba't ibang yugto ng kanilang mga buhay-siklo. Ang ilan ay nasa proseso ng pagkabuo. Ang ilan ay bata, ang iba ay matanda, habang ang iba ay nasa mga bingit ng kamatayan. Ang bawat isa sa mga bituin na ito ay niluluwalhati ang Diyos sa kalawakan na nakakabagabag sa isip. Ang Diyos lamang ang nakakaalam ng buong saklaw ng sansinukob. Kung isipin natin ang isang sasakyang panghimpapawid (spaceship) na may kakayahang maglakbay na kasing bilis ng liwanag,186 libong milya bawat segundo, aabutin ang libu-libong taon para sa sasakyang iyon na tumawid sa isang kalawakan, paano pa ang ibayo nito..
Sinabi ng Diyos:
"Kaya, Ako ay sumusumpa sa anumang inyong nakikita. At sa anumang hindi ninyo nakikita." (Quran 69:38-39)
Sinasabi din ng Diyos:
"Kaya, [isinusumpa Ko] sa paglubog ng mga bituin. At katotohanan, ito ay isang panunumpa, kung ito ay inyo lamang nalalaman." (Quran 56:75-76)
Ang isang kalawakan ay maaaring maglaman mula sa 100 milyon hanggang isang bilyong mga bituin, at araw-araw ay may natutuklasan ang mga siyentipiko na isang bagong bagay tungkol sa kalawakan. Ang paraan ng pag-oobserba na nagagamit sa agham ay medyo limitado pa rin. Tayo, bilang mga nilalang na nilikha, ay dapat makita ang kadakilaan ng Diyos sa Kanyang nilikha at tingnan ang ating sarili nang may pagpapakumbaba.
Ang mundo ay isang bukas na libro na nagpapalawig ng mga papuri ng Diyos.
"Ang pitong kalangitan at kalupaan at ang anumang nakapaloob doon, ay lumuluwalhati sa Kanya at walang isang bagay maliban na ito ay lumuluwalhati sa Kanyang Papuri; subalit hindi ninyo nauunawan ang kanilang pagpupuri." (Quran 17:44)
Sinasabi din ng Diyos:
"Hindi mo ba nakikita [o nalalaman] na sa Allah nagpapatirapa ang sinumang nasa mga kalangitan at sinumang nasa kalupaan, at ang araw, ang buwan, at ang mga bituin at ang mga bundok, at ang mga punongkahoy, at ang bawa’t nilikhang gumagala, at ang nakararami sa tao? Nguni’t sa nakararaming tao [na tumangging magpatirapa sa Kanya] ang parusa ay naging marapat [o makatuwiran]. At sinumang bigyan ng Allah ng kahihiyan, walang sinuman ang makapagbibigay sa kanya ng karangalan. At katotohanan, ang Allah ay gumagawa ng anumang Kanyang nais." (Quran 22:18)
Ang lahat ng kagandahan at karangyaan ng sansinukob na nakikita natin ay isang maliit lamang na sulyap ng pagiging Matalino ng Tagapaglikha.
Kapag ang isang mananampalataya ay nagnilay-nilay sa mga nilikha ng Diyos, nagpapakita ito ng isang kadakilaan ng Diyos at ang Kanyang napakalawak na karunungan. Nagdadala ito ng kapayapaan sa nananalig na puso at pinapalakas ang pananampalataya ng isang mananampalataya.
Sabi ng Diyos:
"Katotohanan, sa pagkakalikha ng mga kalangitan at kalupaan, at sa pagsasalit-salitan ng gabi at araw, naririto ang ayaat [mga palatandaan, babala, aral] para sa mga [taong] nagtataglay ng tamang pang-unawa. Yaong mga nag-aalaala sa Allah nang nakatindig, nakaupo at nakatagilid sa kanilang pagkahiga, at nagmumuni-muni sa pagkalikha ng mga kalangitan at ng kalupaan, [at nagsabing]: “Aming Panginoon, hindi Mo po nilikha ito sa kabulaanan [o nang walang makabuluhang layunin]. Luwalhati sa Iyo. Kaya, iligtas Mo po kami sa parusa ng Apoy [ng Impiyerno]." (Quran 3:190-191)
Magdagdag ng komento