Si Akifah Baxter, Dating Kristiyano, Etados Unidos
Paglalarawanˇ: Sa paglilibot sa isang tindahan ng aklat upang maghanap ng patnubay, si Akifah ay nakahanap ng isang aklat tungkol sa Islam.
- Ni Akifah Baxter
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 17 Oct 2009
- Nag-print: 1
- Tumingin: 1,977 (araw-araw na pamantayan: 1)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Palagi akong mayroong kamalayan sa pag-iral ng Diyos. Palagi kong nararamdamang Siya ay naroroon. Minsan ang pakiramdam na yaon ay malayo, at madalas na hindi ko ito pinapansin. Ngunit hindi ko kailanman maaaring itanggi ang kaalamang ito. Dahil dito, sa buong buhay ko, hinahanap ko na ang katotohanan ng Kanyang Plano.
Ako ay nakadalo na sa maraming mga simbahan. Ako ay nakinig, ako ay nagdasal, ako ay nakipag-usap sa mga tao mula sa iba't ibang mga pananampalataya. Ngunit tila laging may isang bagay akong nararamdamang hindi tama; parang nakalilito, na para bang may isang bagay na kulang. Narinig ko na ang maraming tao sa nakaraan na nagsabi sa akin, "Naniniwala ako sa Diyos, ngunit hindi ako kabilang sa anumang relihiyon. Lahat ng mga ito ay tila mali sa akin." Ganoon ang ganap kong nararamdaman, gayunpaman, hindi ko nais na basta hayaan na lamang ito ng ganoon at tanggapin na lamang. Aking nalalaman na kung ang Diyos ay umiiral samakatuwid ay hindi Niya tayo basta na lamang iiwan na walang direksyon, o kahit na isang kakaibang bersyon ng katotohanan. Kailangang mayroong isang plano, isang "tunay na relihiyon." Kailangan ko lamang hanapin ito.
Ang iba't ibang mga Kristiyanong simbahan kung saan nakatuon ang aking paghahanap, ay dahil lamang sa dito ako pinalaki, at tila may ilang katotohanan sa ilang mga turo nito. Gayunpaman, napakaraming magkakaibang mga pananaw, napakaraming magkakasalungat na mga turo sa mga pangunahing bagay tulad ng kung paano magdasal, kanino magdarasal o sa pamamagitan nino, sino ang magiging "ligtas", at kung sino ang hindi, at kung ano ang dapat gawin ng isang tao upang "maligtas." Ito ay tila magkakahalo. Aking naramdamang malapit na akong sumuko. Kagagaling ko lamang sa iba pang simbahan na ang pananaw sa Diyos at ang layunin ng ating pag-iral, ay iniwan ako sa lubos na pagkabigo dahil alam kong ang kanilang turo ay hindi totoo.
Isang araw, ako ay nag-iikot-ikot sa tindahan ng aklat at ako ay nagpunta sa relihiyosong seksyon. Habang ako ay nakatayo doon na tumitingin sa malawak na hanay ng karamihan sa mga Kristiyanong aklat, sumagi sa isip ko na tingnan kung mayroon silang anumang bagay sa Islam. Wala akong halos nalalaman tungkol sa Islam, at nang aking kinuha ang unang aklat, ito ay dahil lamang sa pag-uusisa. Ngunit ako ay nanabik sa aking binabasa. Isa sa unang mga bagay na pumukaw sa akin ay ang pahayag na 'Walang diyos kundi ang Diyos,' Wala siyang mga kasama, at lahat ng mga pagdarasal at pagsamba ay nakatuon sa Kanya lamang. Ito ay tila napakapayak, napakamakapangyarihan, napakatahas, at lubos na makatuwiran. Kaya mula doon ay sinimulan kong basahin ang lahat ng aking makakaya tungkol sa Islam.
Lahat ng aking nababasa ay nagiging lubos na makatuwiran para sa akin. Ito ay parang biglang ang lahat ng mga piraso ng palaisipan ay ganap na umaakma, at isang malinaw na larawan ang lumilitaw. Ako ay labis na nasasabik na ang aking puso ay kumakabog sa anumang oras na ako ay nagbabasa tungkol sa Islam. Pagkatapos, nang aking mabasa ang Quran, naramdaman kong para bagang ako ay tunay na pinagpapala na nababasa ito. Alam kong ito ay tahasang nagmula sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Sugo [nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya]. Ito na yaon, ang katotohanan. Aking naramdaman na mula't sapol ako'y Muslim ngunit hindi ko lang ito nalalaman, ngayon lang. Ngayong sinisimulan ko ang aking buhay bilang isang Muslim, nagkaroon ako ng isang pakiramdam ng kapayapaan at seguridad na nalalamang ang aking natututunan ay ang dalisay na katotohanan at mas magpapalapit sa akin sa Diyos. Nawa'y ang Diyos ay patuloy akong patnubayan. Ameen.
Magdagdag ng komento