Kaligayahan sa Islam (bahagi 1 ng 3): Mga Konsepto ng Kaligayahan

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Ang ebolusyon ng pag-iisip ng tao hinggil sa mga paraan kung saan maaaring matamo ang kaligayahan.

  • Ni Imam Mufti
  • Nailathala noong 12 Oct 2020
  • Huling binago noong 31 Aug 2024
  • Nag-print: 11
  • Tumingin: 5,675 (araw-araw na pamantayan: 4)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

Happiness_in_Islam_(part_1_of_3)_001.jpgKahit na ang kaligayahan ay marahil isa sa pinakamahalagang bagay sa buhay, hindi pa rin maipaliwanag ng siyensya ang tungkol dito. Ang konsepto mismo ay mailap. Ito ba ay isang ideya, damdamin, kabutihan, pilosopiya, perpekto, o nakaprograma ba ito sa mga gene? Walang napagkasunduang kahulugan para dito, gayon pa man ang lahat ay tila nagbebenta ng kaligayahan sa mga araw na ito - ang mga negosyante ng droga, mga kumpanya ng parmasyutiko, Hollywood, mga kumpanya ng laruan, mga nagtuturo nang pag-tulong sa sarili, at, siyempre, Disney, ang gumawa ng pinakamaligayang Lugar sa Lupa. Maaari bang mabili ang kaligayahan? Nakakamit ba ang kaligayahan sa pamamagitan ng pagpaparami ng kasiyahan, pagkamit ng katanyagan at kapalaran, o pamumuhay ng walang limitasyong paglilibang? Ang susunod na mga artikulo ay sisiyasatin ang ebolusyon ng kaligayahan sa pananaw ng Kanluran, kasunod ang kasalukuyang pang-unawa sa kultura sa Kanluran. Sa wakas, tatalakayin ang kahulugan at ilang paraan ng pagkamit ng kaligayahan sa Islam.

Ebolusyon ng Kaligayahan sa Pananaw ng Kanluran

Ang ideya ng Kristiyanong kaligayahan ay batay sa isang naiulat na sinasabi ni Hesus,

"…ngayon ang iyong oras ng kalungkutan, makikita kita muli at ikaw ay magagalak, at walang mag-aalis ng iyong kagalakan." (John 16:22)

Ang ideyang Kristiyano tungkol sa kaligayahan ay nabuo sa dumaan na mga siglo at, sa huli, ay nailagay sa isang teolohiya ng kasalanan, na, tulad ng ipinaliwanag ni San Augustine sa The City of God, itinuro na dahil sa orihinal na kasalanan nina Adan at Eva sa Hardin ng Eden, ang tunay na kaligayahan ay "hindi makakamit sa ating kasalukuyang buhay."[1]

Noong 1776, si Thomas Jefferson, na nagbuod ng isang magandang siglo sa pagmuni-muni tungkol sa paksa sa Europa at Amerika, na itinuturing na "paghahanap sa kaligayahan" ay isang "maliwanag sa sarili" na katotohanan. Sa oras na ito, ang katotohanan sa kaligayahan ay nabanggit na ng madalas at lubos na may kumpiyansa na, para sa marami, halos hindi na ito kinakailangan ng ebidensya. Ito ay, tulad ng sinabi ni Jefferson, maliwanag sa sarili. Upang matiyak ang "pinakadakilang kaligayahan para sa pinakamalaking bilang" ay naging mahalagang moral ng siglo. Ngunit gaano "kaliwanag sa sarili" ang paghahanap sa kaligayahan? Sa katunayan, napakalinaw na ang kaligayahan ay likas na gusto nating wakas? Inaamin ng mga Kristiyano na ang mga tao ay naghahanap ng kaligayahan sa panahon ng kanilang paglalakbay sa lupa, ngunit nanatiling walang pag-aalinlangan sa pagkamit nito. Sagayon, si Jefferson mismo ay natatakot kung ang paghabol ba ay magdadala sa isang kasiya-siyang katapusan. "Ang perpektong kaligayahan ... ay hindi kailanman inilaan ng Diyos na maging layunin ng kanyang mga nilalang," tinukoy niya sa isang liham ng 1763, pagdaragdag ng mahinahon na kahit na "ang pinaka-masuwerte sa atin, sa ating paglalakbay sa buhay, madalas na nakakasalubong ng mga kalamidad at kasawian na maaaring mangyari sa atin. "[2] Upang "palakasin ang ating isipan" laban sa mga pag-atake na ito, nagtapos siya, "na maging isa sa mga pangunahing pag-aaral at pagpupunyagi ng ating buhay."

Samantalang sa ikalimang siglo, maaaring inangkin ni Boethius na "Ang Diyos ay kaligayahan mismo,"[3] sa kalagitnaan ng ika-19 na siglo, ang formula ay nabaligtad at binasa bilang "Ang Kaligayahan ay Diyos." Ang kaligayahan sa lupa ay lumitaw bilang idolo ng mga idolo, ang sentro ng kahulugan sa modernong buhay, ang pinanggagalingan ng hangarin ng tao, ang layunin ng pag-iiral, kung bakit at dahilan. Kung ang kaligayahan ay hindi, tulad ng sinabi ni Freud, 'sa plano ng Paglikha,'[4] mayroong mga handang baguhin ang mga gawa ng Manlilikha upang ilagay ito dito sa pamamagitan ng paggawa mismo, pag-konsumo, at pag-export nito bilang demokrasya at free-market economy (materyalismo). Tulad ng naobserbahan ng pilosopo na si Pascal Bruckner, "Ang kaligayahan ay ang nag-iisa na abot-tanaw ng ating mga napapanahong demokratiko." Bilang ikalawa ng relihiyon, ang materyalismo ay inilipat ang Diyos sa pamilihan.

Kaligayahan sa Kulturang Kanluranin

Sa ating kultura, karaniwang pinaniniwalaan na ang kaligayahan ay nakakamit kapag ikaw ay mayaman, makapangyarihan, o sikat. Nais ng mga kabataan maging sikat na pop idol, ang lumang pangarap na manalo ng jackpot. Tayo ay madalas na naghahanap ng kaligayahan sa pamamagitan ng pagtanggal ng lahat ng tensyon, kalungkutan, at panggagalaiti. Para sa ilan, ang kaligayahan ay nasa mga paraan na kayang baguhin ang mood. Si Eva Moskowitz, isang mananalaysay, ay nagbibigay ng ilang ideya tungkol sa hilig ng Amerikano dito : "Ngayon, ang pagkahumaling na ito ay walang hangganan ... mayroong higit sa 260 [iba't ibang uri ng] 12-hakbang na mga programa sa Amerika."[5]

Ang isang kadahilanan na kung bakit napakarami nating problema sa pagkamit ng kaligayahan ay wala tayong ideya tungkol sa kung ano ito. Dahil dito, gumagawa tayo ng hindi magandang paghusga sa buhay. Isang Islamikong kuwento na naglalarawan ng ugnayan ng paghusga sa kaligayahan.

"Oh, mahusay na pantas, Nasrudin," sabi

ng isang sabik na estudyante, "Kailangan kong tanungin

sayo ang isang importanteng tanong, ang sagot

na lahat ay hinahanap: Ano ang sekreto

sa pagkamit ng kaligayahan?"

Napaisip si Nasrudin ng saglit,

at sumagot. "Ang sekreto ng

kaligayan ay mabuting paghusga."

"Ah," sabi ng estudyante. "Ngunit paano

natin makakamit ang mabuting paghusga?

"Mula sa karanasan," tugon ni

Nasrudin.

"Oo," sabi ng estudyante. "Ngunit paano

natin makakamit ang karanasan?’

"Maling paghusga."

Ang isang halimbawa ng ating mabuting paghuhusga ay ang pag-alam na ang mga materyalistikong ginhawa ay hindi humahantong sa pangmatagalang kaligayahan. Nang makamit ang konklusyon na iyon sa pamamagitan ng ating mabuting paghuhusga, hindi tayo nananatili sa ating mga kaginhawahan. Patuloy tayong nagnanasa sa kaligayahan na tila hindi maaabot. Nagpaparami ng pera sa pagiisip na ito ang daan upang maging masaya, at sa pamamaraan na ito napapabayaan natin ang ating pamilya. Karamihan sa mga malalaking kaganapan na pinapangarap natin ay nagbubunga lamang ng mas kaunting kaligayahan kaysa sa inaasahan natin. Bilang karagdagan sa pagkamit ng mas kaunting kaligayahan kaysa sa inaasahan o minimithi natin, madalas nating hindi alam ang eksaktong nais natin, kung ano ang magpapasaya sa atin o kung paano makukuha ito. Nagiging mali ang paghusga natin.

Ang pagtitiyaga sa kaligayahan ay hindi nagmula sa 'paggawa nito.' Isipin ang isang tao na maaaring mag-pitik ng kanilang mga daliri at bibigyan ka ng katanyagan, yaman, at paglilibang. Magiging masaya ka ba? Ikaw ay matutuwa sa galak, ngunit sa kalaunan. Unti-unti kang masasanay sa bago mong kalagayan at ang buhay ay babalik sa pangkaraniwan. Ipinakita ng mga pag-aaral na ang mga nagwagi sa loterya pagkatapos ng ilang buwan ay hindi mas masaya kaysa sa pangkaraniwan na tao! Upang mabawi ang kasiyahan, kakailanganin mo na ngayon ng isang mas mataas pa na bagay.

Isaalang-alang din, kung paano natin "ginawa." Noong 1957, ang bawat kita ng bawat tao, paghahalintulad sa dolyar ngayon, ay mas mababa sa $8,000. Ngayon ay $16,000. Sa doble na kita, mayroon na tayong doble na mga materyal na bagay na mabibili ng pera - kasama na ang dalawang beses na mas maraming kotse bawat tao. Mayroon din tayong mga microwave oven, color TVs, VCRs, answering machines, at $12 bilyon kada taon na nagkakahalaga ng mga brand-name na sapatos na pang-atleta.

Kaya mas masaya ba tayo? Hindi. Noong 1957, 35 porsyento ng mga Amerikano ang nagsabi sa National Opinion Research Center na sila ay "napakasaya." Noong 1991, 31 porsyento lamang ang nagsabi ng pareho.[6] Samantala, ang mga porsyento ng pagkalumbay ay lumaki.

Ang Propeta ng Awa ng Diyos ay nagsabi:

"Ang tunay na pagpapayaman ay hindi mula sa pagpaparami ng kayamanan bagkus ang tunay na pagpapayaman ay ang pagpapayaman ng kaluluwa." (Saheeh Al-Bukhari)



Mga talababa:

[1] City of God, (XIX.4-10). (http://www.humanities.mq.edu.au/Ockham/y6705.html).

[2] Notes for an Autobiography, 1821.

[3] De Consol. iii.

[4] Civilization and Its Discontents, (1930).

[5] In Therapy We Trust: America’s Obsession With Self-Fulfillment.

[6] Center for a New American Dream, 2000 Annual Report. (http://www.newdream.org/publications/2000annualreport.pdf)

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat