Ang Mabuting Pakikitungo sa mga Asawa
Paglalarawanˇ: Ang kabaitan sa pagitan ng mag-asawa na nagpapakita ng pananampalataya.
- Ni Imam Mufti
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 24 Jun 2019
- Nag-print: 2
- Tumingin: 4,905 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Ang Mabuting Pakikitungo sa mga Asawa
Inutusan ng Diyos ang mga kalalakihan na maging mabait sa kanilang mga asawa at pakitunguhan sila ng mabuti sa abot ng kanilang makakaya:
"…At kayo ay mamuhay sa kanila nang may kabaitan…" (Quran 4:19)
Sinabi ng Sugo ng Diyos (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), Ang nagtataglay nang may pinakaganap na paniniwala sa mga mananampalataya ay ang isang nagtataglay ng pinakamahusay na pag-uugali. Ang pinakamabuti mula sa inyo ay silang mababait sa kanilang mga asawa.’[1] Sinasabi sa atin ng Propeta ng Awa (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) na ang pakikitungo ng lalake sa kanyang asawa ay sumasalamin sa kabutihang asal ng isang Muslim, na kung saan nagpapakita sa pananampalataya ng lalaki. Paano magiging mabuting asawa ang isang lalaking Muslim sa kanyang asawa? Dapat siyang ngumiti, huwag saktan ang kanyang damdamin, alisin ang anumang makakasama sa kanya, pakitunguhan siya nang malumanay, at maging mapagpasensya sa kanya.
Kabilang sa pagiging mabuti ang magandang komunikasyon. Ang asawang lalaki ay dapat handang magbahagi ng saloobin, at handang makinig sa kanyang asawa. Maraming beses na nais ng isang asawang lalake na maipalabas ang kanyang mga kabiguan (tulad ng sa trabaho). Hindi niya dapat kalimutan na tanungin ang kanyang asawa kung ano ang kanyang kinakainisan (tulad kung hindi gagawin ng mga bata ang kanilang takdang-aralin). Ang asawang lalaki ay hindi dapat makipag-usap tungkol sa mga mahahalagang bagay sa kanyang asawa kapag siya o ang kanyang asawa ay galit, pagod, o gutom. Ang komunikasyon, kompromiso, at pagsasaalang-alang ay ang pundasyon ng pag-aasawa.
Kabilang sa pagiging mabuti ang paghihikayat sa asawa. Ang pinaka makabuluhang paghanga ay nagmumula sa isang taimtim na puso na napapansin kung ano talaga ang mahalaga — kung ano talaga ang pinahahalagahan ng asawa. Kaya't dapat itanong ng lalaki sa kanyang sarili kung alin ang nagpapadama ng kawalang katiyakan sa kanyang asawa at alamin kung ano ang kanyang pinahahalagahan. Yan ang bahagi na nagpapakilig sa asawang babae. Kung laging pinupuri ng lalake ang kanyang asawa, mas mapapamahal at hahanga ito sa kanya, lalo na kung palagian itong ginagawa ito ay mas bubuti. Ang mabubuting salita ay tulad ng, "Gusto ko ang paraan ng pag-iisip mo," "Maganda ka sa damit na yan," at "Gustong-gusto kong marinig ang iyong mga tinig sa telepono."
Ang tao ay hindi perpekto. Sinabi ng Sugo ng Diyos (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), "Huwag mapoot ang isang naniniwalang lalaki sa isang naniniwalang babae. Kung kinamumuhian man niya ang isang pag-uugali nito, siya naman ay nalulugod sa kanya sa iba pa nitong pag-uugali."[2] Ang isang lalaki ay hindi dapat mapoot sa kanyang asawa dahil kung hindi niya gusto ang isang bagay sa kanya, makakahanap siya ng isang bagay na gusto niya tungkol sa kanya kung bibigyan niya ito ng isang pagkakataon. Ang isang paraan upang malaman niya kung ano ang gusto niya sa kanyang asawa ay ang paggawa ng lalake ng isang listahan ng kalahating dosenang mga bagay na kinalulugdan niya tungkol sa kanyang asawa. Inirerekomenda ng mga dalubhasa sa pag-aasawa na hangga't maaari ay maging tiyak at tumuon sa katangian ng pag-uugali — tulad ng inirerekomenda ng Propeta ng Islam, hindi lamang kung ano ang nagawa ng babae sa kanyang asawang lalake. Halimbawa, maaaring pahalagahan ng asawang lalake ang paraan ng pag-aayos ng kanyang asawa sa kanyang malinis na labada, ngunit ang pangunahing katangian ng pag-ugali ay maaaring siya ay maalalahanin. Dapat isaalang-alang ng asawang lalaki ang mga kahanga-hangang katangian tulad ng pagiging mahabagin, mapagbigay, mabait, deboto, malikhain, elegante, matapat, mapagmahal, masigla, banayad, positibo sa buhay, dedikado, tapat, may tiwala sa sarili, masiyahin, at iba pa. Ang asawang lalake ay dapat maglaan ng ilang oras sa kanyang sarili upang mabuo ang listahang ito, at repasuhin ito sa oras ng hindi pagkakasundo at kapag nakakaramdam siya ng paglayo sa kanyang asawa. Makakatulong ito sa kanya upang mas maging may kamalayan sa mga magagandang katangian ng kanyang asawa at mas mapuri niya ito.
Tinanong ng isang kasamahan ng Propeta ang Propeta ng Diyos kung ano ang karapatan ng asawang babae sa kanyang asawang lalake?’ Sinabi niya, "Ang pakainin mo siya kapag ikaw ay nakakakain, at bihisan siya kapag ikaw ay nakakapagbihis, at huwag mo siyang sampalin sa mukha, at huwag mo siyang pagsalitaan ng masasama, at huwag mo siyang iwanan maliban sa bahay."[3]
Ang hindi pagkakasundo sa pagitan ng mag-asawa ay halos hindi maiiwasan at humahantong ito sa madalas na pagkapoot. Bagamat ang pagkapoot ay isa sa mga pinakamahirap na emosyon upang pigilan, ang unang hakbang patungo sa pagpigil nito ay maaaring sa pamamagitan ng pag-aaral kung paano patawarin ang mga nanakit sa atin. Sa oras ng hindi pagkakasundo, ang asawang lalake ay hindi dapat huminto mula sa pakikipag-usap sa kanyang asawa at huwag saktan ang kanyang damdamin, ngunit maaaring itigil niya ang pagtulog sa parehong kama kung mapapabuti nito ang sitwasyon. Kasama sa pangyayaring ito, kahit na siya ay napopoot o nakakaramdam ng pangangatwiran, ang asawang lalake ay hindi pinapahintulutan na saktan niya ang kanyang asawa sa pamamagitan ng paggamit ng masasakit na salita o maging sanhi ng anumang pinsala sa kanya.
Magdagdag ng komento