O artigo / vídeo que você requisitou não existe ainda.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

您所请求的文章/视频尚不存在。

The article/video you have requested doesn't exist yet.

あなたが要求した記事/ビデオはまだ存在していません。

The article/video you have requested doesn't exist yet.

L'articolo / video che hai richiesto non esiste ancora.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

요청한 문서 / 비디오는 아직 존재하지 않습니다.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

המאמר / הסרטון שביקשת אינו קיים עדיין.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

O artigo / vídeo que você requisitou não existe ainda.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

您所请求的文章/视频尚不存在。

The article/video you have requested doesn't exist yet.

L'articolo / video che hai richiesto non esiste ancora.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

요청한 문서 / 비디오는 아직 존재하지 않습니다.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

המאמר / הסרטון שביקשת אינו קיים עדיין.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

Ang Quran Hinggil sa Malalim na mga Karagatan at mga Panloob na Alon

Marka:
Sukat ng Font:

Paglalarawan: Ang paglalarawan batay sa Quran ukol sa kailaliman ng karagatan, ang kadilimang naroroon at paano nito pinagtibay ang makabagong tuklas ng siyensya.

  • Ni  islam-guide.com
  • Nailathala noong 23 Jun 2020
  • Huling binago noong  04 Dec 2014
  • Nag-print: 0
  • Tumingin: 103 (karaniwan sa araw-araw: 1)
  • Marka: Hindi pa na markahan
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0

Sinabi ng Allah sa Quran:

“O (ang kalagayan ng mga hindi mananampalataya) ay katulad ng kadiliman sa kailaliman ng karagatan. Natatabunan ng mga alon na pina-ibabawan pa ng mga alon at sa ibabaw nito ay mga ulap. Mga kadilimang magkakapatong. Kapag iunat ng tao ang kanyang kamay (rito), hindi niya ito mababanaagan....” (Qur'an 24:40)

Ang talatang ito ay nagbanggit ukol sa kadiliman na matatagpuan sa kailaliman ng karagatan, na kung saan kahit iunat ng tao ang kanyang kamay ay hindi nya ito makikita. Ang kadiliman sa ilalim ng mga dagat at karagatan ay matatagpuan sa lalim na humigit-kumulang 200 metro at pababa. Sa lalim na ito, ay halos wala nang liwanag.  (tingnan ang pigura 1). Sa lalim na 1,000 metro ay sadyang wala nang liwanag na matatagpuan.[1] Ang mga tao ay hindi na kayang sumisid ng mahigit pa sa 40 metro nang walang gamit na submarino o tulong ng espesyal na kagamitan. Hindi mabubuhay ang mga tao nang walang tulong ng espesyal na kagamitan sa malalim na parte ng karagatan tulad na lamang ng lalim na 200 metro.

 

Pigura 1: Nasa pagitan ng 3 at 30 porsyentong sikat ng araw ang umaabot sa ibabaw ng dagat. Pagkaraa'y halos lahat ng pitong kulay ng tinatawag na Light Spectrum ay sunod-sunod na hinihigop ng tubig dagat sa unang 200 na metro, maliban na lamang sa kulay asul na liwanag. (Oceans, Elder and Pernetta, p. 27.)


Natuklasan ng mga siyentipiko kailan lang ang kadiliman na ito sa pamamagitan ng espesyal na kagamitan at submarino na tumulong sa kanila sa pag sisid sa kailaliman ng mga karagatan.

Mauunawaan din natin mula sa mga sumusunod na pangungusap sa naunang talata, “...sa kailaliman ng dagat. Ito ay natatabunan ng mga alon na pinaibabawan pa ng mga alon at sa ibabaw nito ay mga ulap....", na ang malalim na tubig na bahagi ng karagatan ay natatakpan ng mga alon, sa taas ng mga alon na ito ay mayroon pang ibang mga alon. Maliwanag na ang pangalawang pangkat ng alon ay ang mga alon sa ibabaw ng dagat na ating nakikita, sapagkat binanggit sa talata na sa itaas ng pangalawang mga alon ay ang mga ulap. Ngunit ano naman ang unang mga alon? Kamakailan ay natuklasan ng mga siyentipiko na mayroong mga alon sa ilalim ng dagat na "nagaganap sa pagitan ng mga suson ng magkakaibang kapal o bigat ng tubig.[2] (tingnan ang pigura bilang 2).

 

Pigura 2: Mga panloob na alon at bahagi sa gitna ng dalawang magka-patong na tubig na may magkaibang kapal o bigat. Ang isa ay mabigat o siksik (sa ilalim na bahagi), ang isa naman ay hindi masyadong mabigat o siksik (sa taas na bahagi). (Oceanography, Gross, p. 204.)

 

Tinatakpan ng panloob na alon ang malalim na tubig ng karagatan sapagkat ang malalim na bahagi ng karagatan ay mas mabigat kung ikukumpara sa tubig sa nasa itaas nito. Ang panloob na alon ay maihahalintulad sa mga alon sa ibabaw ng dagat, maaari din silang mapatid o mabuwag. Ang mga panloob na alon ay hindi makikita ng mga mata ng tao, ngunit ito ay mapapansin sa pag-aaral ng pagbabago ng temperatura o alat sa naturang lugar.[3]



Mga talababa:

[1] Oceans, Elder and Pernetta, p. 27.

[2] Oceanography, Gross, p. 205.

[3] Oceanography, Gross, p. 205.

Magdagdag ng komento

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

Lista ng mga Artikulo

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento

Ang iyong mga paborito

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong history ay walang laman.

View Desktop Version