Paano Pumasok sa Islam at Maging Muslim?
Paglalarawanˇ: Ang pagpasok sa Islam ay madali. Ipinapaliwanag ng artikulong ito kung paano pumasok sa Islam at maging isang Muslim sa isang simpleng paraan. Bilang karagdagan, nagbibigay ito ng isang maikling pangkalahatang ideya ng Islam, ang pananampalataya ng 1.7 bilyong mga tao, at nagbibigay linaw sa mga benepisyo ng pagpasok (pagpasok sa Islam).
- Ni IslamReligion.com Team
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 17 Dec 2018
- Nag-print: 6
- Tumingin: 14,138 (araw-araw na pamantayan: 10)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 4
Live Help sa pamamagitan ng Chat
Islam at mga Muslim
Ang salitang Arabe na 'Islam' ay nangangahulugang 'pagsuko', at nagmula sa isang salitang nangangahulugang 'kapayapaan'. Tulad nito, itinuturo ng relihiyong Islam ang pamamaraan upang makamit ang totoong kapayapaan ng pag-iisip at katiyakan ng puso, ang isang tao ay dapat sumuko sa Diyos at mamuhay alinsunod sa Kanyang Banal na ipinahayag na Batas.
Ang Islam ay hindi isang bagong relihiyon dahil 'ang pagpapasakop sa kalooban ng Diyos', ibig sabihin Islam, ay palaging ang tanging katanggap-tanggap na relihiyon sa paningin ng Diyos.Sa kadahilanang ito, ang Islam ay ang tunay na 'natural na relihiyon', at pare-pareho ang mensahe na ipinahayag sa lahat ng panahon ng lahat ng mga propeta at mensahero ng Diyos.Ang pangunahing mensahe ng lahat ng mga propeta ay nagpapahayag na iisa lamang ang tunay na Diyos at Siya lamang ang dapat sambahin.Ang mga propetang ito ay nagsisimula kay Adan at kasama sina Noah, Abraham, Moises, David, Solomon, Juan Bautista, (sumakanila ang kapayapaan).Sinasabi ng Diyos sa Banal na Quran:
“At Kami ay hindi nagpadala ng alinmang sugo na una sa iyo [O Muhammad] malibang Kami ay nagpahayag sa kanya na: “Walang diyos maliban sa Akin, kaya Ako ay inyong sambahin [at wala ng iba].’” (Quran 21:25)
Gayunpaman, ang tunay na mensahe ng mga propetang ito ay nawala o nasira sa paglipas ng panahon. Kahit na ang pinakabagong mga libro, ang Torah at ang Ebanghelyo ay naiba, kung kaya nawala ang kanilang kredibilidad upang gabayan ang mga tao sa tamang landas. Pagkalipas ng 600 na taon pagkatapos ni Hesus, binuhay ng Diyos ang nawalang mensahe ng mga nakaraang propeta sa pamamagitan ng pagpapadala kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) kasama ang Kanyang panghuling kapahayagan, ang Banal na Quran, para sa lahat ng sangkatauhan. Yamang si Propeta Muhammad ang pangwakas na propeta, ang Diyos mismo ay nangako na pananatilihin ang Kanyang huling ipinahayag na mga salita upang ito ay maging isang mapagkukunan ng gabay para sa lahat ng sangkatauhan hanggang sa Huling Araw. Napakahalaga ngayon para sa lahat na maniwalaat sundin ang huling mensahe na ito mula sa Diyos. Sinasabi ng Diyos sa Banal na Quran:
“At ikaw [O Muhammad] ay hindi Namin isinugo maliban para sa buong sangkatauhan bilang isang tagapaghatid ng magandang balita at tagapagbabala. Ngunit karamihan sa tao ay hindi nakaaalam [nito].” (Quran 34:28)
“At sinumang humanap ng ibang relihiyon bukod sa Islam, ito ay hindi tatanggapin mula sa kanya, at sa kabilang buhay siya ay kabilang sa mga talunan [o nawalan].” (Quran 3:85)
Ang salitang "Muslim" ay nangangahulugang pagsuko sa kalooban ng tunay na Diyos, anuman ang kanyang lahi, nasyonalidad o etniko na kinabibilangan. Samakatuwid, ang sinumang tao na handang magpasakop sa kalooban ng Diyos ay karapat-dapat na maging isang Muslim.
Mga Pakinabang ng Pagpasok sa Islam
Narito ang maraming mga pakinabang ng pagpasok sa Islam. Ilan sa kanila ay:
• Ang isang tao ay nakakabuo ng isang personal at direktang ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng pagsamba sa Kanya lamang, nang hindi nangangailangan ng mga tagapamagitan. Nararamdaman ng isang tao ang personal na kaugnayan na ito at nalalaman na alam ng Diyos ang lahat at nandiyan upang tulungan siya.
• Napapagtanto ng isang tao ang totoong layunin ng kanyang buhay, kung saan ay ang makilala ang Diyos at sundin ang Kanyang mga utos.
• Ang isang tao ay bibigyan ng isang liwanag, na gagabay sa kanya sa buhay. Ang relihiyon ng Islam ay may mga sagot sa lahat ng mga sitwasyon, at palagi niyang malalaman ang mga tamang hakbang na dapat gawin sa lahat ng aspeto ng buhay.
• Siya ay makakatagpo ng totoong kaligayahan, katahimikan, at panloob na kapayapaan.
• Sa pagpasok sa Islam, ang lahat ng mga naunang kasalanan ay pinatatawad, at siya ay magsisimula ng isang bagong buhay ng kabanalan at katuwiran. At bilang isang Muslim, kapag ang isang tao ay nagkakamali, pagkatapos, maaari siyang laging magsisi sa Diyos na nagpapatawad sa mga kasalanan ng mga humihingi ng kapatawaran sa Kanya nang taimtim. Walang mga tagapamagitan o nilikha na nilalang upang mapagkumpisalan nito.
• Siya ay magkakamit ng kaligtasan mula sa Impiyerno, na siyang binigyang babala ng lahat ng mga propeta.
• Ang pinakamalaking pakinabang ay ang isang Muslim ay pinangakuan ng Diyos ng gantimpala ng walang hanggang Paraiso. Yaong mga pinagpala ng Paraiso, mabubuhay nang walang hanggan sa lubos na kaligayahan nang walang anumang uri ng sakit, paghihirap o kalungkutan.Malulugod ang Diyos sa kanila at sila ay malulugod sa Kanya.Kahit na ang pinakamababang ranggo sa gitna ng mga naninirahan sa Paraiso ay magkakaroon ng sampung beses na katulad ng mundong ito, at magkakaroon sila ng anumang nais nila.Sa katunayan, sa Paraiso mayroong mga kasiyahan na hindi pa nakita ng mata, di pa narinig ng tenga, at wala pang pag-iisip na nakaisip.Ito ay magiging isang tunay na buhay, hindi lamang espirituwal, ngunit pisikal din.
Upang malaman ang higit pa tungkol sa ilan sa mga pakinabang sa pagpasok sa Islam, maaari mong basahin ang artikulong ito “Ang mga Pakinabang sa Pagpasok sa Islam (3 bahagi)”.
Paano Pumasok sa Islam - Ang Patotoo ng Pananampalataya (Shahada)
Ang pagiging isang Muslim ay isang simple at madaling proseso. Ang kailangan lang gawin ng isang tao ay sabihin ang isang pangungusap na tinatawag na Patotoo ng Pananampalataya (Shahada), na binibigkas bilang:
Pinatototohanan ko na "La ilaha illa Allah, Muhammad rasoolu Allah."
Ang ibig sabihin ng mga salitang Arabe na ito, "Walang tunay na diyos (diyus-diyosan) Maliban sa Diyos (Allah), at si Muhammad ang Sugo (Propeta) ng Diyos."Kapag sinabi ng isang tao ang Patotoo ng Pananampalataya (Shahada) ng may paniniwala at pag-unawa sa kahulugan nito, kung gayon siya ay magiging isang Muslim.
Ang unang bahagi, "Walang tunay na diyos (diyus-diyosan) Maliban sa Diyos (Allah)"ay nangangahulugang walang sinuman ang may karapatang sambahin kundi ang Diyos (Allah) lamang, at ang Diyos ay walang kapareha o anak.
Ang pangalawang bahagi ay nangangahulugan na si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay isang tunay na Propeta na ipinadala ng Diyos sa sangkatauhan.
Upang maging isang Muslim, dapat ding:
- Maniwala na ang Banal na Quran ay ang literal na salita ng Diyos, na inihayag Niya.
- Maniwala na ang Araw ng Paghuhukom (Araw ng Pagkabuhay) ay totoo at darating.
- Maniwala sa mga propeta na ipinadala ng Diyos at sa mga librong ipinahayag Niya, at sa Kanyang mga anghel.
- Tanggapin ang Islam bilang kanyang relihiyon.
- Hindi sumamba sa anuman o kahit sino maliban sa Diyos.
Ganun ito kadali! Upang marinig ang Patotoo (Shahada), pindutin ito o pindutin ang "Live Help" para sa agarang tulong sa pamamagitan ng chat.
Ang pagpasok ay maaaring gawin nang nag-iisa, ngunit mas mahusay na gawin ito sa tulong ng isa sa aming mga tagapayo sa pamamagitan ng "Live Help", dahil maaari ka naming tulungan sa pagbigkas nang tama at upang mabigyan ka ng mahahalagang mga impormasyon at payo na espesyal na inihanda para sa mga bagong Muslim, upang matulungan silang magsimula sa kanilang bagong pananampalataya.
Bilang kahalili, maaari ka naming tawagan sa telepono upang matulungan ka sa proseso ng pagbabagong loob (pagpasok sa Islam).Sa kasong ito, mangyaring iwanan sa amin ang iyong numero ng telepono at ang angkop na oras upang tawagan ka sa pamamagitan ng amingKontakin Kami na form.
Hindi ka Nag-iisa
Kung sumunod ka sa patnubay sa itaas at nagbalik sa Islam ng iyong sarili, panigurado na hindi ka nag-iisa,sa halip ay may 1.7 bilyong mga tao ng parehong pananampalataya ang nakikibahagi nito.Inirerekomenda namin na ipaalam mo sa amin ngayon sa pamamagitan ngKontakin Kami form o sa pamamagitan ng "Live Help", upang maibigay namin sa iyo ang mga kapaki-pakinabang na mapagkukunan ng kaalaman at payo, na angkop para sa iyo bilang isang bagong Muslim.
Binabati ka namin sa iyong desisyon, maligayang pagpasok sa Islam, at susubukan namin ang aming makakaya upang matulungan ka sa anumang paraan na maaari naming maitulong ! :)
Ilang Karaniwang Pagkakamali o Inaakala
Ang ilang mga tao ay maaaring ipagpaliban ang kanilang pagbabalik sa Islam, kahit na naniniwala sila na ito ang tunay na relihiyon ng Diyos, dahil sa ilang maling akala. Maaari nilang isipin na ang mga bagay tulad ng pagbabago ng kanilang pangalan, alam ang ilang wikang Arabe, nagpapaalam pa sa iba ng kanilang pagbabalik-loob, kilalanin ang ilang mga Muslim, o hindi pagkakaroon ng maraming kasalanan, ay mga kondisyon para sa pagbabalik-loob – gayunpaman ang katotohanan ay wala sa mga ito ang makatuwirang mga dahilan para antalain ang pagbabalik-loob.
Kung nais mong malaman ang higit pa tungkol sa mga ito at iba pang mga katulad na maling kamalayan, mangyaring basahin ang artikulong, “Gusto kong maging Muslim kaya lang... Mga Maling Akala sa Pagpasok sa Islam (3 bahagi)”.
Para sa Mga Hindi Pa Kumbinsido
Inaangkin ng Islam na ito ang siyang tamang daan papunta sa Diyos. Ano ang pagpapatunay na ang isang relihiyon ay may katotohanan mula sa iba pang mga ideolohiya ay ang mga patunay na iniaalok nito para sa pagiging totoo nito. Samakatuwid, ang isang tao ay kailangang tumingin sa mga patunay na ito, timbangin ang mga ito at kunin ang may kabatirang pagpapasiya. Kailangang maging taos-puso sa kanyang pagsisikap at higit sa lahat ay humingi ng tulong sa Makapangyarihan sa lahat upang gabayan siya sa tamang landas.
Kung ang isang tao ay hindi pa rin kumbinsido sa pagiging totoo ng Islam, ay maaari niyang tingnan o suriin ang karagdagang mga patunay na iniaalok ng Islam. Nag-aalok ang Islam ng maraming mga patunay ng katotohanang nito at ang tanging relihiyon na ganap na nakaka-akit sa pangkaraniwang diwa.
Ang ilan sa mga patunay na inaalok ng Islam ay: ang mga patunay na pang-agham sa Quran, ang mga himalang ginawa ni Propeta Muhammad at ang mga hula ng kanyang pagparito sa mga naunang banal na kasulatan, ang mga inihulang mga kaganapan na nabanggit sa Quran na nangyari sa kalaunan, ang hamon ng Quran na magdala ng kahit isang kabanata na katulad nito, at ang banal na karunungan sa mga batas at turo ng Islam na sumasaklaw sa lahat ng aspeto ng buhay.Upang malaman ang higit pa tungkol sa mga patunay ng Islam, mangyaring suriin ang mga artikulo sa ilalim ng seksyong ito,“Mga Ebedinsya ng Pagiging Totoo ng Islam”.
Kung nais mong malaman ang higit pa tungkol sa Islam at ang mga pangunahing paniniwala at kasanayan, mangyaring sumangguni sa artikulong “Ang Ang Islam? (4 na bahagi)”.
Ang ating walang hanggan na buhay sa Kabilang Buhay ay nakasalalay sa kung ano ang pananampalataya na pinili nating sundin sa panasamantala nating buhay, kung kaya't bigyan natin ang pakikibakang ito ng kahalagahan na nararapat para dito.