Ano ang Sinasabi nila Tungkol kay Muhammad (bahagi 2 ng 3)
Paglalarawanˇ: Ang mga pahayag ng mga di-Muslim na iskolar na pinag-aralan ang Islam at ang tungkol sa Propeta. Bahagi 2: Ang kanilang mga pahayag.
- Ni iiie.net (edited by IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 18 Mar 2014
- Nag-print: 4
- Tumingin: 4,889 (araw-araw na pamantayan: 3)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Lamartine, Histoire de la Turquie, Paris 1854, Vol II, pp. 276-77:
“Kung ang kadakilaan ng layunin, kakaunti ng mga mapagkukunan, at kamangha-manghang mga resulta ay ang tatlong pamantayan ng pagiging henyo, sino ang maaaring maglakas-loob upang ihambing ang sinumang mahusay na tao sa modernong kasaysayan kay Muhammad? (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ang pinakatanyag na mga tao ay lumikha lamang ng mga sandata, batas at emperyo. Itinatag nila, kung mayroon man, ang hindi hihigit sa mga kapangyarihang materyal na madalas na nawawasak sa kanilang harapan. Ang taong ito ay hindi lamang pinakilos ang mga hukbo, mga batas, mga emperyo, mga mamamayan at mga dinastiya, ngunit milyun-milyong katao na isang-katlo ng nakatira noon sa mundo; at higit pa doon, inalis rin niya ang mga altar, mga diyos, relihiyon, mga ideya, paniniwala at kaluluwa ... ang pagtitiis sa tagumpay, ang kanyang ambisyon, na lubos na nakatuon sa isang ideya at wala sa kanyang pagkilos ang paghahangad para sa isang emperyo; ang kanyang walang katapusang mga panalangin, ang mahiwagang pakikipag-usap sa Diyos, ang kanyang kamatayan at ang kanyang tagumpay pagkatapos ng kanyang kamatayan; ang lahat ng ito ay nagpapatunay na hindi siya impostor kundi ng isang matatag na paniniwala na nagbigay sa kanya ng lakas o kapangyarihang ibalik ang isang dogma (wastong relihiyosong paniniwala). Ang dogma na ito ay dalawang bahagi, ang kaisahan ng Diyos at ang espiritwalidad ng Diyos; ang nauna ay nagsasabi kung ano ang Diyos, ang huli ay nagsasabi kung ano ang hindi; ang isa na nagpabagsak sa mga huwad na diyus-diyosan gamit ang espada, at ang isa na pinasimulan ang isang ideya gamit ang mga salita.”
“Pilosopo, mananalumpati, apostol, mambabatas, mandirigma, mananakop para sa mga ideya, tagapagbalik ng mga makatuwirang dogma, ng isang uri ng pagsamba na walang mga imahe; ang nagtatag ng dalawampung mga panlupang emperyo at ng isang esperitwal na emperyo, iyan si Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala. Kung ituturing lahat ng mga pamantayan kung saan masusukat ang kadakilaan ng tao, maaari nating matanong, mayroon bang sinumang mas dakila kaysa sa kanya?”
Edward Gibbon at Simon Ocklay, Kasaysayan ng Saracen Empire, London, 1870, p. 54:
“Hindi ang paglaganap kundi ang pananatili ng kanyang relihiyon ang nararapat nating ikamangha, ang parehong dalisay at perpektong impresyon na kanyang naiukit sa Makkah at Madinah ang napanatili, pagkatapos ng mga rebolusyon ng labindalawang siglo ng mga Indiyo, Aprikano at Turko na lumipat ng paniniwala sa Quran ... Ang Mahometans[1] ay nagkaisang labanan ang tukso na bawasan ang kanilang pananampalataya at debosyon sa antas na may pandama at imahinasyon ng tao. 'Naniniwala ako sa Iisang Diyos at kay Mahomet na Apostol ng Diyos', ay ang payak at walang takot na pagpapahayag ng Islam. Ang intelektwal na imahe ng Diyos ay hindi kailanman pinababa ng anumang nakikitang idolo; ang mga karangalan ng propeta ay hindi kailanman lumabag sa sukatan ng kabutihan ng tao, at ang kanyang mga alituntunin sa pamumuhay ay pumigil sa pagpapahalaga ng kanyang mga alagad sa loob ng saklaw ng katwiran at relihiyon.”
Bosworth Smith, Mohammed at Mohammadanism, London 1874, p. 92:
“Siya ay pinag-isang Cesar at Papa; ngunit siya ay si Papa na walang pagpapanggap, si Cesar na walang mga lehiyon: walang nakatayong hukbo, walang isang bantay, walang palasyo, walang isang tiyak na kinikita; kung may sinumang tao na may karapatang magsabi na namahala siya ng tamang kabanalan, ito ay si Mohammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, sapagkat napasakanya ang lahat ng kapangyarihan nang walang mga instrumento at walang mga suporta para dito.”
Annie Besant, Ang Buhay at Mga Aral ni Muhammad, Madras 1932, p. 4:
“Imposible para sa sinumang nag-aaral ng buhay at katangian ng dakilang Propeta ng Arabia, na nalalaman kung paano siya nagturo at kung paano siya namuhay, ang hindi makaramdam ng paggalang sa dakilang Propeta na iyon, isa sa mga dakilang sugo ng Kataas-taasan. At kahit na kung ano ang sabihin ko sa inyo ay kailangan kong sabihin ang maraming mga bagay na maaaring pamilyar sa marami, ngunit ako mismo ay nakakaramdam sa tuwing binabasa ko silang muli, ang isang bagong uri ng paghanga, isang bagong paggalang para sa matapang na guro ng Arabya.”
W. Montgomery, Mohammad at Mecca, Oxford 1953, p. 52:
“Ang kanyang kahandaan na sumailalim sa mga pag-uusig ng dahil sa kanyang mga paniniwala, ang mataas na moral na katangian ng mga tao na naniniwala sa kanya at tumitingala sa kanya bilang pinuno, at ang kadakilaan ng kanyang tunay na tagumpay - Ang lahat ay nagtatalo sa kanyang pangunahing integridad. Upang ipagpalagay na si Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, ay isang impostor ito ay nagdaragdag lamang ng maraming mga problema kaysa sa paglutas nito. Bukod dito, wala sa mga mahuhusay na mga pigura ng kasaysayan ang hindi pinapahalagahan sa Kanluran maliban kay Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala.”
James A. Michener, ‘Islam: Ang Di Naiintindihang Relihiyon’ sa Reader’s Digest (American Edition), May 1955, pp. 68-70:
“Si Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, ang inspiradong tao na nagtatag ng Islam, ay ipinanganak noong A.D. 570 sa isang tribo sa Arabya na sumasamba sa mga idolo. Naulila sa kapanganakan, siya ay palaging maalalahanin sa mga mahihirap at nangangailangan, byuda at ulila, alipin at naaapi. Sa edad na dalawampu siya ay isa ng matagumpay na negosyante, at sa lalong madaling panahon ay naging tagapangasiwa ng mga karawan ng kamelyo para sa isang mayamang byuda. Nang umabot siya ng dalawampu't lima, ang kanyang amo, na kinikilala ang kanyang kahalagahan, ay nagmungkahi ng kasal. Kahit na siya ay labinlimang taong gulang na mas matanda sa kanya, pinakasalan niya ito, at nanatiling tapat na asawa noong nabubuhay pa ito.
“Tulad ng halos lahat ng mga pangunahing propeta na nauna sa kanya, nilabanan niya ang hiya upang maiparating ang salita ng Diyos, dahil alam niya ang kanyang mga kahinaan. Ngunit ipinag-utos ng anghel na 'Bumasa'. Para sa kaalaman natin, hindi nakakabasa o nakakasulat si Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, ngunit sinimulan niyang idikta ang mga kinasihang mga salita na di nagtagal ay nagpabago sa kalakhang bahagi ng mundo: "May isang Diyos.”
“Sa lahat ng mga bagay ay naging praktikal si Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala. Nang mamatay ang kanyang minamahal na anak na si Ibrahim, isang eklipse ang naganap, at mabilis na kumalat ang balita na ito ay personal na pakikiramay ng Diyos. Kung saan si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nagpahayag, 'Ang isang eklipse ay isang kababalaghan ng kalikasan. Kahangalan na iugnay ang mga bagay na ito sa kamatayan o pagsilang ng isang tao.’
“Sa mismong kamatayan ni Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, ay may isang pagtatangkang ginawa upang siya ay sambahin (ituring na diyos), ngunit ang taong pumalit sa kanyang pamamahala ay winakasan ang histiryang ito sa pamamagitan ng isa sa mga pinakatanyag na talumpati sa kasaysayan ng relihiyon: 'Kung mayroong sinuman sa inyo na sumasamba kay Muhammad siya ay patay na. Ngunit kung ang Diyos ang iyong sinasamba, Siya ay buhay magpakailanman.’”
Michael H. Hart, The 100: Ang Hanay ng mga Pinaka Maimpluwensyang Tao sa Mundo ng Kasaysayan, New York: Hart Publishing Company, Inc. 1978, p. 33:
“Ang pagpili ko kay Muhammad na manguna sa listahan ng mga pinaka-maimpluwensyang tao sa mundo ay maaaring magdulot ng pagtataka sa ilang mga mambabasa at maaaring maitanong ng iba, ngunit siya lamang ang tao sa kasaysayan na lubos na nagtagumpay sa parehong relihiyoso at sekular na antas.”
Mga talababa:
[1] Ang salitang Mahometans at Mohammadanism ay isang maling impormasyon na ipinakilala ng mga dalubhasa sa Silangan nang dahil sa kanilang kakulangan ng pag-unawa sa Islam, sa paghahambing kay Kristo at Kristiyanismo.
Magdagdag ng komento