Ang Sampung Nangungunang mga Mito (maling akala) tungkol sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang pagkakaroon ng akses sa impormasyon ay hindi makapipigil sa mga maling haka-haka tungkol sa Islam
Paglalarawanˇ: Isang maikling pagtingin sa unang tatlo sa sampung karaniwang mga mito tungkol sa Islam.
- Ni Aisha Stacey (© 2014 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 07 Feb 2016
- Nag-print: 3
- Tumingin: 4,920
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Mula pa nang ang mga Muslim ay lumikas sa Arabyanong Kapuluan upang maitatag ang Islamikong Imperyo ay nagkaroon na ng mga mito at maling haka-hakang pumapalibot sa Islamikong pamamaraan ng pamumuhay. Halos 1500 taon na ang nakararaan na ang pagsamba sa Nag-iisang Diyos ay binago ang nakikilalang mundo, gayunpaman ang mga mito ay nakapalibot pa rin sa Islam kahit na ang mga tao sa mundo ay may mga paraan sa walang katulad na dami ng mga impormasyon. Sa dalawang bahaging artikulong ito ay ating susuriin ang 10 sa mga pinakakaraniwang mito na ngayon ay nagdudulot ng hindi pagkakaunawaan at kawalang pagpaparaya.
1.Ang Islam ay nanghihikayat sa terorismo.
Sa ikalawang dekada ng ika-21 siglo ito marahil ang pinakamalaking mito tungkol sa Islam. Sa panahong tila ang mundo ay galit sa pagpatay sa mga inosente ay dapat muling isasaalang-alang na ang relihiyong Islam ay nagtatakda ng napaka natatanging mga patakaran para sa digmaan at naglalagay ng malaking halaga sa kabanalan ng buhay.
"... na sinuman ang pumatay ng isang tao na hindi naman para sa pagganti ng isang pagpatay, o (at) maghasik ng katiwalian sa kalupaan - ito ay katumbas na rin ng kanyang pagpatay sa buong sangkatauhan, at kung sinuman ang nagligtas ng isang buhay, ito ay katumbas ng kanyang pagligtas sa buhay ng buong sangkatauhan..." (Quran 5:32)
Ang pagpatay sa mga walang kasalanan ay ganap na ipinagbabawal. Nang ang Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, ay ipinadala ang kanyang mga kasamahan sa labanan sinabi niya "Lumabas kayo sa ngalan ng Diyos at huwag patayin ang sinumang matandang lalaki, sanggol, bata o kababaihan. Palaganapin ang kabutihan at gumawa ng mabuti. sapagkat ang Diyos ay minamahal ang mga gumagawa ng mabuti."[1] "Huwag patayin ang mga monghe sa mga monasteryo" o "Huwag patayin ang mga taong nakaupo sa mga lugar ng pagsamba.[2] Minsan matapos ang isang labanan ang Propeta ay nakita ang bangkay ng isang babae sa lupa at sinabi, "Hindi siya nakikipaglaban. Paanong siya ay pinatay?"
Ang mga patakarang ito ay lalong binigyang diin ng unang Kalifa ng Islamikong Imperyo, na si Abu Bakr. Siya ay nagsabi, "Iniuutos ko sa inyo ang sampung bagay. Huwag papatayin ang mga kababaihan, mga bata, o isang matanda, na taong may sakit. Huwag putulin ang mga punong nagbubunga ng prutas . Huwag sirain ang isang tinitirahang lugar. Huwag pumatay ng mga tupa o kamelyo maliban sa pagkain. Huwag magsunog ng mga bubuyog at huwag ikalat ang mga ito. Huwag magnakaw mula sa nasabat, at huwag maging duwag."[3] Bilang karagdagan dito ang mga Muslim ay ipinagbabawal na magsagawa ng hindi makatarungang mga gawang pagsalakay. Hindi kailanman pinapayagan na patayin ang isang tao na hindi kalaban.
"Makipaglaban kayo sa Landas ng Diyos sa mga nakikipaglaban sa inyo subali’t huwag kayong lumabag sa hangganan. sapagkat ang Diyos ay hindi minamahal ang mga nagmamalabis…" (Quran 2:190)
2.Ang Islam ay nang-aapi ng kababaihan.
Ang Islam ay iniaangat ang kababaihan sa pinakamataas na pagsasaalang-alang sa bawat yugto ng kanyang buhay. Bilang anak na babae binubuksan niya ang pintuan ng Paraiso para sa kanyang ama.[4] Bilang may bahay, siya ang bumubuo ng kalahati ng relihiyon ng kanyang asawa.[5] Kapag siya ay naging ina, ang Paraiso ay nasa ilalim ng kanyang mga paa.[6] Ang mga Muslim na kalalakihan ay kinakailangang tratuhin ang mga kababaihan nang may paggalang sa lahat ng mga pagkakataon sapagkat ang Islam ay hinihiling na ang mga kababaihan ay pakitunguhan nang may dangal at katarungan.
Sa Islam ang mga kababaihan, tulad ng mga kalalakihan, ay inutusan na maniwala sa Diyos at sumamba sa Kanya. Ang mga kababaihan ay pantay sa mga kalalakihan sa mga tuntunin ng gantimpala sa Kabilang Buhay.
"At sinuman ang gumagawa ng gawaing matuwid, lalaki man o babae, habang siya ay naniniwala – sila yaong mga papapasukin sa Paraiso, at sila ay hindi gagawan ng kamalian (kahit sinliit man) ng batik sa buto ng datiles.." (Quran 4:124)
Ang Islam ay binibigyan ang mga kababaihan ng karapatan na makapag-ari ng ari-arian at pamahalaan ang kanilang sariling mga pananalapi. Ito ay nagbibigay sa mga kababaihan ng pormal na mga karapatan ng mana at karapatan sa edukasyon. Ang mga Muslim na kababaihan ay may karapatang tanggapin o tanggihan ang mga alok sa pag-aasawa at ganap na malaya mula sa obligasyon ng gastusan at pagtustus sa pamilya kung kaya ang nagtatrabahong mga babaeng may asawa ay malaya sa pag-aambag na gumastos sa sambahayan, o hindi, ayon sa kanilang nakikitang nararapat. Ang Islam ay binibigyan din ang mga kababaihan ng karapatang humingi ng diborsyo kung ito ay kinakailangan.
Nakalulungkot man ay totoo na may ilang Muslim na kababaihan na inaapi. Sa kasamaang palad marami ang hindi nakakaalam ng kanilang mga karapatan at nagiging biktima ng mga kaligawan sa kultura na walang kinalaman sa Islam. Ang mga makapangyarihang indibidwal, grupo at pamahalaan na nag-aangking mga Muslim ay miserableng nabigong ipatupad ang mga alituntunin ng Islam. Kung ang mga kababaihan ay binigyan ng kanilang mga karapatang ibinigay ng Diyos, tulad ng itinakda sa relihiyong Islam, ang pandaigdigang pang-aapi sa mga kababaihan ay maaaring mabaon na sa limot. Ang Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ay nagsabi "Walang iba kundi isang marangal na lalaki ang tinatrato ang mga kababaihan sa isang marangal na paraan. At walang iba kundi isang kasuklam-suklam ang tinatrato ang mga kababaihan sa kawalang hiyaan."[7]
3.Ang lahat ng mga Muslim ay Arabo
Ang relihiyon ng Islam ay ipinahayag para sa lahat ng mga tao, sa lahat ng mga lugar, sa lahat ng mga panahon. Ang Quran ay ipinahayag sa wikang Arabe at ang Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay isang Arabo, ngunit mali na ipagpalagay na ang lahat ng mga Muslim ay Arabo, o para sa bagay na ito, na ang lahat ng mga Arabo ay Muslim. Sa katunayan ang malaking bilang sa 1.57 bilyong mga Muslim sa mundo[8] ay wala sa lahi ng mga Arabo.
Bagamat maraming mga tao, lalo na sa Kanluran, na iniuugnay ang Islam sa mga bansa sa Gitnang Silangan, ayon sa Pew Research Center na halos dalawang-katlo (62%) ng mga Muslim ay nakatira sa rehiyon ng Asya-Pasipiko at sa katunayan mas maraming mga Muslim ang nakatira sa Indiya at Pakistan (344 milyong pinagsama) kaysa sa buong Gitnang Silangan at rehiyon ng Hilagang Aprika (317 milyon).
Ayon din sa Pew, "ang mga Muslim ay bumubuo sa karamihan ng populasyon sa 49 mga bansa sa buong mundo. Ang bansa na may pinakamalaking bilang (halos 209 milyon) ay Indonesia, kung saan ang 87.2% ng populasyon ay kinikilala bilang Muslim. Ang Indiya ay ang pangalawa sa pinaka malaki sa buong mundong populasyon ng Muslim sa nagbabago pang bilang (halos 176 milyon) kahit na ang mga Muslim ay bumubuo lamang ng 14.4% ng kabuuang populasyon ng Indiya. "
Ang Islam ay hindi isang lahi o etniko - ito ay isang relihiyon. Kung kaya ang mga Muslim ay maaari at talagang umiiral sa lahat ng bahagi ng mundo mula sa alpinong kapatagan ng Iskandinabya hanggang sa mainit na baybayin ng Fiji.
"O sangkatauhan, kayo ay Aming nilikha mula sa isang lalaki at isang babae, at kayo ay Aming ginawang mga pamayanan at mga tribo, upang kayo ay magkakilanlan.." (Quran 49:13)
Mga talababa:
[1] Abu Dawood
[2] Imam Ahmad
[3] Tabari, Al (1993), The Conquest of Arabia, Estadong Pamantasan ng Pahayagan ng New York, p. 16
[4] Saheeh Muslim. Sa Ahmad at Ibn Majah ang anak na babae ay tinutukoy bilang "isang kalasag mula sa apoy" para sa kanyang ama.
[5] Al-Bayhaqi
[6] Ahmad, An-Nasai
[7] At-Tirmidhi
[8] Ayon sa ulat sa, "Mapping the Global Muslim Population," ng the Pew Forum on Religion & Public Life.
Ang Sampung Nangungunang mga Mito (maling akala) tungkol sa Islam (bahagi 2 ng 2): Iba pang mga Mito na Bistado
Paglalarawanˇ: Isang pagpapatuloy ng unang bahagi, kung saan sinuri natin ang mga mitong (maling akala) mula apat hanggang sampu.
- Ni Aisha Stacey (© 2014 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 27 Jan 2015
- Nag-print: 4
- Tumingin: 4,687
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
4.Ang Islam ay hindi nagpaparaya sa ibang mga pananampalataya at paniniwala.
Sa kasaysayan, ang Islam ay palaging iginagalang at itinataguyod ang prinsipyo ng kalayaan sa relihiyon. Ang Quran at iba pang mga tekstong prinsipyo kasama na ang mga tradisyon ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nangangaral ng pagpaparaya sa ibang mga relihiyon at di-mananampalataya. Ang mga di-Muslim na naninirahan sa ilalim ng pamamahala ng Muslim ay pinahihintulutan na sanayin o isagawa ang kanilang relihiyon at magkaroon ng kanilang sariling mga korte.
5.Ang Islam ay nagsimula lamang nitong nakaraang 1400 taon.
Ang ugat ng salitang Islam (sa-la-ma) ay ang parehong ugat na kabahagi sa salitang Arabe na nangangahulugang kapayapaan at katiwasayan - salam. Sa diwa, ang Islam ay nangangahulugang, pagpapasakop sa kalooban ng Diyos at sumasaklaw sa kapayapaan at katiwasayan na nagmumula sa pamumuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Kaya sa buong kasaysayan ang sinumang nagsasanay ng monoteismo sa pamamagitan ng pagsuko sa kalooban ng Diyos ay itinuturing na isang Muslim. Ang mga tao ay nagsasanay na ng Islam mula pa lamang nang likhain si Adan. Sa buong kapanahunan ang Diyos ay nagpadala ng mga propeta at sugo upang gabayan at turuan ang kanilang mga sariling mamamayan. Ang pangunahing mensahe ng lahat ng mga propeta noon pa man ay mayroon lamang Nag-iisang Tunay na Diyos at Siya lamang ang karapat-dapat sambahin. Ang mga propetang ito ay nagsimula kay Adan at kabilang sina Noe, Abraham, Moises, David, Solomon, Juan Bautista, at Hesus, ang kapayapaan ay sumakanilang lahat. Ang Diyos ay nagsabi sa Banal na Quran:
"Kami ay hindi nagpadala ng alinmang sugo na nauna sa iyo (O Muhammad) malibang Kami ay nagpahayag sa kanya na: 'walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Akin, kaya Ako ay inyong sambahin.’" (Quran 21:25)
Gayunpaman, ang tunay na mensahe ng mga propetang ito ay nawala o nasira sa paglipas ng panahon. Maging ang pinakabagong mga aklat, ang Torah at Ebanghelyo ay nahaluan kung kaya nawala ang kredebilidad nito upang gabayan ang mga tao sa tamang landas. Samakatuwid 600 taon pagkatapos ni Hesus, ang Diyos ay binuhay ang nawalang mensahe ng mga nakaraang propeta sa pamamagitan ng pagpapadala sa Propetang si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) kasama ang Kanyang panghuling kapahayagan, ang Banal na Quran, para sa lahat ng sangkatauhan. Ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat ay nagsabi sa Quran:
"Hindi ka Namin isinugo (O Muhammad) maliban para sa buong sangkatauhan bilang isang tagapaghatid ng magandang balita at tagapagbabala, ngunit karamihan sa tao ay hindi nakaaalam." (Quran 34:28)
"Sinumang humanap ng ibang relihiyon bukod sa Islam, ito ay hindi tatanggapin mula sa kanya, at sa kabilang buhay siya ay kabilang sa mga talunan." (Quran 3:85)
6.Ang mga Muslim ay hindi naniniwala kay Hesus.
Ang mga Muslim ay minamahal ang lahat ng mga propeta; ang pagtanggi sa isa ay ang pagtanggi sa kredo ng Islam. Sa madaling salita, ang mga Muslim ay naniniwala, mimamahal, at iginagalang si Hesus, na kilala sa Arabe bilang Eisa. Ang pagkakaiba lang ang mga Muslim ay nauunawaan ang kanyang tungkulin ayon sa Quran, at sa mga tradisyon at kasabihan ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala). Hindi sila naniniwala na si Hesus ay Diyos, o ang anak ng Diyos at hindi sila naniniwala sa konsepto ng Trinidad.
Tatlong kabanata ng Quran ay nagtatampok ng buhay ni Hesus, ng kanyang inang si Marya at kanilang pamilya, at bawat isa ay naghahayag ng mga detalye ng buhay ni Hesus na hindi matatagpuan sa Bibliya. Ang mga Muslim ay naniniwalang siya ay ipinanganak sa isang mahimalang pagsilang na walang ama kay birheng Marya at hindi kailanman inangkin na anak ng Diyos o sinabi na dapat siyang sambahin. Ang mga Muslim ay naniniwala rin na si Hesus ay babalik sa mundo sa mga huling araw.
7.Ang Propeta Muhammad ang May Akda ng Quran.
Ang paratang na ito ay ginawa sa kauna-unahang pagkakataon ng mga kalaban ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala). Desperado silang mapangalagaan ang kanilang mga interes na natatakpan na ng Islam at sinisikap na maikalat ang alinlangan tungkol sa banal na pagkaka-akda ng Quran.
Ang Quran ay ipinahayag sa Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), sa pamamagitan ng anghel na si Gabriel, sa loob ng 23 taon. Ang Diyos mismo ay nagsabi sa pagpapatunay sa Quran mismo.
"At kapag ang Aming mga talata ay binibigkas sa kanila, ang mga di-naniniwala ay nagsasabi sa katotohanan (itong Quran), nang ito ay dumating sa kanila: 'Ito ay isang malinaw na salamangka!' O kaya sila ay nagsasabi: 'Ito ay nilubid (kathang isip) niya (Muhammad) lamang.'..." (Quran 46:7–8)
Bilang karagdagan dito ang Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay isang hindi nakapag-aral na tao, siya ay hindi nakababasa o nakasusulat. Ang Diyos ay nabanggit din ito sa Quran.
"Maging ikaw O Muhammad ay hindi nakapagbigkas ng alinmang aklat na una pa rito (Quran), at hindi rin nakapagsulat ng alinmang aklat..." (Quran 29:48)
Ang Quran ay punong-puno ng mga kamangha-manghang mga katotohanan, kaya upang patunayan na ang Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay hindi ang may akda ng Quran ay itinatanong namin kung paanong ang isang ikapitong siglo CE na tao ay alam ang mga bagay na kamakailan lamang tinanggap bilang mga siyentipikong katotohanan. Paano niya malalaman kung paano nabubuo ang mga ulap at mga graniso (hailstones), o na ang sansinukob ay lumalawak? Paano niya nailarawan nang lubos ang iba't ibang mga yugto ng pagkabuo ng isang embriyo nang walang mga makabagong imbensyon tulad ng makinang ultrasound?
8.Ang gasuklay na buwan ay ang simbolo ng Islam.
Ang pamayanang Muslim na pinamunuan ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay walang simbolo. Ang mga Karwaan at mga hukbo ay gumagamit ng mga bandila para sa mga layunin ng pagkakakilanlan ngunit ito ay isang solidong kulay na karaniwang itim o berde. Ang mga Muslim ay walang simbolo na kumakatawan sa Islam kung paano kinakatawan ng krus ang Kristiyanismo o ng Bituin ni David na kumakatawan sa Hudaismo.
Ang simbolo ng gasuklay na buwan ay nauugnay sa kasaysayan ng mga Turko at bago ang Islam ito ay isang tampok sa kanilang mga barya. Ang gasuklay na buwan at bituin ay naging kaakibat sa mundo ng muslim nang ang mga Turko ay sinakop ang Konstantinopla (Istanbul) noong 1453 CE. Pinili nilang kunin ang umiiral na bandila at simbolo ng lungsod at gawin itong simbolo ng Imperyong Otoman. Mula noong panahong iyon ay ang gasuklay na ang ginamit nang nakararaming mga bansang Muslim at maling kinilala bilang simbolo ng pananampalatayang Islam.
9.Ang mga Muslim ay sinasamba ang diyos na buwan.
Ang mga mapanlinlang na tao ay minsan tinutukoy ang Allah bilang isang makabagong interpretasyon ng isang sinaunang diyos na buwan. Tunay na di ito totoo. Ang Allah ay isa sa mga Pangalan ng Diyos at tinutukoy ang pangalang ito ng lahat ng mga nagsasalita ng Arabe kabilang ang mga malaking bilang ng mga Kristiyano at Hudyo. Ang Allah ay hindi kailanman nauugnay sa pagsamba sa buwan o mga buwan na diyos.
Mayroong kaunting impormasyon tungkol sa relihiyon ng mga Arabo bago si Propeta Abraham ngunit may kaunting pag-aalinlangan na ang mga Arabo ay maling sumamba sa mga diyus-diyosan, mga bagay sa kalangitan, mga puno, at mga bato. Ang pinakatanyag ay mga diyus-diyosan na kilala bilang Manat, al-Lat, at al-Uzza, gayunpaman walang katibayan na nag-uugnay sa kanila sa mga buwan na diyos o buwan.
10.Ang Jihad ay nangangahulugang Banal na digmaan.
Ang salitang Arabe para sa digmaan ay hindi jihad. Ang paggamit ng mga salitang 'banal na digmaan' ng mga naka unipormeng tao ay maaaring ibinatay sa paggamit ng Kristiyano sa termino noong mga panahon ng mga Banal na Krusada. Ang salitang Jihad ay ang salitang Arabe na nangangahulugang pakikibaka, o pagsusumikap. Ito ay madalas na inilalarawan sa maraming mga antas. Una, isang panloob na pakikibaka laban sa sarili sa isang pagsisikap na maging malapit sa Diyos. Pangalawa ito ay isang pakikibaka upang bumuo ng isang pamayanang Muslim batay sa katarungang panlipunan at karapatang pantao. Pangatlo ito ay isang militar o armadong pakikibaka.
Ang armadong pakikibaka ay maaaring maging pagtatanggol o pag-atake. Ang pagtatanggol na jihad ay isinasagawa kapag ang mga lupaing Muslim ay sinalakay at ang buhay ng mga tao, ang kanilang kayamanan at karangalan ay nanganganib. Kaya lumalaban ang mga Muslim sa mga nananalakay na kaaway sa pagtatanggol sa sarili. Sa pag-atake na jihad ang mga taong yaon ay nakikipaglaban sa mga sumasalungat sa pagtatatag ng Islamikong pamamahala at pinipigilan ang Islam na makaabot sa mga tao. Ang Islam ay isang awa sa lahat ng sangkatauhan at dumating upang ilabas ang mga tao mula sa pagsamba sa mga bato at mga tao patungo sa pagsamba sa Nag-iisang Tunay na Diyos, mula sa pang-aapi at kawalang-katarungan ng kultura, mga tao at mga nasyon tungo sa pagkakapantay-pantay at katarungan ng Islam. Kapag ang Islam ay naging madaling mapasok o marating ng mga tao, walang pamimilit sa pagtanggap nito - ito ay nasa mga tao na.
Magdagdag ng komento