Ang Huling Tao na Papasok sa Paraiso (bahagi 2 ng 2): Kaunti na Lamang
Paglalarawanˇ: Ang huling taong makakapasok sa Paraiso at yaong mga katulad niya na nadama ang buong epekto ng awa ng Diyos.
- Ni Aisha Stacey (© 2013 IslamReligion.com)
- Nailathala noong 24 Aug 2020
- Huling binago noong 17 Nov 2021
- Nag-print: 4
- Tumingin: 5,300 (araw-araw na pamantayan: 4)
- Nag-marka: 0
- Nag-email: 0
- Nag-komento: 0
Sa nakaraang artikulo ay tiningnan natin ang komprehensibong tradisyon mula kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala). Ito ay maikling kwento tungkol sa likas na katangian ng tao sa temang pasalaysay tungkol sa huling tao na makakapasok sa Paraiso. Siya ang tao na, pinahintulutan ng Diyos na gumapang papalabas mula sa Apoy ng Impiyerno. Sa umpisa ang tao na ito ay nagpasalamat na siya ay nasa pagitan ng Paraiso at Impiyerno at pinapurihan ang Diyos dahil sa Kanyang kabutihan at awa. Lumipas ang mga oras at napagtanto niya na may isang puno na tumubo. Sinuri niya ang matatag nitong puno, matibay na mga sanga, at mga dahon at nagnais na mapunta sa ilalim ng lilim nito at pawiin ang kanyang uhaw mula sa pinagmumulan ng tubig. Sa patuloy ng pagsasalaysay, makikita natin na sa tuwing binibigay ng Diyos sa tao ang kanyang hiling, ang tao ay humihiling o nangangailangan ng ibang bagay; ng kaunti pa.
Ang kwentong ito ay nagtatampok ng katotohanan na ang tao ay hindi ganap na nasisiyahan, gusto niya lagi ng higit pa. Kahit na dumating ng biglaan sa isang tao ang kailanman hindi pa naisip o umiral na kagustuhan, pangangailangan at mga ninanais na kung saan ang karamihan sa atin ay napapabilang, hindi ito bago sa Diyos. Sapagkat Siya ang Tagapaglikha at Tagapagtustus sa daigdig at higit na nakakaalam sa likas na katangian ng Kanyang mga nilikha.
Ang Diyos na Tagapaglikha ay may perpektong kaalaman. Alam niya ang lahat ng bagay na nasasalat at hindi nasasalat; Alam niya ang nangyari at mangyayari pa lamang. Siya ang ganap na nakakarinig at nakakaalam. Ang Diyos ay nagpahayag sa atin na Siya ay mas malapit sa atin nang higit kaysa sa litid ng ating ugat at walang makakalampas sa Kanyang kaalaman. Maaari nating itago ang ating masamang ugali at katangian sa ating mga kaibigan at kapamilya pero sa Diyos ay hindi, dahil nakikita Niya lahat; hindi lamang yan, bagkus, ay nauunawaan Niya rin kung ano ang nakapaghihikayat sa atin at kung ano ang ating mga pinangangambahan, minamahal at ninanais. Kung kaya't Siya ay patuloy na nagpapatawad at nagkakaloob ng Kanyang awa. Kapag kailangan natin ng awa ng Diyos, kahit na sa anong sitwasyon, kailangan lang nating humingi sa Kanya.
“At katiyakan Aming nilikha ang tao, at Aming nababatid kung ano ang binubulong ng kanyang kaluluwa sa kanya. At Kami ay malapit sa kanya nang higit kaysa sa litid ng ugat (na nasa kanyang leeg).” (Quran 50:16)
Binigyang kahulugan ng diksyunaryo na ang awa ay ang pagiging mabait at mapagpatawad, at ang pakiramdam na nag-uudyok ng pakikiramay. Ang Awa ay rahmah sa salitangarabe at ang dalawa sa pinaka importanteng pangalan ng Diyos ay hinango mula sa salitang ito, Ar-Rahman – Ang pinaka Mahabagin at Ar-Raheem – Ang pinaka Maawain. Ang Awa ng Diyos ay mataas na uri na sumasalamin sa kahinahunan, pangangalaga, konsiderasyon, pagmamahal at kapatawaran. Kapag ang mga katangiang ito ay naging kapansin-pansin sa daigdig na ito, sila ay sumasalamin lamang sa awa ng Diyos para sa Kanyang mga nilikha. Sa kwentong ito ay makikita natin na ang Awa ng Diyos ay nahahayag sa banayad na paraan ng Kanyang pakikitungo sa huling tao na gumapang palabas mula sa Apoy ng Impiyerno.Sa puntong ito ay maiisip at mapapansin na ang taong ito ay hindi makapapasok sa Paraiso sa pamamagitan ng kanyang mabubuting gawa, malayo ito mula dito. Sa huli, siya ay makapapasok sa Paraiso dahil sa awa ng Diyos sa Kanyang nilikha. Masasabi na ipinagkaloob ng Diyos ang Kanyang awa kahit na hindi ito karapat-dapat sa paningin ng tao. Katiyakang nangako ang Diyos sa sinuman na may tunay na pananampalataya sa kanyang puso kahit na siya ay nakagawa ng mga kasalanan na balang araw ay makakapasok sa Paraiso. Upang mas higit pang maunawaan ito, ang Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nag-iwan sa atin ng mga sumusunod na kasabihan:
“Sinuman ang namatay na hindi gumawa shirk (nagtambal sa pagsamba) siya ay papasukin ng Diyos sa Paraiso.”[1]
Ang katotohanan na ang mga tao, kasama ang taong tinatalakay ay ilalabas mula sa Impiyerno at papasukin sa Paraiso ay hindi magsasanhi ng anumang kalungkutan at pagkabalisa sa kanila na mga taong mapalad. Dahil ito ay ipinahayag sa atin ng Diyos na ang Paraiso ay tirahan ng kasiyahan. Wala sa alinman ang Quran o sa tradisyon ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayaapaan at pagpapala) ang nagmungkahi na ang mga tao ay mamumuhay na may panghihinayang pagkatapos makapasok sa Paraiso dahil sa parusa na kanilang naranasan sa Impiyerno. Ito ay malinaw mula sa naging reaksyon o kasiyahan at kaligayahan ng mapag alaman ng tao ito na siya ay nasa pagitan ng Paraiso at Impyerno. Tila siya ay nakabawi kaagad at tumitingin sa hinaharap. Sa ibang tradisyon na mula kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay alam natin na ang Paraiso ay magsasanhi sa isang Muslim na makalimutan ang lahat ng paghihirap na kanyang dinanas sa daigdig na ito, sa gayun ay hindi malayong sabihin na kasama rito ang paghihirap na naranasan sa Impiyerno bago pa makapasok sa Paraiso. Ang Sugo ng Diyos (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nagsabi:
“Ang pinaka mayayaman sa mga tao sa daigdig na ito, na mapupunta sa Impiyerno, ay dadalhin sa araw ng pagkabuhay na muli at ipapasok ng minsan sa Apoy. Pagkatapos ay sasabihin: O anak ni Adan, nakakita ka na ba ng mabuti? nagkaroon ka ba ng kasiyahan? kanyang sasabihin: Hindi, sa pamamagitan ng Diyos, O Panginoon. Pagkatapos ang pinaka-dukha na tao sa daigdig na ito na makapapasok sa Paraiso ay dadalhin at ipapasok sa Paraiso ng minsan, at sasabihin sa kanya: O anak ni Adan, nakakita ka na ba ng masama? nakaranas ka ba ng paghihirap? kanyang sasabihin: Hindi, sa pamamagitan ng Diyos, O Panginoon. Hindi pa ako nakakita ng anumang kasamaan. Hindi ako nakaranas ng anumang paghihirap.”[2]
Isa pang indikasyon na ang isang beses na pagpasok Paraiso ay mag-aalis sa lahat ng paghihirap na nauna rito, kahit na ang paghihirap na dulot ng kaparusahan sa Impiyerno, ay ang sinabi ng Propeta: "Sinuman ang makapasok sa Paraiso ay magtatamasa ng kaligayahan at hindi na magiging malungkot, ang kanyang kasuotan ay hindi maluluma, ang kanyang kabataan ay hindi kukupas.”[3]
Ang pagpapala na ito ay nagpapakita na ang pagdurusa na naranasan ay mabubura para sa mga taong makakapasok sa Paraiso, at ito ay kabuuang kahulugan at kabilang ang bawat isa na makakapasok dito, kahit na sila ay nakapasok muna sa Impiyerno o hindi.
Ang awa ng Diyos ay walang hanggan. Ang Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nagsabi din:
“Ang Diyos ay may isang daang bahagi ng awa, na kung saan ay ipinadala Niya ang isang parte nito sa pagitan ng jinn at sangkatauhan, mga hayop, at mga insekto, kung saan sila ay mahabagin at maawain sa isa't isa, at ang maiilap na hayop ay mabuti sa kanyang anak. At ang Diyos ay pinanatili ang siyamnapu't siyam na bahagi ng awa para maging maawin sa Kanyang mga alipin sa Araw ng muling Pagkabuhay muli.”[4]
Magdagdag ng komento