Ang Sampung Nangungunang mga Mito (maling akala) tungkol sa Islam (bahagi 1 ng 2): Ang pagkakaroon ng akses sa impormasyon ay hindi makapipigil sa mga maling haka-haka tungkol sa Islam

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Isang maikling pagtingin sa unang tatlo sa sampung karaniwang mga mito tungkol sa Islam.

  • Ni Aisha Stacey (© 2014 IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 07 Feb 2016
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 5,292 (araw-araw na pamantayan: 3)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

TopTenMyths1.jpgMula pa nang ang mga Muslim ay lumikas sa Arabyanong Kapuluan upang maitatag ang Islamikong Imperyo ay nagkaroon na ng mga mito at maling haka-hakang pumapalibot sa Islamikong pamamaraan ng pamumuhay. Halos 1500 taon na ang nakararaan na ang pagsamba sa Nag-iisang Diyos ay binago ang nakikilalang mundo, gayunpaman ang mga mito ay nakapalibot pa rin sa Islam kahit na ang mga tao sa mundo ay may mga paraan sa walang katulad na dami ng mga impormasyon. Sa dalawang bahaging artikulong ito ay ating susuriin ang 10 sa mga pinakakaraniwang mito na ngayon ay nagdudulot ng hindi pagkakaunawaan at kawalang pagpaparaya.

1.Ang Islam ay nanghihikayat sa terorismo.

Sa ikalawang dekada ng ika-21 siglo ito marahil ang pinakamalaking mito tungkol sa Islam. Sa panahong tila ang mundo ay galit sa pagpatay sa mga inosente ay dapat muling isasaalang-alang na ang relihiyong Islam ay nagtatakda ng napaka natatanging mga patakaran para sa digmaan at naglalagay ng malaking halaga sa kabanalan ng buhay.

"... na sinuman ang pumatay ng isang tao na hindi naman para sa pagganti ng isang pagpatay, o (at) maghasik ng katiwalian sa kalupaan - ito ay katumbas na rin ng kanyang pagpatay sa buong sangkatauhan, at kung sinuman ang nagligtas ng isang buhay, ito ay katumbas ng kanyang pagligtas sa buhay ng buong sangkatauhan..." (Quran 5:32)

Ang pagpatay sa mga walang kasalanan ay ganap na ipinagbabawal. Nang ang Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, ay ipinadala ang kanyang mga kasamahan sa labanan sinabi niya "Lumabas kayo sa ngalan ng Diyos at huwag patayin ang sinumang matandang lalaki, sanggol, bata o kababaihan. Palaganapin ang kabutihan at gumawa ng mabuti. sapagkat ang Diyos ay minamahal ang mga gumagawa ng mabuti."[1] "Huwag patayin ang mga monghe sa mga monasteryo" o "Huwag patayin ang mga taong nakaupo sa mga lugar ng pagsamba.[2] Minsan matapos ang isang labanan ang Propeta ay nakita ang bangkay ng isang babae sa lupa at sinabi, "Hindi siya nakikipaglaban. Paanong siya ay pinatay?"

Ang mga patakarang ito ay lalong binigyang diin ng unang Kalifa ng Islamikong Imperyo, na si Abu Bakr. Siya ay nagsabi, "Iniuutos ko sa inyo ang sampung bagay. Huwag papatayin ang mga kababaihan, mga bata, o isang matanda, na taong may sakit. Huwag putulin ang mga punong nagbubunga ng prutas . Huwag sirain ang isang tinitirahang lugar. Huwag pumatay ng mga tupa o kamelyo maliban sa pagkain. Huwag magsunog ng mga bubuyog at huwag ikalat ang mga ito. Huwag magnakaw mula sa nasabat, at huwag maging duwag."[3] Bilang karagdagan dito ang mga Muslim ay ipinagbabawal na magsagawa ng hindi makatarungang mga gawang pagsalakay. Hindi kailanman pinapayagan na patayin ang isang tao na hindi kalaban.

"Makipaglaban kayo sa Landas ng Diyos sa mga nakikipaglaban sa inyo subali’t huwag kayong lumabag sa hangganan. sapagkat ang Diyos ay hindi minamahal ang mga nagmamalabis…" (Quran 2:190)

2.Ang Islam ay nang-aapi ng kababaihan.

Ang Islam ay iniaangat ang kababaihan sa pinakamataas na pagsasaalang-alang sa bawat yugto ng kanyang buhay. Bilang anak na babae binubuksan niya ang pintuan ng Paraiso para sa kanyang ama.[4] Bilang may bahay, siya ang bumubuo ng kalahati ng relihiyon ng kanyang asawa.[5] Kapag siya ay naging ina, ang Paraiso ay nasa ilalim ng kanyang mga paa.[6] Ang mga Muslim na kalalakihan ay kinakailangang tratuhin ang mga kababaihan nang may paggalang sa lahat ng mga pagkakataon sapagkat ang Islam ay hinihiling na ang mga kababaihan ay pakitunguhan nang may dangal at katarungan.

Sa Islam ang mga kababaihan, tulad ng mga kalalakihan, ay inutusan na maniwala sa Diyos at sumamba sa Kanya. Ang mga kababaihan ay pantay sa mga kalalakihan sa mga tuntunin ng gantimpala sa Kabilang Buhay.

"At sinuman ang gumagawa ng gawaing matuwid, lalaki man o babae, habang siya ay naniniwala – sila yaong mga papapasukin sa Paraiso, at sila ay hindi gagawan ng kamalian (kahit sinliit man) ng batik sa buto ng datiles.." (Quran 4:124)

Ang Islam ay binibigyan ang mga kababaihan ng karapatan na makapag-ari ng ari-arian at pamahalaan ang kanilang sariling mga pananalapi. Ito ay nagbibigay sa mga kababaihan ng pormal na mga karapatan ng mana at karapatan sa edukasyon. Ang mga Muslim na kababaihan ay may karapatang tanggapin o tanggihan ang mga alok sa pag-aasawa at ganap na malaya mula sa obligasyon ng gastusan at pagtustus sa pamilya kung kaya ang nagtatrabahong mga babaeng may asawa ay malaya sa pag-aambag na gumastos sa sambahayan, o hindi, ayon sa kanilang nakikitang nararapat. Ang Islam ay binibigyan din ang mga kababaihan ng karapatang humingi ng diborsyo kung ito ay kinakailangan.

Nakalulungkot man ay totoo na may ilang Muslim na kababaihan na inaapi. Sa kasamaang palad marami ang hindi nakakaalam ng kanilang mga karapatan at nagiging biktima ng mga kaligawan sa kultura na walang kinalaman sa Islam. Ang mga makapangyarihang indibidwal, grupo at pamahalaan na nag-aangking mga Muslim ay miserableng nabigong ipatupad ang mga alituntunin ng Islam. Kung ang mga kababaihan ay binigyan ng kanilang mga karapatang ibinigay ng Diyos, tulad ng itinakda sa relihiyong Islam, ang pandaigdigang pang-aapi sa mga kababaihan ay maaaring mabaon na sa limot. Ang Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ay nagsabi "Walang iba kundi isang marangal na lalaki ang tinatrato ang mga kababaihan sa isang marangal na paraan. At walang iba kundi isang kasuklam-suklam ang tinatrato ang mga kababaihan sa kawalang hiyaan."[7]

3.Ang lahat ng mga Muslim ay Arabo

Ang relihiyon ng Islam ay ipinahayag para sa lahat ng mga tao, sa lahat ng mga lugar, sa lahat ng mga panahon. Ang Quran ay ipinahayag sa wikang Arabe at ang Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay isang Arabo, ngunit mali na ipagpalagay na ang lahat ng mga Muslim ay Arabo, o para sa bagay na ito, na ang lahat ng mga Arabo ay Muslim. Sa katunayan ang malaking bilang sa 1.57 bilyong mga Muslim sa mundo[8] ay wala sa lahi ng mga Arabo.

Bagamat maraming mga tao, lalo na sa Kanluran, na iniuugnay ang Islam sa mga bansa sa Gitnang Silangan, ayon sa Pew Research Center na halos dalawang-katlo (62%) ng mga Muslim ay nakatira sa rehiyon ng Asya-Pasipiko at sa katunayan mas maraming mga Muslim ang nakatira sa Indiya at Pakistan (344 milyong pinagsama) kaysa sa buong Gitnang Silangan at rehiyon ng Hilagang Aprika (317 milyon).

Ayon din sa Pew, "ang mga Muslim ay bumubuo sa karamihan ng populasyon sa 49 mga bansa sa buong mundo. Ang bansa na may pinakamalaking bilang (halos 209 milyon) ay Indonesia, kung saan ang 87.2% ng populasyon ay kinikilala bilang Muslim. Ang Indiya ay ang pangalawa sa pinaka malaki sa buong mundong populasyon ng Muslim sa nagbabago pang bilang (halos 176 milyon) kahit na ang mga Muslim ay bumubuo lamang ng 14.4% ng kabuuang populasyon ng Indiya. "

Ang Islam ay hindi isang lahi o etniko - ito ay isang relihiyon. Kung kaya ang mga Muslim ay maaari at talagang umiiral sa lahat ng bahagi ng mundo mula sa alpinong kapatagan ng Iskandinabya hanggang sa mainit na baybayin ng Fiji.

"O sangkatauhan, kayo ay Aming nilikha mula sa isang lalaki at isang babae, at kayo ay Aming ginawang mga pamayanan at mga tribo, upang kayo ay magkakilanlan.." (Quran 49:13)



Mga talababa:

[1] Abu Dawood

[2] Imam Ahmad

[3] Tabari, Al (1993), The Conquest of Arabia, Estadong Pamantasan ng Pahayagan ng New York, p. 16

[4] Saheeh Muslim. Sa Ahmad at Ibn Majah ang anak na babae ay tinutukoy bilang "isang kalasag mula sa apoy" para sa kanyang ama.

[5] Al-Bayhaqi

[6] Ahmad, An-Nasai

[7] At-Tirmidhi

[8] Ayon sa ulat sa, "Mapping the Global Muslim Population," ng the Pew Forum on Religion & Public Life.

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Minimize chat