L'articolo / video che hai richiesto non esiste ancora.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

요청한 문서 / 비디오는 아직 존재하지 않습니다.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

המאמר / הסרטון שביקשת אינו קיים עדיין.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

L'articolo / video che hai richiesto non esiste ancora.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

요청한 문서 / 비디오는 아직 존재하지 않습니다.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

המאמר / הסרטון שביקשת אינו קיים עדיין.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

Si Kristin, Dating Katoliko, Estados Unidos (bahagi 1 ng 2)

Marka:
Sukat ng Font:

Paglalarawan: Isang dating Kristiyano ay tinalakay ang mga bagay na kanyang natagpuan na di-lohikal sa Kristiyanidad at ang kanyang pagkawili sa Hudaismo.

  • Ni  Kristin
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong  20 Aug 2006
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 1154 (karaniwan sa araw-araw: 2)
  • Marka: Hindi pa na markahan
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0

Ang aking paghahanap para sa isang relihiyon ay nagsimula sa mataas na paaralan noong ako ay 15 o 16 taong gulang. Ako ay nauugnay sa isang masamang grupo ng mga tao na aking inakalang aking mga kaibigan, ngunit nang lumaon ay napagtanto kung ang mga taong ito ay mga talunan. Aking nakita kung saang direksyon ang kanilang buhay papunta, at hindi ito sa kabutihan. Hindi ko nais na ang mga taong ito ay magkaroon ng anumang epekto sa aking tagumpay sa hinaharap, kaya inilayo ko ang aking sarili mula sa kanila nang tuluyan. Ito ay mahirap sa simula dahil ako ay nag-iisa na walang kaibigan. Sinimulan kong maghanap ng isang bagay upang maiugnay ang aking sarili at isang bagay na maaari kong asahan at ibatay ang aking buhay.... isang bagay na hindi maaaring magamit ng sinumang tao upang sirain ang aking hinaharap. Sa pangkaraniwan, lumingon ako sa paghahanap sa Diyos. Ang alamin kung sino ang Diyos at kung ano ang katotohanan ay hindi madali, gayunpaman. Ano nga ba ang katotohanan?! Ito ang aking pangunahing katanungan habang sinisimulan ko ang aking paghahanap para sa isang relihiyon.

Sa aking sariling pamilya, maraming pagbabagu-bago ng relihiyon. Ang aking pamilya ay may mga Hudyo at may ilang uri ng Kristiyanismo sa mga ito, at ngayon, Alhamdulillah (ang lahat ng papuri ay para sa Diyos) Islam.

Nang ang aking Ina at Ama ay ikinasal, naramdaman nila ang pangangailangang magpasya kung anong pananampalataya ang maipapalaki sa kanilang mga anak. Dahil ang Simbahang Katoliko ay ang talagang tanging mapagpipilian para sa kanila (ang aming bayan ay may 600 katao lamang) silang dalawa ay nagbagong loob sa Katolisismo at pinalaki ang aking kapatid na babae at ako bilang mga Katoliko. Sa pagbabalik-tanaw sa mga kuwento ng mga pagbabagong loob sa aking sariling pamilya, tila lahat ng mga ito ay pagbababgong loob para sa kaluwagan. Hindi ko maipapalagay na tunay na naghahanap sila ng Diyos, ngunit ginagamit lamang ang relihiyon bilang paraan upang makamit ang isang ninanais. Kahit na matapos ang lahat ng mga pagbabagong ito sa nakaraan, ang relihiyon ay hindi labis na kahalagahan para sa aking Ina, Ama, kapatid na babae o sa akin. Kung mayroon man, ay kami ang pamilya na iyong makikita sa simbahan sa panahon ng Pasko at Linggo ng Pagkabuhay. Palagi kong nararamdaman na ang relihiyon ay isang bagay na hiwalay sa aking buhay, 6 na araw sa isang linggo para sa buhay at isang araw sa isang linggo para sa simbahan, sa mga bihirang mga okasyon na ako ay sumasama. Sa madaling salita, hindi ang kamalayan sa Diyos o kung paano mamuhay alinsunod sa Kanyang mga turo sa araw-araw.

Hindi ko tinanggap ang ilang mga kasanayan sa Katoliko kabilang ang:

1)    Pangungumpisal sa isang pari: Inisip ko kung bakit hindi na lamang mangumpisal sa Diyos nang hindi kinakailangang dumaan sa isang tao upang makarating sa Kanya?

2)    Ang "Perpektong" Papa- Paano ang isang tao lamang, ni hindi isang propeta, ay magiging perpekto?!

3)    Ang pagsamba sa mga santo - hindi ba ito isang tuwirang paglabag sa unang utos? Kahit na matapos ang 14 na taong sapilitang pagdalo sa pag-aaral kada Linggo, ang mga sagot na natanggap ko sa mga tanong na ito at sa iba pa ay, "Kailangan mo lamang magkaroon ng pananampalataya!!" Dapat ba akong magkaroon ng pananampalataya dahil may isang taong NAGSABI sa akin?! Akala ko ang pananampalataya ay dapat na batay sa katotohanan at mga sagot na sang-ayon sa lohika, ako ay interesadong  makahanap ng ilan.

Hindi ko gusto ang katotohanan ng aking mga magulang, o kaibigan, o sinumang iba pa. Kailangan ko ang katotohanan ng Diyos. Kailangan ko na ang bawat ideyang aking hawak na maging totoo sa akin dahil ako ay naniniwala dito nang buong puso at kaluluwa. Ako ay nagpasya na kung hahanapin ko ang mga sagot sa aking mga katanungan, kailangan kong maghanap gamit ang isang malayang pag-iisip, at magsimula akong magbasa...

Ako ay nagpasyang ang Kristiyanismo ay hindi ang relihiyong para sa akin. Ako ay walang anumang personal sa mga Kristiyano, ngunit natagpuan ko na ang relihiyon mismo ay naglalaman ng maraming mga salungatan, lalo na kapag nagbasa ako ng Bibliya. Sa Bibliya, ang mga salungatan na aking napansin at ang mga bagay na walang kahit anumang saysay ay napakarami na ako mismo ay nakaramdam ng pagkahiya na hindi ko kailanman itinanong ang mga ito noon o kahit pa napansin ko na ito!

Dahil ang ilang mga tao sa aking pamilya ay Hudyo, ako ay nagsimulang magsaliksik sa Hudaismo. Aking naisip sa aking sarili na ang sagot ay maaaring naroon. Kaya sa loob ng halos isang taon ay gumawa ako ng pananaliksik sa anumang bagay tungkol sa Hudaismo, ang ibig kong sabihin ay MALALIM na pananaliksik!! Araw-araw ay sinubukan kong magbasa at matutunan ang isang bagay (alam ko pa rin ang tungkol sa Ortodoksiyang kashrut na batas sa Hudyo!). Ako ay nagtungo sa aklatan at sinuri ang bawat aklat sa Hudaismo sa loob ng dalawang buwan, sa paghahanap ng impormasyon. Sa internet, nagpunta sa sinagoga, nakipag-usap sa iba pang mga taong Hudyo sa mga kalapit na bayan at binasa ang Torah at Talmud. Mayroon pa akong isa sa mga kaibigang Hudyo na dumalaw sa akin mula sa Israel! Aking inakalang natagpuan ko na ang aking hinahanap. Gayunpaman, sa araw na dapat akong magtungo sa sinagoga at makipagtagpo sa mga rabino sa posibleng maging opisyal ng aking pagbabagong loob, ay umatras ako. Hindi ko talaga alam kung ano ang pumigil sa akin sa hindi paglisan ng bahay nang araw na yaon, ngunit ako ay tumigil lang habang papalabas na ako ng pinto at nagbalik at umupo. Aking naramdaman na ako ay nasa isa sa mga panaginip na kung saan sinusubukan mong tumakbo ngunit ang lahat ay nasa mabagal na paggalaw. Alam kong nandoon ang rabino at naghihintay sa akin, ngunit hindi man lang din ako tumawag upang sabihing ako ay darating. Ang rabino ay hindi rin ako tinawagan. May bagay na kulang...

Matapos malamang ang Hudaismo ay hindi rin ang sagot, naisip ko (pagkatapos din ng maraming panggigipit mula sa aking mga magulang) na bigyan ang Kristiyanismo ng isa pang pagkakataon. Mayroon akong, tulad ng sinabi ko, isang magandang karanasan sa mga teknikalidad mula sa aking mga taon ng mga Lingguhang pag-aaral, ngunit mas pinahahalagahan ko ang paghahanap ng katotohanan sa likod ng mga teknikalidad. Ano ang kagandahan nito sa lahat, saan ang seguridad nito at kung paano ko matatanggap ito nang lohikal? Alam ko na kong aking masinsinang isaalang-alang ang Kristiyanismo, ang Katolisismo ay labas dito. Ako ay nagpunta sa bawat ibang Kristiyanong simbahan sa aking bayan, Luterano, Pentekostes, Huling Araw na mga Santo (Mormon), at mga walang denominasyong simbahan. Hindi ko mahanap ang aking hinahanap - mga kasagutan!! Hindi ang kapaligiran ng mga tao ang nakapagpatalikod sa akin; ang mga pagkakaiba-iba sa pagitan ng mga denominasyon ang ikinabahala ko. Ako ay naniniwalang dapat mayroong isang tamang paraan, kaya paano ko maaaring mapili ang "tama" na denominasyon? Sa aking palagay ay imposible at hindi patas para sa isang Mahabagin at Maawain na Diyos na iwanan ang sangkatauhan sa ganitong pagpipilian. Ako ay naligaw...


 

 

Si Kristin, Dating Katoliko, Estados Unidos (bahagi 2 ng 2)

Marka:
Sukat ng Font:

Paglalarawan: Matapos makilala ang Islam sa isang chat room, natagpuan ni Kristin ang kanyang sarili na umiiyak habang binabasa ang Quran sa silid-aklatan habang nagsasasaliksik patungkol sa naturang relihiyon.

  • Ni  Kristin
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong  02 Feb 2006
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 1193 (karaniwan sa araw-araw: 3)
  • Marka: Hindi pa na markahan
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0

Sa puntong ito ako ay kasing-lito at bigo katulad noong nag-umpisa ako sa aking pagsasaliksik. Tila nais kong ihagis ang aking mga braso sa Diyos at sumigaw ng, “Ano na ngayon?” Ako ay hindi isang Hudyo, ako ay hindi isang Kristiyano, isa lamang akong tao na naniniwala sa nag-iisang Diyos. Inisip kong bumitaw sa lahat ng mga organisadong relihiyon. Ang nais ko lamang ay ang katotohanan, wala akong pakialam kung anong banal na aklat ito nagmula; sadyang nais ko lamang ito.

Isang araw, nagbabasa ako sa internet at nagpasya na huminto muna at maghanap ng chat room. Napansin ko ang isang “usapang pang-relihiyon”, na syempre ay interesado ako, kaya pinindot ko ‘yon. Nakita ko ang isang room na may pangalang “Muslim chat”. Dapat ba kong pumasok? Umaasa ako na walang terorista na magkakaroon ng kontrol sa aking e-mail at magpapadala ng mga virus sa kompyuter – o mas malala pa. Ang imahe ng mga malalaking lalaki na nakasuot ng itim na may malalagong balbas papunta sa pintuan at dudukot sa akin ang sumagi sa aking isipan. (Masasabi mo kung gaano kalaki ang nalalaman ko patungkol sa Islam – wala!). Pero naisip ko pagkatapos, sige na, ito nama'y isang inosenteng pag-iimbestiga lamang. Nagpasya akong pumasok at napansin na ang mga tao sa naturang room ay hindi naman nakakatakot kagaya ng naisaisip ko na magiging itsura nila. Sa katunayan, karamihan sa kanila ay tinatawag ang isa’t-isa na “brother” o “sister” kahit na kakikilala pa lamang nila! Nagpaabot ako ng pagbati sa kanila at sinabihan sila na bigyan ako ng mga pangunahing kaalaman patungkol sa Islam – na hindi ko nalalaman. Ang mga sinabi nila ay interesante at umaayon sa aking mga pinaniniwalaan. Ang ilan sa mga tao ay nag-alok na magpadala sa akin ng mga aklat kaya ako ay pumayag. (Siya nga pala, wala akong nakuha na anumang virus at wala ring kalalakihan na sumulpot sa aking pintuan para ako ay kunin, maliban na lamang sa aking asawa na maluwag sa kalooban ang aking pagsama!)

Nang mag log-off ako mula sa chat, dumiretso ako sa silid-aklatan at tiningnan ang bawat aklat patungkol sa Islam, katulad ng ginawa ko sa Judaismo. Ako ay interesado na magbasa at mas matuto. Bago ko pa man madala pauwi ang malaking salansan ng mga aklat, gusto ko munang tingnan ng mabuti ang ilan sa mga ito. Ito ang nagsilbing punto ng pagbabago sa aking buhay.... Ang ilan sa mga unang tiningnan ko ay nagpapaliwanag sa mga pangunahing kaalaman patungkol sa Islam nang mas detalyado, ang ilan ay mula sa mga iskolar at ang ilan ay may mga larawan ng malalaki’t naggagandahang mga moske na may mga babaeng may takip sa ulo. Mabuti na lamang at tiningnan ko ang isang Quran… Binuklat ko ito sa walang particular na pahina at nag-umpisang magbasa. Ang lenggwahe ang unang nakakuha sa aking atensyon, nakaramdam ako na mayroong isang may awtoridad na kumakausap sa akin, hindi tao na nakikipag-usap katulad ng sa ibang “banal” na kasulatan na akin nang nakasalubong. Ang sipi na aking nabasa (at nakakalungkot na hindi ko alam kung ano iyon) ay nagsasaad patungkol sa kung ano ang inaasahan ng Diyos na gagawin mo sa buhay na ito at kung paano mamumuhay alinsunod sa Kanyang mga kautusan. Isinasaad nito na ang Diyos ang Pinaka Mapagbigay at ang Pinaka Mahabagin at ang Pinaka Nagpapatawad. At ang pinakamahalaga, sa Kanya, tayo ay katiyakang magbabalik. Bago ko pa man malaman, narinig ko na lamang ang bawat pagpatak ng aking mga luha sa pagtama ng mga ito sa mga pahina na aking binabasa. Ako ay umiiyak sa gitna ng silid-aklatan, dahil sa wakas, matapos ang lahat ng aking paghahanap at pagninilay-nilay, natagpuan ko na kung ano ang aking hinahanap – ang Islam. Batid ko na ang Quran ay isang bagay na kakaiba dahil nakapagbasa na ako ng maraming mga literaturang pangrelihiyon, at WALA sa mga ito ang ganito kalinaw o nagbigay sa akin ng ganitong uri ng pakiramdam. Ngayon ay nakikita ko ang karunungan ng Diyos…sa pagpapahintulot sa akin na saliksikin nang mabuti ang Judaismo at Kristiyanismo bago ko matagpuan ang Islam, nang sa gayon ay aking mapagkumpara at mapagtanto na WALANG maihahalintulad sa Islam.

Mula sa puntong iyon, nagpatuloy ako sa pagsasaliksik patungkol sa Islam. Ginawa ko ito sa pamamagitan ng paghahanap ng mga pagkakasalungat katulad ng ginawa ko sa Judaismo at Kristiyanismo, ngunit wala akong natagpuan na kahit ano. Hinalughog ko ang Quran sa paghahanap ng anumang pagkakaiba; hanggang sa araw na ito hindi pa rin ako nakakahanap kahit ISA na pagkakasalungat dito! Isa sa malaking bagay na gusto ko patungkol sa Quran ay ang paghamon nito sa mga mambabasa na kwestyunin ito. Sinasabi mismo nito patungkol sa sarili nito na kung ito ay hindi mula sa Diyos katiyakan na makakakita ka ng maraming pagkakasalungat mula rito. Ang Islam ay hindi lamang malinis mula sa pagkakasalungat, mayroon itong kasagutan sa anumang tanong na maari kong maisip – isang kasagutan na mayroong kabuluhan.

Matapos ang tatlong buwan, nagpasya ako na ang Islam nga ang kasagutan at isinagawa ang aking opisyal na pagbabalik-loob sa pagbanggit ng Shahadah (panunumpa ng pagsaksi). Gayunpaman, kinailangan kong banggitin ang aking Shahadah (panunumpa ng pagsaksi) sa pamamagitan ng tawag sa isang Imam mula sa Pennsylvania dahil walang mga Muslim o moske na malapit sa akin (ang PINAKAMALAPIT ay halos 6 na oras ang byahe na layo). Hindi ko kailanman pinagsisihan ang aking kapasyahan na magbalik-loob. Yamang walang mga Muslim na naninirahan malapit sa akin, kinailangan kong magkusa at gawin ang higit na pag-aaral ng sarili ko lamang, ngunit hindi ako kailanman napagod dahil pinag-aaralan ko ang katotohanan. Ang pagtanggap ko sa Islam ay tila paggising sa aking espiritu, sa aking isip at maging sa kung paano ko titingnan ang mundo.

Maikukumpara ko ito sa isang tao na noon ay may malabong paningin; nagsikap na makasabay sa klase, hindi makapag-tuon ng atensyon at patuloy na hinahamon ng kaniyang kapansanan. Kung bibigyan mo sila ng pares ng salamin ang lahat ay magiging malinaw at nasa pagtuon. Ganito ang ang karanasan ko sa Islam: tulad sa pagkakaroon ng pares ng salamin, na nagpahintulot sa akin, para sa unang pagkakataon, na makakita ng malinaw.

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

Lista ng mga Artikulo

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong history ay walang laman.

View Desktop Version