L'articolo / video che hai richiesto non esiste ancora.
The article/video you have requested doesn't exist yet.
요청한 문서 / 비디오는 아직 존재하지 않습니다.
The article/video you have requested doesn't exist yet.
המאמר / הסרטון שביקשת אינו קיים עדיין.
The article/video you have requested doesn't exist yet.
L'articolo / video che hai richiesto non esiste ancora.
The article/video you have requested doesn't exist yet.
요청한 문서 / 비디오는 아직 존재하지 않습니다.
The article/video you have requested doesn't exist yet.
המאמר / הסרטון שביקשת אינו קיים עדיין.
The article/video you have requested doesn't exist yet.
Ang mga pakinabang ng pagpasok sa Islam ay napakarami kung bibilangin, subalit napili lamang natin ang ilan na namumukod-tangi sa iba.
Isa sa mga malaking pakinabang ng pagpasok sa Islam ay ang pag-angat nito sa makapal na ulap. Biglaan ang buhay, at ang lahat ng mga mabuti at masamang pangyayari nito ay nagiging mas malinaw, lahat ng ito ay mas nagkakaroon ng kabuluhan. Ang mga sagot sa mga malalaking katanungan na bumabagabag sa sangkatauhan nang libuntaon ay huwad na nailalahad. Sa anumang oras sa ating buhay, kapag tumayo tayo sa bangin, o sa sanga ng daan, itinatanong natin ang ating mga sarili – “Ito na ba, ito na ba talaga ang lahat na mayroon?” Bueno, hindi, hindi pa ito ang lahat. Sinasagot ng Islam ang mga katanungan at hinihiling sa atin na tumingin sa labas ng materyalismo at tingnan na ang buhay na ito ay maliit at pansamantalang pahingahan sa daan patungo sa buhay na walang hanggan. Ang Islam ay nagbibigay ng isang malinaw na hangarin at layunin sa buhay. Bilang isang Muslim, nagagawa nating makahanap ng mga kasagutan sa mga salita ng Diyos, ang Quran, at sa halimbawa ng Kanyang huling sugo na si Propeta Muhammad, mapasakanya ang habag at pagpapala ng Tagapaglikha.
Ang pagiging Muslim ay nagpapahiwatig ng kumpletong pagpapasakop sa Lumikha at ang katotohanan na nilikha lamang tayo upang sumamba sa Diyos na Nag-iisa. Iyon ang dahilan na narito tayo, sa umiikot na planeta na ito sa tila walang hanggan na uniberso; upang sumamba sa Diyos at Diyos na Nag-iisa. Sa pagpasok sa Islam pinalalaya tayo mula sa nag-iisang potensyal na hindi mapapatawad na kasalanan, na kung saan ay ang magtambal sa Diyos sa pagsamba.
“At hindi Ko nilikha ang jinn at sangkatauhan maliban upang sila ay sumamba sa Akin.” (salin ng kahulugan ng Quran 51:56)
“O sangkatauhan, sambahin ninyo ang Allah; wala kayong ibang diyos [na dapat sambahin] maliban sa Kanya.” (salin ng kahulugan ng Quran 7:59)
Gayunpaman, dapat sabihin, na ang Diyos ay hindi nangangailangan ng pagsamba ng tao. Kung wala ni isang tao ang sumamba sa Diyos, hindi ito makababawas sa Kanyang kaluwalhatian sa anumang paraan, at kung ang buong sangkatauhan ay sumamba sa Kanya, hindi nito madaragdagan ang Kanyang kaluwalhatian sa anumang paraan.[1] Tayo, na sangkatauhan, ay kailangan ang kapanatagan at seugridad ng pagsamba sa Diyos.
Ang relihiyon ng Islam ay ipinahayag para sa kapakinabangan ng buong sangkatauhan na iiral hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Ito ay isang kumpletong paraan ng pamamahala ng buhay, hindi isang bagay na isinasagawa lamang sa katapusan ng linggo o sa taunang mga kapistahan. Ang relasyon ng isang mananampalataya sa Diyos ay dalawampu't apat na oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo. Hindi ito tumitigil at nagsisimula. Sa pamamagitan ng Kanyang walang katapusang habag, binigyan tayo ng Diyos ng isang malawak na pamamaraan sa buhay, isa na sumasaklaw sa lahat ng mga aspeto, espirituwal, emosyonal at pisikal. Hindi Niya tayo iniwang mag-isa upang madapa sa kadiliman, sa halip ay binigay sa atin ng Diyos ang Quran, isang aklat ng patnubay. Binigay din Niya sa atin ang mga tunay na pamamaraan ni Propeta Muhammad (sumakanya ang kapayapaan at pagpapala) na nagpapaliwanag at nagpapalawak sa patnubay ng Quran.
Kinukumpleto at binabalanse ng Islam ang ating pisikal at espirituwal na pangangailangan. Ang sistemang ito ay dinisenyo ng Tagapaglikha para sa Kanyang nilikha, hindi lamang inaasahan ang isang mataas na pamantayan ng pag-uugali, moralidad at etika ngunit pinapayagan din nito ang bawat gawain ng tao na maging pagsamba. Sa katunayan, ipinag-utos ng Diyos sa mga mananampalataya na ilaan ang kanilang buhay sa Kanya.
“Sabihin: 'Katotohanan, ang aking pagdarasal, ang aking pag-aalay, ang aking buhay at ang aking kamatayan ay para sa Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga nilikha.” (salin ng kahulugan ng Quran 6:162)
Alam ng Diyos kung ano ang pinakamabuti para sa Kanyang nilikha. Siya ay may kumpletong kaalaman sa pag-iisip ng tao. Dahil dito malinaw na tinukoy ng Islam ang mga karapatan at responsibilidad na mayroon tayo sa Diyos, sa ating mga magulang, asawa, mga anak, kamag-anak, kapitbahay, atbp. Nagdadala ito ng kaayusan mula sa kaguluhan, pagkakasundo mula sa pagkalito at pinapalitan ng kapayapaan ang alitan at away. Ang pagpasok sa Islam ay nagpapahintulot sa tao na harapin ang anuman at lahat ng sitwasyon nang may kumpiyansa. Ang Islam ay nakakapag-gabay sa atin sa lahat ng aspeto ng buhay, ispiritwal, politikal, pampamilya, pang-lipunan at pang-korporasyon.
Kapag natutupad natin ang ating obligasyon na parangalan at sundin ang Diyos, awtomatiko nating nakukuha ang lahat ng mga kaugalian at mataas na pamantayan ng moralidad na hinihingi ng Islam. Ang pagpasok sa Islam ay nangangahulugang pagsuko sa kalooban ng Diyos at nangangahulugan ito ng paggalang at pagrespeto sa mga karapatan ng tao, lahat ng may buhay na nilalang at maging ang kapaligiran. Dapat nating kilalanin ang Diyos at magsubmita sa Kanya upang makagawa ng mga pagpapasya na kalugod-lugod sa Kanya.
Bilang konklusyon, may isang pakinabang ng pagpasok sa Islam na ginagawang kasiya-siya bawat araw. Anumang kalagayan natatagpuan ng isang Muslim ang kanyang sarili, sila ay kampante sa kaalaman na walang nangyayari sa mundong ito nang walang pahintulot ng Diyos. Ang mga pagsubok, paglilitis at mga tagumpay ay mabuting lahat at kung hinarap ito nang may kumpletong pagtitiwala sa Diyos, hahantong sila sa isang maligayang konklusyon at totoong kasiyahan. Sinabi ni Propeta Muhammad (sumakanya ang kapayapaan at pagpapala), “Tunay na kamangha-mangha ang mga gawain ng isang mananampalataya! Lahat sila ay para sa kanyang pakinabang. Kung bibigyan siya ng kadalian ay nagpapasalamat siya, at ito ay mabuti para sa kanya. At kung siya ay pinagdudusa ng isang paghihirap, nagtitiyaga siya, at ito ay mabuti para sa kanya”.[2]
[1] The Purpose of Creation by Dr Abu Ameena Bilal Phillips.
[2] Saheeh Muslim
Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.
Ang listahan ng iyong history ay walang laman.
Bakit ka magrerehistro? Ang web site na ito ay maraming pagpapasadyang ginawa para sa iyo, tulad ng: ang iyong paborito, iyong history, pagmamarka ng mga artikulo na nauna mong tiningnan, Paglilista ng mga artikulo na nailathala mula pa ng huling pagbisita mo, pagbago ng laki ng font, at higit pa. Ang mga tampok na ito ay batas sa cookies at gagana ng tama kapag ginamit mo ang parehong kompyuter. Para mapagana itong tampok na ito mula sa anumang kumpyoter, dapat kang mag-login kapag nagti-tingin tingin sa site na ito.
Maaring ipasok ang pangalan ng gumagamit at e-mail address at pindutin ang Send Password button. Makakatanggap ka ng bagong password sa ilang sandali. Gamitin ang bagong password para makapasok sa site.
Magdagdag ng komento