您所请求的文章/视频尚不存在。

The article/video you have requested doesn't exist yet.

L'articolo / video che hai richiesto non esiste ancora.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

요청한 문서 / 비디오는 아직 존재하지 않습니다.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

המאמר / הסרטון שביקשת אינו קיים עדיין.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

您所请求的文章/视频尚不存在。

The article/video you have requested doesn't exist yet.

L'articolo / video che hai richiesto non esiste ancora.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

요청한 문서 / 비디오는 아직 존재하지 않습니다.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

המאמר / הסרטון שביקשת אינו קיים עדיין.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

Si Craig Robertson, Dating Katoliko, Canada (bahagi 1 ng 2): Galing sa Masama Naging mas Malala

Marka:
Sukat ng Font:

Paglalarawan: Matapos mapalaki sa isang Katolikong pamilya at gugulin ang karamihang oras ng kanyang pagkabata sa pagdalo sa simbahan, tinalikuran ni Craig ang pananampalataya at pumunta sa malayang pamumuhay.

  • Ni  Craig Robertson
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong  23 Mar 2014
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 1250 (karaniwan sa araw-araw: 3)
  • Marka: Hindi pa na markahan
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0

Ang pangalan ko ay Abdullah Al-Kanadi. Ipinanganak ako sa Vancouver, Canada. Ang aking pamilya, na mga Romano Katoliko, ay nagpalaki sa akin bilang isang Romano Katoliko hanggang ako ay umabot ng 12 taong gulang. Mahigit anim na taon na akong naging Muslim, at nais kong ibahagi ang kuwento ng aking paglalakbay sa Islam sainyo.

Sa palagay ko sa alinmang kwento, mas mainam na magsimula mula sa simula. Sa aking pagkabata nag-aral ako sa isang Katolikong paaralan at tinuruan tungkol sa Katolikong pananampalataya, kasama ang iba pang mga asignatura. Ang relihiyon ay ang palaging pinakamainam kong klase; napakahusay ko sa pang-akademikong mga turo ng Simbahan. Hinikayat ako sa serbisyo bilang isang ‘batang altar’ ng aking mga magulang mula sa murang edad, kung saan kinalulugdan ng aking mga lolo at lola; ngunit habang mas natututo ako tungkol sa aking relihiyon, mas dumarami ang katanungan ko tungkol dito! Naaalala ko ang mga ito mula sa aking pagkabata, tinanong ko ang aking ina sa misa: “Ang ating relihiyon ba ang tama?” Ang sagot ng aking ina ay kumukuling-ling pa rin sa aking mga tainga hanggang sa araw na ito: “Craig, silang lahat ay pareho, silang lahat ay mabuti!” kumbaga para sa akin parang hindi ito tama. Ano ang dahilan ng pag-aaral ko sa aking relihiyon kung silang lahat ay pantay na mabuti!?

Sa edad na labinalawang taon, ang aking lola sa ina ay nasuring may kanser sa colon at namatay matapos ng ilang buwan, pagkatapos ng isang matinding pakikipaglaban sa sakit. Hindi ko napagtanto kung gaano kalalim ang epekto ng kanyang pagpanaw hanggang sa kalaunan. Sa murang edad na labindalawa, nagpasya akong maging isang ateyista upang parusahan ang Diyos (kung kaya mong maisip man lang ang ganoong bagay!) Ako ay galit na batang lalake; Nagalit ako sa mundo, sa aking sarili at pinakamasama sa lahat, sa Diyos. Nabigo ako sa aking unang mga taon ng pagkabata na subukang gawin ang lahat ng makakaya ko upang mapabilib ang aking bagong “mga kaibigan” sa pampublikong sekundaryong paaralan. Mabilis kong napagtanto na marami pa akong dapat matutunan, sa pagiging kinalinga sa isang relihiyosong paaralan hindi mo matututunan kung ano ang gusto mo sa isang pampublikong paaralan. Hinikayat ko ang lahat ng aking mga kaibigan sa pribado na ituro sa akin ang lahat ng mga bagay na hindi ko natutunan, sa lalong madaling panahon nakuha ko ang ugali ng pagmumura at ginagawang katatawanan ang mga taong mas mahina kaysa sa akin. Kahit na ginawa ko ang aking makakaya upang umangkop sa kanila, hindi ko talaga nagawa. Ako ay naaapi; ginagawa akong katatawanan ng mga kababaihan at iba pa. Para sa isang batang nasa edad ko, ito ay nakakawasak. Bumalik ako sa aking sarili, sa tinatawag ninyong isang 'emosyonal na pagkapagod'.

Ang mga taon ng aking pagkabinatilyo ay napuno ng pagdurusa at kalungkutan. Sinubukan ng aking mga kawawang magulang na makipag-usap sa akin, ngunit ako ay mapanlaban sa kanila at napaka walang respeto. Nagtapos ako sa sekundaryo noong tag-araw ng 1996 at nadama na ang mga bagay ay kailangang magbago para sa kabutihan, dahil sa naniniwala akong ito ay lalala pa! Ako ay natanggap sa isang lokal na teknikal na paaralan at nagpasya na dapat kong higitan pa ang aking pag-aaral at kumita ng kaunting pera, upang ako ay maging masaya. Kinuha ko ang isang trabaho sa isang fastfood malapit sa aking bahay upang makatulong sa mga bayarin sa paaralan.

Ilang linggo bago ako magsimulang mag-aral, Inanyayahan akong lumipat kasama ang ilang mga kaibigan mula sa trabaho. Para sa akin, parang ito na ang sagot sa aking mga problema! Makakalimutan ko na ang aking pamilya at makakasama ang aking mga kaibigan sa lahat ng oras. Isang gabi, sinabi ko sa aking mga magulang na ako ay lilipat na. Sinabi nila sa akin, Hindi ko raw makakayanan, at hindi pa ako handa para dito at hindi nila ito papayagan! Ako ay 17 taong gulang at napakatigas ng ulo; Nanumpa ako sa aking mga magulang at sinabi ko sa kanila ang lahat ng uri ng masasamang bagay, na kung saan ay pinagsisisihan ko pa rin hanggang sa araw na ito. Nakaramdam ako ng lakas ng loob sa aking bagong kalayaan, para akong pinakawalan, at masusunod ko na ang aking mga hangarin ayon sa aking gusto. Lumipat ako kasama ang aking mga kaibigan at hindi nakipag-usap sa aking mga magulang sa mahabang panahon pagkatapos nito.

Nagtatrabaho ako nun at nag-aaral sa paaralan nang ipakilala sa akin ng aking mga kasamahan sa kuwarto ang marijuana. Napamahal ako dito sa unang ‘buga’ pa lamang! Naninigarilyo ako nang kaunti pag-uwi ko ng bahay mula sa trabaho upang makapagpahinga. Bagaman sa lalong madaling panahon, nagsimula akong manigarilyo nang higit pa, hanggang sa isang linggo sobra akong nanigarilyo, parang iyon ay Lunes ng umaga at bago ko paman nalaman ito, iyon ay oras na nang pag-aaral. Naisip ko, kumbaga, hindi ako papasok ng isang araw sa paaralan, at papasok sa susunod na araw, yamang di nila maaaring mapansin ang aking pagkawala. Hindi na ako kailanman bumalik pa ng paaralan pagkatapos nito. Sa wakas ay napagtanto ko kung gaano kaganda magkaron ng ganito. Lahat ng pagkain na kaya kong nakawin at lahat ng mga droga ay kaya kong hithitin, sino pa ang nangangailangan ng pag-aaral?

Ang sarap ng buhay ko, o di kaya pag-aakala ko; Ako ay naging masamang ‘residente’ sa trabaho at dahil dito ang mga kababaihan ay nagsisimulang magbigay pansin sa akin tulad ng hindi nila nagawa noong sekundarya. Sinubukan ko ang mga mas matinding droga, subali't alhamdulillah, Ako ay nailigtas mula sa tunay na kakila-kilabot na bagay. Ang kakaibang pangyayari ay, kapag hindi ako sabog sa droga o lasing, ako ay nalulungkot. Nakakaramdam ako ng kawalan ng halaga sa sarili at ganap na walang kabuluhan. Nagnanakaw ako sa trabaho at sa aking mga kaibigan upang matulungang mapanatili ang ‘kemikal na usok’. Naging matatakutin ako sa mga taong nakapalibot sa akin at inakala kong pinaghahanap na ako ng mga pulis sa bawat sulok. Nagsisimula na akong mabaliw at kailangan ko na ng solusyon, at naisip ko na ang relihiyon ay makakatulong sa akin.

Natatandaan kong nanonood ako ng isang pelikula tungkol sa pangkukulam at naisip ko na ito ang makapapabuti sa akin. Bumili ako ng ilang mga libro sa Wicca at sa Pagsamba sa Kalikasan, at napag-alaman na hinihikayat nila ang paggamit ng mga natural na droga kaya nagpatuloy ako. Itinatanong sa akin ng mga tao kung naniniwala ba ako sa Diyos, at nagkakaroon kami ng kakaibang mga pag-uusap habang nasa ilalim ng ‘impluwensya’, ngunit malinaw kong naaalala na sinasabing hindi, sa katunayan ay hindi talaga ako naniniwala sa Diyos, naniniwala ako na ang karamihan sa mga diyos ay makasalanan tulad ko.

Sa kabila ng lahat ng ito, mayroong isang kaibigan na nanatili sa akin. Siya ay isang ‘Born Again’ na Kristiyano at palaging nangangaral sa akin, kahit na kinukutya ko ang kanyang pananampalataya sa bawat pagkakataon. Siya lamang ang nag-iisang kaibigan ko na hindi nanghusga sa akin sa oras na iyon, kaya nang inanyayahan niya akong sumama sa isang kamping ng kabataan sa katapusan ng linggo ay nagpasya akong sumama. Wala akong inaasahan. Akala ko lubusan akong matatawa sa pangungutya sa lahat ng “Mga Kamalian sa Bibliya”. Sa ikalawang gabi, nagkaroon sila ng isang malaking serbisyo sa isang auditoryum. Pinatugtog nila ang lahat ng uri ng musikang pumupuri sa Diyos. Nakita ko ang mga bata at matanda, lalake at babae na nagsusumamo para sa kapatawaran at lumuluha ng lubusan. Ako ay talagang naantig at sinabi ko sa isang tahimik na panalangin ang mga linyang “Diyos, alam kong ako ay isang kasuklam-suklam na tao, pakiusap tulungan mo ako, at patawarin mo ako at hayaan akong magsimulang muli.” Naramdaman ko ang daluyong ng emosyon na sumapit sa akin, at naramdaman kong bumagsak ang aking luha sa aking pisngi. Nagpasya ako sa sandaling iyon na yakapin si Hesu-Kristo bilang aking personal na Panginoon at Tagapagligtas. Itinaas ko ang aking mga kamay sa himpapawid at nagsimulang sumayaw sa paligid (oo, sumayaw!) Ang lahat ng mga Kristiyanong nakapaligid sa akin ay nakatitig sa akin sa nakapangingilabot na katahimikan; ang taong nangungutya sa kanila at sinabi sa kanila kung gaano sila kahangal sa paniniwala sa Diyos, ay sumasayaw at pinupuri na ang Diyos!

Bumalik ako sa aking tahanan at tinalikuran ang lahat ng droga, nakalalasing, at kababaihan. Agad kong sinabi sa aking mga kaibigan kung paano nila kailangang maging mga Kristiyano upang sila ay mailigtas. Nabigla ako na itinakwil nila ako, dahil dati palagi nila akong binibigyan ng pansin. Hanggang sa bumalik ako sa aking mga magulang matapos ang mahabang pagkawala at inabala ko sila sa kadahilanang kung bakit sila dapat maging Kristiyano. Sa pagiging Katoliko nila akala nila sila ay totoong Katoliko na, ngunit para sa akin sila ay hindi pa, sapagkat sinasamba nila ang mga Santo. Nagpasya akong umalis muli ngunit sa oras na ito para sa mas mainam na tadhana at nabigyan ng trabaho ng aking lolo na nais tumulong sa aking“pagbuti”.

Nagsimula akong mamalagi sa isang Kristiyanong “bahay ng kabataan” na karaniwang isang bahay kung saan maaaring puntahan ng mga kabataan, upang lumayo mula sa panggigipit ng pamilya at pag-usapan ang Kristiyanismo. Mas matanda ako kaysa sa karamihan sa mga kalalakihan, kaya ako ay naging isa sa mga nakikipag-usap sa karamihan at sinusubukang mapasaya ang mga batang kalalakihan. Sa kabila nito, nakaramdam ako ng parang may pandaraya, dahil dito nagsimula na naman akong uminom at makipagkita sa mga kababaihan. Sinasabihan ko ang mga bata tungkol sa pagmamahal ni Hesus para sa kanila, at pagsapit ng gabi ako ay umiinom. Sa kabila ng lahat ng ito, sinusubukan ng isa kong Kristiyanong kaibigan na ayusin ako at panatilihin ako sa tamang landas.

 

 

Si Craig Robertson, Dating Katoliko, Canada (bahagi 2 ng 2): Natututong Tumanggap

Marka:
Sukat ng Font:

Paglalarawan: Matapos mahanap ang kanyang landas pabalik sa Kristiyanismo, si Craig ay pinagtaksilan ng kanyang mga kaibigan at muling nawala, hanggang sa kanyang makatagpo ang isang Muslim sa pinagtatrabahuhan.

  • Ni  Craig Robertson
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong  23 Mar 2014
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 1291 (karaniwan sa araw-araw: 3)
  • Marka: Hindi pa na markahan
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0

Naaalala ko pa hanggang sa araw na ito ang aking unang tagpo sa isang Muslim. Ang isa sa mga batang lalaki ay nagdala ng kanyang kaibigan sa bahay ng kabataan. Siya ay isang batang Muslim na ang pangalan ay nakalimutan ko. Ang naaalala ko ay ang batang lalaki na nagsasabing “dinala ko ang aking kaibigan ‘ganito ganyan’, siya ay isang Muslim at nais kong tulungan siyang maging isang Kristiyano”. Labis akong namangha sa 14 taong gulang na batang ito, siya ay mahinahon at palakaibigan! Maniwala ka man o hindi, ipinagtanggol niya ang kanyang sarili AT ang Islam laban sa isang dosenang mga Kristiyanong nag-aakusa ng pang-aabuso sa kanya at sa Islam! Habang kami ay nakaupo doon at walang kabuluhang sumasang-ayon sa aming mga Bibliya at mas nagiging galit, nakaupo lamang siya roon, tahimik na nakangiti at sinasabi sa amin ang tungkol sa pagsamba sa iba maliban sa Diyos at kung paano, oo, mayroong pagmamahal sa Islam.  Siya ay tulad ng isang usa na napapalibutan ng isang dosenang hyena, gayon paman sa lahat ng oras, siya ay mahinahon at palakaibigan at magalang. Hindi makapaniwala ang aking isipan!

Ang batang Muslim ay nag-iwan ng isang kopya ng Quran sa istante, maaaring nakalimutan niya ito o iniwan ito ng may layunin, hindi ko alam, ngunit sinimulan kong basahin ito. Hindi nagtagal ay nagalit ako sa librong ito nang makita kong mas may katuturan ito kaysa sa Bibliya. Itinapon ko ito nang labag sa kalooban at lumakad palayo, habang kumukulo sa galit; gayon pa man, matapos kong basahin ito, nagkaroon ako ng isang hindi kapani-paniwalang pag-aalinlangan. Ginawa ko ang lahat upang makalimutan ang tungkol sa batang Muslim at masiyahan na lamang sa aking oras kasama ang aking mga kaibigan sa bahay ng kabataan. Ang pangkat ng kabataan ay nagtutungo sa iba't ibang mga Simbahan tuwing katapusan ng linggo sa kaganapan ng mga pagdarasal at ang mga gabi ng Sabado ay ginugugol sa isang malaking Simbahan sa halip na sa inuman. Naaalala ko ng makasama ako sa isang nasabing kaganapan na tinawag na ‘The Well’ at naramdaman kong napakalapit ko sa Diyos at nais kong ipagpakumbaba ang aking sarili at ipakita sa aking Tagapaglikha ang aking pagmamahal sa kanya. Ginawa ko ang kung ano ang natural, nagpatirapa ako. Nagpatirapa ako tulad ng ginagawa ng mga Muslim sa pang-araw-araw na pagdarasal, ngunit hindi ko alam kung ano ang aking ginagawa, ang tanging alam ko lang, napakasarap nito sa pakiramdam... pakiramdam ko ito ay tama, higit pa sa anumang nagawa ko. Pakiramdam ko napaka-relihiyoso ko at banal at nagpatuloy sa aking landas ngunit tulad ng dati, nagsimula akong makaramdam ng pagkakawala ng mga bagay.

Palaging itinuturo sa amin ng Pastor na dapat nating isuko ang ating kalooban sa Diyos, at wala akong gusto na higit pa sa paggawa nito; ngunit hindi ko alam kung paano! Palagi akong nananalangin “Diyos ko Pakiusap, gawin ang aking kalooban na mapasaiyo, gawin mo akong sumusunod sa iyong kagustuhan” at iba pa, ngunit walang nangyayari. Naramdaman ko ang aking sarili na dahan-dahang lumalayo mula sa Simbahan habang ang aking pananampalataya ay humihina. Dito sa mga oras na ito ang aking matalik na kaibigan, ang lalaking Kristiyano na tumulong sa akin na lumapit kay Kristo, kasama ang isa pang malapit na kaibigan ko, ay ginahasa ang aking kasintahan na dalawang taon kong nakasama. Nasa ibang silid na ako at lasing na lasing na upang malaman kung ano ang nangyayari at wala akong kakayahang pigilan ang anuman. Makalipas ang ilang linggo, napag-alaman na ang lalaking nagpapatakbo ng bahay ng kabataan ay pinagsamantalahan ang isa sa mga batang lalaking kaibigan ko.

Nabasag ang mundo ko! Pinagtaksilan ako ng napakaraming mga kaibigan ko, mga taong dapat na malapit sa Diyos at nagtatrabaho patungong Paraiso. Wala na akong maibibigay, wala na naman akong saysay. Naglakad-lakad ako tulad ng dati, nang walang patutunguhan at walang direksyon, nagtatrabaho lamang at natutulog at nakikisalo. Ang aking kasintahan at ako ay naghiwalay agad pagkaraan. Ang aking pagkakasala, galit at kalungkutan ay sumasaklaw sa aking buong pagkatao. Paano nangyaring pinahintulutan ng aking Tagapaglikha na mangyari sa akin ang gayong bagay? Gaano ba ako ka sakim?!

Makalipas ang maiksing panahon, sinabi sa akin ng tagapamahala ko sa trabaho na ang isang “Moslem” ay magtatrabaho sa amin, tunay siyang relihiyoso at dapat nating subukang maging disente sa palibot niya. Sa sandaling ang “Moslem” na ito ay dumating agad siyang nagsimulang mag Da’wah. Wala siyang sinayang na oras sa pagsasabi sa aming lahat tungkol sa Islam at sinabi sa kanya ng lahat na hindi nila nais na marinig ang anumang bagay tungkol sa Islam, maliban sa akin! Ang aking kaluluwa ay sumisigaw at kahit na ako ay tigasin ay hindi ko maiwasang umiyak. Nagsimula kaming magtulungan at talakayin ang aming kani-kanyang mga paniniwala. Sumuko na ako sa Kristiyanismo nang lubusan, ngunit nang sinimulan niya akong tanungin, lumakas ang aking pananampalataya at pakiramdam ko ako ay isang ‘Mandirigma’ na ipinagtatanggol ang Pananampalataya mula sa masamang “Moslem” na ito.

Ang katotohanang bagay ay ang partikular na“Moslem” na ito ay hindi masama tulad ng sinabi sa akin. Sa katunayan, siya ay mas mabuti kaysa sa akin. Hindi siya nagmumura, hindi siya nagagalit at palaging mahinahon, mabait at magalang. Talagang humanga ako at nagpasya na siya ay magiging isang mainam na Kristiyano. Nagpalitan kami ng mga katanungan tungkol sa relihiyon ng bawat isa, ngunit pagkaraan ng ilang oras pakiramdam ko ang aking sarili ay mas lalong nagiging depensibo. Sa isang pagkakataon, ako ay subrang nagalit… dito sinubukan kong kumbinsihin siya sa katotohanan ng Kristiyanismo, at pakiramdam ko siya ang nasa katotohanan! Nagsimula akong makaramdam ng higit na pagkalito at hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Ang alam ko lang ay kinakailangan kong dagdagan ang aking pananampalataya, kaya't sumakay ako sa aking sasakyan at tumungo sa ‘The Well’. Kumbinsido ako na kung makapagdasal lamang ako ulit doon, Maibabalik ko ang pakiramdam at ang matibay na pananampalataya at pagkatapos ay mapapabalik-loob ko ang Muslim. Pagkaraan ay nakarating rin ako doon, matapos akong magmadali sa daan, at natagpuan itong sarado! wala akong nakikitang tao, galit akong naghanap sa paligid para sa iba pang parehong kaganapan upang ako ay ‘lumakas’ ngunit wala akong nahanap. Matamlay, bumalik ako sa bahay.

Sinimulan kong mapagtanto na ako ay itinulak sa isang tiyak na direksyon, kaya't paulit-ulit akong nanalangin sa aking Tagapaglikha upang isuko ang aking kalooban sa Kanya. Pakiramdam ko nasasagot na ang aking mga panalangin; Umuwi ako at nahiga sa kama at sa sandaling iyon napagtanto kong kailangan kong manalangin tulad ng dati. Umupo ako sa kama at umiyak, ‘Hesus, Diyos, Budha, kung sino Ka man, pakiusap, pakiusap patnubayan Niyo po ako, kailangan Ko po Kayo! Marami na po akong nagawang kasamaan sa aking buhay at kailangan ko po ang Inyong tulong. Kung ang Kristiyanismo ay ang tamang landas kung gayon palakasin Niyo po ako, at kung ito ay ang Islam, kung gayon dalhin niyo po ako dito!’ Tumigil ako sa pananalangin at ang mga luha ay napawi at sa loob ng aking kaluluwa nakaramdam ako ng kahinahunan, alam ko kung ano ang kasagutan. Pumunta ako sa trabaho kinabukasan at sinabi sa kapatid na Muslim “paano ko sasabihin ang ‘hi’ sa iyo?” Tinanong niya ako kung ano ang ibig kong sabihin at sinabi ko, “Nais kong maging isang Muslim”. Tumingin siya sa akin at sinabing “Allahu Akbar!” Kami ay nagyakapan sa isang magandang minuto o higit pa at nagpasalamat ako sa kanya sa lahat at sinimulan ko ang aking paglalakbay sa Islam.

Tiningnan ko ang lahat ng mga kaganapan na nangyari sa aking buhay sa paglipas ng panahon, at napagtanto kong handa na akong maging isang Muslim. Naipakita sa akin ang napakaraming pagpapala mula sa Diyos. Sa lahat ng nangyari sa aking buhay, may dapat na matutunan. Nalaman ko ang kagandahan ng pagbabawal ng Islam sa mga nakakalasing, ang pagbabawal sa iligal na pagtatalik, at ang pangangailangan para sa pag Hijab. Sa wakas ako ay nasa isang pantay na balanse, hindi na ako sobra sa isang direksyon; Ako ay namumuhay sa isang katamtamang pamumuhay, at ginagawa ang aking makakaya upang maging isang disenteng Muslim.

Palaging mayroong mga hamon, dahil sigurado ako na marami sa inyo ang nakadarama, tulad ng nadarama ko. Ngunit sa pamamagitan ng mga hamong ito, sa pamamagitan ng mga emosyonal na sakit na ito, mas lumalakas tayo; natututo tayo at, umaasa ako, lumingon sa Diyos. Para sa mga yaong tulad ko na tinanggap ang Islam sa ilang bahagi ng ating buhay, tunay tayong pinagpala at masuwerte. Nabigyan tayo ng pagkakataon, isang pagkakataon para sa pinakadakilang habag! Habag na hindi nararapat sa atin, ngunit ang Diyos ay handa pa ring magbigay sa Araw ng Pagkabuhay. Nakipagkasundo na ako sa aking pamilya at nagsimulang maghanap upang magsimula ng aking sarili sa kagustuhan ng Diyos. Ang Islam ay tunay na pamamaraan ng pamumuhay, at kahit na pinagdudusahan natin ang hindi magandang pagtrato ng mga kapwa Muslim o hindi Muslim, dapat nating tandaan na maging mapagpasensya at lumingon lamang sa Diyos.

Kapag may nasabi akong anumang hindi tama ito ay mula sa akin, at kapag ang anumang nasabi ko ay tama ito ay mula sa Diyos, Ang lahat ng Papuri ay para lamang sa Diyos, at nawa'y ipagkaloob ng Diyos ang Kanyang habag at pagpapala sa Kanyang marangal na Propetang si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), Amen.

Dagdagan nawa ng Diyos ang ating pananampalataya at gawin itong naaayon sa kung ano ang nakalulugod sa Kanya at ipagkaloob nawa sa atin ang Kanyang Paraiso, Amen!

 

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

Lista ng mga Artikulo

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong history ay walang laman.

View Desktop Version