Der Artikel / Video anzubieten existiert noch nicht.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

Статьи / видео вы запросили еще не существует.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

O artigo / vídeo que você requisitou não existe ainda.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

L'articolo / video che hai richiesto non esiste ancora.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

요청한 문서 / 비디오는 아직 존재하지 않습니다.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

המאמר / הסרטון שביקשת אינו קיים עדיין.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

Der Artikel / Video anzubieten existiert noch nicht.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

Статьи / видео вы запросили еще не существует.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

O artigo / vídeo que você requisitou não existe ainda.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

L'articolo / video che hai richiesto non esiste ancora.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

요청한 문서 / 비디오는 아직 존재하지 않습니다.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

המאמר / הסרטון שביקשת אינו קיים עדיין.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

Bakit Nilikha ng Diyos ang Sangkatauhan? (bahagi 1 ng 4): Ang Pagsamba sa Diyos

Marka:
Sukat ng Font:

Paglalarawan: Ang layunin para sa paglikha ng sangkatauhan ay pagsamba. Bahagi 1: Ang pangangailangan ng tao para sa pagsamba.

  • Ni  Dr. Bilal Philips
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong  04 Oct 2009
  • Nag-print: 0
  • Tumingin: 1912 (karaniwan sa araw-araw: 6)
  • Marka: Hindi pa na markahan
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0

Sa pananaw ng sangkatauhan, ang tanong na “Bakit nilikha ng Diyos ang sangkatauhan?” ay nagpapahiwatig na “Sa anong layunin ginawa ang sangkatauhan” Sa huling paghahayag (ang Quran), ang tanong na ito ay sinasagot nang walang anumang kalabuan. Ipinagbigay alam ng Diyos sa mga tao na ang bawat tao ay ipinanganak ng may kamalayan sa Diyos. Sa Quran, sinabi ng Diyos:

“At [alalahanin] nang nagpalabas ang iyong Panginoon mula sa himaymay ni Adan ng kanyang mga anak at inapo at sila ay Kanyang ginawang saksi para sa kanilang mga sarili (na nagsasabing) ‘Hindi ba ako ang inyong Panginoon?’  Sila ay nagsabi: 'Opo, (at) kami ay sumaksi,'  O inyong sasabihin: ‘Ang aming mga ninuno lamang ang nagtambal (ng iba) sa Panginoon noon, at kami ay kanilang mga inapo lamang. Kaya Kami ba kung gayon ay Iyong wawasakin nang dahil sa ginawa ng mga mapaggawa ng kabulaanan?’” (Quran 7:172)

Ang Propeta, nawa ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, ay ipinaliwanag na nang nilikha ng Diyos si Adan, Kinuha niya mula sa kanya ang isang tipan sa lugar na tinawag na Na,maan noong ika-9 na araw ng ika-12 na buwan.  Pagkatapos ay kinuha niya mula kay Adan ang lahat ng kanyang mga inapo na ipanganak hanggang sa katapusan ng mundo, salit salinlahi, at ikalat ang mga ito sa harap Niya upang kumuha din ng tipan mula sa kanila.  Kinausap Niya sila, nang harapan, pinatototohanan nila na Siya ang kanilang Panginoon.  Dahil dito, ang bawat tao ay may pananagutan sa paniniwala sa Diyos, na naipinta sa bawat kaluluwa. Ito ay batay sa panimulang impormasyon na tinukoy ng Diyos ang layunin ng paglikha ng sangkatauhan sa Quran:

“Nilikha ko ang jinn at sangkatauhan para lamang sambahin nila Ako..” (Quran 51:56)

Sa gayon, ang mahalagang layunin kung saan nilikha ang sangkatauhan ay ang pagsamba sa Diyos. Gayunpaman, ang Makapangyarihan sa lahat ay hindi nangangailangan ng pagsamba mula sa tao.  Hindi Niya nilikha ang tao na hindi nangangailangan ng Kanyang bahagi.  Kung wala man ni isang sumamba sa Diyos, hindi nito mababawasan ang Kanyang kaluwalhatian sa anumang paraan, at kung lahat ng sangkatauhan ay sasamba sa Kanya, hindi nito madaragdagan ang Kanyang kaluwalhatian sa anumang paraan.  Ang Diyos ay perpekto. Siya lamang ang mabubuhay nang walang anumang mga pangangailangan.  Lahat ng nilikhang nilalang ay may mga pangangailangan. Dahil dito, ang sangkatauhan ay kailangang sumamba sa Diyos.

Ang Kahulugan ng Pagsamba

Upang maunawaan kung bakit kailangang sambahin ng tao ang Diyos, dapat unawain muna natin kung ano ang ibig sabihin ng salitang 'pagsamba.'  Ang salitang Ingles na 'worship' ay nagmula sa Lumang Ingles na weorthscipe na nangangahulugang 'karangalan.' Dahil dito, ang pagsamba sa wikang Ingles ay tinukoy bilang 'ang pagganap ng mga kilos na debosyonal bilang paggalang sa isang diyos.'  Ayon sa kahulugan na ito, ang tao ay inatasan na magpakita ng pasasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng luwalhati sa Kanya. Sa Quran, sinabi ng Diyos:

“Luwalhatiin mo nang may papuri ang iyong Panginoon...” (Quran 15:98)

Sa pagluwalhati sa Diyos, pinili ng tao na maki-isa sa iba pang nilikha na natural na niluluwalhati ang Tagapaglikha nito.  Tinalakay ng Diyos ang kababalaghan na ito sa maraming mga kabanata ng Quran. Halimbawa, sa Quran, sinabi ng Diyos:

“Ang pitong kalangitan at kalupaan at ang anumang nakapaloob doon, ay lumuluwalhati sa Kanya at walang isang bagay maliban na ito ay lumuluwalhati sa Kanyang papuri. Ngunit hindi niyo nauunawaan ang (pamamaraang) kanilang pagluluwalhati.” (Quran 17:44)

Gayunpaman, sa Arabe ang wika ng huling paghahayag, ang pagsamba ay tinawag na ‘ibaadahna malapit na nauugnay sa pangngalan ‘abd, na ang ibig sabihin ay ‘isang alipin.’  Ang isang alipin ay inaasahan na gawin ang anumang nais ng kanyang panginoon.  Dahil dito, ang pagsamba, ayon sa huling paghahayag, ay nangangahulugang 'masunurin na pagpapasakop sa kalooban ng Diyos.'  Ito ang diwa ng mensahe ng lahat ng mga propeta na ipinadala ng Diyos sa sangkatauhan.  Halimbawa, ang pag-unawa sa pagsamba ay mariing ipinahayag ni Propeta Hesus (ang Mesiyas o Hesukristo),

“Wala sa mga tumatawag sa akin na 'Panginoon' ang makakapasok sa kaharian ng Diyos, kundi ang gumagawa lamang ng kalooban ng aking Ama sa langit.”

Dapat pansinin na ang 'kalooban' sa sipi na ito ay nangangahulugang 'kung ano ang nais ng Diyos na gawin ng mga tao' at hindi 'kung ano ang pinahihintulutan ng Diyos na gawin ng mga tao,' sapagkat walang nangyari sa paglikha nang walang kalooban (pahintulot) ng Diyos.  Ang 'kalooban ng Diyos' ay nakapaloob sa banal na ipinahayag na mga batas na itinuro ng mga propeta sa kanilang mga tagasunod. Dahil dito, ang pagsunod sa batas ng Diyos ang pundasyon ng pagsamba. Sa ganitong kahulugan, ang pagluwalhati ay nagiging pagsamba din kapag pinili ng mga tao na sundin ang mga tagubilin ng Diyos patungkol sa Kanyang pagluwalhati.  

Ang Pangangailangan sa Pagsamba

Bakit kailangang sambahin at luwalhatiin ng tao ang Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa mga banal na ipinahayag na mga batas?  Sapagkat ang pagsunod sa batas ng Diyos ang susi sa tagumpay sa buhay na ito at sa susunod. Ang unang tao na sina Adan at Eba, ay nilikha sa Paraiso at kalaunan ay pinalayas mula sa Paraiso dahil sa pagsuway sa banal na batas.  Ang tanging paraan para sa mga tao na bumalik sa Paraiso ay sa pamamagitan ng pagsunod sa batas. Si Propeta Hesus, ay iniulat sa Ebanghelyo ayon kay Mateo na ginawa ang pagsunod sa mga banal na batas na siyang susi sa Paraiso: Ngayon narito, may dumating at sinabi sa kanya,

“Mabuting Guro, ano ang mabuting bagay na dapat kong gawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?”  kaya sinabi nya sa kanya, “Bakit mo ako tinawag na mabuti? Walang sinuman ang mabuti kundi ang Isa, iyon ay, ang Diyos.  Ngunit kung nais mong pumasok sa buhay, sundin ang mga utos.”

     Gayundin si Propeta Hesus ay iniulat na iginiit ang mahigpit na pagsunod sa mga utos, na sinasabi:

“Kung gayaon, kung sinuman ang sumira sa isa sa mga pinakamaliit na mga kautusan, at nagtuturo sa mga kalalakihan,  ay tatawaging pinakamaliit sa Kaharian ng Langit; ngunit kung sinuman ang gumawa at magturo sa kanila, siya ay tatawaging dakila sa Kaharian ng Langit.”

Ang mga banal na batas ay kumakatawan sa gabay para sa sangkatauhan sa lahat ng kalagayan ng buhay.  Tinukoy nila ang tama at mali para sa kanila at inaalok ang mga tao ng isang kumpletong sistema na namamahala sa lahat ng kanilang mga gawain.  Ang Lumikha lamang ang nakakaalam kung ano ang kapaki-pakinabang para sa Kanyang nilikha at kung ano ang hindi.  Ang mga banal na batas ay nag-uutos at nagbabawal sa iba't ibang mga gawa at sangkap upang maprotektahan ang espiritu ng tao, ang katawan ng tao at ang lipunan ng tao mula sa kapahamakan.  Upang matupad ng mga tao ang kanilang potensyal sa pamamagitan ng pamumuhay ng matuwid na buhay, kailangan nilang sambahin ang Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga utos.

 

 

Bakit Nilikha ng Diyos ang Sangkatauhan? (bahagi 2 ng 4): Ang Pangangailangan sa Pag-alaala sa Diyos

Marka:
Sukat ng Font:

Paglalarawan: Ang layunin para sa paglikha ng sangkatauhan ay pagsamba. Bahagi 2: Paano iniutos ng relihiyon ng Islam ang mga paraan upang mapanatili ang paggunita sa Diyos.

  • Ni  Dr. Bilal Philips
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong  27 May 2007
  • Nag-print: 0
  • Tumingin: 1719 (karaniwan sa araw-araw: 5)
  • Marka: Hindi pa na markahan
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0

Pag-alaala sa Diyos

Ang lahat ng iba't ibang mga gawain ng pagsamba na nilalaman sa mga banal na batas ay idinisenyo upang matulungan ang mga tao na maalala ang Diyos. Ito ay natural para sa mga tao na makalimutan minsan ang kahit na ang pinakamahalagang bagay.  Ang mga tao ay madalas na nasasabik sa pagtupad ng kanilang materyal na pangangailangan na lubos nilang nakalimutan ang kanilang espirituwal na pangangailangan.  Ang regular na panalangin ay itinalaga upang ayusin ang araw ng tunay na mananampalataya sa paligid ng pag-alaala sa Diyos.  Pinagsasama nito ang mga espirituwal na pangangailangan sa mga materyal na pangangailangan sa pang-araw-araw na batayan.  Ang palagian na pang-araw-araw na pangangailangan upang kumain, magtrabaho at matulog ay nauugnay sa pang-araw-araw na pangangailangan upang mabago ang koneksyon ng tao sa Diyos. Kaugnay sa madalas na panalangin, sinasabi ng Diyos sa pangwakas na paghahayag,

“Katotohanan, Ako ang Allah; walang ibang diyos maliban sa Akin Kaya Ako ay sambahin mo (tanging Ako) at magsagawa ka ng pagdarasal bilang pag-alaala sa Akin.” (Quran 20:14)

Tungkol sa pag-aayuno, sinabi ng Diyos sa Quran,

“O kayong mga naniniwala! Ang  pag-aayuno ay itinatagubilin sa inyo tulad ng itinagubilin sa mga nauna sa inyo upang sakali kayo ay matakot  (sa Allah nang may tunay na pagkatakot sa Kanya).” (Quran 2:183)

Ang mga naniniwala ay hinihikayat na alalahanin ang Diyos hangga't maaari.  Bagaman, ang katamtaman sa lahat ng kalagayan ng buhay, maging materyal o espirituwal, sa pangkalahatan ay hinihikayat sa banal na batas, ang isang pagbubukod ay ginawa tungkol sa pag-alaala sa Diyos.  Halos imposibleng matandaan nang labis ang Diyos.  Dahil dito, sa panghuling paghahayag, hinihikayat ng Diyos ang mga mananampalataya na alalahanin Siya nang madalas hangga't maaari:

“O kayong mga naniniwala! Alalahanin ninyo ng madalas ang Diyos .” (Quran 33:41)

Ang paggunita sa Diyos ay nabibigyang diin dahil ang kasalanan ay karaniwang ginagawa kapag ang Diyos ay nakalimutan.  Ang mga puwersa ng kasamaan ay kumikilos nang malaya kapag nawala ang ating kamalayan sa Diyos.  Dahil dito, sinisikap ng mga Satanikong pwersa na sakupin ang mga isipan ng mga tao ng mga hindi nauugnay na saloobin at hangarin para makalimutan nila ang Diyos.  Kapag nakalimutan ang Diyos, ang mga tao ay papayag na sumali sa mga masasamang elemento.  Sa huling paghahayag, tinutukoy ang kababalaghan sa sumusunod:

“Sila ay pinangibabawan (o nilukuban) ng Satanas, kaya sila ay ginawang makalimot sa pag-alaala sa Allah. Sila yaong mga kampon ng Satanas. Katotohanan, ang mga kampon ng Satanas- sila ang mga nawalan (o talunan).” (Quran 58:19)

Ang Diyos, sa pamamagitan ng Banal na Batas, ay ipinagbawal ang mga nakalalasing at pagsusugal lalo na sapagkat nagsasanhi ang mga ito na makalimutan ng tao ang Diyos.  Ang isip at katawan ng tao ay madaling mahumaling sa droga at mga laro ng pagkakataon.  At kapag sila ay nalulong,  ang hangarin ng sangkatauhan na patuloy na pasiglahin sila nito ay hahantong sa lahat ng anyo ng katiwalian at karahasan sa kanilang sarili. Sinabi ng Diyos sa Quran:

“Nais lamang ng Satanas na maghasik ng matinding galit at poot sa inyong pagitan sa (pamamagitan ng) mga inuming nakalalasing at sugal at (upang) kayo ay kanyang mailihis sa pag-aalaala sa Allah at sa pagdarasal. Kaya, hindi ba kayo magsisitigil (sa gayong masasamang bisyo)?” (Quran 5:91)

Dahil dito, kailangang alalahanin ng sangkatauhan ang Diyos para sa kanilang sariling kaligtasan at paglaki. Lahat ng tao ay may mga oras nang kahinaan kung saan sila nakakagawa ng mga kasalanan.  Kung wala silang paraan ng pag-alala sa Diyos, lulubog sila ng malalim na malalim sa katiwalian sa bawat kasalanan.  Gayunpaman, ang mga sumusunod sa mga banal na batas ay palaging mapapa-alalahanan ng Diyos, na bibigyan sila ng pagkakataon na magsisi at ituwid ang kanilang sarili. Ang pangwakas na paghahayag ay tumpak na naglalarawan sa prosesong ito:

“At yaong, kapag nakagawa ng kahalayan o nakagawa ng kamalian (o maliit na kasalanan) sa kanilang mga sarili, ay kanilang naaalala ang Allah at (dagliang) humihingi ng kapatawaran sa kanilang nagawang mga kasalanan...” (Quran 3:135)

Ang Relihiyon ng Islam

Ang pinaka kumpletong sistema ng pagsamba na mayroon para sa mga tao ngayon ay ang sistema na matatagpuan sa relihiyon ng Islam.  Ang mismong pangalang 'Islam' ay nangangahulugang 'pagsuko sa kalooban ng Diyos.'  Bagaman karaniwang tinutukoy ito bilang 'ang pangatlo sa tatlong mga pananampalataya sa nag-iisang Diyos,' hindi ito isang bagong relihiyon. Ito ang relihiyon na dinala ng lahat ng mga propeta ng Diyos para sa sangkatauhan.  Ang Islam ay ang relihiyon nina Adan, Abraham, Moises at Hesus.  Tinalakay ng Diyos ang isyung ito sa Quran patungkol kay Propeta Abraham, na sinasabi:

“Si Abraham ay hindi isang Hudyo o isang Kristiyano. Bagkus, siya ay isang Muslim na tuwirang sumasamba sa Allah at siya ay hindi kabilang sa mga nagtatambal sa Allah..” (Quran 3:67)

Yamang may iisang Diyos lamang, at ang sangkatauhan ay isang uri, ang relihiyon na inihayag ng Diyos para sa tao ay iisaHindi Niya iniutos ang isang relihiyon para sa mga Hudyo, isa para sa mga Indiano, isa din para sa mga Europeo, atbp.  Ang espiritwal na pantao at panlipunang mga pangangailangan ay pantay, at ang kalikasan ng tao ay hindi nagbago mula nang nilikha ang unang lalaki at babae.  Dahil dito, walang ibang relihiyon ang katanggap-tanggap sa Diyos maliban sa Islam, tulad ng malinaw Niyang sinabi sa pangwakas na paghahayag:

“Katotohanan, ang relihiyon sa (paningin ng ) Allah ay ang Islam…” (Quran 3:19)

“At sinumang humanap ng ibang relihiyon bukod sa Islam, ito ay hindi tatanggapin mula sa kanya, at sa kabilang buhay siya ay kabilang sa mga talunan (o nawalan).” (Quran 3:85)

 

 

Bakit Nilikha ng Diyos ang Sangkatauhan? (bahagi 3 ng 4): Buhay bilang Pagsamba

Marka:
Sukat ng Font:

Paglalarawan: Ang layunin para sa paglikha ng sangkatauhan ay pagsamba. Bahagi 3: Sa sistemang Islam, ang bawat pagkilos ng tao ay maaaring maging isang gawa ng pagsamba.

  • Ni  Dr. Bilal Philips
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong  04 Oct 2009
  • Nag-print: 0
  • Tumingin: 1582 (karaniwan sa araw-araw: 5)
  • Marka: Hindi pa na markahan
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0

Ang Bawat Gawa ay Pagsamba

     Sa sistemang Islam, ang bawat kilos ng tao ay maaaring mabago sa isang gawaing pagsamba. Sa katunayan, iniutos ng Diyos sa mga naniniwala na italaga ang kanilang buong buhay sa Kanya. Sa Quran, sinabi ng Diyos:

“Sabihin, "Katotohanann, ang aking pagdarasal, ang aking ritwal (ng pag-aalay), ang aking buhay at ang aking kamatayan ay para sa Allah, ang Panginoon ng lahat ng nilikha.’” (Quran 6:162)

     Gayunpaman, para maging katanggap-tanggap sa Diyos ang pagtatalagang iyong, sa bawat pagkilos ay dapat  matupad ang dalawang pangunahing mga kondisyon:

1.    Una, ang kilos ay dapat gawin nang taos-puso para sa kasiyahan ng Diyos at hindi para sa pagkilala at papuri ng mga tao.  Ang mananampalataya ay dapat ding magkaroon ng kamalayan sa Diyos habang ginagawa ang gawain upang matiyak na hindi ito isang bagay na ipinagbabawal ng Diyos o ng huling Sugo, nawa ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya.

Upang mapadali ang pagbabagong ito ng mga likas na gawain sa pagsamba, inutusan ng Diyos ang huling Propeta, na mag-takda ng mga maiikling panalangin na sasabihin bago ang pinakasimpleng mga gawain. Ang pinakamaikling panalangin na maaaring magamit para sa anumang kalagayan ay: Bismillaah (Sa pangalan ng Diyos).  Mayroong, gayunpaman, maraming iba pang mga panalangin na iniutos para sa mga tiyak na okasyon. Halimbawa, kapag ang isang bagong damit ay isinusuot, ang Propeta, ay nagturo sa kanyang mga tagasunod na sabihin:

“O Diyos, ang pasasalamat ay dahil sayo, sapagkat ikaw ang nagbihis sa akin. Hinihiling ko sa Iyo ang kapakinabangan nito at pakinabang na kung saan ito ginawa, at nagpapakupkop sa iyong mula sa kasamaan nito kung saan ito ay ginawa." (An-Nasa’i)

2.    Ang pangalawang kondisyon ay ang gawa ay dapat gawin alinsunod sa mga paraan ng propeta, na tinawag sa Arabe na Sunnah.  Inutusan ng lahat ng mga propeta ang kanilang mga tagasunod na sundin ang kanilang pamamaraan sapagkat sila ay ginagabayan ng Diyos.  Ang itinuro nila ay inihayag ng banal na katotohanan, at ang mga sumusunod lamang sa kanilang daan at tinanggap ang mga katotohanan ay magmamana ng buhay na walang hanggan sa paraiso. Sa kontekstong ito ni Propeta Hesus, nawa ang kapayapaan at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, iniulat sa Ebanghelyo ayon sa Juan 14: 6, na sinasabi:

“Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: walang taong makakalapit sa Ama, maliban sa pamamagitan ko.”

Katulad nito, kaugnay kay Abdullaah ibn Mas ...

“Isang araw, Si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ay gumuhit ng isang linya sa buhangin at sinabing, “Ito ang daan ng Diyos.”  Muli siyang gumuhit ng ilang linya [na may mga sanga] sa kanan at sa kaliwa at sinabing, “Ito ang mga daan [ng pagliligaw] na sa bawat isa ay may diyablo na nag aanyaya na sumunod dito.”  Pagkatapos ay kanyang binigkas ang taludtud: ‘Katotohanan, ito ang aking daan, nangunguna ng diretso, kaya sundan ito.  At huwag susundan ang [ibang] daan sapagkat ililigaw ka mula sa landas ng Diyos.  Iyan ang kanyang kautusan sa iyo nang sa gayon ay magkaroon ng kamalayan sa Diyos.’” (Ahmed)

Kaya, ang tanging katanggap-tanggap na paraan upang sumamba sa Diyos ay ayon sa paraan ng mga propeta. Dahil dito, ang pagbabago sa mga relihiyosong gawain ay ibibilang ng Diyos na pinakamasama sa lahat ng kasamaan. Si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ay iniulat na nagsabi,

“Ang pinakamasama sa lahat ng mga gawain ay ang paggawa ng bago sa relihiyon, dahil ang bawat bagong gawain sa relihiyon ay isang sumpa, ang mula sa maling makabagong gawain sa relihiyon ay humahantong sa Impiyerno.” (An-Nasa’i)

      Ang pagbabago sa relihiyon ay ipinagbabawal at hindi katanggap-tanggap sa Diyos. Ang Propeta ay iniulat din ng kanyang asawa, si Aa’ishah, na sinabi:

“Siya na gumawa ng isang bagay na bago sa aming relihiyon, na hindi mula rito, ay itatakwil ito.” (Saheeh Al-Bukhari)

     Dahil sa mga pagbabagong ito ang mga mensahe ng naunang mga propeta ay nagulo (nadagdagan, nabawasan, napalitan) kaya naman maraming mga huwad na relihiyon ang umiiral ngayon. Ang pangkalahatang tuntunin na dapat sundin upang maiwasan ang pagbabago sa relihiyon ay ang lahat ng mga anyo ng pagsamba ay ipinagbabawal, maliban sa mga partikular na iniutos ng Diyos at ipinarating sa mga tao ng tunay na mga sugo ng Diyos.

Ang Pinakamagandang Paglikha

     Ang mga naniniwala sa Isang Natatanging Diyos, nang walang pagtatambal, at gumagawa ng matuwid na gawa [ayon sa nabanggit na mga alituntunin] ay naging korona ng paglikha. Iyon ay, bagaman ang sangkatauhan ay hindi ang pinakadakilang nilikha ng Diyos, may potensyal silang maging pinakamahusay sa Kanyang nilikha. Sa panghuling paghahayag, sinabi ng Diyos ang katotohanang ito tulad ng sumusunod:

“Katotohanan, yaong mga naniwala at gumawa ng mga gawaing matuwid, sila yaong [itinuturing bilang] mga pinakamabuting nilikha.” (Quran 98:7)

 

 

Bakit Nilikha ng Diyos ang Sangkatauhan? (bahagi 4 ng 4): Pagsalungat sa Layunin ng Paglikha

Marka:
Sukat ng Font:

Paglalarawan: Ang layunin para sa paglikha ng sangkatauhan ay pagsamba. Bahagi 4: Ang pagsalungat sa layunin ng paglikha ng isang tao ay ang pinakamalaking kasalanan na maaaring gawin ng isang tao.

  • Ni  Dr. Bilal Philips
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong  02 Dec 2007
  • Nag-print: 0
  • Tumingin: 1617 (karaniwan sa araw-araw: 5)
  • Marka: Hindi pa na markahan
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0

Ang Pinakamabigat na Kasalanan

Ang pagsalungat sa layunin ng isang nilikha ay ang pinakadakilang kasamaan na maaaring gawin ng isang tao. Iniulat ni Abdullaah na tinanong niya ang Sugo ng Diyos (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) kung ano ang pinakamabigat na  kasalanan sa paningin ng Diyos at siya ay sumagot,

“Ang magtambal sa Diyos, kahit na ikaw ay Kanyang nilikha.” (Saheeh Al-Bukhari)

      Ang pagsamba sa iba maliban sa Diyos, na tinawag na shirk sa Arabe, ay ang tanging hindi mapapatawad na kasalanan. Kung ang isang tao ay namatay nang hindi nagsisi mula sa kanyang mga kasalanan, maaaring patawarin ng Diyos ang lahat ng kanilang mga kasalanan, maliban sa shirk. Kaugnay nito, sinabi ng Diyos:

“Katotohanan, na ang Allah ay hindi nagpapatawad sa sinumang nagkasala ng pagtatambal sa Kanya. Subalit Kanyang pinapatawad ang anumang kasalanang bukod dito sa sinumang Kaniyang nais. ” (Quran 4:116)

Ang pagsamba sa iba maliban sa Diyos ay may kinalaman sa pagbibigay ng mga katangian ng Lumikha sa Kanyang nilikha.  Ang bawat sekta o relihiyon ay ginagawa ito sa kanilang sariling partikular na paraan.  Ang isang maliit ngunit laging nagbibigay ng opinyon na grupo ng mga tao sa buong panahon ay itinanggi ang pagkakaroon ng Diyos. Upang bigyang-katwiran ang kanilang pagtanggi sa Lumikha, obligado nilang ginawa ang hindi makatuwirang pag-angkin na ang mundong ito ay walang pasimula.  Ang kanilang pag-angkin ay hindi makatwiran dahil ang lahat ng napapansin na mga bahagi ng mundo ay may mga pagsisimula sa oras, samakatuwid makatuwiran lamang na asahan ang kabuuan ng mga bahagi ay magkakaroon din ng simula.  Makatarungan lamang na isipin na anuman ang naging dahilan upang umiral ang mundo ay hindi maaaring maging bahagi ng mundo at hindi rin ito magkakaroon ng simula tulad ng mundo. Ang paniniwala ng atiesta na ang mundo ay walang pasimula ay nangangahulugan na ang bagay na bumubuo sa uniberso ay walang hanggan.  Ito ay isang pahayag ng shirk, kung saan ang katangian ng Diyos na walang pasimula ay ibinigay sa Kaniyang nilikha. Maliit lamang ang bilang ng mga tunay na walang paniniwala (atheist)  dahil sa kabila ng kanilang mga pag-aangkin, nararamdaman nila na umiiral ang Diyos. Iyon ay, sa kabila ng mga dekada ng indoktrinasyon ng komunista, ang karamihan ng mga Ruso at Tsino ay patuloy na naniniwala sa Diyos. Binigyang diin ng Makapangyarihang Lumikha ang hindi pangkaraniwang bagay na ito, na sinasabi:

“At kanilang tinanggihan ang mga ito, sanhi ng kamalian at pagmamataas [at katigasan ng loob] samantalang ang [kaibuturan ng] kanilang mga sarili ay umayon dito.” (Quran 27:14)

Para sa mga walang paniniwala (atheist) at mga taong mahilig sa mga makamundong bagay, ang buhay ay walang layunin na lampas sa katuparan ng kanilang nais. Dahil dito, ang kanilang mga hangarin ay nagiging diyos din na kanilang sinusunod at nagpapasakop  sa halip na ang Isang Tunay na Diyos. Sa Quran, sinabi ng Diyos:

“Hindi mo ba nakita [O Muhammad] ang isang taong nagtuturing sa Kanyang sariling pagnanasa bilang kanyang diyos?” (Quran 25:43, 45:23)

Ibinigay ng mga Kristiyano kay Propetang Hesukristo ang mga katangian ng Lumikha una inihalintulad siya sa kawalang hanggan ng Diyos, pagkatapos ginawa siyang personalidad ng Diyos na kanilang tinawag na 'Diyos na Anak.' Ang mga Hindu, sa kabilang banda, ay naniniwala na ang Diyos ay naging tao sa maraming edad, sa pamamagitan ng mga pagkakatawang tao na tinawag na mga avata, at pagkatapos ay hinati nila ang mga katangian ng Diyos sa pagitan ng tatlong mga diyos, si Brahma ang tagalikha, si Vishnu ang tagapangalaga at si Shiva na tagawasak.

Pagmamahal ng Diyos

Nagaganap din ang shirk kapag ang mga tao ay nagmamahal, nagtitiwala o natatakot sa nilikha ng higit pa sa Diyos. Sa huling paghahayag, sinabi ng Diyos:

“At kabilang sa sangkatuhan ay yaong mga nagtuturing sa iba bukod sa Allah bilang [Kanyang] mga kapantay. Kanilang minamahal ang mga ito tulad ng kanilang pagmamahal sa Allah. Ngunit, yaong mga [tunay na] naniniwala ay higit na masidhi ang kanilang pagmamahal sa Allah. ” (Quran 2:165)

Kapag ang mga ito at iba pang magkaparehong emosyon ay mas naididirekta nang higit sa nilikha, nagsasanhi ito sa tao na sumuway sa Diyos sa pagsisikap na kalugdan ng ibang tao. Gayunpaman, ang Diyos lamang ang nararapat sa kumpletong pangakong emosyonal mula sa tao, sapagkat Siya lamang ang dapat mahalin at katakutan ng lahat ng nilikha. Isinalaysay ni Anas ibn Maalik na sinabi ng Propeta (sumakanya nawa nag kapayapaan at pagpapala):

Sinumang nagtataglay ng [sumusunod] na tatlong katangian ay natikman ang tamis ng pananampalataya: Siya na higit na nagmamahal sa Diyos at sa Kanyang mga Sugo; siya na nagmamahal sa ibang tao para sa Diyos lamang; ay siya na ayaw nang bumalik sa pagiging kawalan ng paniniwala matapos na iligtas siya ng Diyos habang kinamumuhian niyang maihulog sa apoy.” (As-Suyooti)

Ang lahat ng mga kadahilanan kung saan ang mga tao ay nagmamahal sa ibang mga tao o nagmamahal sa iba pang nilalang ay mga dahilan upang mahalin ang Diyos nang higit kaysa sa Kanyang nilikha. Yamang ang Diyos ang pangwakas na mapagkukunan ng buhay at tagumpay, karapat-dapat Siya sa buong pag-ibig at debosyon ng sangkatauhan. Gustung-gusto din ng mga tao ang mga pinakikinabangan nila at tinutulungan sila kapag nangangailangan. Dahil lahat ng pakinabang (7:188) pagtulong (3:126) ay galing sa Diyos, Dapat Siyang mahalin higit sa lahat.

“At kung inyong bibilangin ang mga pagpapala ng Allah, hindi ninyo magagawang isa-isahin ang mga ito.” (Quran 16:18)

Gayunpaman, ang kataas-taasang pag-ibig na dapat maramdaman ng mga tao para sa Diyos ay hindi dapat ibawas sa karaniwang denominasyon ng kanilang emosyonal na pag-ibig sa nilikha. Tulad ng naramdaman ng pag-ibig ng mga tao para sa mga hayop ay hindi dapat katulad ng kung ano ang nararamdaman nila para sa ibang mga tao, ang pag-ibig sa Diyos ay dapat higit sa pagmamahal ng mga tao sa bawat isa. Ang pag-ibig ng tao sa Diyos ay dapat, sa panimula, isang pagmamahal na nagpapakita ng ganap na pagsunod sa mga batas ng Diyos:

“Kung [tunay ngang] kayo ay nagmamahal sa Allah, magkagayon Ako ay inyong sundin, [at] kayo ay mamahalin ng Allah. (Quran 3:31)

Hindi ito isang konseptong abstract, dahil ang pag-ibig ng tao sa ibang mga tao ay nagpapahiwatig din ng pagsunod. Iyon ay, kung hinihiling ng isang mahal sa buhay na gawin ang isang bagay, susubukan ng mga tao na gawin ito ayon sa antas ng kanilang pagmamahal sa taong iyon.

     Ang pag-ibig ng Diyos ay dapat din na ipahayag sa pagmamahal ng mga minamahal ng Diyos. Imposibleng mangyari na ang isang umiibig sa Diyos ay mapopoot sa mga minamahal at mamahalin ang mga kinapopootan Diyos. Ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nagsabi ayon kay Aboo Umaamah na:

“Ang umiibig sa Diyos at nagagalit para sa Diyos, at nagbibigay para sa Diyos at hindi nagbibigay para sa Diyos [at nag-aasawa para sa Diyos] ay ganap ang pananampalataya .” (As-Suyooti)

     Dahil dito, ang mga may tamang pananampalataya ay magmamahal sa lahat ng mga umiibig sa Diyos. Sa Kabanata Maryam, ipinapahiwatig ng Diyos na inilalagay niya ang pag-ibig sa mga puso ng mga mananampalataya para sa mga matuwid.

“Katotohan, igagawad ng Diyos ang pagmamahal [sa puso ng mga mananampalataya] sa yaong mga naniniwala at gumagawa ng mga gawaing matuwid.” (Quran 19:96)

Isinalaysay din ni Aboo Hurayrah na sinabi ng Sugo ng Diyos (sumakanya ang kapayapaan at pagpapala) ang sumusunod:

“Kung minamahal ng Diyos ang isang alipin ay sasabihin Niya kay anghel Gabriel na mahal Niya ito- at kaya sinabi sa kanya na mahalin siya, kaya mahal siya ni Gabriel. Pagkatapos ay tatawagin ni Gabriel ang mga naninirahan sa langit: 'Mahal ng Diyos si ganito si ganyan, kaya't ibigin ninyo siya.' Kaya 't minamahal siya nang mga naninirahan sa langit. Pagkatapos ay pagkakalooban siya ng pagmamahal mula sa mga tao sa mundo.” (Saheeh Muslim)

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

Lista ng mga Artikulo

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong history ay walang laman.

View Desktop Version