요청한 문서 / 비디오는 아직 존재하지 않습니다.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

המאמר / הסרטון שביקשת אינו קיים עדיין.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

요청한 문서 / 비디오는 아직 존재하지 않습니다.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

המאמר / הסרטון שביקשת אינו קיים עדיין.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

Ang Buhay Pagkatapos ng Kamatayan (bahagi 1 ng 2): Isang Pagtatalo

Marka:
Sukat ng Font:

Paglalarawan: Ang mga kadahilanan na mangangailan ng paniniwala sa Buhay pagkatapos ng Kamatayan.

  • Ni  iiie.net (edited by IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong  16 Oct 2011
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 2131 (karaniwan sa araw-araw: 5)
  • Marka: Hindi pa na markahan
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0

Ang tanong na kung mayroon man o walang buhay pagkatapos ng kamatayan ay hindi nakahanay sa larangan ng agham, sapagkat ang agham ay nakaukol lamang sa pag-uuri at pagsusuri ng naitalang impormasyon. Bukod dito, ang tao ay naging abala sa mga pang-agham na mga katanungan at pananaliksik, sa modernong kahulugan ng termino, nitong mga huling siglo lamang, habang siya ay pamilyar sa ideya ng buhay pagkatapos ng kamatayan mula pa noong una. Lahat ng propeta ng Diyos ay Tinawag ang kanilang mga tao upang sambahin ang Diyos at maniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan. Labis nilang pinahalagahan ang paniniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan na kahit na ang isang maliit na pagdududa tungkol sa pagiging totoo nito ay nangangahulugang pagtanggi sa Diyos, at itinuring ang lahat ng iba pang mga paniniwala na walang kahulugan. Ang mga propeta ng Diyos ay dumating at umalis, ang mga panahon ng kanilang pagdating ay nagsipangalat sa libu-libong taon, gayunpaman ang buhay pagkatapos ng kamatayan ay naipahayag na nilang lahat. Ang talagang patunay na kanilang nabigyang kasagutan ang ganitong metapisikang katanungan na may kumpiyansa at pagkakatugma ay humahantong upang patunayan na ang kanilang pinagkukunan ng kaalaman kung ano ang dapat asahan pagkatapos ng kamatayan ay pareho: Banal na rebelasyon.

Alam din natin na ang mga propetang ito ng Diyos ay labis na sinalungat ng kanilang mga tao, lalo na sa isyu ng muling pagkabuhay sa sandaling ang isang tao ay namatay, dahil sa inakala ng kanilang mga tao na ito ay imposible. Ngunit sa kabila ng pagtutol na iyon, nagwagi ang mga propeta ng maraming taimtim na tagasunod. Ang tanong na kung ano ang nag-udyok sa mga tagasunod na iyon upang talikuran ang kanilang mga naunang sistema ng paniniwala ay naglitawan. Ano ang nagtulak sa kanila na tanggihan ang mga naitatag na paniniwala, tradisyon at kaugalian ng kanilang mga ninuno kahit na nailagay sila sa panganib na maging ganap na mahiwalay sa kanilang sariling pamayanan? Ang simpleng sagot ay ginamit nila ang kanilang mga kasanayan ng pag-iisip at puso, at napagtanto ang katotohanan. Napagtanto ba nila ang katotohanan sa pamamagitan ng karanasan nito? Hindi ito maaari, dahil ang perseptuwal o sinasabing karanasan ng buhay pagkatapos ng kamatayan ay imposible. 

Sa totoo lang, binigyan ng Diyos ang tao, bukod sa kamalayan sa pang-unawa, pangangatwiran, palasantingan at kamalayang moral din.  Ito ang kamalayan na gumagabay sa tao patungkol sa mga katotohanan na hindi mapatunayan sa pamamagitan ng sensory data.  Iyon ang dahilan kung bakit ang lahat ng mga propeta ng Diyos, habang tinatawag ang mga tao na maniwala sa Diyos at sa kabilang buhay, ay umapila sa palasantingan, moral at pangangatwirang taglay ng tao.  Halimbawa, noong ang mga pagano ng Makkah ay nagtakwil maging sa posibilidad ng buhay pagkatapos ng kamatayan, inilantad ng Quran ang kahinaan ng kanilang paninindigan sa pamamagitan ng pagsulong ng napaka-lohikal at makatuwirang mga argumento sa pagsuporta nito:

“Ang Tao ay nagbigay sa Amin ng isang paghahalintulad, at siya ay nakalimot sa pagkakalikha sa kanya, na nagsasabi: ‘Sino ang magbibigay-buhay sa mga butong ito na nangabulok na?’  Ipagbadya: ‘Siya ang magibigay-buhay sa kanila na lumikha sa kanila noong una, sapagkat Siya ang Lubos na Nakakaalam ng bawat nilalang, na Siyang naggawad sa inyo ng apoy mula sa luntiang puno, at pagmasdan!  Kayo ay nakapagpaparingas ng apoy dito.  Hindi baga Siya na lumikha ng kalangitan at kalupaan ay makagagawa rin na makalikha ng katulad nila?  Oo, at Siya nga ang Sukdol na Tagapaglikha, ang Ganap na Maalam.” (Quran 36:78-81)

Sa isa pang okasyon, malinaw na sinabi ng Quran na ang mga hindi naniniwala ay walang batayan para sa kanilang pagtanggi sa buhay pagkatapos ng kamatayan. Ito ay batay sa dalisay na pagpapalagay:

“Sila ay nagsasabi, ‘Wala nang iba maliban sa kasalukuyang buhay natin; kami ay mamamatay, at kami ay nabubuhay, at tanging panahon lang ang makasisira sa amin.’  Datapuwa't tungkol dito, sila ay walang kaalaman; sila ay naghahaka-haka lamang.  At kung ang Aming mga pahayag ay dinadalit sa kanila, ang kanilang panambitan ay walang iba kundi ito, ‘Ibalik mong muli ang aming mga ninuno, kung ikaw ay nagsasabi ng katotohanan.’” (Quran 45:24-25)

Tiyak na bubuhayin ng Diyos ang lahat ng mga patay, ngunit hindi sa ating luho o para sa ating walang saysay na pagsisiyasat sa makamundong sanlibutan; May sariling plano ang Diyos sa mga bagay.  Darating ang araw na masisira ang buong sansinukob, at muling bubuhayin ang mga patay upang tumayo sa harap ng Diyos.  Ang araw na iyon ay magiging pasimula ng buhay na hindi kailanman magtatapos, at sa Araw na iyon, bawat tao ay gagantimpalaan ng Diyos ayon sa kanyang mabubuti at masasamang gawa.

Ang paliwanag na ibinibigay ng Quran tungkol sa pangangailangan ng buhay pagkatapos ng kamatayan ay kung ano ang hinihingi ng moral na kamalayan ng tao.  Sa totoo lang, kung walang buhay pagkatapos ng kamatayan, ang tunay na paniniwala sa Diyos ay magiging walang kaugnayan, o, kahit na ang isang tao ay naniniwala sa Diyos, ito  ay magiging hindi makatarungan at walang pakialam na Diyos.  Magiging isa Siyang Diyos na minsa'y lumikha lamang ng tao, na walang pakialam sa kanyang kahahantungan pagkatapos.  Katotohanan, na ang Diyos ay makatarungan.  Kanyang paparusahan ang mga maniniil na ang mga krimen ay hindi mabilang: ang mga pumatay ng daan-daang mga inosenteng tao, gumawa ng malalaking korapsyon sa lipunan, umalipin ng maraming tao upang maglingkod sa kanilang mga luho, at iba pa.  Ang tao, na may napakaikling buhay sa mundong ito, at ang pisikal na mundong ito ay may hangganan din, ang mga parusa o gantimpala na katumbas sa masama o marangal na gawa ng mga tao ay hindi posible rito.  Mahigpit na sinasabi ng Quran na ang Araw ng Paghuhukom ay nararapat na dumating at magpasya ang Diyos tungkol sa kahihinatnan ng bawat kaluluwa ayon sa talaan ng kanyang mga gawa:

“Ang mga hindi sumasampalataya ay nagsasabi: Ang Oras ay hindi sasapit sa amin.  Ipagbadya: Tunay nga, ako ay nanunumpa sa aking Panginoon, ito ay katiyakang darating sa inyo.  (Siya) ang Ganap na Nakakaalam ng Nalilingid.  Hindi makaliligta sa Kanya maging ang timbang ng isang atomo o anumang bagay na maliit pa rito o malaki sa kalangitan at kalupaan, bagkus ito ay nasa Maliwanag na Talaan.  Upang Kanyang magantimpalaan ang mga sumasampalataya at nagsisigawa ng kabutihan.  Sasakanila ang pagpapatawad at panustos na nag-uumapaw.  Ngunit sila na nagsisikap na kalabanin ang Aming kapahayagan, na naghahamon (sa Amin), sasakanila ang kasakit-sakit na kaparusahan na lubhang matindi.” (Quran 34:3-5)

Ang Araw ng Pagkabuhay ay ang Araw na kung saan ang mga katangian ng Diyos sa Hustisya at Awa ay mahahayag ng lubos.  Ibubuhos ng Diyos ang Kanyang awa sa mga nagdusa para sa Kanya sa kanilang makamundong buhay, na naniniwala na naghihintay sa kanila ang isang walang hanggang kaligayahan.  Ngunit ang mga taong inabuso ang mga biyaya ng Diyos, na walang pakialam sa darating na buhay, ay nasa pinaka-kahabaghabag na kalagayan.  Pagsasalarawan ng paghahambing sa pagitan nila, ang Quran ay nagsabi:

“Kung gayon, siya kaya na pinangakuan Namin ng isang mabuting pangako na kanyang makakaharap, ay katulad niya na binigyan Namin ng kasayahan sa makamundong buhay na ito, at pagkatapos sa Araw ng Pagkabuhay ay mapapabilang siya sa mga lilitisin sa harap ng Diyos?” (Quran 28:61)

 

 

Ang Buhay Pagkatapos ng Kamatayan (bahagi 2 ng 2): Ang mga Bunga nito

Marka:
Sukat ng Font:

Paglalarawan: Ilan sa mga pakinabang sa paniniwala sa Kabilang Buhay, pati na rin ang konklusyon ng ibat-ibang kadahilanan upang maniwala sa Pag-iral nito.

  • Ni  iiie.net (edited by IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong  19 Feb 2008
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 1719 (karaniwan sa araw-araw: 4)
  • Marka: Hindi pa na markahan
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0

Ang Quran ay nagsasabi rin na ang makamundong buhay na ito ay isang paghahanda para sa buhay na walang hanggan pagkatapos ng kamatayan.  Ngunit ang mga nagtatatwa nito ay nagiging alipin ng kanilang mga hilig at pagnanasa, at ginagawang katatawanan ang mga taong mabubuti at may kamalayan sa Diyos.  Ang gayung mga tao ay mapapagtanto lamang ang kanilang kamangmangan sa oras ng kanilang kamatayan at walang kabuluhang magnanais na mabigyan ng karagdagang pagkakataon sa mundo.  Ang kanilang nakalulungkot na kalagayan sa oras ng kamatayan, ang kilabot sa Araw ng Paghuhukom, at ang walang hanggang kaligayahan na ginagarantiya sa mga taimtim na mananampalataya ay napakagandang binanggit sa mga sumusunod na mga taludtod ng Quran.

“Hanggang ang kamatayan ay sumapit sa isa sa kanila, sasabihin niya, ‘Aking Panginoon, ako ay muli Ninyong ibalik, upang ako ay makagawa ng kabutihan sa mga bagay na aking napabayaan!’  Ngunit hindi! Ito ay isa lamang salita na Kanyang ipinangungusap; at sa kanilang likuran ay may hadlang hanggang sa Araw na sila ay ibabangon.  At kung ang Tambuli ay mahipan, walang magiging pagkakamag-anak sa pagitan nila sa Araw na iyon, gayundin sila ay hindi magtatanungan sa isa't isa.  At sila na ang timbangan ay mabigat, sila ang matagumpay.  At sila na ang timbangan ay magaan ay sila yaong ipinatalo ang kanilang kaluluwa, sa Impiyerno sila ay mananatili, ang apoy ay susunog sa kanilang mukha at dito sila ay nakasimangot.” (Quran 23:99-104)

Ang paniniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan ay hindi lamang ginagarantiyahan ang tagumpay sa Kabilang Buhay, kundi pinangyayari rin na ang mundong ito na mapuno ng kapayapaan at kaligayahan. Ito ay sa pamamagitan na ginagawang lubos na responsable ang bawat isa at matapat sa kanilang gawain dahil sa kanilang pagkamangha sa Diyos: pagkatakot sa Kanyang kaparusahan at pag-asam sa Kanyang gantimpala.

Isipin mo ang mga tao sa Arabya. Ang pagsusugal, paglalasing, mga kaguluhan sa mga tribo, pandarambong at pagpatay ay mga pangunahing katangian ng kanilang lipunan noong wala pa silang paniniwala sa kabilang buhay.  Ngunit nang sandaling tinanggap nila ang paniniwala sa Isang Diyos at sa buhay pagkatapos ng kamatayan, sila ay naging pinaka-disiplinadong bansa sa mundo.  Inalis nila ang kanilang mga bisyo, nagtulungan sila sa mga oras ng pangangailangan, at inayos ang lahat ng kanilang mga hindi pagkakaunawaan batay sa katarungan at pagkakapantay-pantay.  Gayundin naman, ang pagtatwa sa buhay pagkatapos ng kamatayan ay may mga kahihinatnan ito hindi lamang sa Kabilang Buhay, kundi pati na rin sa mundong ito.  Kapag ang isang bansa sa kabuuan ay itinatwa ito, lahat ng uri ng kasamaan at katiwalian ay nagiging laganap sa lipunang iyon at sa huli ay malulugmok ito.  Binanggit ng Quran ang kakila-kilabot na katapusan ng 'Aad, Thamud at ang Paraon sa ilang detalye:

“(Ang angkan ng) Thamud at ng ‘Aad ay hindi naniwala sa paghuhukom na darating.  Kaya't ang Thamud, sila ay winasak ng kidlat, at ang mga ‘Aad, sila ay winasak ng nagngangalit na hagupit ng hangin, na hinayaan Niyang salantahin sila ng sunud-sunod na pitong gabi at walong araw, upang mapagmalas ninyo ang mga tao roon na nakahandusay na wari bang sila ay katawan ng mga nalugmok na punong palmera. 

“Kaya't ngayon, nakikita ba ninyo ang kanilang mga guho?  Si Paraon at ang mga nauna sa kanya at ang mga pinalugmok na bayan.  Sila ay nagsigawa ng mga kamalian at ang mga nangauna sa kanya, at sila ay naghimagsik laban sa Sugo ng kanilang Panginoon, at sinunggaban Niya sila ng matinding sakmal.  Katotohanan, nang tumaas ang mga tubig, ay Aming isinakay kayo sa umaandar na barko upang gawin Namin ito bilang tagapagpaalala sa inyo at upang ang mga tainga na nakakarinig ay mapanangan ito bilang isang aral.

“At sa sandaling ang Tambuli ay hipan na may kasamang isang matinding pagsabog at ang kalupaan at kabundukan ay matinag at madurog sa minsan lang, at sa araw na iyon, ang Matinding Sindak ay magaganap, at ang kalangitan ay mahahati, sapagkat sa araw na iyon ito ay magiging napakarupok.

“At para sa kanya na bibigyan ng talaan sa kanyang kanang kamay, ay kanyang sasabihin ‘Heto, kunin Ninyo at basahin ang aking aklat!  Tunay ngang natitiyak ko na aking kakaharapin ang aking pagsusulit.’  At magkagayon siya ay makakaranas ng buhay ng kaligayahan sa Mataas na Halamanan, na ang kumpol ng mga bunga ay abot-kamay sa pagpitas.  Magsikain at uminom kayo nang ganap na nasisiyahan dahil sa inyong mga nagawa noon, sa mga panahong nagdaan.

“Ngunit sa kanya na pagkakalooban ng kanyang talaan sa kanyang kaliwang kamay, ay kanyang sasabihin: ‘Sana ay hindi na ako pinagkalooban ng aking aklat at hindi ko na sana napag-alaman kung ano ang aking pagsusulit!  Sana ay ito'y natapos na!  Ang kayamanan ko ay hindi nakatulong sa akin, ang kapamahalaan ko ay nawala sa akin.’” (Quran 69:4-29)

Kaya nga, may mga kapani-paniwalang dahilan upang maniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan.

Una, lahat ng mga propeta ng Diyos ay tinawag ang kanilang mga tao upang maniwala rito.

Ikalawa, sa tuwing ang isang lipunan ng tao ay itinayo batay sa paniniwalang ito, ay nagiging pinaka-uliran at mapayapang lipunan ito, na malaya sa kasamaang panlipunan at moralidad.

Ikatlo, ang kasaysayan ay nagpapatotoo na sa tuwing ang paniniwalang ito ay sama-samang tinanggihan ng isang pangkat ng mga tao sa kabila ng paulit-ulit na babala ng kanilang Propeta, ang grupo sa kabuuan ay pinaparusahan ng Diyos, maging sa mundong ito.

Ika-apat, ang moral, kagandahan at kakayanan sa pangangatwiran ng tao ay pinagtitibay ang posibilidad ng buhay pagkatapos ng kamatayan.

Ika-lima, Ang mga katangian ng Diyos sa Hustisya at Awa ay mawawalan ng kahulugan kung walang buhay pagkatapos ng kamatayan.

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

Lista ng mga Artikulo

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong history ay walang laman.

View Desktop Version