您所请求的文章/视频尚不存在。

The article/video you have requested doesn't exist yet.

L'articolo / video che hai richiesto non esiste ancora.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

요청한 문서 / 비디오는 아직 존재하지 않습니다.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

המאמר / הסרטון שביקשת אינו קיים עדיין.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

您所请求的文章/视频尚不存在。

The article/video you have requested doesn't exist yet.

L'articolo / video che hai richiesto non esiste ancora.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

요청한 문서 / 비디오는 아직 존재하지 않습니다.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

המאמר / הסרטון שביקשת אינו קיים עדיין.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

Ang mga Kababaihan sa Islam (bahagi 1 ng 2)

Marka:
Sukat ng Font:

Paglalarawan: Ang katayuan ng kababaihan at pagkakapantay-pantay ng kasarian sa Islam.

  • Ni  Mostafa Malaekah
  • Nailathala noong 27 Jun 2020
  • Huling binago noong  18 Oct 2009
  • Nag-print: 0
  • Tumingin: 103 (karaniwan sa araw-araw: 2)
  • Marka: Hindi pa na markahan
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0

Pambungad

Ang usapin ng pagkakapantay-pantay sa kasarian ay mahalaga, makabuluhan, at napapanahon. Ang mga debate at pagsusulat sa paksa ay tumataas at nagkakaiba-iba sa mga pananaw nito. Ang Islamikong pananaw sa usapin ay ang pinaka-hindi nauunawaan at pinaka-hindi nailalarawan ng mga di-Muslim at ilang mga Muslim din. Ang artikulong ito ay inilaan upang magbigay ng isang maikli at mapananaligang paglalantad ng kung ano ang paninindigan ng Islam sa bagay na ito.

Ang mga Kababaihan sa Sinaunang mga Sibilisasyon

Upang tunay na maunawaan ang katayuan ng kababaihan na ibinigay sa pamamagitan ng Islam, dapat niyang ihambing ito sa iba pang mga sistema ng batas na umiiral ngayon at umiral sa nakaraan.

(1)  Ang Sistemang Indiyano: Nakasaad sa Ensiklopedyang Britannica, 1911: "Sa Indiya, ang pagpapasakop ay ang kardinal na prinsipyo. Sa araw at gabi dapat ang mga kababaihan ay hinahawakan ng kanilang mga tagapangalaga sa isang katayuang umaasa sabi ni Manu. Ang panuntunan ng pagpapamana ay makalalaki, na matutunton pababa sa mga kalalakihan sa pagbubukod sa mga babae." Sa mga banal na kasulatan ng Hindu, ang paglalarawan sa isang mabuting maybahay ay ang mga sumusunod: "ang isang babae na ang isip, pagsasalita at katawan ay pinananatili sa pagpapasakop, ay makakakuha ng mataas na pagkilala sa mundong ito, at, sa susunod, sa parehong tahanan kasama ng kanyang asawa." (ni Mace, Marriage East and West).

(2)  Ang Sistemang Griyego: Sa Atenas, ang mga kababaihan ay hindi mainam nang kaysa sa alinman sa mga kababaihan ng Indiyano o Romano: "Ang mga babaeng Atenas ay palaging mga menor, na napapailalim sa ilang lalaki - sa kanilang ama, sa kanilang kapatid na lalaki, o sa ilan sa kanilang mga lalaking kamag-anak.” (ni Allen, E. A., History of Civilization). Ang kanyang pahintulot sa pag-aasawa ay hindi karaniwang iniisip na kinakailangan at "siya ay obligadong sumunod sa mga kagustuhan ng kanyang mga magulang, at tanggapin mula sa kanila ang kanyang asawa at kanyang panginoon, kahit na siya ay estranghero sa kanya." (Nakaraang Pinagkuhanan)

(3)  Ang Sistemang Romano: Ang isang Romanong maybahay ay inilarawan ng isang mananalaysay bilang: "isang bata, menor de-edad, isang silid, isang taong walang kakayahang gumawa o kumilos ng anumang naaayon sa kanyang sariling indibidwal na kagusutuhan, isang taong patuloy na nasa ilalim ng pagtuturo at pangangalaga ng kanyang asawa.” (Nakaraang Pinagkunan). Sa Ensiklopedyang Britannica, 1911, matatagpuan natin ang isang buod ng ligal na katayuan ng kababaihan sa Romanong sibilisasyon: "Sa Batas ng Romano ang isang babae kahit na sa historikong panahon ay ganap na umaasa. Kung may asawa siya ang kanyang pag-aari ay ipapasa sa kapangyarihan ng kanyang asawa . . . ang maybahay ay ang biniling pag-aari ng kanyang asawa, at tulad ng isang alipin na kinuha lamang para sa kanyang kapakinabangan. Ang isang babae ay hindi maaaring magsanay ng anumang tanggapang sibil o pampubliko . . . hindi maaaring maging isang saksi, tagapanagot, tagapagturo, o tagapangasiwa; siya ay hindi maaaring magpatibay o pagtibayin, o gumawa ng kahilingan o kasunduan."

(4)  Ang Sistemang Iskandinabyano: Mula sa mga lahi ng Iskandinabyano ang mga kababaihan ay: "nasa ilalim ng walang hanggan na pangangalaga, may asawa man o walang asawa. Kasing tanda ng Kodigo ni Christian V, sa pagtatapos ng ika-17 Siglo, ipinatupad na kung ang isang babae ay nag-asawa nang walang pahintulot ng kanyang tagapagturo ay maaari, o mayroon siya, kung nais niya, na pamahalaan at gastusin o gamitin ang kanyang mga kalakal habang siya ay nabubuhay." (Ang Ensiklopedyang Britannica, 1911).

(5)  Ang Sistermang Britaniko: Sa Britanya, ang karapatan ng mga babaeng may-asawa na magmay-ari ng ari-arian ay hindi kinikilala hanggang sa huling bahagi ng ika-19 na Siglo, "Sa pamamagitan ng isang serye ng mga pagkilos na nagsisimula sa Married Women's Property Act noong 1870, na sinusugan noong 1882 at 1887, ang mga kababaihang may asawa ay nakamit ang karapatang magmay-ari ng ari-arian at pumasok sa mga kasunduan na kapantay ng mga matatandang dalaga, balo, at hiwalay." (Ensiklopedyang Britannica, 1968). Sa Pransya, noon lamang 1938 na ang Batas ng Pransya ay sinusugan upang makilala ang pagiging karapat-dapat ng mga kababaihan na makipagkasundo. Ang isang may-asawang babae, gayunpaman, ay kinakailangan pa ring kunin ang pahintulot ng kanyang asawa bago niya ipamigay ang kanyang sariling pag-aari.

(6)  Sa Mosaik (Hudyong) Batas: Ang maybahay ay kinakatipan o ipinakikipagkasundo. Sa pagpapaliwanag ng konseptong ito, ang Ensiklopedyang Biblika, 1902, ay nagsasaad: “Ang makipagtipan sa isang maybahay para sa kanyang sarili ay nangangahulugan lamang ng pag-angkin niya sa kanya sa pamamagitan ng pagbabayad ng ibiniling pera; ang ipinagkasundo o katipan ay ang babae na para sa kanya ang perang ibinayad." Mula sa ligal na punto ng pananaw, ang pahintulot ng babae ay hindi kinakailangan para sa pagpapatibay ng kanyang pag-aasawa. "Ang pahintulot ng babae ay hindi kinakailangan at ang pangangailangan para dito ay hindi iminumungkahi sa Batas." (Nakaraang Pinagkunan). Tungkol naman sa karapatan ng diborsyo, mababasa natin sa Ensiklopedyang Biblika: "Ang babae bilang pag-aari ng lalaki, ang kanyang karapatang hiwalayan siya ay isang bagay na inaasahan." Ang karapatan sa diborsyo ay hinahawakan lamang ng lalaki, Ang Ensiklopedyang Britannica, 1911, ay nagsabi: "Sa Mosaik na Batas ang pakikipaghiwalay ay isang pribilehiyo ng lalaki lamang ..."

(7)  Ang Simbahang Kristiyano: ang katayuan ng Simbahang Kristiyano hanggang nitong nakalipas na mga siglo ay tila naimpluwensyahan ng parehong Mosaik na Batas sa pamamagitan ng mga takbo ng pag-iisip na nangingibabaw sa mga magkakasabay na kultura. Sa kanilang aklat, ang Marriage East and West, sina David at Vera Mace ay sumulat: "Huwag hayaang mag-akala ang sinuman, alinman, na ang ating Kristiyanong pamana ay malaya sa ganitong mga mapangutyang paghahatol. Mahirap makahanap saanman ng isang koleksyon ng higit pang nakapagpapababang mga sanggunian sa babaeng kasarian kaysa sa ibinibigay ng mga naunang Mga Ama ng Simbahan. Si Lecky, ang tanyag na mananalaysay, ay nagsalita ng 'ang mga mabangis na insentibong ito na bumubuo sa isang masalimuot at napakatinding bahagi ng pagsulat ng mga Ama . . . ang babae ay kumakatawan bilang pintuan ng impyerno, bilang ina ng lahat ng mga karamdaman ng tao. Siya ay dapat mahiya sa pinakakaisipang siya ay isang babae. Siya ay dapat mabuhay sa patuloy na pagsisisi dahil sa mga sumpa na dinala niya sa mundo. Siya ay dapat mahiya sa kanyang kasuotan, sapagkat ito ang alaala ng kanyang pagkahulog. Siya ay dapat mahiya lalo na sa kanyang kagandahan, sapagkat ito ang pinaka-makapangyarihang instrumento ng diyablo.' Ang isa sa pinakanakakasakit sa mga pag-atake na ito sa babae ay ang kay Tertullian: 'Alam mo ba na ikaw ay isang Eba? Ang sumpa ng Diyos sa kasarian mong ito ay nabubuhay sa panahong ito; ang pagkakasala ay kinakailangang mabuhay din. Ikaw ang landas papunta sa diyablo; ikaw ang nagbukas sa ipinagbabawal ng punong yaon; ikaw ang unang sumuway ng banal na batas; ikaw ang siyang humikayat sa kanya kung kanino ang diyablo ay hindi ganoon katapang upang sumalakay. 'Hindi lamang iginiit ng simbahan ang mas mababang katayuan ng babae, inalis din nito sa kanya ang mga ligal na karapatan na dati niyang tinatamasa."

Mga Pundasyon ng Espirituwal at Makataong Pagkakapantay-pantay sa Islam

Sa gitna ng kadiliman na bumalot sa mundo, ang banal na kapahayagan ay umalingawngaw sa malawak na disyerto ng Arabya noong ikapitong Siglo na may isang sariwa, marangal, at unibersal na mensahe sa sangkatauhan, na inilarawan sa ibaba.

(1)  Ayon sa Banal na Quran, ang mga kalalakihan at kababaihan ay may parehong makataong espirituwal na kalikasan:

"O sangkatauhan, matakot kayo sa inyong Panginoon, na Siyang lumikha sa inyo mula sa iisang kaluluwa at mula sa kanya ay nilikha ang kanyang asawa at mula sa kanilang dalawa ay naglitawan ang maraming mga kalalakihan at kababaihan..." (Quran 4:1,tingnan din 7:189, 42:11, 16:72, 32:9, at 15:29)

(2)  Ang Diyos ay nilikha ang parehong kasarian na may likas na dangal at ginawa ang mga kalalakihan at kababaihan, na magkasamang mga katiwala ng Diyos sa mundo (tingnan ang Quran 17:70 at 2:30).

(3)  Ang Quran ay hindi sinisisi ang babae sa "pagkahulog ng lalaki," ni hindi rin itinuturing ang pagbubuntis at panganganak bilang parusa sa "pagkain mula sa ipinagbabawal na puno." Sa kabaligtaran, ang Quran ay naglalarawan kina Adan at Eba bilang pantay na responsable para sa kanilang kasalanan sa Hardin, hindi kailanman itinangi kay Eba ang sisi. Parehong nagsisi, at pareho silang pinatawad (tingnan ang Quran 2: 36-37 at 7: 19-27). Sa katunayan, sa isang talata (Quran 20: 121) si Adan ay tukoy na sinisi. Ang Quran ay tinukoy din ang pagbubuntis at panganganak bilang sapat na mga dahilan para sa pagmamahal at paggalang para sa mga ina mula sa kanilang mga anak (Quran 31:14 at 46:15).

(4)  Ang mga kalalakihan at kababaihan ay may parehong relihiyoso at moral na mga tungkulin at responsibilidad. Ang bawat tao ay dapat harapin ang mga kahihinatnan ng kanilang mga gawa:

“At ang kanilang Panginoon ay tumugon sa kanila (at nagsabing): Kailanman ay hindi Ko hahayaang mawalan ng kabuluhan ang gawa ng (sinuman) na gumagawa sa inyo - lalaki man o babae. Kayo ay para sa isa’t isa....” (Quran 3:195, tingnan din 74:38, 16:97, 4:124, 33:35, at 57:12)

(5)  Ang Quran ay naging malinaw tungkol sa usapin ng inaangking kataasan o kababaan ng sinumang tao, lalaki o babae. Ang nag-iisang batayan para sa kataasan ng sinumang tao kaysa sa iba pa ay ang kabanalan at katuwiran at hindi kasarian, kulay, o nasyonalidad (tingnan ang Quran 49:13).

Ang Pang-ekonomiyang Aspeto ng mga Kababaihan sa Islam

(1)  Ang Karapatang Magkaroon ng Sariling Pag-aari: Ang Islam ay nagtakda ng isang karapatan kung saan ang babae ay pinagkaitan noong bago ang Islam at pagkatapos nito (kahit na ngayong huling siglo), ang karapatan ng sariling pagmamay-ari. Ang Islamikong Batas ay kinikilala ang buong karapatang pag-aari ng mga kababaihan bago at pagkatapos ng pag-aasawa. Sila ay maaaring bumili, magbenta, o umupa ng anuman o lahat ng kanilang mga pag-aari sa kanilang kagustuhan. Sa kadahilanang ito, na ang mga Muslim na kababaihan ay maaaring panatilihin (at sa katunayan ay tradisyunal na pinapanatili nila) ang kanilang mga pangalan sa pagkadalaga pagkatapos ng kasal, isang pagpapahiwatig ng kanilang mga sariling karapatan sa pag-aari bilang mga ligal na entidad.

(2)  Mga Batas sa Pinansiyal na Seguridad at Pagmamana: Ang pinansiyal na seguridad ay tinitiyak para sa mga kababaihan. Nararapat silang makatanggap ng mga regalo sa kasal nang walang pagtatakda at mapanatili ang kasalukuyan at hinaharap na mga pag-aari at kita para sa kanilang sariling seguridad, kahit na pagkatapos ng kasal. Walang babaeng may asawa ang kinakailangan na gumastos ng anumang halaga mula sa kanyang pag-aari at kita para sa sambahayan. Ang babae ay may karapatan din sa buong pinansiyal na pagtustos sa panahon ng pag-aasawa at sa panahon ng "paghihintay" (iddah) sa kaso ng diborsyo o pagkabalo. Ang ilang mga hukom ay nagtakda din, bilang karagdagan, ng isang taong pagtustos para sa kaso ng diborsyo at pagkabalo (o hanggang sila ay muling mag-asawa, kung maganap ang pag-aasawa bago matapos ang isang taon). Ang isang babae na nagka-anak sa pag-aasawa ay may karapatan sa sustento ng bata mula sa ama nito. Sa pangkalahatan, ang isang babaeng Muslim ay tinitiyak ang pagtutustos sa lahat ng mga yugto ng kanyang buhay, bilang isang anak na babae, asawa, ina, o kapatid na babae. Ang pinansiyal na mga kalamangan na ibinigay sa mga kababaihan at hindi sa mga kalalakihan sa pag-aasawa at sa pamilya ay mayroong isang panlipunang katapat sa mga pagkakaloob na inilatag ng Quran sa mga batas ng pagmamana, na nagkakaloob sa lalaki, kadalasan, ng dalawang parteng mana kumpara sa babae. Ang mga kalalakihan ay hindi laging nagmamana ng higit; kung minsan ang isang babae ay nagmamana ng higit sa isang lalaki. Sa mga pagkakataon kung saan ang mga lalaki ay nagmamana nang higit ay dahil sa huli sila ay responsable sa pananalapi para sa kanilang mga babaeng kamag-anak: kanilang mga asawa, anak na babae, ina, at mga kapatid na babae. Ang mga babae ay nagmamana ng mas mababa ngunit pinapanatili ang kanilang bahagi para sa pamumuhunan at pinansiyal na seguridad, nang walang anumang ligal na obligasyong gumastos ng anumang bahagi nito, kahit na para sa kanilang sariling pangangailangan (pagkain, pananamit, pabahay, panggamot, atbp). Dapat pansinin na bago ang Islam, ang mga kababaihan mismo ay paminsan-minsang tumututol sa pagmamana (tingnan ang Quran 4:19). Sa ilang mga bansa sa kanluran, kahit na matapos ang pagdating ng Islam, ang buong ari-arian ng namatay ay ibinibigay sa kanyang panganay na anak na lalaki. Ang Quran, gayunpaman, ay nilinaw na ang parehong mga kalalakihan at kababaihan ay may karapatan sa isang tukoy na bahagi ng pag-aari ng kanilang namatay na magulang o malapit na kamag-anak. Sinabi ng Diyos:

“Para sa mga lalaki ay isang kaukulang bahagi mula sa anumang iniwan ng mga magulang at malalapit na kamag-anakan at para sa mga babae ay isang kaukulang bahagi mula sa anumang iniwan ng mga magulang at malalapit na kamag-anakan, maliit man o malaki – isang marapat na bahagi.” (Quran 4:7)

(3)   Trabaho: Patungkol sa karapatan ng babae na maghanap ng trabaho, dapat na sabihin na ang Islam ay kinikilala ang kanyang tungkulin sa lipunan na isang ina at asawa bilang kanyang sagrado at mahalagang ginagampanan. Maging ang mga kasambahay o yaya ay hindi maaaring mapunuan ang katayuan ng ina bilang tagapagturo ng isang matuwid, maayos, at maingat na pinalaking bata. Ang ganitong marangal at mahalagang ginagampanan, na ganap na humuhubog sa hinaharap ng mga bansa, ay hindi maaaring ituring na katamaran. Gayunpaman, walang itinakda sa Islam na nagbabawal sa mga kababaihan na maghanap ng trabaho sa tuwing may pangangailangan para dito, lalo na sa mga posisyon na naaangkop sa kanyang likas na katangian at kung saan siya mas kinakailangan ng lipunan. Ang mga halimbawa ng mga propesyong ito ay pag-aalaga, pagtuturo (lalo na ng mga bata), panggagamot, at gawaing panlipunan at kawanggawa.


Puna

 

 

Ang mga Kababaihan sa Islam (bahagi 2 ng 2)

Marka:
Sukat ng Font:

Paglalarawan: Ang panlipunan, ligal at pampulitikong aspeto ng kababaihan sa Islam.

  • Ni  Mostafa Malaekah
  • Nailathala noong 27 Jun 2020
  • Huling binago noong  04 Oct 2009
  • Nag-print: 0
  • Tumingin: 105 (karaniwan sa araw-araw: 2)
  • Marka: Hindi pa na markahan
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0

Ang Panlipunang Aspeto ng mga Kababaihan sa Islam

A)        Bilang isang Anak na Babae:

(1)  Ang Quran ay winakasan ang malupit na kasanayan ng pagpatay sa mga babaeng sanggol, bago ang Islam. Ang Diyos ay nagsabi:

“At kapag ang babae (na sanggol) na inilibing nang buhay ay tanungin, sa anong pagkakasala at siya ay pinatay?” (Quran 81:8-9)

(2)  Ang Quran ay nagpatuloy pa upang sawayin ang hindi kasiya-siyang pag-uugali ng ilang mga magulang kapag naririnig ang balita ng kapanganakan ng isang batang babae, sa halip na isang batang lalaki. Ang Diyos ay nagsabi:

“At kapag ang isa sa kanila ay binalitaan ng (pagsilang ng) isang babae, ang kanyang mukha ay nagiging madilim, at kanyang kinikimkim ang dalamhati. Kanyang ikinukubli ang sarili mula sa mga tao nang dahil sa kasamaang ibinalita sa kanya. Pananatilihin ba niya ito sa kahihiyan o ililibing sa lupa? Walang alinlangan, kasamaan ang anumang kanilang napagpasiyahan.” (Quran 16:58-59)

(3)  Ang mga magulang ay may tungkulin na itaguyod at pakitaan ng kabaitan at katarungan ang kanilang mga anak na babae. Ang Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ng Diyos ay sumakanya, ay nagsabi: “Sinumang itaguyod ang dalawang anak na babae hanggang sa sila ay dumating na sa tamang edad, siya at ako ay darating sa Araw ng Paghuhukom na ganito (at itinuro niya ang kanyang daliri na magkadikit).

(4)  Ang isang mahalagang aspeto sa pagpapalaki ng mga anak na babae na lubos na nakakaimpluwensya sa kanilang kinabukasan ay ang edukasyon. Ang edukasyon ay hindi lamang isang karapatan ngunit isang responsibilidad para sa lahat ng mga kalalakihan at kababaihan. Ang Propeta Muhammad (pbuh) ay nagsabi: “Ang paghahanap ng kaalaman ay tungkulin ng bawat Muslim.” Ang salitang “Muslim” dito ay parehong ang mga kalalakihan at kababaihan.

(5)  Ang Islam ay hindi rin nangangailangan ni hinihikayat ang pagtutuli ng babae. At habang ito ay maaaring ginagawa ng ilang mga Muslim sa ilang mga bahagi ng Aprika, ito rin ay isinasagawa ng ibang mga tao, kabilang ang mga Kristiyano, sa mga lugar na iyon, sumasalamin lamang sa mga lokal na kaugalian at kasanayan doon.

B)        Bilang isang Maybahay:

(1)            Ang pag-aasawa sa Islam ay batay sa parehong kapayapaan, pag-ibig, at pagdamay, at hindi lamang basta kasiyahan sa sekswal na hangarin. Kabilang sa mga pinaka-kahanga-hangang mga talata sa Quran tungkol sa pag-aasawa ay ang mga sumusunod:

“At kabilang sa Kanyang mga palatandaan ay: Kanyang nilikha para sa inyo mula sa inyong mga sarili ang mga asawa upang inyong matagpuan ang kapanatagan sa kanila at Kanyang inilagay sa inyong pagitan ang pagmamahal at awa. Katotohanan, naririto ang mga palatandaan para sa mga taong nag-iisip.” (Quran 30:21, see also 42:11 and 2:228)

(2)  Ang babae ay may karapatang tanggapin o tanggihan ang mga alok sa kasal. Ayon sa Islamikong Batas, ang mga kababaihan ay hindi maaaring pilitin pakasalan ang sinuman nang wala ang kanilang pagsang-ayon.

(3)  Ang asawang lalaki ay may pananagutan sa pagpapanatili, pangangalaga, at pangkalahatang pamumuno ng pamilya, sa loob ng balangkas ng konsultasyon (tingnan ang Quran 2: 233) at kabaitan (tingnan ang Quran 4:19). Ang pagtutulungan at pagpuno sa bawat isa na katangiang papel ng mag-asawa ay hindi nangangahulugan ng pagiging sunod-sunuran ng alinmang partido ng bawat isa. Ang Propeta Muhammad (pbuh) ay inutusan ang mga Muslim tungkol sa mga kababaihan: “Inihahabilin ko sa inyo na maging mabuti sa kababaihan.” At “Ang pinakamabuti sa inyo ay silang pinakamabuti sa kanilang mga maybahay.” Ang Quran ay hinihikayat ang mga asawang lalaki na maging mabait at maunawain sa kanilang mga maybahay, kahit na ang isang maybahay ay nawala ang pag pabor ng kanyang asawa sa kanya o mangibabaw ang pagkawala ng pagkagusto niya sa kanya:

“...At kayo ay mamuhay sa kanila nang may kabaitan. Sapagkat kung sila ay inyong kinamumuhian marahil ay inyong kinamumuhian ang isang bagay na ginawan ng Diyos dito ng maraming kabutihan.” (Quran 4:19)

Ipinagbawal din nito ang Arabyanong kasanayan bago ang Islam kung saan ang anak-anakan ng namatay na ama ay pinapayagan na ariin ang mga pag-aari ng balo nitong asawa na para bang ang mga ito ay bahagi ng ari-arian ng namatay (tingnan ang Quran 4:19) .

(4)  Kapag nagkaroon ng mga pagtatalo sa pagitan ng mag-asawa, ang Quran ay hinihikayat ang mag-asawa na lutasin ang mga ito nang pribado sa diwa ng pagkakapantay at kabutihan. Tunay na, ang Quran ay binabalangkas ang isang maliwanag na hakbang at matalinong pamamaraan para sa mag-asawa upang malutas ang patuloy na salungatan sa kanilang buhay mag-asawa. Sa pagkakataong ang pagsasalungatan ay hindi malutas nang makatarungan sa pagitan ng mag-asawa, ang Quran ay nagpayo ng pamamagitan ng mga pamilya ng magkabilang parte (tingnan ang Quran 4:35).

(5)   Ang diborsyo ay ang huling paraan, pinahihintulutan ngunit hindi hinihikayat, sapagkat ang Quran ay itinuturing ang pangangalaga sa pananampalataya at ang karapatan ng indibidwal - ng parehong lalaki at babae - sa kaligayahan. Ang mga anyo ng pagpapawalang bisa ng pagsasama ay kinabibilangan ng pagpapatupad na batay sa kasunduan ng bawat isa, pagkukusa ng asawa, pagkukusa ng maybahay (kung bahagi ng kanyang kasunduan sa pag-aasawa), ang pagpapasya ng hukuman para sa pagkukusa ng maybahay (para sa isang lehitimong dahilan), at ang pagkukusa ng maybahay nang walang dahilan, sa kondisyon na ibabalik niya ang natanggap na handog sa pag-aasawa mula sa kanyang lalaking asawa. Kapag ang pagpapatuloy ng relasyon ng pagiging mag-asawa ay imposible na para sa anumang kadahilanan, ang mga kalalakihan ay tinuturuan pa ring isagawa ang isang matiwasay na pagtatapos para dito. Ang Quran ay nagsasabi tungkol sa ganitong mga kaso:

"At kapag inyong hiniwalayan ang mga kababaihan at tinupad ang kanilang panahon (ito ay ang takdang paghihintay), maaaring panatilihin sila sa paraang matwid o bigyang-laya sila sa paraang matwid at sila ay huwag ninyong panatilihin, upang sila ay pasakitan, ang sinumang gumawa nito ay nagbigay kamalian lamang sa kanyang sarili." (Quran 2:231, tingnan din sa 2:229 at 33:49)

(6)  Ang pag-uugnay ng poliginiya sa Islam, na para bang dito ito nakilala o ang pamantayan o karaniwan ayon sa mga turo nito, ay isa sa nagpapatuloy na mga haka-haka na nananatili sa Kanluraning panitikan at midya. Ang Poliginiya ay umiiral sa halos lahat ng mga bansa at pinahintulutan pa ng Hudaismo at Kristiyanismo hanggang nitong mga nakalipas na mga siglo lamang, Ang Islam ay hindi ipinagbawal ang poliginiya, tulad ng ginawa ng maraming mga tao at mga relihiyosong pamayanan; sa halip, ito ay pinangasiwaan at hinigpitan. Ito ay hindi kinakailangan (na obligado sa lahat ng kalalakihan) ngunit pinahihintulutan lamang na may kaakibat na mga kondisyon (tingnan ang Quran 4:3). Ang diwa ng batas, ay kinabibilangan ng pagdating ng kapahayagan, upang pakitunguhan ang mga indibidwal at pinagsamang alternatibo na maaring sumulpot paminsan-minsan (hal. kawalang balanse sa pagitan ng bilang ng mga kalalakihan at kababaihan na dulot ng mga digmaan) at magbigay ng isang moral, praktikal, at makataong solusyon para sa ang mga problema ng mga balo at ulila.

C)        Bilang isang Ina:

(1)  Ang Quran ay itinaas ang kabaitan para sa mga magulang (lalo na ang mga ina) sa isang antas na pumapangalawa sa pagsamba sa Diyos:

“Ang iyong Panginoon ay nagtakda na wala kang sasambahin maliban sa Kanya, at maging mabuti sa iyong mga magulang. Kung ang isa sa kanila o silang dalawa ay kapwa umabot na sa katandaang gulang na nasa iyong piling, huwag kang mangusap sa kanila ng salitang kawalang-galang o hiyawan sila, bagkus mangusap sa kanila ng salitang kapita-pitagan. At maging mapagpakumbaba sa kanila sa awa, at magsabi, 'Aking Panginoon, kaawaan Mo sila, dahil sila ay nag-aruga sa akin nang ako ay musmos pa’” (Quran 17:23-24, tingnan din sa 31:14, 46:15, at 29:8)

(2)  Likas lamang, ang Propeta Muhammad (pbuh) ay tinukoy ang pag-uugaling ito para sa kanyang mga tagasunod, na nagbibigay sa mga ina ng isang hindi mapapantayang katayuan sa mga kaugnayan ng tao. Isang lalaki ang dumating sa Propeta Muhammad (pbuh) at sinabi, "O Sugo ng Diyos! Sino sa mga tao ang pinaka karapat-dapat sa aking mabuting pakikisama?” Ang Propeta ay nagsabi: "Ang iyong ina." Ang lalaki ay nagsabi, "Pagkatapos ay sino?" Ang Propeta ay nagsabi: "Pagkatapos ay ang iyong ina." Ang lalaki ay nagtanong pa, "Pagkatapos ay sino?" Ang Propeta ay nagsabi: "Pagkatapos ay ang iyong ina." Ang lalaki ay nagtanong muli, "Pagkatapos ay sino?" Ang Propeta ay nagsabi: "Pagkatapos ay ang iyong ama."

D)        Bilang isang Kapatid na Babae sa Pananampalataya (Sa Pangkalahatan):

(1)  Ayon sa mga sinabi ng Propeta Muhammad (pbuh): "ang mga kababaihan ay walang iba kundi shaqa'iq (kakambal o kapatid na babae) ng mga kalalakihan." Ang kasabihang ito ay isang malalim na pahayag na tuwirang nauugnay sa usapin ng pagkakapantay-pantay ng tao sa pagitan ng mga kasarian. Kung ang unang kahulugan ng Arabeng salitang shaqa'iq, "kakambal," ay gagamitin, ito ay nangangahulugang ang lalaki ay nagkakahalaga ng kalahati (ng lipunan), habang ang kababaihan ay nagkakahalaga ng isa pang kalahati. Kung ang pangalawang kahulugan, "mga kapatid na babae," ay gagamitin, ipinapahiwatig nito ang pareho.

(2)  Ang Propetang si Muhammad (pbuh) ay itinuro ang kabaitan, pag-aalaga, at paggalang sa mga kababaihan sa pangkalahatan: "Hinahabilin ko sa inyong maging mabuti sa mga kababaihan." Mahalaga na ang ganitong tagubilin ng Propeta ay kabilang sa kanyang pangwakas na mga tagubilin at paalala sa pamamaalam na paglalakbay na talumpati na sinabi ilang sandali bago ang kanyang pagpanaw.

(3)  Ang kahinhinan at pakikipag-ugnayang panlipunan: Ang mga sukatan ng wastong kahinhinan para sa mga kalalakihan at kababaihan (pananamit at pag-uugali) ay batay sa isiniwalat sa mapagkukunan (ang Quran at propetikong kasabihan) at, tulad nito, ay itinuturing ng mananampalatayang mga kalalakihan at kababaihan bilang mga alituntuning batay sa banal na patnubay na may lehitimong layunin at banal na karunungan sa likod nito. Ang mga ito ay hindi pagpapataw ng kalalakihan o pagpapataw ng panlipunang mga pagbabawal. Kawili-wiling malaman na kahit na ang Bibliya ay hinihikayat ang mga kababaihan na takpan ang kanilang ulo: “Kung ang isang babae ay hindi nagtatakip ng kanyang ulo, dapat niyang putulin ang kanyang buhok; at kung isang kahiya-hiya para sa isang babae na maputol ang kanyang buhok o ahitin, dapat niyang takpan ang kanyang ulo." (1 Corinto 11: 6).

Ang Ligal at Politikong Aspeto ng Kababaihan sa Islam

(1)  Ang pagkakapantay-pantay sa harap ng Batas: Ang parehong mga kasarian ay may karapatan sa pagkakapantay-pantay sa harap ng Batas at mga hukuman ng Batas. Ang katarungan ay walang kasarian (tingnan ang Quran 5:38, 24: 2, at 5:45). Ang mga kababaihan ay nagtataglay ng isang bukod na ligal na entidad sa pananalapi at iba pang mga bagay.

(2)  Ang paglahok sa Panlipunan at Pampulitikong Pamumuhay: Ang pangkalahatang tuntunin sa panlipunan at pampulitikong pamumuhay ay ang pakikilahok at pakikipagtulungan ng mga kalalakihan at kababaihan sa mga pampublikong gawain (tingnan ang Quran 9:71). May sapat na katibayan sa kasaysayan sa pakikilahok ng kababaihang mga Muslim sa pagpili ng mga pinuno, sa mga usaping pampubliko, sa paggawa ng Batas, sa mga posisyong administratibo, sa karunungan at pagtuturo, at maging sa larangan ng digmaan. Ang ganitong pakikilahok sa panlipunan at pampulitikong pakikipag-ugnayan ay isinagawa nang hindi nawawala ang pagtuon sa magkatugmang mga prayoridad ng parehong mga kasarian at nang walang paglabag sa mga Islamikong alituntunin ng kahinhinan at kabutihan.

Konklusyon

Ang katayuang nakamit ng mga babaeng di-Muslim sa kasalukuyang panahon ay hindi nakamit dahil sa kabaitan ng mga kalalakihan o dahil sa likas na pag-unlad. Sa halip ito ay nakamit sa pamamagitan ng isang mahabang pakikibaka at sakripisyo sa bahagi ng kababaihan at kapag ang lipunan ay nangangailangan lamang ng kanyang ambag at gawa, lalo na nang panahon ng dalawang digmaang pandaigdig, at dahil sa pagtaas ng pagbabago sa teknolohiya. Habang sa Islam ang ganitong mahabagin at marangal na katayuan ay itinakda, hindi dahil sumasalamin ito sa kapaligiran ng ikapitong siglo, ni sa ilalim ng banta o panggigipit ng kababaihan at ng kanilang mga samahan, kundi dahil sa tunay na pagkatotoo nito.

Kung ito ay nagpapahiwatig ng anuman, ito ay nagpapakita ng Banal na pinagmulan ng Quran at ng pagkatotoo ng mensahe ng Islam, na, hindi katulad ng mga pilosopiya at ideolohiya ng tao, na malayo sa pagpapatuloy mula sa kapaligiran ng tao; isang mensahe na nagtatag ng ganitong mga prinsipyong makatao na hindi naluma o nawala sa hinaharap. Sa kabila ng lahat, ito ang mensahe ng Diyos na Matalino at Nakakaalam ng lahat na ang karunungan at kaalaman ay lampas pa sa sukdulang pag-iisip at pag-unlad ng tao.


Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

Lista ng mga Artikulo

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento

Ang iyong mga paborito

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong history ay walang laman.

View Desktop Version