Ang Pagpapahintulot ng Propeta sa Ibang mga Relihiyon (bahagi 1 ng 2): Sa Kani-kanilang Relihiyon

Marka:
Sukat ng Font:
A- A A+

Paglalarawanˇ: Maraming nagkakamali sa paniniwala na ang Islam ay hindi nagpapahintulot na umiral ang iba pang mga relihiyon na mayroon na sa mundo. Tatalakayin ng artikulong ito ang ilan sa mga pundasyon na inilatag mismo ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa pakikipag-ugnayan sa mga tao ng ibang mga pananampalataya, na may praktikal na mga halimbawa mula sa kanyang buhay. Bahagi 1: Mga halimbawa ng pagpapahintulot sa relihiyon para sa mga tao ng ibang mga paniniwala na matatagpuan sa saligang batas na inilatag ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa Madinah.

  • Ni M. Abdulsalam (© 2006 IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong 18 Apr 2024
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 4,920 (araw-araw na pamantayan: 4)
  • Marka: Wala pa
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0
Mahina Pinakamagaling

The_Tolerance_of_the_Prophet_towards_Other_Religions_(part_1_of_2)_001.jpgAng pakikitungo ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa ibang relihiyon ay higit na mailalarawan sa talata ng Quran:

“Para sa inyo ang inyong relihiyon at para sa akin ang aking relihiyon.”

Ang Peninsulang Arabya sa panahon ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay isang rehiyon kung saan naroroon ang iba't ibang mga pananampalataya. May mga Kristiyano, Hudyo, Zoroastriano, Politeista, at iba pa na hindi kasapi sa anumang relihiyon. Kapag ang isang tao ay tumingin sa buhay ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), siya ay maaaring makapulot ng maraming mga halimbawa upang mailarawan ang mataas na antas ng pagpapaubaya na ipinakita sa mga tao ng ibang mga pananampalataya.

Upang maunawaan at hatulan ang pagpapaubaya na ito, dapat isaalang-alang ng isang tao ang panahon kung saan ang Islam ay isang pormal na estado, kasama ang mga partikular na mga batas na inilatag ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) alinsunod sa mga doktrina ng relihiyon. Kahit na mapansin ng isang tao ang maraming mga halimbawa ng pagpaparaya na ipinakita ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa labing-tatlong taon ng kanyang pamamalagi sa Mecca, maaaring mali ang isipin ng isang tao na ito ay dahil sa paghahangad na itaas ang pagkakakilanlan sa mga Muslim at ang katayuan ng lipunan ng Islam at ng pangkalahatan. Sa kadahilanang ito, ang talakayan ay lilimitahan sa panahon na nagsimula sa paglipat ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa Madinah, at partikular sa sandaling itinakda ang saligang batas.

Ang Saheefah

Ang pinakamahusay na halimbawa ng pagpapahintulot na ipinakita ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa ibang mga relihiyon ay maaaring ang saligang batas mismo, na tinatawag na 'Saheefah' ng mga naunang mananalaysay.[1] Nang lumipat ang Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) sa Madinah, nagtapos ang kanyang tungkulin bilang isang pinuno lamang sa relihiyon; siya na ngayon ang namumuno sa politika ng isang estado, na namamahala sa pamamagitan ng mga alituntunin ng Islam, na nag-uutos na ang malinaw na mga batas ng pamamahala ay maipatupad upang matiyak ang pagkakasundo at katatagan sa isang lipunan na dati nang nabalisa ng mga dekada ng digmaan, isa na dapat masiguro ay ang mapayapang pakikipamuhay ng mga Muslim, mga Hudyo, mga Kristiyano at mga pagano.Dahil dito, inilatag ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ang isang 'saligang batas' na detalyado ang mga responsibilidad ng lahat ng partido na naninirahan sa Madinah, ang kanilang mga obligasyon sa bawat isa, at ilang mga paghihigpit na inilagay sa bawat isa. Ang lahat ng mga partido ay dapat sundin kung ano ang nabanggit dito, at ang anumang paglabag sa mga artikulo nito ay itinuring bilang isang gawa o uri ng pagtataksil.

Isang Bansa

Ang unang artikulo ng konstitusyon ay ang lahat ng mga naninirahan sa Madinah, ang mga Muslim pati na rin yaong mga pumasok sa kasunduan mula sa mga Hudyo, Kristiyano, at mga sumasamba sa mga idolo, ay "isang bansa sa pagbubukod ng lahat ng iba pa." Ang lahat ay itinuturing na mga miyembro at mamamayan ng lipunang Madinah anuman ang relihiyon, lahi, o ninuno. Ang mga tao ng ibang mga pananampalataya ay protektado mula sa pinsala tulad din ng mga Muslim, tulad ng nakasaad sa ibang artikulo, “Sa mga Hudyo na sumusunod sa atin ay kabilang sa tulong at pagkakapantay-pantay. Hindi siya mapapahamak at ang kanyang mga kaaway ay hindi tutulungan. Dati, ang bawat tribo ay mayroong kani-kanilang mga alyansa at mga kaaway sa loob at labas ng Madinah. Pinagsama ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ang iba't ibang tribo sa ilalim ng isang sistema ng pamamahala na nagtataguyod ng mga kasunduan ng mga alyansa na dati nang umiiral sa pagitan ng mga indibidwal na tribo. Ang lahat ng mga tribo ay kailangang kumilos bilang isang buo nang hindi pinapansin ang mga indibidwal na alyansa.Ang anumang pag-atake sa ibang relihiyon o tribo ay itinuturing na pag-atake sa estado at sa mga Muslim din.

Ang buhay ng mga nagsasanay ng ibang mga relihiyon sa lipunang Muslim ay nabigyan din ng protektadong katayuan. Sinabi ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala):

“Ang sinumang pumatay ng isang tao na may pansamantalang tigil alitan o pansamantalang kapayapaan kasama ang mga Muslim ay hindi kailanman maaamoy ang halimuyak ng Paraiso.” (Saheeh Muslim)

Dahil sa pangingibabaw ng mga Muslim, mahigpit na nagbabala ang Propeta laban sa anumang pangmamaltrato sa mga miyembro ng ibang pananampalataya. Sinabi nya (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala):

“Mag-ingat! Kung sino man ang malupit at mahigpit sa isang di-Muslim na minorya, o pinipigilan ang kanilang mga karapatan, o bigyan siya ng pasanin na higit sa kanyang makakaya, o kumuha ng anumang bagay sa kanila na labag sa kanilang kalooban; Ako (Propeta Muhammad) ay magrereklamo laban sa taong ito sa Araw ng Paghuhukom.” (Abu Dawud)

Sa Bawat Sarili Nilang Relihiyon

Sa ibang artikulo, nakasaad dito, “ang mga Hudyo ay mayroong kanilang relihiyon at ang mga Muslim ay mayroon sa kanila.” Dito, malinaw na ang anumang bagay maliban sa pagpapahintulot ay hindi pinapayagan, at, bagaman ang lahat ay miyembro ng isang lipunan, bawat isa ay may hiwalay na relihiyon na hindi maaaring labagin. Pinapayagan ang bawat isa na maisagawa ang kanilang mga paniniwala nang malaya nang walang anumang mga hadlang, at walang hahayaang mga kilos ng paghahamon.

Maraming iba pang mga artikulo ng saligang batas na maaaring talakayin, ngunit bibigyang diin ang isang artikulo na kung saan ay nakasaad na, “Kung may anumang pagtatalo o kontrobersiya na posibleng magdulot ng kaguluhan ay lumitaw, dapat itong isangguni sa Diyos at sa Kanyang Sugo (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala).” Ang sugnay na ito ay iginigiit na ang lahat ng mga naninirahan sa estado ay dapat makilala ang isang mas mataas na antas ng awtoridad, at sa mga bagay na may kinalaman sa iba't ibang tribo at relihiyon, ang hustisya ay hindi mailalapat ng mga indibidwal na pinuno; sa halip ito ay dapat hinuhusgahan ng pinuno ng estado mismo o ng kanyang itinalagang mga kinatawan. Gayunpaman, ang mga indibidwal na tribo na hindi Muslim ay pinahihintulutan na sumangguni sa kanilang sariling mga banal na kasulatan at kanilang mga dalubhasa patungkol sa kanilang pansariling gawain. Bagaman maari din sila, kung gugustuhin nila, dumulog sa Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) para humatol sa pagitan nila sa kanilang mga bagay-bagay. Sinasabi ng Diyos sa Quran:

“…kung sila ay magsisilapit sa iyo (O Muhammad), alinmang ikaw ay humatol o tumangging makialam...” (Quran 5:42)

Dito makikita natin na pinahintulutan ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ang bawat relihiyon na humatol ayon sa kanilang sariling mga banal na kasulatan, hangga't hindi ito sumasalungat sa mga artikulo ng konstitusyon, isang kasunduan na isinasaalang-alang ang mas malaking kabutihan ng mapayapang pagkakaugnayan sa lipunan.



Mga talababa:

[1] Ang lipunan ng Madinah sa Panahon ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), Akram Diya al-Umari, International Islamic Publishing House, 1995.

Mahina Pinakamagaling

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

  • (Hindi nakikita sa publiko)

  • Ang iyong komento ay susuriin at dapat malathala sa loob ng 24 oras.

    Ang patlang na may markang asterisk (*) ay kailangan.

Ibang mga artikulo sa Parehong mga Kategorya

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Listahan ng Contento

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Your favorites list is empty. You may add articles to this list using the article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.