Статьи / видео вы запросили еще не существует.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

O artigo / vídeo que você requisitou não existe ainda.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

요청한 문서 / 비디오는 아직 존재하지 않습니다.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

המאמר / הסרטון שביקשת אינו קיים עדיין.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

Статьи / видео вы запросили еще не существует.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

O artigo / vídeo que você requisitou não existe ainda.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

요청한 문서 / 비디오는 아직 존재하지 않습니다.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

המאמר / הסרטון שביקשת אינו קיים עדיין.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

Ano ang Sinasabi nila Tungkol kay Muhammad (bahagi 1 ng 3)

Marka:
Sukat ng Font:

Paglalarawan: Ang mga pahayag ng mga di-Muslim na iskolar na nag-aral ng Islam at tungkol sa Propeta. Bahagi 1: Panimula.

  • Ni  iiie.net (edited by IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 03 Jul 2020
  • Huling binago noong  18 Mar 2014
  • Nag-print: 0
  • Tumingin: 124 (karaniwan sa araw-araw: 3)
  • Marka: Hindi pa na markahan
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0

Sa mga siglo ng Krusada, ang lahat ng uri ng mga paninirang-puri ay nilikha laban kay Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang kapayaan at pagpapala ng Diyos. Gayunpaman, sa pagsilang ng modernong panahon, minarkahan ng may relihiyosong pagpapaubaya at kalayaan ng pag-iisip, ang mga may-akda sa Kanluran ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamamaraan ng pagbabalangkas ng kanyang buhay at pagkatao. Ang pananaw ng ilang mga di-Muslim na iskolar tungkol kay Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, na makikita sa dulo, ay nagbibigay-katwiran sa opinyon na ito.

Ang Kanluran ay dapat pa ring humakbang o sumulong upang matuklasan ang pinakadakilang katotohanan tungkol kay Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, at iyon ay ang kanyang pagiging totoo at huling Propeta ng Diyos para sa lahat ng sangkatauhan. Sa kabila ng lahat ng makatuwiran at kaliwanagan nito ang Kanluran ay walang sinsero at makatuwirang pagtatangka upang maunawaan ang pagka-Propeta ni Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala. Kataka-taka na ang mga napaka makinang na mga parangal ay ibinigay sa kanya para sa kanyang integridad at mga nakamit, ngunit ang kanyang pag-angkin na siya ay Propeta ng Diyos ay tinanggihan nang tahasan at walang pasubali. Sa puntong ito kung saan ang isang paghahanap ng puso ay kinakailangan, at isang pagsusuri kung  ang tinatawag na walang kinikilingang pagsusuri ay kinakailangan. Ang mga sumusunod na malinaw na katotohanan mula sa buhay ni Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, ay ipinakita upang makatulong para sa isang walang pinapanigan, makatwiran at may basihang desisyon tungkol sa kanyang pagka-Propeta.

Hanggang sa edad na apatnapu, si Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, ay hindi kilala bilang isang politiko, isang mangangaral o isang mananalumpati. Hindi siya nakita na tinatalakay ang mga prinsipyo ng metapisika, etika, batas, politika, ekonomiya o sosyolohiya. Walang alinlangan na siya ay may isang mahusay na pagkatao, kaakit-akit na kaugalian at sibilisado. Gayunpaman, walang kapansin-pansin at labis na katangi-tangi sa kanya na magbibigay sa mga tao ng akala na may malaki at ganap na pagbabago na magmumula sa kanya sa hinaharap. Ngunit nang siya ay lumabas mula sa Kuweba ng Hira na may isang bagong mensahe, siya ay ganap na nagbago. Maari ba para sa gayong tao na may mga katangiang nasa itaas na biglang maging 'isang impostor' at mag-angkin na siya ang Propeta ng Diyos at sa gayon ay anyayahan ang galit ng kanyang mga tao? Maaaring itanong ng tao, kung para sa anong dahilan ang kanyang pagdurusa sa mga paghihirap na ipinataw sa kanya? Inalok ng kanyang mga tao na tatanggapin siya bilang kanilang hari at ibibigay ang lahat ng kayamanan ng lupain sa paanan niya kung iiwan niya lamang ang pangangaral ng kanyang relihiyon. Ngunit pinili niyang tanggihan ang kanilang mga mapanuksong alok at nag-iisang nagpatuloy sa pangangaral ng kanyang relihiyon sa harap ng lahat ng uri ng mga pang-iinsulto, boykot ng lipunan at kahit na pisikal na pag-atake ng kanyang sariling mga tao. Kung hindi dahil sa suporta ng Diyos at sa kanyang matatag na kalooban na maipakalat ang mensahe ng Diyos at ang kanyang malalim na paniniwala na sa huli ang Islam ay mangingibabaw bilang isang tanging paraan ng buhay para sa sangkatauhan, na siya ay tumayo tulad ng isang bundok sa harap ng lahat ng oposisyon at pagsasabwatan upang mawala siya? Bukod dito, naparito ba siya na may layuning kalabanin o makipagtunggali sa mga Kristiyano at mga Hudyo, bakit ginawa niya na ang paniniwala kay Jesus at Moises at iba pang mga Propeta ng Diyos, sumakanila nawa ang kapayapaan, ay isang pangunahing kailangan ng pananampalataya na kung wala ito ay di maaaring maging isang Muslim?

       Hindi ba ito isang hindi mapag-aalinlangang patunay ng kanyang pagka-Propeta na sa kabila ng walang pinag-aralan at pagkakaroon ng isang pangkaraniwan at tahimik na pamumuhay sa loob ng apatnapung taon, nang sinimulan niyang ipangaral ang kanyang mensahe, ang lahat ng Arabya ay tumindig sa pagkamangha at nagtaka sa kanyang kamangha-manghang pagsasalita at pagtatalumpati? Wala itong kapantay sa hukbo ng pinakamataas na kalibre ng mga makatang Arabo, tagapangaral at tagapagtalumpati na nabigong tapatan ang katumbas nito. At higit sa lahat, paano niya naipahayag ang mga katotohanan ng isang siyentipikong kalikasan na nilalaman sa Quran na walang sinumang posibleng makabuo ng panahong iyon?

      Ang panghuli ngunit di dapat balewalain, ay bakit siya namuhay na isang mahirap, matapos ang pagkakaroon ng kapangyarihan at awtoridad? Pag-isipan lamang ang mga salitang binitawan niya habang siya ay nag-aagaw-buhay:

“Kami, ang komunidad ng mga Propeta, ay hindi nagpapamana. Anuman ang iniiwan namin ay para sa kawanggawa.”

Sa katunayan, si Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, ang huling kaugnayan ng mga Propeta na ipinadala sa iba't ibang mga lupain at panahon mula nang nagsimula ang buhay ng tao sa mundong ito. Saklaw ng mga sumusunod na bahagi ang mga akda ng ilang mga di-Muslim na may-akda patungkol kay Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala.

 

 

Ano ang Sinasabi nila Tungkol kay Muhammad (bahagi 2 ng 3)

Marka:
Sukat ng Font:

Paglalarawan: Ang mga pahayag ng mga di-Muslim na iskolar na pinag-aralan ang Islam at ang tungkol sa Propeta. Bahagi 2: Ang kanilang mga pahayag.

  • Ni  iiie.net (edited by IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 03 Jul 2020
  • Huling binago noong  18 Mar 2014
  • Nag-print: 0
  • Tumingin: 121 (karaniwan sa araw-araw: 3)
  • Marka: Hindi pa na markahan
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0

Lamartine, Histoire de la Turquie, Paris 1854, Vol II, pp. 276-77:

“Kung ang kadakilaan ng layunin, kakaunti ng mga mapagkukunan, at kamangha-manghang mga resulta ay ang tatlong pamantayan ng pagiging henyo, sino ang maaaring maglakas-loob upang ihambing ang sinumang mahusay na tao sa modernong kasaysayan kay Muhammad? (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala),  ang pinakatanyag na mga tao ay lumikha lamang ng mga sandata, batas at emperyo. Itinatag nila, kung mayroon man, ang hindi hihigit sa mga kapangyarihang materyal na madalas na nawawasak sa kanilang harapan. Ang taong ito ay hindi lamang pinakilos ang mga hukbo, mga batas, mga emperyo, mga mamamayan at mga dinastiya, ngunit milyun-milyong katao na isang-katlo ng nakatira noon sa mundo; at higit pa doon, inalis rin niya ang mga altar, mga diyos, relihiyon, mga ideya, paniniwala at kaluluwa ... ang pagtitiis sa tagumpay, ang kanyang ambisyon, na lubos na nakatuon sa isang ideya at wala sa kanyang pagkilos ang paghahangad para sa isang emperyo; ang kanyang walang katapusang mga panalangin, ang mahiwagang pakikipag-usap sa Diyos, ang kanyang kamatayan at ang kanyang tagumpay pagkatapos ng kanyang kamatayan; ang lahat ng ito ay nagpapatunay na hindi siya impostor kundi ng isang matatag na paniniwala na nagbigay sa kanya ng lakas o kapangyarihang ibalik ang isang dogma (wastong relihiyosong paniniwala). Ang dogma na ito ay dalawang bahagi, ang kaisahan ng Diyos at ang espiritwalidad ng Diyos; ang nauna ay nagsasabi kung ano ang Diyos, ang huli ay nagsasabi kung ano ang hindi; ang isa na nagpabagsak sa mga huwad na diyus-diyosan gamit ang espada, at ang isa na pinasimulan ang isang ideya gamit ang mga salita.”

“Pilosopo, mananalumpati, apostol, mambabatas, mandirigma, mananakop para sa mga ideya, tagapagbalik ng mga makatuwirang dogma, ng isang uri ng pagsamba na walang mga imahe; ang nagtatag ng dalawampung mga panlupang emperyo at ng isang esperitwal na emperyo, iyan si Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala. Kung ituturing lahat ng mga pamantayan kung saan masusukat ang kadakilaan ng tao, maaari nating matanong, mayroon bang sinumang mas dakila kaysa sa kanya?”

Edward Gibbon at Simon Ocklay, Kasaysayan ng Saracen Empire, London, 1870, p. 54:

“Hindi ang paglaganap kundi ang pananatili ng kanyang relihiyon ang nararapat nating ikamangha, ang parehong dalisay at perpektong impresyon na kanyang naiukit sa Makkah at Madinah ang napanatili, pagkatapos ng mga rebolusyon ng labindalawang siglo ng mga Indiyo, Aprikano at Turko na lumipat ng paniniwala sa Quran ... Ang Mahometans[1]  ay nagkaisang labanan ang tukso na bawasan ang kanilang pananampalataya at debosyon sa antas na may pandama at imahinasyon ng tao. 'Naniniwala ako sa Iisang Diyos at kay Mahomet na Apostol ng Diyos', ay ang payak at walang takot na pagpapahayag ng Islam. Ang intelektwal na imahe ng Diyos ay hindi kailanman pinababa ng anumang nakikitang idolo; ang mga karangalan ng propeta ay hindi kailanman lumabag sa sukatan ng kabutihan ng tao, at ang kanyang mga alituntunin sa pamumuhay ay pumigil sa pagpapahalaga ng kanyang mga alagad sa loob ng saklaw ng katwiran at relihiyon.”

Bosworth Smith, Mohammed at Mohammadanism, London 1874, p. 92:

“Siya ay pinag-isang Cesar at Papa; ngunit siya ay si Papa na walang pagpapanggap, si Cesar na walang mga lehiyon: walang nakatayong hukbo, walang isang bantay, walang palasyo, walang isang tiyak na kinikita; kung may sinumang tao na may karapatang magsabi na namahala siya ng tamang kabanalan, ito ay si Mohammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, sapagkat napasakanya ang lahat ng kapangyarihan nang walang mga instrumento at walang mga suporta para dito.”

Annie Besant, Ang Buhay at Mga Aral ni Muhammad, Madras 1932, p. 4:

     “Imposible para sa sinumang nag-aaral ng buhay at katangian ng dakilang Propeta ng Arabia, na nalalaman kung paano siya nagturo at kung paano siya namuhay, ang hindi makaramdam ng paggalang sa dakilang Propeta na iyon, isa sa mga dakilang sugo ng Kataas-taasan. At kahit na kung ano ang sabihin ko sa inyo ay kailangan kong sabihin ang maraming mga bagay na maaaring pamilyar sa marami, ngunit ako mismo ay nakakaramdam sa tuwing binabasa ko silang muli, ang isang bagong uri ng paghanga, isang bagong paggalang para sa matapang na guro ng Arabya.”

       W. Montgomery, Mohammad at Mecca, Oxford 1953, p. 52:

      “Ang kanyang kahandaan na sumailalim sa mga pag-uusig ng dahil sa kanyang mga paniniwala, ang mataas na moral na katangian ng mga tao na naniniwala sa kanya at tumitingala sa kanya bilang pinuno, at ang kadakilaan ng kanyang tunay na tagumpay - Ang lahat ay nagtatalo sa kanyang pangunahing integridad. Upang ipagpalagay na si Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, ay isang impostor ito ay nagdaragdag lamang ng maraming mga problema kaysa sa paglutas nito. Bukod dito, wala sa mga mahuhusay na mga pigura ng kasaysayan ang hindi pinapahalagahan sa Kanluran maliban kay Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala.”

James A. Michener, ‘Islam: Ang Di Naiintindihang Relihiyon’ sa Reader’s Digest (American Edition), May 1955, pp. 68-70:

“Si Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, ang inspiradong tao na nagtatag ng Islam, ay ipinanganak noong A.D. 570 sa isang tribo sa Arabya na sumasamba sa mga idolo. Naulila sa kapanganakan, siya ay palaging maalalahanin sa mga mahihirap at nangangailangan, byuda at ulila, alipin at naaapi. Sa edad na dalawampu siya ay isa ng matagumpay na negosyante, at sa lalong madaling panahon ay naging tagapangasiwa ng mga karawan ng kamelyo para sa isang mayamang byuda. Nang umabot siya ng dalawampu't lima, ang kanyang amo, na kinikilala ang kanyang kahalagahan, ay nagmungkahi ng kasal. Kahit na siya ay labinlimang taong gulang na mas matanda sa kanya, pinakasalan niya ito, at nanatiling tapat na asawa noong nabubuhay pa ito.

“Tulad ng halos lahat ng mga pangunahing propeta na nauna sa kanya, nilabanan niya ang hiya upang maiparating ang salita ng Diyos, dahil alam niya ang kanyang mga kahinaan. Ngunit ipinag-utos ng anghel na 'Bumasa'. Para sa kaalaman natin, hindi nakakabasa o nakakasulat si Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, ngunit sinimulan niyang idikta ang mga kinasihang mga salita na di nagtagal ay nagpabago sa kalakhang bahagi ng mundo: "May isang Diyos.”

“Sa lahat ng mga bagay ay naging praktikal si Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala. Nang mamatay ang kanyang minamahal na anak na si Ibrahim, isang eklipse ang naganap, at mabilis na kumalat ang balita na ito ay personal na pakikiramay ng Diyos. Kung saan si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nagpahayag, 'Ang isang eklipse ay isang kababalaghan ng kalikasan. Kahangalan na iugnay ang mga bagay na ito sa kamatayan o pagsilang ng isang tao.’

“Sa mismong kamatayan ni Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, ay may isang pagtatangkang ginawa upang siya ay sambahin (ituring na diyos), ngunit ang taong pumalit sa kanyang pamamahala ay winakasan ang histiryang ito sa pamamagitan ng isa sa mga pinakatanyag na talumpati sa kasaysayan ng relihiyon: 'Kung mayroong sinuman sa inyo na sumasamba kay Muhammad siya ay patay na. Ngunit kung ang Diyos ang iyong sinasamba, Siya ay buhay magpakailanman.’”

Michael H. Hart, The 100: Ang Hanay ng mga Pinaka Maimpluwensyang Tao sa Mundo ng Kasaysayan, New York: Hart Publishing Company, Inc. 1978, p. 33:

“Ang pagpili ko kay Muhammad na manguna sa listahan ng mga pinaka-maimpluwensyang tao sa mundo ay maaaring magdulot ng pagtataka sa ilang mga mambabasa at maaaring maitanong ng iba, ngunit siya lamang ang tao sa kasaysayan na lubos na nagtagumpay sa parehong relihiyoso at sekular na antas.”


Mga talababa:

[1] Ang salitang Mahometans at Mohammadanism ay isang maling impormasyon na ipinakilala ng mga dalubhasa sa Silangan nang dahil sa kanilang kakulangan ng pag-unawa sa Islam, sa paghahambing kay Kristo at Kristiyanismo.

 

 

Ano ang Sinasabi nila tungkol kay Muhammad (bahagi 3 ng 3)

Marka:
Sukat ng Font:

Paglalarawan: Ang mga pahayag ng mga di-Muslim na iskolar na nag-aral ng Islam tungkol sa Propeta. Bahagi 3: Mga karagdagang pahayag.

  • Ni  Eng. Husain Pasha (edited by IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 03 Jul 2020
  • Huling binago noong  30 Nov 2013
  • Nag-print: 0
  • Tumingin: 131 (karaniwan sa araw-araw: 3)
  • Marka: Hindi pa na markahan
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0

Encyclopedia Britannica:

“....ang isang malawak na detalye sa mga naunang batayan ay nagpapakita na siya ay isang matapat at matuwid na tao na nagkamit ng paggalang at katapatan ng iba na matapat at matuwid din na mga tao.” (Vol. 12)

Ang sinabi ni George Bernard Shaw tungkol sa kanya:

“Dapat siyang tawaging Tagapagligtas ng Sangkatauhan. Naniniwala ako na kung ang isang tao na katulad niya ay manungkulan sa diktadura ng modernong mundo, magtatagumpay siya sa paglutas ng mga problema nito sa isang paraan na magdadala dito sa kailangang kapayapaan at kaligayahan.”

(The Genuine Islam), Singapore, Vol. 1, No. 8, 1936)

       Siya ang pinaka kahanga-hangang tao na dumating sa mundong ito. Ipinangaral niya ang isang relihiyon, nagtatag ng isang estado, nagtayo ng isang bansa, naglagay ng isang alituntunin ng mabuting asal, sinimulan ang maraming mga repormang panlipunan at pampulitika, nagtatag ng isang malakas at dinamikong lipunan upang magsanay at kumatawan sa kanyang mga turo at ganap na binago ang mga mundo ng pag-iisip at pag-uugali ng tao para sa lahat ng mga panahon na darating.

      Si Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, ay ipinanganak sa Arabya noong taong 570 C.E., sinimulan ang kanyang misyon ng pangangaral ng relihiyon ng Katotohanan, ang Islam (pagsumite sa Isang Diyos) sa edad na apatnapu at lumisan sa mundong ito sa edad na animnapu't tatlo. Sa loob ng maikling panahong ito ng dalawampu't tatlong taon ng kanyang pagka-Propeta, binago niya ang buong peninsula ng Arabya mula sa paganismo at idolatriya patungo sa pagsamba sa Isang Diyos, mula sa mga pag-aaway ng tribo at digmaan hanggang sa pambansang katatagan at pagkakaisa, mula sa pagkalasing at kahalayan hanggang sa kalinisan at kabanalan, mula sa pagiging walang batas at walang pamahalaan hanggang sa may disiplinang pamumuhay, mula sa ganap na pagkalugi hanggang sa pinakamataas na pamantayan ng kahusayang moral. Ang kasaysayan ng tao ay hindi pa nakakita ng isang kumpletong pagbabago ng mga tao o isang lugar bago o mula noon  na gaya nito- at isipin itong lahat ng di  kapani-paniwalang mga kababalaghan sa loob lamang ng dalawang dekada.

Ang mundo ay nagkaroon din ng magagaling na personalidad. Ngunit sila ay may mga pinapanigang mga tao na kinikilala ang kanilang sarili sa isa o dalawang larangan, tulad ng kaisipang pangrelihiyon o pamumunong-militar. Ang mga buhay at mga turo ng mga dakilang personalidad ng mundo ay naikubli sa mahabang panahon. Napakaraming haka-haka tungkol sa oras at lugar ng kanilang kapanganakan, ang pamamaraan at istilo ng kanilang buhay, ang likas na katangian at detalye ng kanilang mga turo at ang antas at sukatan ng kanilang tagumpay o kabiguan na imposible para sa sangkatauhan na muling mabuo ng wasto ang buhay at mga turo ng mga taong ito.

Hindi sa taong ito. Si Muhammad, (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Diyos) ay napakaraming nagawa sa kabila ng pagkaka-iba ng pag-iisip at pag-uugali ng tao sa nag-aalab na kasaysayan ng tao. Ang bawat detalye ng kanyang pribadong buhay at pampublikong pagsasalita ay wastong naitala at matapat na napanatili sa ating panahon. Ang pagiging tunay ng tala na napangalagaan ay makikita hindi lamang ng mga matapat na tagasunod kundi maging ng kanyang mga kritiko.

Si Muhammad ay isang guro ng relihiyon, isang taga-reporma ng panlipunan, isang gabay sa moral, isang higanteng administrasyon, isang matapat na kaibigan, isang kahanga-hangang kasama, isang tapat na asawa, isang mapagmahal na ama - lahat sa isa. Wala nang ibang tao sa kasaysayan na nakahigit o nakapanytay sa kanya sa alinmang iba't ibang mga aspeto ng buhay - ngunit ng dahil sa hindi makasariling pagkatao ni Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, na nakamit niya ang gayong hindi kapani-paniwalang kasakdalan.

Si Mahatma Gandhi, ay nagsalita sa katangian ni Muhammad, kanyang sinabi sa (Young India):

“Nais kong makilala ang pinakamahusay na humahawak ngayon sa hindi mapag-aalinlanganang mga puso ng milyun-milyong sangkatauhan .... Naging higit akong kumbinsido na hindi tabak ang nagpapanalo sa isang lugar para sa Islam sa mga panahong iyon ng pamamaraan ng buhay. Ito ay ang mahigpit na pagiging payak, ang lubos na kababaang loob ng Propeta, ang maingat na pagsasaalang-alang sa kanyang mga pangako, ang kanyang matinding debosyon sa mga kaibigan at tagasunod, ang kanyang katapatan, walang takot, walang katapusang tiwala sa Diyos at sa kanyang sariling misyon. Ang mga ito at hindi ang tabak ang nagdala ng lahat sa kanila at mapagtagumpayan ang  bawat hadlang. Nang isara ko ang ika-2 bahagi (ng talambuhay ng Propeta), nalungkot ako na wala nang iba pang mababasa tungkol sa dakilang buhay.”

Si Thomas Carlyle sa kanyang (Heroes and Heroworship), ay tunay na namangha sa:

“kung paano ang isang tao, ay maaaring mapagkaisa ang mga naglalabang mga tribo at pagala-galang mga Bedouin para maging isang pinakamalakas at sibilisadong bansa nang mas mababa sa dalawang dekada.”

Sumulat si Diwan Chand Sharma:

“Si Muhammad ang kaluluwa ng kabaitan, at ang kanyang impluwensya ay nadama at hindi nakalimutan ng mga nakapaligid sa kanya.”

(D.C. Sharma, Ang Propeta sa Silangan [The Prophet of the East], Calcutta, 1935, pp. 12)

Si Muhammad ay walang labis walang kulang na isang tao. Ngunit siya ay isang tao na may isang marangal na misyon, na pag-isahin ang sangkatauhan sa pagsamba sa Isa at Tanging Isang Diyos at ituro sa kanila ang paraan ng matapat at matuwid na pamumuhay batay sa mga utos ng Diyos. Palagi niyang inilalarawan ang kanyang sarili bilang, "Isang Lingkod at Sugo ng Diyos," at kung magkagayon kanyang ikinikilos kung ano ang kanyang  ipinapahayag.

Sa pagsasabi tungkol sa aspeto ng pagkakapantay-pantay sa harap ng Diyos sa Islam, ang sikat na makata ng Indya, na si Sarojini Naidu ay nagsabi:

“Ito ang unang relihiyon na nangaral at nagsagawa ng demokrasya; para, sa moske, kapag ang tawag para sa pagdarasal ay tumunog at ang mga sumasamba ay natipon, ang demokrasya ng Islam ay naipapakita ng limang beses sa isang araw kung saan ang magsasaka at hari ay lumuluhod ng magkatabi at nagpapahayag: 'Ang Diyos ay Nag-iisang Dakila' ... Paulit-ulit kong naramdaman ang hindi mahahating pagkakaisa ng Islam na ginagawang likas na magkakapatid ang tao.”

(S. Naidu, Mga Pamantayan ng Islam, nasa bidyong pagsasalita at mga Sinulat, Madras, 1918, p. 169)

Sa mga salita ni Prof. Hurgronje:

“Ang samahan ng mga bansa na itinatag ng propeta ng Islam ay naglagay ng prinsipyo ng pandaigdigang pagkakaisa at pagkakapatiran ng tao na tulad ng pangkalahatang batayan upang ipakita ang kandila sa ibang mga bansa (maging tanglaw o modelo sa iba)." Nagpatuloy siya: "Ang katotohanan na walang bansa sa mundo na maaaring magpakita ng pagkakatulad sa ginawa ng Islam tungo sa pagsasakatuparan ng ideya ng Samahan ng mga Bansa.”

      Hindi nag-atubili ang mundo na i angat sa pagiging banal, ang mga tao na ang buhay at misyon ay nawala na sa kwento. Base sa kasaysayan, wala sa mga alamat na ito ang nagkamit kahit isang bahagi ng nagawa ni Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala. At ang lahat ng kanyang pagsusumikap ay para sa nag-iisang layunin na pag-isahin ang sangkatauhan para sa pagsamba sa Isang Diyos sa mga alituntunin ng mataas moral. Si Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, o ang kanyang mga tagasunod ay hindi kailanman nag-angkin na siya ay isang Anak ng Diyos o ang Diyos na nagkatawang-tao o isang tao na may pagka-diyos - ngunit siya ay palaging at kahit na ngayon ay itinuturing na isang Sugo lamang na pinili ng Diyos.

     Si K. S. Ramakrishna Rao, isang Propesor ng Pilosopiya sa India sa kanyang buklet, ("Muhammad, Ang Propeta ng Islam ," ay tinawag siyang

     "Perpektong modelo para sa buhay ng tao."

      Ipinaliwanag ni Prof. Ramakrishna Rao ang kanyang punto sa pamamagitan ng pagsasabi:

“Ang pagkatao ni Muhammad, (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala), ay napakahirap mapasok ang buong katotohanan nito. Isang sulyap lamang dito ang nauunawaan ko. Isang madulang pagkakasunod-sunod ng kahanga-hangang mga eksena! Nariyan si Muhammad, ang Propeta. Nariyan si Muhammad, ang Mandirigma; Si Muhammad, ang Negosyante; Si Muhammad, ang Politiko; Si Muhammad, ang Mananalumpati; Si Muhammad, ang taga-Reporma; Si Muhammad, ang Kanlungan ng mga Ulila; Si Muhammad, ang Tagapagtanggol ng mga Alipin; Si Muhammad, ang taga-Pagpalaya ng mga Babae; Si Muhammad, ang Hukom; Si Muhammad, ang Santo. Sa lahat-lahat ng mga kahanga-hangang tungkulin na ito, sa lahat ng mga kagawaran ng mga gawaing pantao, siya ay isang bayani.”

Ngayon pagkatapos ng labing-apat na siglo, ang buhay at mga turo ni Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, ay nakaligtas o nakarating sa atin nang walang kaunting nabawas, nabago o naidagdag. Nag-aalok sila ng parehong walang humpay na pag-asa para sa paggamot sa maraming mga sakit ng tao, na ginawa nila noong siya ay buhay. Hindi ito pag-aangkin ng mga tagasunod ni Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala, kundi pati na rin ang hindi maiiwasang palagay na pinilit ng isang kritikal at walang pinapanigang kasaysayan.

Ang tangi mong magagawa bilang nag-iisip at nag-aalalang tao ay huminto ng ilang sandali at tanungin ang iyong sarili: Maaari bang totoo ang mga pahayag na ito na sobrang pambihira at nakapagpapabago? At ipagpalagay na totoo ang mga ito at hindi mo kilala ang taong ito na si Muhammad, (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) o narinig tungkol sa kanya, hindi ba oras na para tumugon ka sa napakalaking hamon na ito at gumawa ka ng ilang pagsisikap na makilala siya?

Walang mawawala sa iyo ngunit maaaring ito ang maging simula ng isang ganap na bagong panahon sa iyong buhay.

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

Lista ng mga Artikulo

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento

Ang iyong mga paborito

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong history ay walang laman.

View Desktop Version