Статьи / видео вы запросили еще не существует.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

您所请求的文章/视频尚不存在。

The article/video you have requested doesn't exist yet.

あなたが要求した記事/ビデオはまだ存在していません。

The article/video you have requested doesn't exist yet.

L'articolo / video che hai richiesto non esiste ancora.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

요청한 문서 / 비디오는 아직 존재하지 않습니다.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

המאמר / הסרטון שביקשת אינו קיים עדיין.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

Статьи / видео вы запросили еще не существует.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

您所请求的文章/视频尚不存在。

The article/video you have requested doesn't exist yet.

L'articolo / video che hai richiesto non esiste ancora.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

요청한 문서 / 비디오는 아직 존재하지 않습니다.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

המאמר / הסרטון שביקשת אינו קיים עדיין.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

Ang Huling Tao na Papasok sa Paraiso (bahagi 1 ng 2): At isang Puno ang Itataas

Marka:
Sukat ng Font:

Paglalarawan: Kapag ang huling tao ay gumapang palabas ng Impyerno at pinapasok na sa Paraiso ang tarangkahan ng Impyerno ay magiging sarado na magpakailanman.

  • Ni  Aisha Stacey (© 2013 IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong  19 May 2020
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 1979 (karaniwan sa araw-araw: 3)
  • Marka: Hindi pa na markahan
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0

LastPersonEnterParadise1.jpgAng Paraiso ay ang di-mailalarawang gantimpala na inihanda ng Dakilang Tagapaglikha para sa mga tunay na mananampalataya; para sa mga taong tumatalima sa Kanya. Ito ay lugar kung saan naroon ang ganap na kasiyahan at kapayapaan at walang anumang umiiral na makagagambala nito. Ito ay magpapatuloy magpakailanman at tayo ay umaasa na ito ang ating magiging  walang hanggan na tahanan. Ang binanggit ng Dakilang Maykapal at ng Kanyang Propeta patungkol sa Paraiso ay magpapainog sa ating mga ulo at mabilis na tatangay sa ating isipan. Sa isang naisalaysay ng Propeta Muhammad, na ang Diyos na Maykapal ay nagsabi (na ayon sa salin ng kahulugan), “Aking inihanda para sa Aking mga tagapagsambang tunay na nagsipaggawa ng kabutihan, mga gantimpala sa kabilang buhay na wala pang mata na nakakita, at wala pang pandinig na nakarinig, at hindi man lang sumagi sa imahinasyon ng sinuman”.[1] Ito ang pinakahihintay nating mga nagpapakumbabang tao, at kung tayo ay matalino at magsusumikap para rito, kung ganoon, ito ang magiging gantimpala para sa pakikibaka sa pansamantalang buhay na ito. Tayo ay nagninilay at itinatanong sa ating mga sarili ang mga katanungang may kinalaman sa ating magiging tahanan na walang hanggan (sa kabilang buhay), naiisip natin ang Paraiso nang may pag-asam at takot sa Impyerno, ngunit kung gaano nanginginig ang ating mga puso sa pag-isiip sa Paraiso ay isang kasiyahan.

Ang paglalarawan ng Paraiso at Impyerno sa mga naisalaysay ng Propeta Muhammad ay naglalaman ng mga salaysay patungkol sa kung sino ang pinakaunang makakapasok sa Paraiso. Sa matinding Araw ng Paghuhukom, si Propeta Muhammad ang tao na yaon. Sinabi niya sa kanyang mga kasamahan na siya “ang unang kakatok sa mga tarangkahan ng Paraiso”.[2] Ang Propeta Muhammad rin ay nagsabi (na ayon sa salin ng kahulugan): “Ako ay magtutungo sa mga tarangkahan ng Paraiso at hihingin na sila'y magbukas. Ang tagapagbantay sa tarangkahan ay magtatanong, “Sino ka?” At sasabihin ko, “Muhammad”. Ang tagapagbantay ng tarangkahan ay magsasabing: “Ako ay inatasan na huwag buksan ang tarangkahan sa sinuman bago sayo”.[3]

Si Propeta Muhammad ang unang papasok, na isang karapat-dapat na biyaya. Madaling nauunawaan ng ating mga isipan ang kadahilanan sa malaking karangalan na ito, ngunit makalipas ang ilang sandali marahil ay mag-uumpisa tayong mag-isip kung sino ang pinaka-huling tao na papasok sa Paraiso. Dahil may huling tao at pagkatapos ay isasarado na ang mga tarangkahan. Ang mga kasamahan ng Propeta Muhammad ay nagnais na malaman ang patungkol sa Paraiso sa parehong paraan na ninanais natin. Kaya lang sila ay mayroong kahanga-hangang pribilehiyo na maitanong mismo sa pinakamamahal na Propeta Muhammad kung sino ang pinaka-huling tao na papasok sa Paraiso?

Tulad sa ating nalalaman na mga naisalaysay patungkol sa sinabi ng Propeta Muhammad na nakarating sa atin sa iba't ibang kalagayan at ang isa sa mga ito ay ang hadith qudsi o ang sagradong hadith. Ang mga salaysay na ito ay partikular na importante dahil kahit na ang hanay ng mga salita sa pangungusap nito ay mula sa Propeta Muhammad, ang lahat ng kahulugan naman ay sa Dakilang Maykapal . Ito ay isang uri ng Rebelasyon. Ang mga salaysay na ito ay binubuo ng isa pang anyo ng mensahe ng Diyos sa sangkatauhan at kadalasang tumutugon sa mga paksang pang-ispiritwal at etikal. Ang sagot sa katanungang inilahad ng mga kasamahan ng Sugo ay nakapaloob sa hadith qudsi at ito ay isa sa mga pinaka-maganda at komprehensibo sa lahat ng mga salaysay. Ang sumusunod ay salin ng kahulugan ng naturang hadith:

Ang pinaka-huling tao na papasok sa paraiso ay isang tao na minsang lalakad, minsang madadapa at minsang masusunog sa apoy. Kapag siya ay nakalagpas na mula roon, siya'y lilingon paharap dito at magsasabing: ‘Mapagbigay-biyaya ang Nag-iisa na Nagligtas sa akin mula sa iyo. Ibinigay sa akin ng Diyos ang isang bagay na hindi Niya ibinigay sa sinuman sa mga nauna at mga nahuli.’

Pagkatapos ay may isang puno na itatayo para sa kanya, at kanyang sasabihin, ‘O Panginoon ko, ilapit Mo ako sa puno na iyon nang sa gayon ako ay makasilong sa lilim nito at makainom mula sa tubig nito.‘ Ang Dakilang Maykapal, ang Luwalhati at Kataas-taasan, ay magsasabi: ‘O anak ni Adan kung ito'y ibigay Ko sayo, hihingi ka pa ba sa Akin ng ibang bagay?’ Kanyang sasabihin, ‘Hindi, O Panginoon’, at kanyang ipapangako na hindi na siya hihingi pa mula sa Dakilang Maykapal ng ano pa man. At siya ay pagbibigyan ng kanyang Panginoon dahil siya ay nakakita ng isang bagay na hindi niya mapagpasensyahan. Kaya't siya ay ilalapit rito at sisilong sa lilim nito at iinom mula sa tubig nito.

Pagkatapos ay isa pang puno ang itatayo para sa kanya na mas maganda kaysa sa nauna, at kanyang sasabihin, ‘O Panginoon ko, ilapit Mo ako sa puno na iyon nang sa gayon ako ay makainom mula sa tubig nito at makasilong sa lilim nito, at ako ay hindi na hihiling pa Sayo ng kahit na ano.‘ Ang Dakilang Tagapaglikha ay magsasabi, ‘O anak ni Adam, hindi ba't ikaw ay nangako sa Akin na hindi ka na hihiling sa Akin ng kahit ano?’ Kanyang sasabihin, ‘Marahil kung dadalhin kita malapit roon, hihingi ka pa sa Akin ng iba pa.’ Ang naturang tao ay mangangako na hindi na siya hihingi mula sa Kanya ng anuman, at siya ay pagbibigyan ng kanyang Panginoon dahil siya ay nakakita ng isang bagay na hindi niya mapagpasensyahan. Kaya't siya ay dadalhin malapit doon at siya ay sisilong sa lilim nito at iinom mula sa tubig nito.

At isa pang puno ang itatayo para sa kanya sa tarangkahan ng Paraiso na mas maganda sa dalawang nauna, at kanyang sasabihin, ‘O Panginoon ko, ilapit Mo ako sa puno na iyon nang sa gayon ako ay makasilong sa lilim nito at makainom mula sa tubig nito, at ako ay hindi na hihiling pa Sayo ng kahit na ano.‘ Ang Dakilang Tagapaglikha ay magsasabi, ‘O anak ni Adan, hindi ba't ikaw ay nangako sa Akin na hindi ka na hihiling pa sa Akin ng kahit ano?’ Ang naturang tao ay magsasabi, ‘Oo, O Panginoon, hindi na ako hihingi Sayo ng kahit na ano pa.’ Pagbibigyan siya ng kanyang Panginoon dahil siya ay nakakita ng isang bagay na hindi niya mapagpasensyahan. Siya ay dadalhin malapit doon, at nang siya ay makalapit dito, kanyang maririnig ang mga boses ng mga tao sa Paraiso at siya'y magsasabi, ‘O Panginoon, papasukin mo ako roon.’ Ang Dakilang Maykapal ay magsasabi: ‘O anak ni Adan, ano ang magpapahinto sayo mula sa paghiling? Ikasisiya mo ba kung ibibigay Ko sayo ang mundo at isa pang kasinlaki rin nito? ’Ang naturang tao ay magsasabi, ‘O Panginoon, pinaglalaruan Mo ba ako gayong Ikaw ang Panginoon ng mga sanlibutan? ’ 

Si Ibn Mas'ood (na isa sa mga kasamahan ng Sugo at syang nagsasalaysay ng magandang salaysay na ito) ay ngumiti at nagsabi: Hindi ba kayo magtatanong kung ano ang nakapagpangiti sa akin? Kanilang sinabi: Ano po ang nakapagpangiti sayo? Sinabi niya; Ganito ngumiti ang Sugo ng Tagapaglikha, mapasakanya ang Habag at Pagpapala ng Tagapaglikha, at sila (na mga kasamahan ng Sugo na nakapaligid sa kanya) ay nagtanong: Ano po ang nakapagpangiti sayo, O Sugo ng Tagapaglikha? Ang Sugo ay nagsabi: “Sapagkat ang Dakilang Panginoon ng mga sanlibutan ay napangiti sa kanyang sinabi, ‘O Panginoon, pinaglalaruan Mo ba ako gayung Ikaw ang Panginoon ng mga sanlibutan?’ At ang Dakilang Tagapaglikha ay magsasabi: ‘Ikaw ay hindi Ko pinaglalaruan, ngunit Ako ay may kakayanan na gawin anuman ang Aking naisin.[4]

Sa ikalawang bahagi ay ating tatalakayin kung paanong ang kabutihan at habag ng Dakilang Maykapal ay naipakita sa hadith na ito at tingnan kung gaano kainam ang pagkakakilala at pagkakaunawa ng Panginoon ng mga sanlibutan sa Kanyang mga nilikha.



Mga talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

[2] Saheeh Muslim

[3] Ibid

[4] Saheeh Muslim

 

 

Ang Huling Tao na Papasok sa Paraiso (bahagi 2 ng 2): Kaunti na Lamang

Marka:
Sukat ng Font:

Paglalarawan: Ang huling taong makakapasok sa Paraiso at yaong mga katulad niya na nadama ang buong epekto ng awa ng Diyos.

  • Ni  Aisha Stacey (© 2013 IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong  17 Nov 2021
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 2157 (karaniwan sa araw-araw: 3)
  • Marka: Hindi pa na markahan
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0

LastPersonEnterParadise2.jpg Sa nakaraang artikulo ay tiningnan natin ang komprehensibong tradisyon mula kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala). Ito ay maikling kwento tungkol sa likas na katangian ng tao sa temang pasalaysay tungkol sa huling tao na makakapasok sa Paraiso. Siya ang tao na, pinahintulutan ng Diyos na gumapang papalabas mula sa Apoy ng Impiyerno. Sa umpisa ang tao na ito ay nagpasalamat na siya ay nasa pagitan ng Paraiso at Impiyerno at pinapurihan ang Diyos dahil sa Kanyang kabutihan at awa. Lumipas ang mga oras at napagtanto niya na may isang puno na tumubo. Sinuri niya ang matatag nitong puno, matibay na mga sanga, at mga dahon at nagnais na mapunta sa ilalim ng lilim nito at pawiin ang kanyang uhaw mula sa pinagmumulan ng tubig. Sa patuloy ng pagsasalaysay, makikita natin na sa tuwing binibigay ng Diyos sa tao ang kanyang hiling, ang tao ay humihiling o nangangailangan ng ibang bagay; ng kaunti pa. 

Ang kwentong ito ay nagtatampok ng katotohanan na ang tao ay hindi ganap na nasisiyahan, gusto niya lagi ng higit pa. Kahit na dumating ng biglaan sa isang tao ang kailanman hindi pa naisip o umiral na kagustuhan, pangangailangan at mga ninanais na kung saan ang karamihan sa atin ay napapabilang, hindi ito bago sa Diyos. Sapagkat Siya ang Tagapaglikha at Tagapagtustus sa daigdig at higit na nakakaalam sa likas na katangian ng Kanyang mga nilikha. 

Ang Diyos na Tagapaglikha ay may perpektong kaalaman. Alam niya ang lahat ng bagay na nasasalat at hindi nasasalat; Alam niya ang nangyari at mangyayari pa lamang. Siya ang ganap na nakakarinig at nakakaalam. Ang Diyos ay nagpahayag sa atin na Siya ay mas malapit sa atin nang higit kaysa sa litid ng ating ugat at walang makakalampas  sa Kanyang kaalaman. Maaari nating itago ang ating masamang ugali at katangian sa ating mga kaibigan at kapamilya pero sa Diyos ay hindi, dahil nakikita Niya lahat; hindi lamang yan, bagkus, ay nauunawaan Niya rin kung ano ang nakapaghihikayat sa atin at kung ano ang ating mga pinangangambahan, minamahal at ninanais. Kung kaya't Siya ay patuloy na nagpapatawad at nagkakaloob ng Kanyang awa. Kapag kailangan natin ng awa ng Diyos, kahit na sa anong sitwasyon, kailangan lang nating humingi sa Kanya. 

“At katiyakan Aming nilikha ang tao, at Aming nababatid kung ano ang binubulong ng kanyang kaluluwa sa kanya. At Kami ay malapit sa kanya nang higit kaysa sa litid ng ugat (na nasa kanyang leeg).” (Quran 50:16)

      Binigyang kahulugan ng diksyunaryo na ang awa ay ang pagiging mabait at mapagpatawad, at ang pakiramdam na nag-uudyok ng pakikiramay. Ang Awa ay rahmah sa salitang arabe at ang dalawa sa pinaka importanteng pangalan ng Diyos ay hinango mula sa salitang ito,   Ar-Rahman – Ang pinaka Mahabagin at Ar-Raheem – Ang pinaka Maawain.  Ang Awa ng Diyos ay mataas na uri na sumasalamin sa kahinahunan, pangangalaga, konsiderasyon, pagmamahal at kapatawaran. Kapag ang mga katangiang ito ay naging kapansin-pansin sa daigdig na ito, sila ay sumasalamin lamang sa  awa ng Diyos para sa Kanyang mga nilikha. Sa kwentong ito ay makikita natin na ang Awa ng Diyos ay nahahayag sa banayad na paraan ng Kanyang pakikitungo sa huling tao na gumapang palabas mula sa Apoy ng Impiyerno. 

Sa puntong ito ay maiisip at mapapansin na ang taong ito ay hindi makapapasok sa Paraiso sa pamamagitan ng kanyang mabubuting gawa, malayo ito mula dito. Sa huli, siya ay makapapasok sa Paraiso dahil sa awa ng Diyos sa Kanyang nilikha. Masasabi na ipinagkaloob ng Diyos ang  Kanyang awa kahit na hindi ito karapat-dapat sa paningin ng tao.   Katiyakang nangako ang Diyos sa sinuman na may tunay na pananampalataya sa kanyang puso kahit na siya ay nakagawa ng mga kasalanan na balang araw ay makakapasok sa Paraiso. Upang mas higit pang maunawaan ito, ang Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nag-iwan sa atin ng mga sumusunod na kasabihan:

“Sinuman ang namatay na hindi gumawa shirk (nagtambal sa pagsamba) siya ay papasukin ng Diyos sa Paraiso.”[1]

Ang katotohanan na ang mga tao, kasama ang taong tinatalakay ay ilalabas mula sa Impiyerno at papasukin sa Paraiso ay hindi magsasanhi ng anumang kalungkutan at pagkabalisa sa kanila na mga taong mapalad. Dahil ito ay ipinahayag sa atin ng Diyos na ang Paraiso ay tirahan ng kasiyahan. Wala sa alinman ang Quran o sa tradisyon ng Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayaapaan at pagpapala) ang nagmungkahi na ang mga tao ay  mamumuhay na may panghihinayang pagkatapos makapasok sa Paraiso dahil sa parusa na kanilang naranasan sa Impiyerno. Ito ay malinaw mula sa naging reaksyon o kasiyahan at kaligayahan ng mapag alaman ng tao ito na siya ay nasa pagitan ng Paraiso at Impyerno. Tila siya ay nakabawi kaagad at tumitingin sa hinaharap. Sa ibang tradisyon na mula kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay alam natin na ang Paraiso ay magsasanhi sa isang Muslim na makalimutan ang lahat ng paghihirap na kanyang  dinanas sa daigdig na ito, sa gayun ay hindi malayong sabihin na kasama rito ang paghihirap na naranasan sa Impiyerno bago pa makapasok sa Paraiso. Ang Sugo ng Diyos (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nagsabi:  

“Ang pinaka mayayaman sa mga tao sa daigdig na ito, na mapupunta sa Impiyerno, ay  dadalhin sa araw ng pagkabuhay na muli at ipapasok ng minsan sa Apoy. Pagkatapos ay sasabihin: O anak ni Adan, nakakita ka na ba ng mabuti? nagkaroon ka ba ng kasiyahan? kanyang sasabihin: Hindi, sa pamamagitan ng Diyos, O Panginoon. Pagkatapos ang pinaka-dukha  na tao sa daigdig na ito na makapapasok sa Paraiso ay dadalhin at ipapasok sa Paraiso ng minsan, at sasabihin sa kanya: O anak ni Adan, nakakita ka na ba ng masama? nakaranas ka ba ng paghihirap? kanyang sasabihin: Hindi, sa pamamagitan ng Diyos, O Panginoon. Hindi pa ako nakakita ng  anumang kasamaan. Hindi ako nakaranas ng anumang paghihirap.”[2]

Isa pang indikasyon na ang isang beses na pagpasok Paraiso ay mag-aalis sa lahat ng paghihirap na nauna rito, kahit na ang paghihirap na dulot ng kaparusahan sa Impiyerno, ay ang sinabi ng Propeta: "Sinuman ang makapasok sa Paraiso ay magtatamasa ng kaligayahan at hindi na magiging malungkot, ang kanyang kasuotan ay hindi maluluma, ang kanyang kabataan ay hindi kukupas.”[3]

Ang pagpapala na ito ay nagpapakita na ang pagdurusa na naranasan ay mabubura para sa mga taong makakapasok sa Paraiso, at ito ay kabuuang kahulugan at kabilang ang bawat isa na makakapasok dito, kahit na sila ay nakapasok muna sa Impiyerno o hindi.

Ang awa ng Diyos ay walang hanggan.  Ang Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala) ay nagsabi din:

“Ang Diyos ay may isang daang bahagi ng awa, na kung saan ay ipinadala Niya ang isang parte nito sa pagitan ng jinn at sangkatauhan, mga hayop, at mga insekto, kung saan sila ay mahabagin at maawain sa isa't isa, at  ang maiilap na hayop ay mabuti sa kanyang anak. At ang Diyos ay pinanatili ang siyamnapu't siyam na bahagi ng awa para maging maawin sa Kanyang mga alipin sa Araw ng muling Pagkabuhay muli.”[4]



Mga talababa:

[1] Saheeh Muslim

[2] Ibid

[3] Ibid

[4] Ibid

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

Lista ng mga Artikulo

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong history ay walang laman.

View Desktop Version