您所请求的文章/视频尚不存在。

The article/video you have requested doesn't exist yet.

あなたが要求した記事/ビデオはまだ存在していません。

The article/video you have requested doesn't exist yet.

L'articolo / video che hai richiesto non esiste ancora.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

요청한 문서 / 비디오는 아직 존재하지 않습니다.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

המאמר / הסרטון שביקשת אינו קיים עדיין.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

您所请求的文章/视频尚不存在。

The article/video you have requested doesn't exist yet.

L'articolo / video che hai richiesto non esiste ancora.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

요청한 문서 / 비디오는 아직 존재하지 않습니다.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

המאמר / הסרטון שביקשת אינו קיים עדיין.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

Mga Palatandaan ng Pagkapropeta sa Marangal na Buhay ng Propeta Muhammad (bahagi 1 ng 2): Naunang Buhay ng Propeta Muhammad (pbuh)

Marka:
Sukat ng Font:

Paglalarawan: Ang buhay ng Propeta Muhammad (pbuh) ay ginabayan ng Diyos at ito ay pinatotohanan kahit mula pa sa napakamurang gulang.

  • Ni  Aisha Stacey (© 2013 IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong  27 Jan 2020
  • Nag-print: 6
  • Tumingin: 1403 (karaniwan sa araw-araw: 3)
  • Marka: Hindi pa na markahan
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0

“Si Muhammad ay hindi ama ng sinuman sa inyong mga kalalakihan, nguni’t siya ay Sugo ng Diyos at panghuli sa lahat ng mga propeta. At ang Diyos ay lagi nang Maalam sa lahat ng bagay.” (Quran 33: 40)

SignsProphethood1.jpgKapag ang isang tao ay tinanggap ang Islam, pinatotohanan ang kanyang pananampalataya o nagdarasal ng alinman sa limang araw-araw na pagdarasal, sila rin ay pinagtitibay ang paniniwala kay Muhammad (pbuh) bilang propeta ng Diyos; ang panghuling propeta. Karagdagan pa rito mahigit na 1.5 bilyong mga tao sa buong mundo ay naniniwalang ang buhay ng Propeta Muhammad (pbuh) ay karapat-dapat na tularan at pagkuhanan ng inspirasyon. Gayunpaman maraming mga tao ang yumayakap sa Islam na hindi talaga nakikilala ang Propeta Muhammad (pbuh), nawa'y ang awa at pagpapala ng Diyos ay sumakanya. Marahil ang tangi lamang nilang nalalaman ay isinilang at nabuhay siya sa Kapuluan ng Arabya at tumanggap ng literal na salita ng Diyos sa anyo ng Quran. Sa mga susunod na dalawang artikulo ating matutunghayan ang marangal na buhay ng Propeta Muhammad (pbuh), matutunan siyang kilalanin at mahalin ng higit pa. Makakamit natin ito sa pamamagitan ng pagtanaw sa mga palatandaan ng Pagkapropeta sa kanyang marangal na buhay.

Sa Arabe ang salitang propeta (nabi) ay hango sa salitang naba na nangangahulugang balita. Kaya mapagtitibay natin na ang isang propeta ay ipinalalaganap ang balita ng Diyos at Kanyang mensahe, sila sa isang diwa ay embahador ng Diyos sa lupa. Ang kanilang misyon ay iparating ang mensahe na sambahin ang Isang Diyos. Kabilang dito, ang anyayahan ang mga tao sa Diyos, ipaliwanag ang mensahe, ihatid ang mga magagandang balita at mga babala at pamahalaan ang mga kapakanan ng nasyon. Ang lahat ng mga propeta ay sabik iparating ang mensahe ng Diyos ng tapat at ganap at kabilang dito ang huling propeta, na si Muhammad (pbuh). Sa kanyang huling sermon ang Propeta Muhammad (pbuh) ay nagtanong sa kongregasyon ng tatlong beses kung kanyang naiparating ang mensahe, at tumawag sa Diyos upang saksihan ang kanilang kasagutan, na kung saan ay isang masigabo na "oo!".

Bukod sa diwa ng kanilang pag-anyaya sa Isang Diyos, ang isa pang katanggap-tanggap na palatandaan ng pagkatotoo ng mga propeta ay kung paano nila ginugol ang kanilang mga buhay. Ang mga kasaysayan ng buhay ng Propeta Muhammad (pbuh) na minana natin mula sa ating matutuwid na mga sinundan ay naglalarawan na ang pagkapropeta ni Muhammad (pbuh) ay ginabayan ng Diyos mula pa sa umpisa. Matagal bago pa man, ang propeta Muhammad (pbuh) ay inihanda na upang gabayan ang sangkatauhan sa tuwid na landas at ang kanyang mga karanasan sa buhay ay naglagay sa kanya sa mabuting katayuan para sa ganitong mabigat na misyon. Pagkatapos sa gulang na 40 nang ang pagkapropeta ay ipinagkaloob sa kanya, ang Diyos ay patuloy na tumulong at pinatibay ang kanyang misyon. Anumang kasaysayan sa buhay ni Muhammad (pbuh) ay puno ng mga halimbawa ng kanyang huwarang pagkatao; siya ay maawain, mahabagin, matapat, matapang, at mapagbigay, habang nagsusumikap lamang para sa mga gantimpala ng Kabilang Buhay. Ang paraan ng pakikitungo ng Propeta Muhammad (pbuh) sa kanyang mga kasamahan, kakilala, kaaway, hayop at maging sa walang buhay na mga bagay ay walang alinlangan na siya ay laging mapag-alala sa Diyos. 

Ang kapanganakan ni Muhammad (pbuh) ay sinamahan ng maraming tinatawag na mga mahimalang kaganapan at ang usapin sa mga pambihirang kaganapan ay walang alinlangang gumaganap bilang mga palatandaan ng pagkapropeta, gayunpaman dapat tayong mag-ingat sa paniniwala nang walang pangingimi sa mga pambihirang pangyayaring yaon. Hindi lahat ng mga kaganapan ay tinatanggap ng lahat ng mga mananalambuhay at mananalaysay ng Islamikong kasaysayan kaya bagama't ipinapahiwatig nito ang isang pambihirang pasimula at isang buhay na nakatakdang gabayan ng Diyos, maaaring ang mga ito ay nagagayakan o lumalabis.

Natatangi subalit hindi kakaibang mga pangyayari ang bumabalot sa pagkabata ng Propeta Muhammad (pbuh) at ang mga ito ay walang alinlangan na mayroong kinalaman sa kanyang pagkatao. Nang sinapit niya ang walong taong gulang siya ay nagdusa sa pagpanaw ng kapwa kanyang mga magulang at kanyang pinakamamahal na lolo na si Abdul Muttalib. Siya ay naiwan sa pangangalaga ng kanyang tiyuhin at masugid na tagapagtaguyod na si Abu Talib. Kaya kahit sa pagkabata pa lamang ay nakaranas na siya ng matinding emosyonal at pisikal na kaguluhan. Ang kapwa maraming mga mananalaysay sa buhay ni Muhammad (pbuh) at ang Quran ay kinikilala ang kanyang masalimuot na  buhay.

Hindi ba't natagpuan ka Niya (O Muhammad) na isang ulila at binigyan ka ng kanlungan? (Quran 93:6)

Ang tiyuhin ni Muhammad na si Abu Talib ay maralita at naghihikahos upang mapakain ang kanyang pamilya, kaya sa kanyang kabataan si Muhammad (pbuh) ay nanilbihan bilang pastol. Mula sa tungkuling ito ay natutunan niyang tanggapin ang pag-iisa at nabuo ang mga katangian tulad ng pagtitiis, pag-iingat, pangangalaga, pamumuno at isang kakayahang makaramdam ng panganib. Pagiging pastol ang isang tungkulin na ang lahat ng mga propeta ng Diyos ay  nakilala natin at lahat sila may pagkakapareho. '... Ang mga kasamahan ay nagtanong, "Ikaw ba ay naging isang pastol?" Siya ay sumagot, "Walang propeta na hindi naging isang pastol." [1]

Sa kanyang pagbibinata si Muhammad (pbuh) ay minsang nakakapaglakbay kasama si Abu Talib, kasama sa mga karwaan sa mga sentro ng kalakalan. Sa isang pagkakataon, sinasabing siya ay nakapaglakbay sa kalayuan ng hilagang Syria. Ang mga matatandang mangangalakal ay nakilala ang kanyang pagkatao at binansagan siyang Al-Amin, ang isang mapagkakatiwalaan. Maging sa kanyang kabataan siya ay kilala bilang matapat at mapagkakatiwalaan. May isang kasaysayang tinatanggap ng karamihan ng mga Islamikong pantas at mananalaysay at ito ay ang isa sa mga paglalakbay ng Propeta Muhammad (pbuh) sa Syria.

Ang kasaysayan ay nagsasabi  na ang monghe na si Bahira ay hinulaan ang pagdating ng Propeta at pinayuhan si Abu Talib na "bantayan nang mabuti ang kanyang pamangkin". Ayon sa mananalambuhay na si Ibn Ishaq, habang ang karwaan kung saan ang Propeta Muhammad (pbuh) ay naglalakbay ay narating ang gilid ng bayan, si Bahira ay nakakakita ng isang ulap na lumilitaw na tumatabing at sumusunod sa isang binata. Nang ang karwaan ay tumigil sa ilalim ng lilim ng ilang mga puno, si Bahira ay "tiningnan ang ulap nang tinakpan nito ang puno, at ang mga sanga nito ay bumaluktot at lumaylay sa apostol ng Diyos hanggang sa siya ay napasa anino sa ilalim nito." Matapos itong masaksihan ni Bahira ay pinagmasdan niya nang mabuti si Muhammad (pbuh) at tinanong siya ng maraming mga katanungan hinggil sa ilang mga propesiyang Kristiyanong kanyang nabasa at narinig tungkol dito.

Ang batang si Muhammad (pbuh) ay nakilala sa pagitan ng kanyang mga mamamayan dahil sa kanyang kahinhinan, mabuting pag-uugali at kagandahang asal, kaya hindi na nakakagulat para sa kanyang mga kasamahan na makita siya, mula pa ng kanyang kabataan maraming mga taon bago ang pagkapropeta, ay umiiwas na siya sa mga nakasanayang pamahiin at umiiwas din sa pag-inom ng alkohol, pagkain ng karne na kinatay para sa mga altar na bato o dumalo sa mga idolotriyang kapistahan. Nang umabot na siya sa ganap na gulang si Muhammad (pbuh) ay itinuturing bilang pinaka-maaasahan at mapagkakatiwalaang kasapi ng pamayanan ng taga-Makkah. Maging ang mga nasangkot ang kanilang mga sarili sa mga maliit na pantribong bangayan ay kinikilala ang katapatan at integridad ni Muhammad (pbuh).

Ang mga kabaitan at mabuting asal ni Muhammad (pbuh) ay matibay na mula pa noong murang gulang pa lamang, at ang Diyos ay patuloy na tinulungan at ginabayan siya. Nang siya ay nasa 40 taong gulang na si Muhammad (pbuh) ay pinagkalooban ng kapamaraanan upang baguhin ang mundo, ang kapamaraanan na kapaki-pakinabang para sa buong sangkatauhan.

Sa susunod na artikulo ay ating tatalakayin kung paano nagbago ang buhay ni Muhammad (pbuh) at pagpasyahan na hindi makatarungan o makatwiran  na sabihin o paniwalaan ang mga nagsasabi na siya ay bulaang propeta. Hindi niya inangkin ang pagiging propeta para makamit ang pagiging komportable, kayamanan, kadakilaan, kaluwalhatian at kapangyarihan.




Mga talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari

 

 

Mga Palatandaan ng Pagkapropeta sa Marangal na Buhay ng Propeta Muhammad (bahagi 2 ng 2): Pagkatapos ng Pagkapropeta

Marka:
Sukat ng Font:

Paglalarawan: Ang buhay ng Propeta Muhammad (pbuh) ay lubusang nagbago matapos na magsimula ang mga kapahayagan. Kung paano siya naakma ay isa sa mga pinakamalinaw na mga palatandaan ng Pagkapropeta.

  • Ni  Aisha Stacey (© 2013 IslamReligion.com)
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong  28 Jul 2013
  • Nag-print: 4
  • Tumingin: 1275 (karaniwan sa araw-araw: 3)
  • Marka: Hindi pa na markahan
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0

SignsProphethood2.jpg  Sa gulang na 40, ang Propeta Muhammad (pbuh) ay isa nang matatag na mangangalakal at pamilyadong tao na naglalaan ng mga panahon sa pagmumuni-muni at pagbubulay-bulay. Siya ay isang kagalang-galang na mamamayan ng Makkah at ang mga tao ay nakasanayan nang lumapit sa kanya upang ayusin ang mga hindi pagkakaunawaan, para sa payo at pangalagaan ang kanilang mga mahahalagang ari-arian. Gayunpaman ang lahat ng mga ito ay magbabago sapagkat habang nasa isa sa kanyang mga panahon ng pag-iisa at pagmumuni-muni siya ay dinalaw ng anghel na si Gabriel at ang mga talata ng Quran ay nagsimulang ipahayag sa kanya. Ang kanyang misyon ay nagsimula na; ang kanyang buhay ay hindi na kanyang pagmamay-ari - ito ay nakatalaga na ngayon sa pagpapalaganap ng salita ng Islam.

Marahil ngayon ang ilan sa mga kaganapan sa kanyang buhay ay nagsimula nang magkaroon ng kahulugan. Marahil ay nakikita na niya na ang Diyos ang nagplano ng mga bagay para sa kanya, dahil kung pagbabalik-tanaw ay makikita natin na ang mga palatandaan ng Pagkapropeta ay nakita sa maraming aspeto at sitwasyon sa buong buhay ng Propeta Muhammad (pbuh). Bago ang kanyang misyon ang buhay ni Muhammad (pbuh) ay medyo may kagaangan. Siya ay nagkaroon ng isang mabuti at maligayang pag-aasawa, mga anak, walang pag-aalala sa pananalapi at walang alinlangan na napapalibutan ng mga kaibigan at pamilya na nagmamahal at gumagalang sa kanya.

Ang pagpapahayag ng kanyang Pagkapropeta nang lumaon ay nagdala sa kanya sa karalitaan, isang tinaboy sa lipunan at ang kanyang buhay ay pinagbantaan nang higit pa sa isang pagkakataon. Ang kadakilaan, kapangyarihan, kayamanan at kaluwalhatian ang pinakamalayong mga bagay mula sa kanyang isipan. Sa katunayan ay mayroon na siyang ganitong mga bagay, kahit pa man sa isang maliit na sukat. Wala siyang anumang mahihita mula sa pagpapahayag ng Pagkapropeta at misyon na hindi totoo. Ang Propeta Muhammad (pbuh), ang kanyang pamilya at ang kanyang mga tagasunod ay kinutya, inalipusta at pisikal na sinaktan, ang kanyang pamumuhay ay lubusang nagbago sa pinakamalala. 

Ang isa sa mga kasamahan ni Muhammad (pbuh), ay nagsabi,  "Ang Propeta ng Diyos ay hindi nakakita ng tinapay na gawa sa pinong harina mula sa sandaling ipinadala siya ng Diyos (bilang isang propeta) hanggang sa siya ay namatay." [1] Ang isa pa ay nagpahayag na “Nang namatay ang propeta, hindi siya nakapag-iwan ng alinman sa salapi o ng kahit ano maliban sa kanyang puting sinasakyang asno, kanyang baluti, at kapirasong lupa na kanyang iniwan sa kawanggawa" [2].

Bago siya namatay ang Propeta Muhammad (pbuh) ay naging pinuno ng isang emperyo, na may pahintulot sa isang pambansang pananalapi ngunit siya ay namuhay nang payak, na nababahala lamang sa pagganap ng kanyang misyon at pagsamba sa Diyos. Sa kabila ng kanyang mga responsibilidad bilang isang Propeta, guro, estadista, heneral, hukom at tagapamagitan, si Muhammad (pbuh) ang mismong nanggagatas ng kanyang sariling mga kambing, nagsusulsi ng kanyang mga damit at sapatos, maging ang pagtulong sa pangkalahatang gawain sa sambahayan. [3] Ang buhay ng Propeta Muhammad (pbuh) ay isang bukod-tanging halimbawa ng pagpapakumbaba at kapayakan. Ang kanyang pananamit at pamumuhay ay hindi naiiba sa kanyang mga tagasunod. Kapag may sinumang dumating sa isang pagtitipon ay walang tungkol sa Propeta Muhammad (pbuh) ang nagbubukod sa kanya sa ibang mga kalalakihan sa pagtitipon.

Sa mga unang taon ng kanyang misyon, bago pa man nagkaroon ng isang katiting na posibilidad ng tagumpay, nakatanggap si Muhammad (pbuh) ng isang kaakit-akit na alok mula sa mga pinuno ng Makkah. Sa pag-aakalang maaaring gawa-gawa lamang ni Muhammad (pbuh) ang mga pag-aangking ito ng Pagkapropeta para sa pansariling kapakinabangan kaya may dumating na isang kinatawan at sinabi "... Kung nais mo ng salapi, mangangalap kami ng sapat na salapi para sa iyo upang ikaw ay maging pinakamayaman sa amin. Kung nais mo ang pamumuno, gagawin ka namin bilang aming pinuno at hindi kailanman magpapasya sa anumang bagay nang wala ang iyong pagsang-ayon. Kung nais mo ang isang kaharian, amin kang kokoronahan bilang hari na mataas sa amin...". Para sa sinumang tao, sa anumang makasaysayang panahon ito ay maaaring maging isang napakahirap na alok upang tanggihan; gayunpaman si Muhammad (pbuh) ay walang pagnanais para sa pansariling pakinabang o pagkilala. Bagama't mayroon lamang isang kondisyon sa malaking alok na ito na sumalungat sa lahat ng pinananindigan ni Muhammad (pbuh) sa kasalukuyan. Inasahan ng mga pinunong taga-Makkah na isusuko niya ang kanyang pag-aanyaya sa Islam at ititigil ang pagsamba sa Isang Diyos lamang, nang walang katambal.[4]  Subalit ang Propeta Muhammad (pbuh) ay tahasang tinanggihan ang alok.

Sa isa pang pangyayari ang tiyuhin ni Muhammad (pbuh) na si Abu Talib ay natakot para sa buhay ng kanyang pamangkin at hiniling sa kanya na ihinto ang pag-anyaya sa mga tao sa Islam. Muli ang sagot ni Muhammad (pbuh) ay isang napagpasyahan at taos sa puso, sinabi niya, "Sumusumpa ako sa ngalan ng Diyos, O aking tiyuhin!, na kung ilalagay nila ang araw sa aking kanang kamay at ang buwan sa aking kaliwang kamay bilang kapalit ng pagtalikod sa bagay na ito (pag-anyaya sa mga tao sa Islam), hindi ako kailanman titigil hanggang ang Diyos alinman ay gawin itong matagumpay o ako ay mapahamak sa pagtatanggol nito.”[5]

Maraming mga paraan ang ginawa ng mga di-naniniwalang mga tao sa Makkah upang dumihan ang katauhan ni Muhammad (pbuh) at maliitin ang mensahe na tinatangka niyang ipalaganap. Sila ay partikular na walang awa kapag hinahamak ang Quran mismo. Iginiit nila nang lubos na ang Quran ay hindi banal na ipinahayag ng Diyos at si Muhammad (pbuh) ang nagsulat nito mismo. Ginawa ito upang dismayahin ang mga tao mula sa pagsunod kay Muhammad (pbuh) o paniwalaan ang kanyang pag-aangking isang Propeta ng Diyos. Ang Propeta Muhammad (pbuh) ay hindi isinulat ang Quran. Siya ay isang hindi nakapag-aral na tao, ganap na hindi nakababasa o nakasusulat. Hindi niya alam o kahit na hulaan man lang ang ilan sa mga siyentipikong katotohanan na binabanggit ng Quran nang madali at madalas.  

Bilang karagdagan sa mga ito ay may katuturang sabihing kung ang Quran ay isinulat ni Muhammad (pbuh) ay dapat na pinuri at binanggit niya ang kanyang sarili nang nakahihigit pa. Ang Quran sa katunayan ay binanggit kapwa sina Propeta Hesus at Moises nang mas maraming beses ang mga pangalan kaysa sa binanggit nito ang kay Propeta Muhammad (pbuh). Ang Quran ay pinangangaralan at itinatama ang Propeta Muhammad (pbuh). Maari bang ang isang huwad na propeta ay suungin ang panganib na gawin ang kanyang sarili na magmukhang isang tao na maaaring magkamali?

Si Propeta Muhammad (pbuh) ay isang hindi nakapag-aral na Arabong mangangalakal. Ang kanyang buhay ay maaaring naging hindi kapansin-pansin maliban na sa simula pa lang ang kanyang buhay ay nakalaan na sa paglilingkod sa Diyos, inihahanda siya para sa Pagkapropeta at inihahanda siya na gabayan ang buong sangkatauhan sa isang bagong panahon ng relihiyosong paglago. Sa paglaki ni Muhammad (pbuh), siya ay naging kilala bilang makatotohanan, matapat, mapagkakatiwalaan, mapagbigay, at taos ang puso. Nakilala rin siya sa pagiging napaka-espiritwal at matagal na kinamumuhian ang labis na pagkabulok at idolatriya ng kanyang lipunan.

 Kung titingnan natin ang buhay ng Propeta Muhammad (pbuh) mula sa agwat ng panahon makikita natin nang malinaw na ang kanyang buhay ay nakalaan na sa paglilingkod sa Diyos, ang kanyang nag-iisang layunin ay upang maihatid ang mensahe. Ang mabigat na mensahe ay nakasalalay at nakaatang sa kanyang mga balikat at kahit na sa kanyang huling sermon siya ay nababahala at hiniling sa mga tao na magpatotoo na naihatid niya ang mensahe ng Diyos. Kung ninais ni Muhammad (pbuh) ang kapangyarihan o katanyagan ay tinanggap niya sana ang alok na maging pinuno ng Makkah. Kung naghahanap siya ng kayamanan ay hindi sana siya nagkaroon ng payak na pamumuhay, namatay na walang halos anumang mga pag-aari, hindi katulad ng ibang makapangyarihang pinuno ng isang emperyo. Ang pagka-payak ng buhay ng Propeta Muhammad (pbuh) at ang kanyang walang tigil na hangaring maipalaganap ang mensahe ng Islam ay ang mga matibay na palatandaan ng pagiging totoo ng kanyang pag-angkin sa Pagkapropeta.



Mga talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari

[2] Ibid

[3] Saheeh Al-Bukhari, Imam Ahmad.

[4] Al-Serah Al-Nabaweyyah, Ibn Hisham, vol.  1.

[5] Ibid.

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

Lista ng mga Artikulo

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong history ay walang laman.

View Desktop Version