Статьи / видео вы запросили еще не существует.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

您所请求的文章/视频尚不存在。

The article/video you have requested doesn't exist yet.

あなたが要求した記事/ビデオはまだ存在していません。

The article/video you have requested doesn't exist yet.

L'articolo / video che hai richiesto non esiste ancora.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

요청한 문서 / 비디오는 아직 존재하지 않습니다.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

המאמר / הסרטון שביקשת אינו קיים עדיין.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

Статьи / видео вы запросили еще не существует.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

您所请求的文章/视频尚不存在。

The article/video you have requested doesn't exist yet.

L'articolo / video che hai richiesto non esiste ancora.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

요청한 문서 / 비디오는 아직 존재하지 않습니다.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

המאמר / הסרטון שביקשת אינו קיים עדיין.

The article/video you have requested doesn't exist yet.

Si Raphael Narbaez, Jr., Ministro ng Saksi ni Jehovah, Estados Unidos (bahagi 1 ng 2)

Marka:
Sukat ng Font:

Paglalarawan: Isang tagapangunang ministro at komedyante na nawalan ng gana sa kanyang pananampalataya.

  • Ni  Raphael Narbaez, Jr.
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong  06 Mar 2006
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 1796 (karaniwan sa araw-araw: 2)
  • Marka: Hindi pa na markahan
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0

Si Raphael ay isang apatnapu't dalawang taong gulang na Latino, na nakabase sa Los Angeles bilang komedyante at tagapagturo. Ipinanganak siya sa Texas kung saan kanyang unang nasaksihan ang pagpupulong ng Saksi ni Jehovah sa murang edad na anim na taong gulang. Nagbigay siya ng kanyang unang sermon sa bibliya [ng maaga sa edad na labing tatlo], sa edad na dalawampu ay pinamahalaan na ang kanyang sariling kongregasyon, at papunta na sa posisyon ng pagiging pinuno ng 904,000 na mga Saksi ni Jehova sa Estados Unidos. Ngunit ipinagpalit niya ang kanyang Bibliya para sa Quran matapos na maglakas-loob na bumisita sa isang lokal na moske.

      Noong November 1, 1991, niyakap niya ang Islam, at dinala sa pamayanan ng mga Muslim ang mga kasanayan sa pag organisa at pagsasalita na napaghusay niya kasama ng mga Saksi ni Jehova. Nagbigay siya ng pahayag bilang isang bagong balik loob, Isa na nakapagpatawa sa mga migranteng Muslim sa kanilang sarili.

      Ikwenento niya ang kanyang mga kuwento na ginagaya ang papel ng mga tauhan (sa kwento).

       Malinaw kong naaalala sa isang talakayan kung saan kaming lahat ay nakaupo sa sala ng aking mga magulang at may ilang mga Saksi ni Jehova doon. Pinag-uusapan nila ang: "Armageddon! Ang oras ng katapusan! At darating si Kristo! At alam mo ang mga tipak ng yelo ay magiging kasing laki ng mga sasakyan! Gagamitin ng Diyos ang lahat ng uri ng mga bagay upang sirain itong masamang sistema at alisin ang mga pamahalaan! At binanggit ng Bibliya ang pagbuka ng kalupaan! Lalamunin nito ang buong lungsod!"

       Takot na takot ako! At pagkatapos ay lumingon ang aking ina: "Tingnan mo kung ano ang mangyayari sa iyo kung hindi ka magpapabinyag, at kung hindi mo gagawin ang kalooban ng Diyos? Lalamunin ka ng lupa, o tatamaan ka ng isa sa mga malalaking tipak ng yelo sa ulo [tunog ng tinamaan], patutumbahin ka, at mawawala kana ng tuluyan. Kakailanganin kong gumawa o magkaroon ng isa pang anak.

       Hindi ako magbabaka sakali na matamaan ng isa sa mga malalaking tipak ng yelo. Kaya nagpabinyag ako. At syempre hindi naniniwala ang mga Saksi ni Jehova sa pagwiwisik lang ng tubig. Ilulubog ka nila nang lubusan, ilulublob ka sa loob ng isang segundo, at pagkatapos ay iaahon ka.

       Ginawa ko ito noong ako ay labing tatlong taong gulang, September 7, 1963, sa Pasadena, California, sa Rose Bowl. Isa itong malaking internasyonal na pagpupulong. Mayroon kaming 100,000 katao. Bumiyahe kaming lahat mula sa Lubbock, Texas.

       Kalaunan ay nagsimula akong magbigay ng mas malaking pagpapahayag - sampung minuto sa harap ng kongregasyon. Inirekomenda ng isang sirkitong lingkod na ibigay sa akin ang isang oras na pagpapahayag na ginagawa tuwing Linggo kapag inaanyayahan nila ang pangkalahatang publiko. Karaniwan nilang inilalaan ang mga ito [sermon] para sa mga matatanda sa kongregasyon.

       [Sa isang boses na matikas:] “Tunay na bata lang siya. Ngunit kaya niya ito. Siya ay mabuting Kristiyanong bata. Wala siyang mga bisyo, at siya ay masunurin sa kanyang mga magulang at tila may malawak na kaalaman sa Bibliya.”

       Kaya sa edad na labing-anim ay sinimulan ko nang magbigay ng isang oras na pagpapahayag sa harap ng buong kongregasyon. Una akong naatasan sa isang pangkat sa Sweetwater, Texas, at pagkatapos, sa kalaunan, nakuha ko ang aking unang kongregasyon sa Brownfield, Texas. At sa edad na dalawampung taong gulang, ako ay naging isang tagapangunang ministro (pioneer minister) sa katawagan nila.

       Ang mga Saksi ni Jehova ay may napaka sopistikadong programa sa pagsasanay, at mayroon din silang takda o quota na sistema. Kailangan mong maglaan ng sampu hanggang labindalawang oras sa isang buwan sa pangangaral sa bahay-bahay. Ito ay tulad ng pamamahala sa pagbebenta. Walang sinabi ang taga IBM sa mga taong ito.

       Kaya nang ako ay naging tagapangunang ministro, ginugol ko ang aking buong oras sa paggawa nito. Kailangan kong gumawa ng 100 oras sa isang buwan, at kailangan kong magkaroon ng pitong pag-aaral sa Bibliya. Nagsimula akong magbigay ng pagpapahayag sa ibang mga kongregasyon. Nagsimulang dumami ang aking responsibilidad, at natanggap ako sa isang paaralan sa Brooklyn, New York, isang pinakamahusay na paaralan na mayroon ang mga Saksi ni Jehova para sa pinakamahusay sa mahuhusay, ang nasa taas na isang porsyento. Ngunit hindi ako pumunta.

       May ilang mga bagay na hindi na naging makabuluhan para sa akin. Halimbawa ay, ang sistema ng quota. Tila baga pag ninais kong lumiko o makarating sa ibang posisyon ng responsibilidad, kailangan kong gawin ang mga sekular na materyal na bagay na ito upang patunayan ang aking kabanalan. Para bagang kapag nakamit mo ang iyong mga quota sa buwang ito, mahal ka ng Diyos. At kung hindi mo matugunan ang iyong mga quota sa susunod na buwan, hindi ka mahal ng Diyos. Ito ay di gaanong makatuturan. Sa isang buwan mahal ako ng Diyos at sa susunod na buwan ay hindi na?

       Binabatikos namin ang Simbahang Katoliko sapagkat mayroon silang isang tao, isang pari, na dapat nilang pangumpisalan. At sasabihin namin, "Hindi ka dapat pumunta sa isang tao upang ikumpisal ang iyong mga kasalanan! Ang iyong kasalanan ay laban sa Diyos!” Subalit pumupunta kami sa isang Grupo ng mga Matatanda. Ipagtatapat mo sa kanila ang iyong mga kasalanan, at patitigilin ka nila, at sasabihin [ng isang matandang tagahawak ng telepono:] "sandali lang... Ano sa palagay mo, Panginoon? Hindi? ... Okey, pasensya kana, ginawa namin ang lahat subalit hindi ka ganap na nagsisisi. Ang iyong kasalanan ay napakalaki, kaya maaring mawala ang iyong samahan sa simbahan o dadaan ka sa pagsubok.”

       Kung ang kasalanan ay laban sa Diyos, hindi ba dapat na ako ay direktang lumapit sa Diyos at humingi ng awa?

       Marahil ang huling pako sa ataul o nagtulak talaga sa akin ay noong napansin kong pakonti ng pakonti ang pagbabasa ng Bibliya. Ang mga Saksi ni Jehova ay may mga aklat para sa lahat na ipinamamahagi ng Watchtower Bible at Tract Society. Ang tanging mga tao sa buong planeta na nakakaalam kung paano ipakahulugan ng tama ang Banal na Kasulatan ay ang pangkat ng mga kalalakihang iyon, ang lupon na iyon sa Brooklyn, na nagsasabi sa mga Saksi ni Jehova sa buong mundo kung paano magbihis, kung paano makipag-usap, kung ano ang sasabihin, kung ano ang hindi sasabihin, kung paano isabuhay ang Banal na Kasulatan at kung ano ang magiging hinaharap. Sinabi sa kanila ng Diyos, kaya maaari nilang sabihin sa amin. Pinahahalagahan ko ang mga librong ito. Ngunit kung ang Bibliya ay aklat ng kaalaman, at kung ito ay mga tagubilin ng Diyos, kung gayon, hindi bat makukuha natin ang mga sagot mula sa Bibliya? Si Pablo mismo ang nagsabi na tuklasin mo mismo kung ano ang totoo at katanggap-tanggap na salita ng Diyos. Huwag hayaan ang mga lalaki na kilitiin ang iyong mga tainga.

       Sinimulan kong sabihin, "Huwag niyong alalahanin masyado ang tungkol sa sinasabi ng taga Watchtower - basahin mismo ang Bibliya para sa iyong sarili." Nagsimula silang makinig ng may pananabik.

      [Ang Matatandang taga timog ay nagsalita ng malumanay :] “Sa tingin ko mayroon tayong taong tumalikod dito, Husgahan. Oo. Sa palagay ko, itong batang ito ay kinulang ang kaisipan.”

      Kahit ang aking ama ay nagsabi, “Pag-isipan mong mabuti yan, binata, iyan ay mga demonyo na bumubulong diyan. Iyan ang mga demonyong nagsisikap na makapasok at maging sanhi ng paghihiwa-hiwalay..”

       Sinabi ko, “Ama, hindi ito ang mga demonyo. Hindi na kailangang basahin ng mga tao ang marami sa kanilang mga inilathala. Mahahanap nila ang mga kasagutan sa pamamagitan ng panalangin at sa Bibliya.”

       Sa espiritwal na aspeto ay hindi na ako nakakaramdam ng kapanatagan. Kaya noong 1979, alam kong hindi ako makaka-usad kaya umalis akong, naiinis at masama ang loob baon ang di magandang mga alaala, sapagkat buong buhay ko ay inilaan ko ang aking kaluluwa, puso, at isipan sa simbahan. Iyon ang problema. Hindi ko ito inilaan sa Diyos. Inilaan ko ito sa isang organisasyong gawa ng tao.

       Hindi ako makakalipat sa ibang mga relihiyon. Bilang Saksi ni Jehova, sinanay ako sa pamamagitan ng Kasulatan, na ipakita na silang lahat ay mali. Na ang pagtatambal ay masama. Na hindi umiiral ang Trinidad.

        Ako ay tulad ng isang tao na walang relihiyon. Hindi ako isang tao na walang Diyos. Ngunit saan ako maaring pumunta?

       Noong 1985, napagpasyahan kong magtungo sa Los Angeles at makasama sa palabas ni Johnny Carson upang makilala bilang isang mahusay na komedyante at artista. Palagi kong naramdaman na ipinanganak ako para sa isang bagay. Hindi ko alam kung ito ba ay ang pagtuklas ng gamot para sa sakit na kanser o ang pagiging artista. Patuloy akong nagdarasal at nainis sa kalaunan.

       Kaya pumunta nalang ako sa Simbahang Katoliko na malapit sa aking bahay, at sinubukan ko ito. Naaalala ko noong Miyerkules Santo, mayroon akong krus na mula sa abo sa aking noo. Sinusubukan ko ang anumang makakaya ko. Nagpunta ako ng halos dalawa o tatlong buwan, at hindi ko na ito magagawa pa. Ganito yon:

      Tayo. Upo.

      Tayo. Upo.

      Sige, ilabas ang iyong dila.

      Makakakuha ka ng maraming ehersisyo. Sa palagay ko nga nawalan ako ng limang pounds. Ngunit ganon lamang iyon. Kaya ngayon ay mas naligaw pa ako kaysa dati

 Ngunit hindi sumagi sa isip ko na walang Tagapaglikha. Mayroon akong numero ng Kanyang telepono, ngunit laging abala ang linya. Ginagawa ko ang maliliit na mga kuha para sa pelikula. Isang pelikulang may pamagat na Deadly Intent. Isang komersyal para sa telepono sa Chicago. Isang komersyal ng Exxon. Isang pares ng mga komersyal sa bangko. Sa kabilang banda ay nagtatrabaho ako sa konstruksyon pansamantala.

 

 

Si Raphael Narbaez, Jr., Ministro ng Saksi ni Jehovah, Estados Unidos (bahagi 2 ng 2)

Marka:
Sukat ng Font:

Paglalarawan: Ang kanyang unang pakikisalamuha sa mga Muslim at sa pananampalataya, at sa wakas ang kanyang pagyakap sa Islam.

  • Ni  Raphael Narbaez, Jr.
  • Nailathala noong 24 Aug 2020
  • Huling binago noong  02 Feb 2006
  • Nag-print: 3
  • Tumingin: 1771 (karaniwan sa araw-araw: 2)
  • Marka: Hindi pa na markahan
  • Nag-marka: 0
  • Nag-email: 0
  • Nag-komento: 0

Nagtrabaho kami sa isang pamilihan. Panahon ng kapaskuhan, at naglagay sila ng mas madami pang puwesto. May isang babae sa isang puwesto, at kailangan naming dumaan sa harapan niya. Aking sinasabi sa kanya, “Magandang Umaga, kumusta ka?” Kung may sasabihin man siya, ito ay “Hi.” At iyon lamang.

Sa wakas, aking sinabi, “Binibini, hindi ka man lang nagsalita ng kahit ano. Nais ko lang humingi ng kapatawaran kung may nasabi man akong masama.”

Sabi niya, “Wala naman, kung mapapansin mo ako ay isang Muslim.”

“Ano ka?”

“Ako ay Muslim at ang mga babaeng Muslim ay hindi nakikipag-usap sa mga lalaki maliban kung mayroon kaming isang bagay na tiyak na pag-uusapan; kung hindi ay wala kaming pakialam sa mga kalalakihan."

“Ohhhhh.  Muslim.”

Sabi niya, “Oo, ang relihiyong Islam ang aming isinasabuhay.”

“Islam - Paano mo ibaybay iyan?”

“I-s-l-a-m.”

Sa oras na iyon, ang pagkaka-alam ko sa mga Muslim ay mga terorista. Wala rin siyang balbas. Paano siya magiging Muslim?

“Paano nagsimula ang relihiyong ito?”

“May isang propeta.”

“Propeta?”

“Muhammad, sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Nag-iisang Diyos.”

Nagsimula akong magsaliksik.  Ngunit kagagaling ko lang sa isang relihiyon. Wala akong intensyon na maging Muslim.

Tapos na ang panahon ng pagdiriwang. Inalis na ang mga puwesto. Wala na rin siya.

Ipinagpatuloy kong magdasal, at tinanong ko kung bakit hindi nasasagot ang aking mga dalangin.  Noong Nobyembre ng 1991, iuuwi ko sa bahay ang tiyuhin kong si Rockie mula sa ospital. Sinimulan kong alisan ang laman ng kanyang mga kabinet upang i-empake ang kanyang mga gamit at mayroon doong isang Bibliya na Gideon.  Sanabi ko sa aking sarili, sinagot na ng Diyos ang aking mga panalangin. Ang Bibliya na Gideon. (Siyempre, inilalagay nila ito sa bawat silid ng hotel.) Ito ay isang senyales mula sa Diyos na handa siyang gabayan ako. Kaya't ninakaw ko ang Bibliya.

Umuwi ako at nagsimulang manalangin: O Panginoon, turuan mo ako na maging Kristiyano.  Huwag sa pamamaraan ng Saksi ni Jehovah.  Huwag mo akong turuan sa Katolikong pamamaraan.  Turuan mo ako sa Iyong pamamaraan! Hindi Niyo sana ginawang mahirap ang Bibliya na ito na ang mga ordinaryong tao na taimtim sa pagdarasal ay hindi makainitindi nito.

Natapos ko ang Bagong Tipan. Sinimulan ko ang Lumang Tipan. Sa wakas, narating ko ang bahagi sa Bibliya patungkol sa mga propeta.

Bing!

Sinabi ko, teka lang, sinabi ng babaeng Muslim na mayroon silang isang propeta. Bakit wala siya dito?

Nagsimula akong mag-isip, mga Muslim - isang bilyon sila sa mundo. Isa sa limang tao sa kalsada ang posibleng Muslim. At naisip ko: Isang bilyong tao! Ngayon, magaling si Satanas. Ngunit hindi siya ganoon kagaling.

Kaya't sinabi ko, babasahin ko ang kanilang libro, ang Quran, at makikita ko kung anong uri ng mga kasinungalingan ang nilalaman ng bagay na ito. Marahil ay mayroon ditong paglalarawan kung paano paghiwalayin ang mga parte ng AK-47. Kaya nagpunta ako sa isang tindahan ng libro ng Arabe.

Tinanong nila, "Ano ang maitutulong ko sa iyo?”

“Naghahanap ako ng Quran.”

“Sige, mayroon kaming ilan dito.”

Mayroon silang ilang magaganda - tatlumpung dolyar, apatnapung dolyar.”

“Nais ko lamang basahin ito, ayaw kong maging isa sa inyo, okay?”

“Walang problema, mayroon kaming maliit na limang dolyar na paperback edition.”

Umuwi ako sa bahay, at nagsimulang basahin ang aking Quran mula sa simula, ang Al-Fatihah. At hindi ko maalis ang aking mga mata.

At tingnan mo ito. Pinag-uusapan dito ang patungkol kay Noah. Mayroon din si Noah sa aming Bibliya. Isa pa, lubos na pinag-uusapan dito sina Lot at Abraham. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam na ang pangalan ni Satanas ay Iblees.

      Kapag nilagay mo ang larawang iyon sa TV at mayroon itong kaunting static at pinindot mo ang pindutan na iyon [klop] - angkop. Iyon mismo ang nangyari sa Quran.

Inaral ko lahat. Kaya sinabi ko, Sige, nagawa ko na ito, ngayon ano ang susunod na dapat mong gawin? Kailangan mong pumunta sa kanilang lugar ng pagpupulong. Tumingin ako sa direktoryo, at sa wakas natagpuan ko ito: Tanggapan ng Islamiko ng Southern California, sa Vermont. Tumawag ako at sinabi nila, "Pumunta ka sa Biyernes."

      Ngayon nagsisimula na akong kabahan, 'dahil alam ko ngayon na kailangan kong harapin si Habib at ang kanyang AK-47.

Nais kong maunawaan kung paano para sa isang Amerikanong Kristiyano na pumapasok sa paksa Islam. Nagbibiro lamang ako sa AK-47, ngunit hindi ko alam kung ang mga taong ito ay may mga patalim sa ilalim ng kanilang mga roba, alam mo na.  Pumunta ako sa harapan, at sa katunayan nga, tumambad sa akin ang anim na talampakan at tatlong pulgada, 240-pounds na lalaki, may balbas at lahat, at ako naman ay manghang-mangha.

Lumapit ako at sinabi, "Mawalang galang na po."

[sa Arabikong punto:] “Magpunta ka sa likuran!”

Akala niya ako ay isa sa kanila.

Sinabi ko, sige po, sige po [nang banayad].

Hindi ko alam kung ano ang dadatnan ko sa likuran, ngunit nagpatuloy ako. Mayroon silang silong at nakalatag ang mga karpet. Nakatayo ako doon, medyo nahihiya, at nakaupo ang mga tao at nakikinig ng panayam.  At sinasabi ng mga tao, kapatid, maupo ka. Aalis na ako, salamat na lang, bumibisita lang ako.

Kaya sa wakas natapos ang panayam. Lahat sila ay luminya para sa dasal at nagpatirapa. Talagang nagulat ako.

Nagsimula itong magkaroon ng kabuluhan sa aking isipan, sa aking mga kalamnan, sa aking mga buto, sa aking puso at kaluluwa.

Natapos ang pagdarasal. Sinabi ko, sinong makakakilala sa akin? Kaya nagsimula akong makihalubilo sa kanila na parang isa ako sa kanila, at naglalakad ako papunta sa moske at sabi ng isang lalaki, “Assalaamu alaikum.” At akala ko, Sinabi ba niya na "asin at bacon"?

“Assalaamu alaikum.”

May isa pang lalaki na nagsabi ng "asin at bacon" sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi nila, ngunit ngumingiti silang lahat.

Bago pa mapansin ng isa sa kanila na hindi ako dapat naroroon at dalhin ako sa isang silid para pahirapan, o pugutan ako ng ulo, nais kong maraming makita hangga't maaari.  Kaya't sa huli ay nagtungo ako sa silid-aklatan, at mayroong isang batang lalaki na Ehipsiyano; ang kanyang pangalan ay Omar. Ipinadala siya ng Diyos sa akin.

Lumapit sa akin si Omar, at sinabi niya, "Paumanhin po. Ito po ba ang iyong unang pagkakataon dito? "Siya ay may malakas na accent.

At sinabi ko, Oo.

“Oh, mabuti. Ikaw ba ay isang muslim?”

“Hindi. Nagbabasa lamang ako ng kaunti”

“Oh, nag-aaral ka? Ito ang unang pagkakaton mong bumisita sa moske?”

“Oo.”

“Halika, hayaan mong iikot kita. "At hinawakan niya ako sa kamay, at naglalakad ako kasama ang isang lalaki na nakahawak-kamay. Sabi ko, palakaibigan pala ang mga Muslim na ito.

Inikot niya ako sa paligid.

“Una sa lahat, dito kami nagdarasal, at tinatanggal namin ang mga sapatos namin dito.”

“Ano ang mga ito?”

Ito ay maliit na cubicle. Doon mo ilalagay ang iyong sapatos.”

“Bakit?”

“Dahil papasok ka sa lugar ng pagdarasalan, at ito ay napaka banal. Hindi tayo pumapasok doon gamit ang ating sapatos; pinananatili itong malinis.”

At dinala niya ako sa silid na para sa mga kalalakihan.

“At dito, dito namin ginagawa ang wudoo.”

“Voodoo! Wala akong kahit na anong nabasang voodoo!”

“Hindi, hindi voodoo.  Wudoo!”

“Okay, dahil nakita ko iyon gamit ang mga manika at mga pin, at hindi pa ako handa para sa ganoong uri ng gawain.

Sinabi niya, "Hindi, wudoo, iyon ay paglilinis natin sa ating sarili.

“Bakit niyo ginagawa iyon?”

“Dahil kapag nananalangin ka sa Diyos, kailangan mong maging malinis, kaya hinuhugasan namin ang aming mga kamay at paa.”

      Kaya't natutunan ko ang lahat ng mga bagay na ito. Nagpaalam na ako at sinabi niya, "Bumalik ka ulit."

Bumalik ako at tinanong ang librarian para sa isang libro ng pagdarasal, at umuwi ako at nagsasanay. Pakiramdam ko na kung susubukan kong gawin ito ng tama ay tatanggapin ito ng Diyos. Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa at pagbabasa at pagbisita sa moske.

Mayroon akong pangako na pumunta sa isang tour sa Midwest sa isang circuit ng komedya.  Nagdala ako ng prayer mat. Alam kong dapat akong magdasal sa tiyak na mga oras, ngunit may ilang mga lugar na hindi puwedeng magdasal, isa na dito ay sa banyo. Pumasok ako sa isang silid para sa mga kalalakihan nang kami ay huminto at inilatag ko ang aking karpet at sinimulan kong gawin ang aking pagdarasal.

     Bumalik ako, at matapos ang Ramadan, nakatanggap ako ng mga tawag mula sa iba't ibang bahagi ng bansa upang pumunta at mangaral bilang isang ministro ng Saksi ni Jehova na yumakap sa Islam. Nakikita ako ng mga tao bilang inspirasyon.

Mga bahagi ng mga artikulo na ito

Tingnan ng sama-sama ang lahat ng mga bahagi

Magdagdag ng komento

Pinakamaraming Tumingin

Araw-araw
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Kabuuan
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinili ng Editor

Lista ng mga Artikulo

Simula ng iyong huling pagbisita
Ang listahang ito ay kasalukuyang walang laman.
Lahat sa pamamagitan ng petsa
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Pinaka Sikat

Pinakamataas ang marka
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-email
Pinakamaraming nag-print
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
Pinakamaraming nag-komento
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)
(Magbasa pa...)

Ang iyong mga paborito

Ang listahan ng iyong mga paborito ay walang laman. Maari kang magdagdag ng mga artikulo sa listahang ito gamit ang article tools.

Ang iyong History

Ang listahan ng iyong history ay walang laman.

View Desktop Version